Unang lingo palamang ng Septyembre ay nagsisimula ng lumamig ang simoy ng hangin. Ang bawat hampas ng hangin sa mga mayayabong na halaman sa gubat ay tila umaawit. Ang sinag ng araw na tila nagaaya ng mahahabang lakaran sa ilalim ng mga puno habang minamasdan ang pagsayaw ng mga dahon nito.
Sa maliit na bayan ng Huyenbi, magaganap ang tatlong bagay na itinakda ng panahon.
Magkikita ang magkapatid na sina Katleya at Mon sa kanilang sambahayanan makalipas ang sampung taon.
Isang dalaga na nagbabalak tumakas sa kanyang mahigpit na pamilya ay di inaasahang makakadiskubre ng isang lihim.
At isang estranghero ang mapapadpad sa bayan. Kung anong pakay niya ay walang nakakaalam.
Mga mundong magkrukrus ang landas dahil sa isang bagay na nais maibaon nalamang sa hukay...
Hey readers! I've been editing the plot since there are a lot of inconsistencies. Hope you understand. And I hope to finish this book by this year. Hopefully! Cheers~