Télécharger l’application
45% Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 9: Chapter 8

Chapitre 9: Chapter 8

Ella's Pov

Pagkaalis ni Gabriel ay pumasok na ako sa bahay. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Masaya ako at dumating sa buhay ko si Gabriel pero natatakot ako na mawala sya o  lokohin nya ako gaya ng ginawa ng ex boyfriend ko.

"Apo maupo ka dito sa tabi ko." sabi ni grandma. Kumpleto pa din sila sa sala. Parang may pinag uusapang importante na hindi ko pwedeng malaman kasi napansin ko na natigilan sila sa pagsasalita nang dumating ako. Umupo ako sa tabi ni grandma.

"Mukhang mabait ang kasintahan mo.  Maswerte ka at hindi na tayo mahihirapan na akuin nya ang responsibilidad nya." sabi ni grandpa.

"Buti nga tinanggap nya pa yang anak mo. Sigurado ka bang dun sa lalaking yun ang pinagbubuntis mo?"  nakangising tanong ni ate Karen.

"Oo nga parang hindi kapanipaniwalang magkakagusto sayo ang ganung lalaki. Gwapo siya samantalang ikaw ano?" sabi ni ate Monica.

"Tama! Ang chaka kaya ni Ella." natatawang sabi ni ate Karen.

"Monica! Karen! Ano ba kayong dalawa. Grabe kayo makapanglait. Maganda ba yang inaasal nyo?" saway ni grandma.

"Maganda nga, panget naman ugali." bulong ni kuya Oliver sakin. Gusto kong tumawa pero mas nananaig ang sakit ng mga panglalait nila sakin.

"Kayong dalawa Karen, Monica, kung manlalait lang kayo eh umalis na kayo sa harap namin. Hindi namin kayo kailangan dito. Isama mo na yang asawa mong manloloko." galit na sabi ni grandpa.

Umalis sina ate Karen, ate Monica at Mark. Napatingin ako kay Mama na nakatingin sakin. Halatang galit na galit sakin. Nakaramdam na naman ako ng takot. Bakit ba sila ganyan sakin, lagi na lang silang galit.

"Pa, hindi naman tama na paboran nyo yang apo nyo na yan. Nakagawa yan ng kasalanan, naglayas tapos nakipagtalik ng hindi pa kasal. Tapos magagalit kayo dun sa dalawa eh nagsasabi lang sila ng totoo." galit na sabi ni Mama.

"Nakita mo na pinagtatanggol mo pa yung dalawa. Kaya naman pala ang sasama ng ugali ng mga anak mo, may pagmamanahan." sabi ni grandma.

"Mama!" saway ni Papa kay grandma.

"Grandma, tama na po." awat ko. Natatakot ako kasi ako na naman pagbubuntunan ng pamilya ko.

Umalis sina Mama at Papa. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Kahit kailan ay hindi ako napagtanggol ng mga magulang ko sa mga kapatid ko. Hindi ko rin naranasang makalaro ang mga ate ko. Daig ko pa ang maysakit na nakakahawa para layuan nila ako at pandirihan. Ang sakit kasi ang tagal ko nang hinihintay na mahalin nila ako pero bakit hindi nila magawa. Nagulat ako ng yakapin ako ni kuya Oliver.

"Huwag ka na umiyak, bunso. Nandito naman kami nila grandma at grandpa. Mahal na mahal ka namin. Magkakaasawa ka na nga pero iyakin ka pa din." sabi ni kuya.

"May masama bang nangyayari sa kanya ng wala kami?" tanong ni grandpa. Nagkatinginan kami ni kuya.

"Wala po grandpa. Nagalit lang po sila sakin ngaun dahil naglayas at nabuntis po ako." sabi ko. Tumango lang sila grandpa at grandma. Tumingin ako kay kuya at umiling. Alam nya na iyon dahil matagal ko na siyang pinipigilang sabihin ang lahat kina grandpa. Malamang kasi mag aaway sila grandpa at papa.

"O siya sige na magpahinga na rin kayong dalawa. Para mamaya maghahapunan na tayo." sabi ni grandma.

Humalik kami ni kuya sa pisnge nila grandma at grandpa. Inihatid ako ni kuya sa kwarto ko.

"Ilock mo ang pinto at wag mong bubuksan hanggat hindi mo nalalaman kung sino. Ayokong saktan ka ng dalawang kapatid natin dahil baka mapaano ang baby mo. Naintindihan mo ba Ella?" sabi ni kuya.

"Oo kuya salamat at palagi kang nandyan para sa akin. Hayaan mo makakabawi din ako sa kabutihan mo sakin." sabi ko.

"Ano ka ba magkapatid tayo. Hindi ako nanghihingi ng kapalit. Mahal kita dahil kapatid kita at isa pa gusto ko ding alagaan ang pamangkin ko. Sabik na akong makita siya." masayang sabi ni kuya. Humalik siya aa pisnge ko at saka umalis.

Inilock ko agad ang pinto ng kwarto ko. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama. Naalala ko na may ibinigay pala saking cellphone si Gabriel. Nilagay ko ito sa ibabaw ng drawer ko sa gilid ng kama. Matutulog muna ako, mamaya pa naman kami kakain ng hapunan. Bumigat na ang talukap ng mata ko at unti unti akong nakatulog.

Nagising ako sa katok sa pinto. Tinignan ko ang orasan sa ibabaw ng drawer ko. Naku 7pm na pala. Bumangon ako at saka binuksan ang pinto.

"Mam Ella, kakain na daw po sabi ng lola nyo. Bumaba na daw kayo." sabi ng katulong namin.

"Sige po bababa na ako. Susunod na lang po ako." sabi ko.

Magsusuklay lang sana ako pero nakita ko na umiilaw ang cellphone na bigay ni Gabriel. Tinignan ko ito at nakita kong tumatawag si Gabriel.

"Hello, Gabriel." sagot ko.

"Hello Sweetie, salamat naman at sinagot mo. Kanina pa ako nag aalala sayo. Nandito na nga pala ako sa ospital. May tatapusin lang ako bago umuwi." sabi ni Gabriel.

"Nakatulog kasi ako. Kakagising ko lang para kumain ng hapunan. Sige mamaya na lang Gabriel, kasi naghihintay na sila grandma sa baba eh." paalam ko.

"Sige sweetie, kumain kayong maige ng baby natin. Bye." paalam ni Gabriel.

Pinatay ko ang tawag at saka bumaba. Naabutan ko silang lahat sa hapagkainan. Halatang galit na galit sila ate sa akin. Naupo ako sa tabi ni kuya Oliver.

"Kahit kelan talaga napakabagal. Hindi man lang marunong mag isip na may nag iintay sa kanya." sabi ni ate Monica.

"Manahimik ka Monica, magsikain na kayo." sabi ni Grandpa.

Habang kumakain kami ay nag uusap sina grandpa at papa at si kuya tungkol sa pulitika. Habang kami naman ay mga nakikinig lang sa kanila. Napansin ko na panay ang tingin ni Mark sakin na para bang may gustong sabihin. Nagtataka lang ako bakit kaya hindi sila bumukod at bakit sila nakikitira sa bahay ng mga magulang namin.

Natapos ang hapunan at lumabas muna ako para magpahangin. Pumunta ako sa garden at naupo sa bench.

"Huwag kang magpakasal Ella." nagulat ako ng magsalita ang kararating lang na si Mark.

"Anong ginagawa mo dito? Pwede ba Mark, lumayo layo ka sakin. Kapag nakita na naman ako ni ate Karen na kasama ka aakalain na naman nila na inaakit kita. Ayoko na ng gulo Mark." sabi ko.

"Ako na lang ulit Ella. Mahal pa din kita. Lumayo tayo para hindi nila tayo makita." sabi ni Mark.

"Tapos na tayo Mark, matagal na. Magkakaanak na ako at papakasalan ko ang ama ng anak ko. Kaya tumigil ka na." sabi ko.

Tumayo ako sa bench para umalis ngunit hinawakan ako ni Mark sa kamay. Aakma nya akong halikan ngunit naiwasan ko agad ito. Sinampal ko siya ng malakas.

"Dapat lang sayo na masampal, lalo na sa ginawa mo sakin at huwag ka nang mag ilusyon pa na mahal pa kita. Nakamove on na ako matagal na kaya pwede ba layuan mo na ako." sabi ko sa kanya.

"Pero Ella....." hindi ko na siya pinatapos dahil kung ano ano na naman ang sasabihin nya. Hahaba pa usapan at ayokong makita ako ng ate Karen ko. Malamang aawayin na naman ako nun.

"Matagal na tayong tapos Mark. Goodbye." sabi ko sabay alis. Kahit kailan ay hindi ko sila mapapatawad. Gusto kong magsimula kasama ng anak ko at ng ama nito. Iiwan ko lahat dito ang sakit na naranasan ko simula pagkabata.

"Ang galing nakuha mo pang makipaglandian sa asawa ko." sabi ni ate Karen.

"Naku patay na!"


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C9
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous