Madilim....
Nagising ang sampong taong gulang na si Aya dahil sa tahol sa kanya ng alagang tuta ng bungsong kapatid
"Aso." Tawag niya sa tuta at niyakap ito. "Tama na."
Parang naiintindihan naman siya ng tuta at tumigil na ito sa pagtahol.
Dahil sa katahimikan ay naalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag siyang lumabas doon sa kinaroonan niya hanggat may ingay pa sa labas ngunit ngayon ay ni insikto, palaka o kahit panggabing ibon ay wala siyang naririnig.
Ano na ba ang nangyari? Naitanong niya sa sarili.
Karga ang tuta ay nangapa siya papunta sa kinaruroonan ng lagusan palabas ng pinagtataguan niya.
Madalas sila dito ng kanyang kapatid kaya kahit na wala siyang nakikita ay alam niya kung saan siya lalabas.
Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan at tumatagos sa sira-sirang mga bintana ng munti nilang tahanan.
"Ina...Ama...." Iyak niya habang nilalampasan ang nagkalat na mga kagamitan sa loob ng bahay.
Parang niyugyog ang kanilang bahay ng isang higante at wala sa ayos ang lahat.
Maging ang tutang yakap-yakap na tila nakikiiyak narin sa kanya.
Lumabas siya ng kanilang bahay sa sinag ng buwan ay parang nanlambot ang kanyang nga buto sa nasasaksihan.
Napaluhod siya at nabitiwan ang tuta. Sa kanyang harapan ay nagkalat ang mga bangkay ng kanilang mga kanayon.
"A-ano...."