Dahil sa hirap, maraming gumagawa ng mali,
Mali na para sa kanila'y tama,
Di mo sila masisisi dahil iyon ang ginusto nila,
Ngunit sa dulo ng kanilang ginawa sila rin ang kawawa.
Di nila makayanan ang hirap at pagmamalupit ng korap,
Korap na kung saa'y naliligo sa sariling sikap,
Mula sa pasugalan, droga at iba't ibang perang pangkabuhayan,
Matugunan lamang ang pangangailangan.
Dito ba matatagpuan ang sinasabing pagka-ahon sa buhay,
Buhay na ultimo sa'yo di mo kayang mabuhay,
"Kapit ka lang sa akin.", kung gusto mo ng agarang ginhawa,
Ang tanging gawin mo lang sundin ako't pakasalan, ikaw aking asawa.
Dahil sa isip na di kailanman nababago kahit oras ng kagipitan,
Kagipitan ng nasa paligid, "Utang mo, Bayad mo", "Hulog ko Bumbay" at marami pa,
Di lubos akalain, limpak-limpak na salapi sa palad sa iba ang makikinabang,
'P8888', 'B8888', 'T88888888' yan lang masasabi sa oras ng pamamayad utang.
Utang na loob naman sa inyong mga maniningil, wala pa kami, walang-wala,
Wala na pati pambili ng bisyo para sa sariling pagwawalwal,
Buti pa ang mayayaman, pera pera lang ang pinag-uusapan,
Walang magawa, pera, trabaho, luho may maipang-gasta lamang.
Sabi sa akin, Maghanap daw ako ng may tatlong 'M',
M-mayaman sa lahat, pera, kayamanan, at ari-arian,
M-madali na o malapit na siyang kunin para mas madali,
M-mamatay, pakasal agad tsaka patulugin na ng matagal, tapos!
May iba naman na nagsabi sa akin na maghanap ng mas matanda ng kaunti sa akin,
Akin na nangangailangan, Kahit may asawa man o wala, basta ma-akit siya't masustentuhan ako,
Pwede na raw iyon, iba na kasi ang panahon ngayon,
Ang pag-ahon sa buhay mahirap, pana-panahon lang yan.
Ano ba dapat ang isa-isip sa pag-angat ng buhay?
Buhay na limitado lang na ibinigay,
Moral na nagtuturo sa atin ng tamang landas,
O desperasyon na makaahon agad sa naghihikaos na buhay?
Di ako makapag-isip ng tama, gagamit ba ako ng iba,
Iba na ang tingi'y susi sa kinabukasan ng kanilang buhay,
O kung ano ang pinaghirapa'y siyang magbubunga ng tagumpay na inaasam,
Pag-asa ang tanging sandal namin sa kahirapan.
Sorry for not updating heheh. Was (wala) na kasi akong pera, trabaho ulit haha