Agad akong umiwas ng mapansing may mapapalapit na bala sa akin...
Tinignan ko ang taong nasa likod ko,and baim! Got yah! Agad akong nagtago sa isang puno at agad tinutuk ang baril ko sa kanya,and.... Head shot!
Blood just killed Goddess!
Blade: Guys need back up! Nandito ako sa itaas sa may kampana im stuck!
Nareceive kong message kay Blade agad akong nag chat sa kanya
Blood: Noted!
Agad akong tumingin sa dereksyon kong nassan ang kampana and there i saw him napapalilibutan sya ng mga kalaban.
I jump up to the trunk of the tree at kinuha ko ang sniper sa list ko.
Finucos ko ang sniper ko sa kalaban, my sniper is upgraded at sa subrang bilis ng putok nito ay hindi mo na mapapansin kong saan ito nanggaling
I smirk ng mapansing natamaan ko sya sa tuhod at biglang bumulagta sa sahig, nice one Ivory.
Tinignan ko ang health bar ni Blade and sh*t malapit na syang mamatay! Bumaba agad ako sa puno at inunquipe ang dala kong sniper i change it into a ruffle a golden ruffle, habang tumatakbo ako ay sabay naman akong nagapapaulan ng bala and luckily nakakapatay naman ako,at dahil nadin sa atakeng ginawa ko ay nagpalibot sila sa akin at sabay sabay na nagpaputok, iiwas na sana ako when everything stops,ang mga baril na bubulusok na sana sa akin ay napahinto sa ere,even me hindi ako makakagalaw!
Inis na tinanggal ko ang nerve gear ko at tumayo sa kama how I hate loggers! Nakakainis eh!
'new publish Virtual game here in Philippines... Hindi inaasahan na dudumugin ito ng maraming gamers! In just one day sold out na agad!
Sa ngayon ay kukuha muna ng stuck ang pilipinas dahil naubus na ito, kaya wait wait lang sa mga gamers na naghihintay at hindi nakabili dahil paparating na ang inyong hinihintay!'
Bored na tinignan ko ang TV wala ako sa mode ngayon at hindi ko na appreciate ang bagong game 'Castle War Game' napag isipan ko din naman na bumili pero wala lang talaga ako sa mood ngayon.
Nakakabadtrip yung laro ko kanina baka sa sobrang badtrip ko ay aalis na talaga ako sa larong iyon!
"Oh? Bat ganyan mukha mo? Nak?" Nagtatakang tanong ni Mama sa akin agad akong bumati sa kanya at nagmano, papasok pa kasi ako sa school at hindi pa ako nakaligo.
"Balita ko ay yung bagong labas na game ngayon ang pinakamaganda ang galing daw ng graphics at hindi naglo-log kahit madami ng players, dinumug nga kanina eh pinakita sa tv ayaw mo ba?" Tanong sa akin na mama hindi ko nalang sya sinagot at umiling nalang.
Next time nalang siguro kapag na inggit na ako.
"Sayang naman ang ganda ng trailler kanina eh tapos ang gaganda ng avatar pati yung place at monsters tapos lam mo nak? Ang gagaganda ng mga gamit nila doo-"
"Talaga ma?! Bago lahat?" Excited na tanong ko sa kanya tumango naman ito saakin at ngumiti agad akong napapadyak sa sahig dahil sa dismaya.
"Di monaman agad ako sinabihan ma!" Sabi ko sa kanya tumawa lang ito sa akin at sinabihang kumain na ako. Alam kasi ni Mama ang mga baril o mga gamit sa game at tyaka sabi nya mga bago daw! Sa mga nalaro ko na kasi ay pabalik balik nalang ang mga gamit at ang dali lang magpalevel!
Gusto ko yung mas exciting!
"Bye bye ma!" Paalam ko kay Mama at umalis na, napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagalalakad, wala si Papa sa bahay kaya hindi nya ako masusundo.
Nang makapasok na ako sa school namin ay pinagtitinginan nanaman ako ng mga estudyante ang iba ay pekeng nakangiti sa akin habang ang iba naman ay kakaiba kong makatingin.
Ganyang sila sa akin dati pa,may bumati sa akin kaya nginitian ko nalang sila kahit alam ko naman na peke lang ang pinapakita nila sa akin. palagi nalang ganito I hate attention gusto ko maging isang normal na studyante lang ako, napapalibotan na ako ng mga plastic.
"Hi miss!" Nakangiting bati ng mga kaklase ko I just smile at pumunta na sa upoan ko, rinig na rinig ko padin ang mga negatibong mga salitang binibitawan nila sa akin.
Pahumble masyado! Kala mo naman ika ganda nya! Hahaha
'tsk! Nagsm-smile lang naman ako sa kanaya kasi pinsan nya si Aiko my labs'
Tapos ay sabay sabay na silang nagtatawanan."Tahimik mo ata?" Sabi ng katabi ko nginitian ko lang sya at hindi na nagsalita, kahit papano ay umiwas akong makipag usap kanino man ayaw kong maloko nanaman.
Napabuntong hininga nalang ang katabi ko at hindi nalang din nagsalita.
"Naiintindihan naman kita eh,Miss intrams" how I hate that words, yan ang dahilan kong bakita nasa ganitong sitwasyon ako, at kung bakit an daming nawala sa akin simula nong mapunta sa akin ang titulong iyon.
"Good morning class! Masayang bati ng prof namin binati namin sya pabalik at nag simula na syang mag turo
"Makipagkaibigan ka naman kasi Ivory!"
Aiko Sylveria.
Sabi ni Aiko ang pinsan ko and luckily sya ay isa sa heartrob dito.
"Ayaw kong maloko ulit Aiko" seryusong sabi ko sa kanya.
"Ede maghanap ka ng taong alam mong mapagkatiwalaan mo, hindi porket na iwa Ka ng iba ganon na ang tingin mo sa lahat, yan tuloy wala kang kaibigan at ang isip ng ibang tAo suplada ka" natatawang sabi nito hinampas ko sya sa braso nya dahil ginagawa nya lang katawatawa ang position ko ngayon
"Mahirap ng magtiwa ngayon Aiko,alam mo naman na bestfriend ko sila for about 6 years at dahil lang sa mababaw na dahilan ay iniwan na nila ako" mapait akong napanngiti ng maalala nanaman ang nakaraan
"Wag mo na aksing alalahanin! Sige na nga libre na kita" sabi nito agad namang lumawak ang ngiti ko at tinutudyo tudyo ko ang tagiliran nito
"No na? Himala naman ata yan?" Natatawang sabi ko sa kanya sinamaan nya naman ako ng tingin
"Bakit? Ayaw mo?" Tanong nito agad naman akong napailing at ngumiti"sige na bumili ka na" utos ko sa kanaya,at tinulak tulak sya para maka order na sya
"Wow naman! Nakakahiya naman sayo pinsan no! Ikaw na nga ang nagpalibre ikaw pa ang mayganang mangutos ngayon? HA-HA-HA-HA"
"Oo naman ako ang nag palibre eh!" Sabi ko at tumawa sya naman ngayon ang sumama ang tingin sa akin pero agad itong tumayo at pumila na.
Napatingin nalang ako sa paligid nandito kami ngayon sa loob ng cafeteria lunchtime na kasi at marami ng studyante dito na kumakain.
'ang saya talagang laruin yun!"
'oo nga eh! Anong level kana ba?'
'level 5 na ako pinuyatan ko talaga kagabi eh haha'
Anong pinag uusapan nila? Anong magandang laruin ngayon?
' buti pa kayo naka bili ako naubusan ako eh!'
'sayang naman ang saya ngang laruin eh, tapos nakaka trill thin ang mga quest nila doon!'
"Sikat talaga ang larong yun kahit kahapon lang lumabas dito sa atin" sabi ni Aiko na kakarating lang
"Ano bayun? At bakit kalat na kalat at halos lahat ng estudyante ay yun talaga ang pinag uusapan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya,kumunot naman ang noo nito sa a kin
"Gamer kaba talaga?"umiling naman ako sa kanya ano ba talaga yun?
"Castle War Online! WAla ka talagang alam? Grabe ni dati nga kahit hindi pa nilabas dito ay may roon ka na himala naman ata ngayon, ako nakapaglaro na nga ako eh" sabi nito nagulat naman ako sa nadinig, Si Mama kasi eh! Di Agad sinabi sa akin
"Anong level kana ba?" Tanong ko sa kanaya
"3 hindi naman kasi madaling magpalevel eh atyaka maganda talaga syang laruin parang pang realife lang" napatango tango naman ako sayang naman at hindi ako nakapagbili hmmp!
Nakita ko naman na napangisi si Aiko sa akin
"Ha! Sa ngayon malalamangan na talaga kita!" Pang aasar nito sa akin inirapan ko nalang ito at bumalik nalang sa pag kain, sasabihan ko si Papa na bilhan ako nasa US naman sya ngayon
Tignan natin ngayun!
"Ang gwapo talaga ni Kaichi no?"
"Oo nga eh nakaka inlab!"
"Mas gwapo naman si Iako dyan eh!"
Kumunot namn ang noo ko sa nadinig si Kaichi taga Ad Deprtment, gwapo naman talaga yun sya eh kaso nga lang masyadong mahangin.
Nag pAtuloy nalang ako sa paglalakad at nandito nanaman ang mga studyante ng nakatingin sa akin.
' masyado naman syang feeling!'
'ano ba kayo mabait naman si Ate Ivory!'
'tzk! Basta masyado syang malandi para sa akin!'
Tsk! Kasalanan ko bang pinapansin ako ng isa sa Heart trob nyo? At pinsan ko ang isa sa kanila?
Mga makikitid ang utak!
Binilisan ko ang paglalakad ko ng mapansing may sumabay sa akin at umakbay, napairap nalang ako sa hangin at alam ko nA kung sino to.
"Dumaan lang ako pero halos mahimatay na ang lahat ng mga estudyante" mayabang na sabi nito, agad kong kinuha ang kamay nito sa aking balikat
"Masyado kang feeling lumayo layo ka nga sa akin baka mahawaan pa ako" sabi ko tumawa lang ito at tumakbo na para sumabay sa barkada nito.
Tsk! Nambwesit lang! Sumimangot lang ako at naglakad na.
' yan tignan nyo porke na nalo sya sa intrams ay ganyan na ang trato nya kay Kaichi! Ang Feelingera naman ata nya!'
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad, tinext ko na din si papa kanina at dahil good girl ako ay pinadala agad ni papa iyon at sigurado akong mamayang gabi ay nandoon na iyon sa bahay
Wait lang kayo.
Because its my time to shine!