Télécharger l’application
92.68% BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE) / Chapter 38: PART 38 HILING

Chapitre 38: PART 38 HILING

Spencer Vahrmaux POV

"Here's your food!"  Saad ko at tipid na ngumiti kay Trixie.

Wala na si tita kasandra at tito Arturo nang dumating ako. Hinubad ko ang aking waist coat at sinampay sa bangko.

"Thank you talaga Babe!"  Maligayang sabi ni Trixie. Akmang hahalikan niya ako pero mabilis akong umiwas.

"Trixie, I'm doing this for the sake of our child. Si Ash pa rin ang mahal ko."  Seryoso kong sabi saka nag lihis ng tingin.

"But she's not here." Nakangisi na sagot niya.

"So? Not because she's not around, I am free to flirt with you."  bagot kong sagot.

"Kaya ba? Kaya ba nag sex tayo and--here! May baby na tayo." Natatawa niyang sagot.

Nainsulto ako sa sinabi niya. pakiramdam ko ay natapakan niya ang ego ko.

"Naalala mo ba nung first sex natin? Nakipag sex ka sa akin noon kahit pa alam mo na may boyfriend ako..."  Nakangisi niyang sabi bago ubusin ang soup.

"Puwede ba---"

"And I know for you it was just for fun. But for me it's not. Coz I am madly and deeply in loved with you. Spencer..."

"At pinagsisisihan ko iyon! Dahil doon, binigyan kita ng motibo para umasa---sa wala!---"

"Whatever. Nangyari na! Tignan ko lang kung hanggang saan kakayanin ni Ash ang lahat."

"Tigilan mo na si Ash. Ang mahalaga-tanggap niya ang anak ko."  Mariin kong saad."

"Tanggap niya ang anak natin? Paano naman mangyayari iyon kung ako na kapatid niya at ina ng anak natin ay hindi niya matanggap? Kinamumuhian niya ako! Kaya sigurado akong imposible ang sinasabi mo!"  Giit niya.

"Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nakita mo sa kaniya. Sabi ko naman sa iyo ibang babae na lang at huwag lang siya. Pero nag propose ka pa rin sa kaniya! Alam mo ba na sobra mo akong nasasaktan?"  Mahina niyang tanong habang lumuluha.

"Hindi kita sinasadyang mahalin. Sinubukan ko mag boyfriend para pigilan ang sarili ko pero mas lalo lang akong nahihirapan. Palagi kong pinaparamdam sa iyo na sinusuportahan kita--na narito lang ako.---"

"Trixie please!"

"Narinig mo naman yung sinabi ng doctor di ba? Kahit alanganin ang buhay ko, handa akong mamatay isilang lang ang anak natin na buhay..."  

Sa puntong iyon ay napahagulgol na si Trixie. Kahit paano ay humanga ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ang makasariling Trixie ay mayroon din palang magandang kalooban.

"I'm sorry. Don't cry Trixie. Please. Please Trixie. H--hindi ko sinasadyang saktan ka."  Usal ko habang hinahagod ang kaniyang likod.

"Kahit ngayon lang sana iparamdam mo sa akin na ako naman ang mahalaga. Na kami ng anak natin! Magiging masaya lang ako kapag nawala na si Ash sa buhay ko! Ipinagdamot na nga niya sa akin ang pamilya ko, pati ba naman ikaw?"

"Shhh---Sorry Trixie. Tahan na...Mahalaga kayo sa akin ng anak natin. Hindi ko kayang mawala ang anak natin o ikaw!"

"Puwes mamili ka! Siya o kami!"  Sigaw niya.

"Please Trixie! Pag usapan natin to ng maayos--"

"Kami ba ng anak mo o siya? Sabihin mo..." 

"Nag tatalo ba kayo?"  Tanong ni tita kasandra na kakarating lang.

"Hindi naman po. Siguro bukas na lang ulit ako dadalaw. Mag pahinga ka na Trixie."  Saad ko saka naupo at hinaplos ang kaniyang tiyan.

Yumakap ako kay Trixie upang ng sa ganon ay maibsan ang kaniyang pag aalala at pagkainis. Natatakot kasi ako na baka sa tuwing sumasama ang loob niya, malagay naman sa alanganin ang lagay ng aming anak.

Nag pasya akong puntahan si Natasha sa Mall. Tutal naman ay hindi ako nakapasok kaya naisip kong tulungan siya sa pag manage.

"Hey! Excuse me?"  Usal ko nang makita si Roman na busy sa pag tutok sa phone.

"Ye--s? Sir Vahrmaux!"

"Where is Natasha?"  Tanong ko habang palinga linga.

Napansin ko ang tila nag aalangan niyang mukha. Kung kayat pumasok ako sa store pero ni anino ni Natasha ay hindi ko nakita.

Agad akong kinutuban ng hindi maganda. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Binalikan ko si Roman na ngayon ay busy sa pakikipag telebabad.

"Yes ma'am nanrito nga--"  dinig kong sabi niya sa kausap.

Mabilis kong inagaw ang telepono. Sumenyas ako na huwag siyang maingay.

"Please Roman. Gusto ko muna mapag isa! Hayaan niyo muna ako please!"  -----

Matapos maputol ang tawag, sinubukan ko siyang tawagan muli sa numero ni Roman kaya lang naka off na ang phone ni Ash. Nanginginig akong kinuha ang aking phone sa bulsa at idinial ang kaniyang numero. Pero, bigo ako. Hindi na siya matawagan.

"Pumasok ba siya?"  Tanong ko kay Roman.

"Yes Sir. Pero sinundo siya rito ng daddy niya--" 

Hindi ko na pinatapos pa si Roman sa pag sasalita. Batid ko na may hindi magandang nangyari sa mag ama. Ano naman kaya ang dahilan para hindi ako kausapin ni Ash?

Nasaan siya sa ganito kaagang oras? Asan ka ash? Please!

Agad akong nag padala ng mensahe sa aking tauhan sa bahay gayon din sa mansion. Na kung sakali man na dumating o umuwi si Ash ay agad akong sabihan.

Pero batid ko na si Tita Belinda lang ang tatakbuhan niya. I am pretty sure na naroon siya sa Hacienda.

ASH POV:

Alas sais na ng gabi nang makalabas ako sa Spa na pinanggalingan ko. Nag pa hot oil lang ako at nag pa pedicure. Sinamantala ko na dahil may promo sila ngayon na free make-over.

"Unica Hermosa"  pangalan ng Spa na pinuntahan ko malapit sa Mall na pinapasukan ko.

Buong araw akong nag laan ng oras para sa sarili ko. Nag lunch ako sa Restaurant na pag mamay-ari ni Miss Shamsi Supsup. Sa "Pedro n' Coi."  Masarap din naman ang mga pag kain nila. Kakaiba din ang tema at konsepto ng restaurant. Kadalasan sa mga tugtugin ay B&B at OPM. Sa susunod ay babalik ako doon kasama si Mamá at Spencer.

Habang nag aabang ako ng masasakyan, naupo ako sa bench kung saan mayroong lalaki roon ang naka yuko. Nahihilik at tila naka tulog.

May espasyo sa pagitan namin dahil may kahabaan ang upuan. May iilang pasahero na rin doon ang nag aabang. Empleyado mula sa kalapit na mall at call center company base sa kanilang uniform at I.D.

At nang mayroon na ngang dalawang taxi ang dumating, dali-dali kong kinapa ang aking pitaka sa bag. Naka tayo na ako nang bigla kong maramdaman ang malakas na pag bangga sa akin ng Isang lalaki. Mabuti na lang at napasandal ako sa isang lesbian kaya hindi ako natumba.

"Shit!"  Sambit ng lesbian saka tinakpan ang ilong.

"Goodness!"  Sambit ko ng makita ang aking damit na sinukahan ng lalaking naka bangga sa akin. Siyang lalaki rin na katabi ko lang kanina.

"Nako! Problema 'yan!"  Umiiling na sabi ng lesbian.

Halos patayin ko na sa mura ang lalaki dahil sa ginawa niya. Ang akala ko pa naman ay hindi masisira ang buong araw ko. Nakaka asar! Amoy alak siya at tila bingi. Pinanood ko na lang siya umalis. Pasuray suray na lumalakad at paminsan minsan ay napapatukod sa tuhod tuwing susuka.

"Ito oh! Jacket and cologne."  Offer ng lesbian na sa unang tingin ay aakalain mong member ng isang sikat na Kpop G.Group.

"Ay! Hindi na. Ayos lang---" nahihiya kong pag tanggi.

Pero parang bingi siya at talagang hinubad ang itim na jacket na may burda ng Convergys (Telecom Company) 

"Salamat. Nakakahiya naman..." 

"Sus! Wala yan. Oh ito Tissue Oh!"  Naka ngiti niyang alok sa akin.

Agad ko iyong kinuha. Hinayaan ko na mauna na sa akin ang tatlong nag aabang ng masasakyan.

"Call center agent ka ano?"  Tanong ko habang nag pupunas ng sarili.

"Oo. Three years na."  Sagot niya saka hinithit ang sigarilyong bagong sindi.

Napatitig ako sa pag hithit buga niya. Sayang! Ang ganda ganda niya pa naman..

"Okay ka lang?"  Tanong niya saka bumuga ng usok.

"Ah? O--Oo--"

"Oo. Lesbian ako. Clark nga pala."  Pag papakilala niya saka nag lahad ng kamay.

"A--reading minded ka pala." Natatawa kong sabi habang iniisprayan ng cologne ang aking sarili.

"Sus! Di naman. Sadyang araw-araw akong nakakakita ng ganiyang mga matang mapanghusga. Miss!" Naka ngisi niyang sabi at humagikgik.

"Alam mo---"

"Ang ganda ko? Sayang ako?"  Singit niya.

Ipinatong niya ang kaniyang kaliwang paa sa upuan. Kinagat ang sigarilyo saka itinali ng maayos ang sintas ng sapatos.

"Ummm.. Oo eh." Sagot ko saka ibinalik ang paningin sa daan.

"Well, ang totoo niyan nagka boyfriend naman ako. Iyon nga lang, mas babaero pa ako sa kaniya."  Saad niya saka humagalpak ng tawa.

"Nako! Niloko mo siya?"  Usisa ko.

"Tsk! Hindi Ah! Tanggap niya naman ako kaya lang... Ikinakahiya niya ako sa ibang tao. Kaya ayon! Para di naman masakit, ako na lang ang nakipag hiwalay. Alam mo 'yon? Baka kasi kapag siya ang tumapos, mas lalong masakit! Hmp!" Saad niya habang patuloy sa pag hithit buga.

"Mas masakit nga ang maiwan..."  mahina kong sambit.

"Pero miss, mas masakit ang mapag iwanan! Yung tipong masaya na yung taong lumimot at nang iwan sa iyo samantalang ikaw malungkot at lumalakad pabalik sa nakaraan kahit pa may choice ka naman na sumaya..." 

Pamilyar. Minsan na rin iyon nasabi sa akin ni Mamá.

"Oh paano? Mukhang dito na lang ang usapan nato. Ingat ka!"  Naka ngiting sabi ng lesbian nang ipag bukas ako ng pinto ng taxi.

"Salamat talaga dito." Usal ko saka siya kinawayan.

Sinulyapan ko pa siya at agad din naman siyang sumakay ng taxi na halos kakarating lang noong pag alis ko.

Masyado akong napagod. Feel ko babagsak na ako dahil sa sobrang antok. Sabayan mo pa na nangangalay ang aking binti at malagkit kong balat dahil sa sinukahan ako ng estranghero kanina.

"Good evening."  Nakangiti kong bati sa night duty sekyu.

"Kahit paano ay nalimutan ko sandali ang problema ko. Paminsan minsan pala kailangan ko rin mag laan ng oras para sa sarili ko. Hindi yung palagi ko na lang binubuhay ang sarili sa lungkot.

Tumunog na ang elevator. Hudyat ng pag bukas nito. Agad kong kinapa ang aking phone sa bag habang nag lalakad sa hallway. Drain na drain na pala ang phone ko. Hindi ko tuloy naalala na kumustahin si Roman.

Akmang bubuksan ko pa lang ang pin ko nang maramdaman ko ang malakas na pag buga ng hangin mula sa aking likod.

Yung amoy niya... yung tabacco... at ang presensiya niya na nag dudulot sa akin ng kakaibang kaba sa tuwing nararamdaman ko siya sa paligid.

"Spen--" sambit ko ng di lumilingon.

"Open the door."  Utos niya.

Napapikit ako ng maigi. Saka huminga ng malalim bago binuksan ang pinto.

Dalawang hakbang pa lamang ako noong makapasok nang bigla niya naman akong haltakin saka marahas na isinandal sa pinto. Buti na lang at ipinuwesto niya ang kaliwang kamay sa bandang ulo ko kung kayat hindi ganon kalakas ang pagkaka umpog sa aking ulo.

"Spencer---"

"Shut up!"  Sigaw niya habang duro ako ng kanang daliri.

Dahan-dahan bumaba ang tingin niya sa suot kong jacket na itim. Napa igting ang panga saka umiling.

"Tell me the truth. Where have you been?" Mahina niyang tanong habang nananatiling naka titig sa suot ko na jacket.

"Ss--spa. Lowbat na kas--"

"Spa..."  mahina niyang sambit.

Itinikom ang labi saka diretsyong tumindig. Isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa at isinuklay ng kanang daliri ang buhok.

"Do you think I'm a fool? Could you really think I would believe?"  Tanong niya na diretsyong tumitig sa aking mga mata.

"I swear."  Sambit ko.

Napa singhal siya at ngumising humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba habang naka titig sa aking labi.

"At kailan pa nag karoon ng Alcohol and Cigarette Service sa spa?" 

"Tapos may pa give away jacket pa?" Tanong niya sa medyo mataas na boses.

"Sa Spa lang talaga ako---"

"Magkaiba ang Spa sa bar. Saang bar ka galing? Sino ang kasama mo?"  Tanong niya saka tumitig sa akin ng mapanuri.

"Hindi ako nag punta sa bar." Bagot kong sagot saka siya nilagpasan.

"Natasha!"  Sigaw niya.

Sa halip na pansinin, dumiretsyo na ako sa bathroom para mag linis ng katawan.

"Nag uusap pa tayo!"  Sigaw niya saka ako hinagip palapit sa kaniya.

What's this?"  Tanong niya ng mayroong bagay na makapa sa bulsa ng Jacket.

Mabilis niya iyong ipinahubad sa akin saka kinuha ang bagay na kaniyang nakapa.

"Condom? Tsk!"  Bagamat nakangisi, kita ko ang umuusbong na galit sa nanlilisik niyang tingin sa akin.

"Hh--hindi ko alam kung bakit meron niyan?"  Depensa ko.

Inamoy niya ang Jacket saka iyon hinagis sa floor.

"Sino ang lalaking sinamahan mo? Kaninong jacket 'yan? Kanino?!"  Sigaw niya na parang isang tigre.

"Wala! Wala akong sinamahan. Sinabi ko naman sa iyo na sa spa lang ako galing!"

"So-may smoke area sa spa? And free alchol drinks? Saang spa ba 'yan? Spa na may pa condom?!"

Sa halip na sagutin siya, sinimulan ko ng mag alis ng damit upang mag shower.

"Saan ka nag stay? Masyadong mahaba ang oras mo kung sa spa ka lang nag punta!"

Lumublob na ako sa bathtub saka pumikit.

"Tinatanong kita! Kanino 'tong jacket? Amoy ng lalaki kaya huwag mong itatanggi---"

"Kay Clark. Isang lesbian na nag magandang loob na ibigay sa akin iyan."  

"Lesbian? Woah!"  Usal niya na halatang hindi naniniwala.

"Nasukahan kasi ako kanina ng lasing. Kaya ayan! Tinulungan niya ako---"

"And yung condom?"   Taas kilay niyang tanong.

Napangisi na lang ako at natatawa.

"Anong nakakatawa?"  Tanong ni Spencer.

"Yung--condom. Hindi ko alam kung paano gumagamit ng condom ang isang lesbian."  Natatawa kong sabi saka humagalpak ng tawa.

Nag tigil lamang ako sa pag tawa ng makita ko ang seryosong mukha ni Spencer.

"Are you sure?"  Kalmado niyang tanong.

"Oum. Iniisip mo ba na nakipag chuk-chakan ako sa kung sinong lalaki?"  Tanong ko habang nag papahid ng liquid soap.

"No. I know how much faithful you are. And, I believed in you. I'll trust you."  Sagot niya saka ibinalik ang tingin sa condom.

"Have you seen this before?"  Tanong niya saka naupo sa bathtub.

"Yes."  Hindi siya naka imik dahil sa sagot ko.

"When? How?"  Tanong niya habang inaalis ang kaniyang necktie.

"Kay Floyd. Classmate ko sa GRU."

"Lalaki? Or lesbian na naman?"

"Lalaki. Palaman yan sa wallet. Di ba?"  Naka ngisi kong sabi saka siya winisikan ng tubig.

"Ganon ba..."

"Have you ever used that before?"  Tanong ko saka siya hinila dahilan para malublob siya sa bathtub.

Ngumisi muna siya habang inaalis ang sapatos at medjas.

"Never."  Sagot niya saka tumayo at nag hubad ng pants.

Gumapang siya sa akin saka ako niyakap.

"How's your day?"  Tanong ko habang inaalis ang kaniyang polo.

"Ayon! Mag hapon kitang hinanap." Sagot niya saka binuksan ang shower.

"Buong araw mo akong hindi pinatahimik."

"Pinag-alala..."

"Tinakot mo 'ko Ash!"

Bulong niya bago ako hagkan ng halik sa noo.

"I'm sorry. Kung pinag alala kita."

"Anong pinag usapan niyo ng Papá mo? Sinabi ba niya na layuan mo ako?" 

Malungkot ang kaniyang mga mata. Tila punong puno ng pangamba at takot.

"Yes. But he failed. I won't leave you. Ipinaglaban mo ako sa dad mo at kay Trixie. And I know this battle is worth fighting for because, our love is worth dying for."  Bulong ko sa kaniyang tainga habang hinahalikan ang aking leeg.

"I knew it. Alam ng Papá mo na hindi kita bibitiwan kahit anong mangyari. Nakiusap siya sa akin pero nabigo siya. Kaya naman ikaw ang kinausap niya para lumayo sa akin... sobra mo akong tinakot Ash!"   Usal niya habang tinitignan ako sa aking labi.

"Ano? Kinausap ka niyang layuan ako? Kailan?"  Pag tataka ko.

"Sa bahay. Kagabi habang mahimbing kang natutulog. Sinadya niya ako para sabihing layuan kita. Dahil kung hindi, ilalayo nila sa akin si Trixie at ang anak namin."  Saad niya habang umiiyak.

Umiiyak siya...

Hindi ko kayang tagalan ito...

Dahil sa akin ay nahihirapan siya...

"I am sorry Sweetie..."   maluha luha kong sambit.

"Don't say sorry. Don't put the blamed on you. Wala kang kasalanan..."  lumuluha niyang sabi saka nag punas ng luha.

"Anong sinabi mo kay Papá?"

"I know hindi niya kayang ilayo sa akin si Trixie at ang anak namin. Pero pinagbantaan niya ako na siya mismo ang gagawa ng paraan para layuan mo ako..." 

Bumagsak na ngang tuluyan ang aking luha. Bakit ganito kasakim ang aking ama? Mas nanaisin niyang makita akong mag dusa alang-ala sa ikakaligaya ng kaniyang anak? Nasaan ang pag mamahal niya para sa akin? Wala na bang natitirang pag mamahal o pagka habag man lang sa akin?

"Promise me, you'll never leave me. Please!"

"Mawawala lang ako sa iyo kung ikaw mismo ang hihiling na lumayo ako."  Saad ko saka hinawakan ng mahigpit ang dalawa niyang kamay.

"Puwede ba akong humiling sa iyo Ash?"  Lumuluha niyang tanong habang halik ang aking mga kamay.

Tumango ako bilang tugon.

Diretsyo siyang tumitig sa aking mga mata bago nag salita.

"Kung sakaling hilingin ko na iwan mo ako, piwede ba manatili ka lang sa buhay ko?"

Hagulgol...

Pait at luha ng pag tangis ang aking naramdaman.

Ano ang dapat kong isagot sa isang hiling na tila hindi ko kayang matupad?

"I will..."  sagot ko.

Niyakap namin ang isa't-isa ng napaka higpit. Matapos man ang bukas, gusto ko sa ganitong klase ng oras kami mawalay.

Mas nanaisin ko pa na langit at kamatayan ang mag hihiwalay sa amin kaysa ang mga taong nasa paligid namin na makasarili at sakim.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C38
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous