Télécharger l’application
16.34% BACHELOR'S PAD / Chapter 17: Chapter 15

Chapitre 17: Chapter 15

PAGPASOK pa lamang sa hotel room, parang may magnet na naglapat kaagad ang mga labi nina Daisy at Rob. Sa pagkakataong iyon, hindi masuyo o magaan ang halik kundi mariin, sabik, at nakaliliyo. Rob slid his tongue inside her mouth and she met it with her own. Isinandal ng binata si Daisy sa pader malapit sa pinto at lalong pinalalim ang halik. Napaungol siya nang lumapat ang katawan ni Rob sa kanyang katawan. Pinaikot niya ang mga kamay sa leeg ng binata at gumanti ng halik.

Naisabunot niya ang kamay sa buhok ni Rob nang dumausdos ang mga labi nito mula sa kanyang mga labi patungo sa kanyang panga, at pababa sa leeg. Naramdaman niya nang humugot ng malalim na hininga ang binata, tila nilalanghap ang kanyang amoy.

"You smell so good, Daisy," he whispered against her skin.

"Oh…" Napasinghap si Daisy nang humagod sa katawan ang malaki nitong mga kamay. Ang isa ay sa kanyang tagiliran hanggang gilid ng kanyang dibdib, habang ang isa pang kamay ay humahaplos sa ilalim ng laylayan ng suot na bestida. Humigpit ang pagkakakapit niya sa ulo ni Rob dahil sa tila malakuryenteng sensasyong kumalat mula sa kanyang ulo hanggang talampakan.

"You feel good, too," usal ng binata at bahagyang pinisil ang kanyang dibdib na nagpaungol sa kanya.

And then he suckled her sensitive skin, gliding his tongue down to her collarbone, down to the bare upper skin of her chest.

Napaliyad si Daisy. "Rob…" daing niya. Gusto niyang bumaba pa ang mga labi ng binata sa bahagi ng kanyang dibdib na mas nangangailangan ng atensiyon nito. Naramdaman niya ang ngiti ni Rob sa kanyang balat, ang init ng hininga. Lalo lang iyong nagpapatindi ng kanyang nararamdamang sensasyon.

Ibinaba ni Rob ang strap ng bestida ni Daisy hanggang ma-expose ang isa niyang dibdib. Mariin siyang napapikit nang sa wakas ay bumaba roon ang mga labi ni Rob. He flicked his tongue against the tip of her breast, making her grind her automatically against his. "God, Rob," usal niya.

Pumaikot ang isang braso ng binata sa kanyang baywang upang pigilan ang pagkilos niya. Muling umakyat ang halik nito sa kanyang balikat, sa leeg, pabalik sa kanyang mga labi. Dumilat si Daisy at nagtama ang mga mata nila ni Rob.

Ngumiti ang binata. "You even taste good, sweetheart. I hope you're ready for me," usal nito at bumaba ang mga kamay sa magkabilang hita niya habang ang bibig ay inilapit sa kanyang tainga. "Just to let you know, I'm insatiable," bulong ni Rob bago pinaraan ang dila sa bahaging iyon.

Napahigpit ang hawak ni Daisy sa buhok ni Rob. "Shut up and just get me to bed," frustrated na asik niya. Hindi na kasi niya alam kung gaano katagal pa kakayanin ang ginagawa ng binata.

Tumawa ito at tila iyon musika sa kanyang pandinig. Then he easily lifted her up. Pinaikot niya ang mga binti sa baywang ng binata at kusang hinalikan ito sa mga labi. Binuhat siya ni Rob at inihiga sa kama. Hinigpitan niya ang pagkapit sa batok ng binata subalit tumigil ito sa paghalik sa kanya. Nagpoprotestang napaungol si Daisy.

"Sshh, be patient, sweetheart," he whispered against her lips. Muling dumausdos ang kamay ni Rob sa kanyang mga hita hanggang hawakan nito ang laylayan ng bestida. He undressed her, leaving a trail of kisses along the length of her torso.

"Rob…" daing ni Daisy nang sa wakas ay nakahiga na at tanging ang ibabang-panloob na lamang ang natira sa katawan. Wala siyang bra kaya naka-expose na ang kanyang mga dibdib at titig na titig doon si Rob.

Dumeretso ng tayo ang binata at sinimulang kalasin ang pagkakabutones ng polo nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang kahubdan. Walang pagmamadali sa mga kilos ni Rob.

Gusto nang tumayo ni Daisy para siya na ang humatak pahubad sa damit ng binata ngunit napigilan siya ng mainit na intensidad sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Sumunod na lang ang kanyang mga mata sa kilos ng mga kamay ni Rob. Bawat pagkalas ng butones ay nakikita niya ang paglitaw ng katawan nitong palaging natatakpan ng pormal na kasuotan. Nang lumitaw ang malapad na dibdib ni Rob ay wala sa loob na napakapit si Daisy sa bedsheet. May pinong balahibo sa dibdib ng binata, pababa sa gitna ng tiyan, at pababa hanggang sa natatakpan ng pantalon. Dark brown din ang mga balahibo ni Rob, katulad ng buhok nito. She had never found a hairy man attractive before. Ngayon lang. Si Rob lang.

"You are very beautiful," sabi ng binata na tila manghang-mangha at tuluyang hinubad ang pang-itaas. "Looking at me like that makes you look even more beautiful."

Bumaba ang kamay ni Rob sa butones ng pantalon nito at parang namamalikmatang nakasunod lang ng tingin si Daisy. Nagwawala ang tila mga paruparo sa kanyang sikmura. Kumikislot ang pulso sa kanyang leeg at sa pagitan ng mga hita.

"Rob…"

"Yes, sweetheart?"

"Take it off."

Muli ay narinig niya ang mahinang tawa ni Rob. How could his laugh sound so sexy?

"Later," matipid na sagot ng binata.

Habol na ni Daisy ang paghinga, ang kanyang puso ay sobrang bilis ng tibok. Lalong humigpit ang hawak niya sa bedsheet, ang katawan niya ay kusang gumagalaw. She was aching to be touched. At alam niya na alam iyon ni Rob. Ibinaba lang ng binata ang zipper ng pantalon nito subalit hindi iyon hinubad. Magpoprotesta na naman sana si Daisy ngunit bumikig iyon sa kanyang lalamunan nang sa wakas ay lumapit na si Rob at kumubabaw sa kanya.

Napabuntong-hininga si Daisy nang maglapat ang kanilang mga dibdib. It felt good to be this close to him. Muli siyang siniil ni Rob ng halik sa mga labi at tila uhaw na gumanti siya ng halik. Ginawa niya ang kanina pa gustong gawin. Pinaraan niya ang mga kamay sa malapad na balikat ng binata, pababa sa dibdib, sa abs, at sa likod nito. Gusto niya ang pakiramdam ng mainit, makinis, at matigas na katawan ni Rob. She wanted to touch him forever.

Humigit ng hangin si Rob at dumausdos din ang kamay sa katawan ni Daisy. "God, Daisy, you're driving me crazy," bulalas nito sa kanyang tainga.

Sa kabila ng sarisaring sensasyong nararamdaman ay nagawa ni Daisy na ngumiti. At least, pareho sila ng nararamdaman. Bumaba ang kanyang mga kamay sa waistband ng pantalon ni Rob, desididong bumaba pa. Subalit mabilis na pinigilan ng binata ang mga kamay niya. He groaned in her ear. Itinaas nito ang mga kamay ni Daisy sa kanyang ulunan dahilan kaya napaliyad siya.

"Be still. I will not be able to pleasure you fully if you keep on touching me."

"Pero gusto kitang hawakan," nagrereklamong sambit niya.

"Later, sweetheart. Later."

Napadaing nang malakas si Daisy nang bumaba na ang mga labi ni Rob sa kanyang dibdib. He hungrily sucked and licked her breasts. Naikuyom niya ang mga kamay at napaungol. Lalo na nang bumaba pa ang mga labi ni Rob sa kanyang tiyan at pababa pa. Dumausdos ang mga kamay ng binata sa kanyang balakang at hinatak pahubad ang nag-iisa niyang saplot. And then he was kissing her where she was aching the most.

"Rob!" Hindi na nakatiis si Daisy, bumaba ang kanyang kamay at napasabunot kay Rob. Subalit hindi tumigil ang binata sa paghalik sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Napapaliyad siya ngunit pinigilan ng mga kamay ni Rob ang kanyang mga hita para hindi siya makagalaw. And then suddenly, caught up in a feeling so intense it felt almost like flying. Napahiyaw siya nang lukubin siya ng matinding sensasyong tila sumabog sa kanyang loob. Mariin siyang napapikit. Napabuntong-hininga siya nang tila mawalan ng lakas ang buong katawan.

Halos hindi na masyadong napansin ni Daisy nang maingat na lumayo si Rob sa kanya. Hindi pa rin niya nahahabol ang paghinga. Muli lamang siyang dumilat nang marinig ang kaluskos ng hinuhubad na kasuotan at kung anong paketeng pinupunit. Tumingin siya kay Rob at nagtama ang kanilang mga mata. May satisfied na ngiti sa mga labi nito.

"Good?" he asked sexily.

Kailangan pa bang itanong iyon? Sa halip na sumagot ay bumaba ang tingin ni Daisy sa katawan ni Rob. Wala na itong saplot. Nakikita niya na handang-handa na ang binata. He was already wearing protection. Muling lumapit si Rob sa kanya at pinaghiwalay ang kanyang mga hita gamit ang isang tuhod. Masuyo nitong hinalikan ang kanyang mga labi. Sumikdo ang kanyang puso at pinaikot ang mga braso sa batok ng binata. Ngumiti si Rob habang nakalapat pa rin ang mga labi sa kanya. "Hindi pa tayo tapos, sweetheart," bulong nito sa masuyong tinig.

God, how could he be so hot and sweet at the same time? Hindi iyon patas!

Subalit agad ding nablangko ang isip ni Daisy nang kumilos si Rob at marahang pag-isahin ang kanilang mga katawan. "God, Rob!"

Tumawa ang binata—malutong na tawa na tila aliw na aliw. Gustong magalit ni Daisy dahil pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya ni Rob. Ang kaso, hindi niya magawang magalit kung para siyang nilalagnat sa bawat paggalaw ng balakang nito.

"I'm not God, sweetheart. I'm just a man who wanted to make love to you from the moment I first touched your skin," bulong ni Rob sa kanyang tainga.

Napahigit ng hangin si Daisy. Humigpit ang yakap niya sa binata. Hindi na niya kakayanin pa kung patatagalin pa nito ang lahat. "Then just do it and stop talking," frustrated na bulalas niya.

Muli ay narinig niya ang marahang tawa ng binata. "As you wish." Bumilis ang pagkilos nito. Hanggang ang tanging naririnig na lamang ay ang kapwa paghahabol nila ng hininga. And their sounds of pleasure. Daisy knew the exact moment Rob let himself be consumed by his own desire, ang sandaling pinakawalan nito ang kontrol. At buong puso niyang tinanggap iyon. She soon reached her mind-blowing release and he followed with a groan.

Parang puputok ang puso ni Daisy nang sandaling bumagsak ang binata sa kanyang katawan na habol ang hininga. Isang gabi iyon na hindi niya malilimutan. Sigurado siya roon. It was earth-shattering. Pakiramdam niya, may bahagi niya ang nabuksan at walang kahirap-hirap na napasok ni Rob—ang bahagi ng kanyang puso na natatakot siyang buksan kahit kanino. Dahil alam niyang kapag binuksan niya iyon, lalong lilitaw ang napakaraming kahinaan, takot, at insecurities.

Kumirot ang puso ni Daisy at nag-init ang gilid ng mga mata. Niluwagan niya ang pagkakayakap kay Rob hanggang tuluyang ibagsak sa kama ang kanyang mga braso.

Mukhang naramdaman iyon ni Rob dahil itinukod nito ang mga siko sa magkabilang gilid ng mukha ni Daisy at tumunghay sa kanya. "What's wrong?"

Umiling siya at pilit na ngumiti. "Nothing. Nawalan lang ako ng lakas," sagot niya.

Sumilay ang mapang-akit na ngiti sa mga labi ni Rob. "I'll take that as a compliment."

Naging tunay na ang ngiti ni Daisy at bahagya siyang natawa. "Dapat lang."

Mabilis na hinalikan ng binata ang kanyang mga labi bago kumilos upang bumangon. "I just need to take care of something."

Naiintindihan ni Daisy ang ibig sabihin ni Rob kaya tumango siya. Pinagmasdan niya ang binata habang naglalakad patungo sa banyo. Ang ganda ng katawan nito, hindi nakakasawang titigan. Nang mawala sa paningin niya si Rob ay tumagilid siya at bumuntong-hininga.

Bakit ba siya nakaramdam ng pagkataranta? Dala lamang ng nangyari kaya parang puputok ang kanyang puso kanina. Walang ibang kahulugan iyon. Isa pa, alam naman niya na hindi sila seryoso ni Rob sa isa't isa. Hindi ba gusto lang naman niyang i-enjoy ang mayroon sila habang naroon pa?

Humugot si Daisy ng malalim na hininga at inilapat ang kamay sa kanyang dibdib. Unti-unti nang kumakalma ang tibok ng kanyang puso. Na-relax na siya.

Okay. You are still safe. Hindi pa siya nakapasok sa `yo. Kapag nagdesisyon siyang umalis sa buhay mo, hindi ka masasaktan.

Ikinuyom ni Daisy ang kamay sa tapat ng kanyang puso at muling huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pamimigat ng mga mata. Hindi na niya nahintay si Rob na lumabas ng banyo. Nakatulog na siya.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C17
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous