Télécharger l’application
13.95% ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye) / Chapter 6: Capítulo CUATRO

Chapitre 6: Capítulo CUATRO

Nang makaalis sina Theo at Shawn di parin makapaniwala ang magkakaibigan sa nangyari.

"Omaygad sabihin niyong hindi ako nananaginip, totoo bang kinausap lang ni Vi si Shawn de Luna at Theo Alvarez?!?!?!" malakas na tanong ni Sam sa mga kaibigan habang kumakain.

"Ang swerte mo naman Vi, pa reto naman oh" pambibiro ni Hail

"Sana all" sabi naman ni Maky

"Ano bang meron at kinausap ka nila?, alam mo namang playboy yung SHAWN na yun eh" pagalit na sinabi ni Sky

"Oh, bakit ka naman biglang nagagalit Sky" pagtatanong ni Sam

"Hindi ako galit sinasabi ko lang ang totoo, sila yung tipo ng tao na paasahin ka tapos yun naman pala hindi ka seseryosohin at mas masakit ipag sasabay ka pa sa iba" sagot ni Sky .

Tumingin silang magkakaibigan kay Sky at naguguluhan kung bakit ito biglang humuhugot.

Napansin ni Sky na nailang ang mga kaibigan niya kaya naman dinepensahan niya ang sarili at sinabing "Base from my experience lahat ng mga magkakaibigan na yun playboy at 'di nagseseryoso sa relationship kaya kung ayaw niyong masaktan lumayo layo na kayo sa kanila" inis nitong sinabi.

"Based from experience?" tanong ni Maky

"Oo, based from experience kay Lance" sagot ni Sky nang hindi man lang nagiisip.

"Sino si Lance?" tanong naman ni Vi

"Isa sa mga kaibigan ni Shawn at Theo" sagot naman nito.

"First name basis ahhh close kayo?" gulat ni tinanong ni Sam

"Siguro,minsan na akong lumabas kasama ng squad ni Lance pero di ko na maalala yung pangalan ng iba dahil minsan ko lang din naman silang nakasama" pagkwekwento ni Sky

"Ano namang meron bakit kayo lumabas ni Lance?" pagtatanong ni Hail

"Di na mahalaga iyon, dati na yun eh" sagot niya dito

"Eh, anyare bakit mo nilayuan yung Lance?" tanong muli ni Vi

"Umm, di ko din alam eh basta nung nakita ko siyang may kasamang ibang babae, nilayuan ko na siya agad, alam ko naman na playboy siya pero wala akong nagawa nahulog agad ang loob ko nung nilapitan niya ako at nag aya ng date, rupok ko kasi" batid ni Sky at tumawa nag bahagya

"Hayy basta ako isa lang ang motto ko sa buhay NO TO BOYFRIENDS hanggang makatapos ng college" proud na sinabi ni Vi na kinatawa nilang lahat.

"Siguraduhin mo lang ahh, baka mamaya iiyak iyak ka diyan dahil kay Theo." pangaasar muli ni Hail.

"Ano ba! Wala akong gusto sa Theo na iyon at hinding hindi ko magugustuhan ang mapanginsulto at masungit na tao na 'yon" sagot ni Vi na nagagalit.

"Sinabi ko din yan sa sarili ko, pero noong unang aya pa lang sa akin ni Lance bumigay na ako eh" batid naman ni Sky habang kumakain.

"Well ibahin niyo ako!" naiinis na sinabi ni Vi

"Ano ba yan ang ingay ingay naman, sino ba yung Theo at Lance na yan ha?" singgit ng isang babaeng nasa likod ni Maky.

"Ate Athena! Ate Ellie!" sigaw ni Sam at Vi.

Si Athena at si Ellie ay ang mga 3rd year Leapmed student na kakilala nila, sila ang nagigigng nanay sa mga ito at laging nakikinig kung mayroon silang problema at sinusuportahan kung mayroong gagawing desisyon.

"So sino nga yung Theo?" tanong ni ate Ellie

Sabay sabay na nagtingginan ang mga ito kay Vi.

"Ummm ---" nauutal si Vi at tila walang masabi ni isang salita.

"Si Theo yung ummm---" wala pa rin masabi si Vi hanggang sa tumunog na lang ang campus bell na senyales na tapos na ang break time.

Imbis na magkwentuhan nagpaalam nalang sila dahil tapos na ang break time at saka isa isang naglakad palabas ng sat cafe.

Wala pa rin sa sarili si Vi hanggang sila ay makarating sa classroom. Nagsimula na lang ang klase at lahat lahat pero wala pa din siya sa tamang katinuaan. Iniisip pa din niya ang mga sinabi ni Sky tungkol sa grupo ni Theo.

"Hindi naman siya mukhang playboy ahh" walang malay na sinabi ni Vi saka bumuntong hininga.

"Patay tayo diyan mukhang nahuhulog na siya kay Theo ah" pabulong na sabi ni Sam kay Hail na katabi niya, na agad namang sinangayunan at ngumiti.

Hanggang matapos ang klase nila hindi pa rin maalis sa isip niya si Theo. Tinatanong niya ang sarili kung bakit ba hindi ito mawala sa isip niya. Kaya naman nang lumabas ang Prof sa classroom nila ay agad agad niyang kinuha ang cellphone at agad binuksan ang instagram na app.

Pagkabukas niya ng instagram agad niyang tinaype ang pangalang THEO SAGE ALVAREZ sa search menu. At tila mas nalungkot ang mukha niya ng hindi ito makita. Ngunit hindi siya sumuko at sinubukang ilagay ang THEO, THEO SAGE, SAGE, THEO ALVAREZ at SAGE ALVAREZ pero wala pa din, hindi pa din niya nahanap ang instagram account nito.Tinanggap na niyang wala na siyang pagasa kaya naman bumalik na lang siya sa feed niya at isa isang binuksan ang mga ig story ng mga kakilala at kaibigan.

Walang buhay niyang tinitignan ang mga ig story ng mga kaibigan niya ng may nahagilap itong isang lalaki sa isang ig story. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Theo sa ig story ni Khiel.

Si Khiel ang isa sa mga kaibigan ni Vi na minsan ay tinuturuan siya sa math.

Walang sinayang na oras si Vi, agad niyang pinuntahan ang profile ni Khiel at hinanap ang username ni Theo. Scroll lang siya ng scroll hanggang sa nakita niya ang username na "THSG_ALVAREZ" agad niya itong pinindot at lumukot ang mukha ng makita ang mukha ni Theo na may kaakbay na isang babae.

"YESSS SA WAKAS NAHANAP DIN KITA! Pero sino yang kaakbay mo?!" pasigaw na sabi ni Vi at sabay sabay na tinignan ng mga kaklase niya.

"Sinong nahanap mo Vi?" tanong ni Maze na kaklase niya

"Lalaki ba yan Vi?" tanong ni Gina

"Yiiie ikaw ahh may love life na" panukso naman ni Charlie

" Yieee ikaw ahh" sunod sunod na pangaasar ng mga kaklase niya.

"Ano ba!" inis na sabi niya ngunit mas lalo lang siyang inasar at tinawan ng mga ito

Hindi mapakali ang isip ni Vi sa picture na nakita. Sino ang babaeng ito? Girlfriend ba niya ito?

Hindi pa rin mapakali si Vi kung sino ang babaeng iyon kaya naman na isipan niyang i-message ang taong mukhang kilala si Theo, si Kuya Khiel.

[Hola! Kuya Khiel, ummmm alam ko na nasa class ka pero I have a question pwede ka ba ma disturb kahit saglit lang]

From: @RKSEVILLA

[Sure, hindi din naman ako nakikinig sa class eh, pero diba may class ka?]

@VICTORIAKATE

[ Absent ata yung prof namin eh kanina pa kami naghihintay pero wala naman, by the way, pumasok ba si kuya?]

@RKSEVILLA

[ YUPP, but something happened a while ago]

@VICTORIAKATE

[ Nakipagaway nanaman ba siya? Ok lang ba siya? Please understand him na lang he is still grieving]

@RKSEVILLA

[ It's actually the opposite, nagaway sila ng isa naming friend and akala namin nagbubugbugan sila but then your brother apologized to him so ayun di natuloy ang pambubugbog but tahimik pa din siya tho, idk when will he talk to us, his friends.]

@VICTORIAKATE

[Just give him space and time I know he will get through it naman basta please understand him and watch over him for me]

@RKSEVILLA

[Anything for you Vi. But what was your question]

Kinapalan na ni Vi ang kanyang mukha saka nagtanong kay Khiel na kaibigan din ng kapatid niyang si Titus.

@VICTORIAKATE

[Promise we first that you won't judge me or tell this to anyone, or else I won't talk to you anymore]

@RKSEVILLA

[Spill it then]

Magttype na sana si Vi ng biglang pumasok ang prof nila na pawis na pawis at hinhingal. Tumakbo siguro ito dahil nalaman niyang late na siya ng 25mins.

@VICTORIAKATE

[Let's just talk about it later our prof is here na and he is very late]

@RKSEVILLA

[Ok, see you later, i'll just message you when my class is over]

Hindi pa din mapakali si Vi sa kanyang nakita kaya naman kinuha niya ang notebook at ballpen para magsulat ng mga tanong na tatanungin kay Khiel mamaya kasi magkikita sila sa library.

Dahil sa kaguluhan ng isip hindi namalayan ni Vi ang oras. Hindi din niya namalayan na tapos na pala ang dalawang subject niya at narinig na din niya ang campus bell na naghuhudyat ng pagtatapos ng pang umagang klase.

Agad namang kinuha ni Vi ang kanyang cellphone at nakita ang message ni khiel

@RKSEVILLA

[Papunta na ako sa M.A.B building kasama ko mga friends ko]

@VICTORIAKATE

[Owkie Kuya katatapos lang ng class ko, papunta na din ako]

@RKSEVILLA

[See you there]

Agad na niligpit ni Vi ang mga gamit at humarap sa mga kaibigan para mag paalam

"Date?" sabi ni Maky

"Tutor!, Please STOP saying na nakikipag date ako kay KUYA Khiel, kuya ko siya and friend siya ng brother ko plus I dont do boyfriends remember?" gigil na sinabi ni Vi

"Chill" sabi ulit ni Maky

"BTW mauna na ako baka nandoon na si Kuya Khiel" paalam ni Vi saka umalis ng classroom

***

"Hoy De Luna, siguraduhin mong masarap ang mga pagpipiliang pagkain dito ah kung hindi tatamaan ka sa akin" sabi ni Lance

"Can someone enlighten me bakit ako pumayag na sumama sa M.A.B. knowing na malayo ito sa Lib arts building" sabi ni Audrey

"Kasi manlilibre si Titus" sagot naman ni Shawn

"OO nga pala, silly me" sagot ulit ni Audrey

"Diba 1st year leapmed student sister mo Claire?" pagtatanong ni Lance

"Yea, why?--wag ninyong gamitin ang kapatid ko para maging messenger sa mga crush niyo!" singhal naman ni Claire

"Chill nagtatanong lang eh,, at wala akong crush as of the moment eh" sbai muli ni Lance

"Aysus palusot mo, siguro kaya ka sumama para makita si HIMPAPAWID"panunukso ni Shawn

"HIMPAPAWID sino yun?" sabay sabay nilang tanong kay Shawn na nakangiti lang.

"Tumahimik ka diyan kung hindi tatamaan ka talaga!" pananakot ni Lance

"Wait siya ba yung girl na nakipag break sa'yo kasi akala girlfriend mo ako?" sabi ni Audrey.

"As far as I can remember nakipagbreak siya sa'yo dahil hinalikan mo si Audrey." panunudyo naman ni Claire.

"Yea" sagot ni Lance sabay bumuntong hininga

"Ok, lang yan bro at least nakahanap ka na ng katapat mo, I mean after what happened hindi ka na nagkaroon nang mga flings,, which is unusual" sabi naman ni Shawn

"Unusual for you moron!, porket kasi maraming nagkakagusto sayo sinasamantala mo na ang mga ito" pagalit na sabi ni Lance

"Ano magagawa ko gwapo ako eh" pagbubuhat ni Shawn sa kanyang sarili

"GEEEZZ what a self confidence" sabi ni Theo

"Huwag kang ano diyan Theo, sige ka pag nagalit ako hindi kita tulungan kay---"

Tumahimik si Theo at hindi na lamang nagsalita para sagutin ang baliw nitong kaibigan.

"Saan ka kaya makakahanap ng katapat mo De Luna?" tanong ni Khiel

"Sorry na lang pero hindi ako yung taong nagseseryoso sa relationship ehh"

"Kapag ikaw talaga umiyak at naglasing dahil sa babae hinding hindi kita tutulungan" sabi ni Lance.

Naglakad na lang mga magkakaibigan habang nagkukwentuhan at nagtatawanan hanggang sa nakarating sa harap ng M.A.B.

"Sa wakas nakarating na din tayo"sabi ni Titus habang hinihingal at pinagpapawisan.

"Mauna na ako sa inyo may tuturuan pa ako" pagpapaalam naman ni Khiel

Naglakad lamang ang mga ito hanggang sa makarating sa sat cafe.

Hindi pa lamang sila tuluyang nakakapasok ay ramdam na nila ang mga matatalim na tinggin ng mga estudyante doon.

"Grabe naman kala mo celebrity" sabi ni Audrey

"Iba talaga ang kagwapuhan ko noh" pagbubuhat ni Shawn sa sarili.

"Shawn andyan na" sabi naman ni Theo

Agad naman pinalibut ni Shawn ang mata para hanapin ang tinutukoy nito. Sabay sabing "ohh"

"Pwede ba umupo na tayo pagod na ako" pagrereklamo ni Claire

"Doon tayo umupo" sabay turo sa isang lamesa malapit sa mga kaibigan ni Vi

"AYAW KO!" pagalit na sinabi ni Lance

"Edi wag mag isa ka diyan" sagot naman ni Shawn.

"Dito na lang kami sasamahan ko si Lance" sabi naman ni Claire

"Dito na lang din ako" sabay sabi ni Audrey

"Sige sige bahala kayo kung saan kayo masaya" sabay tinggin kina Theo at Titus. "Tayo na lang umupo doon tutal ikaw naman ang manlilibre" sabay pagtingin kay Titus "At ikaw naman ay siguradong may gusto ding makita" pagtingin naman nito kay Theo.

***

Walang nagawa ang dalawa kung hindi sumunod kay Shawn.

"Hindi ba kayo close ng sister mo?" tanong ni Lance sa kaharap na si Claire

"Its complicated" sagot naman nito

"Ok, ako din eh andoon kasi si Sky"

"Hindi ba uso ang salitang MOVE ON sayo Lance?" tanong ni Audrey

"I tried to pero wala eh siya pa din" sagot ni Lance

"Pag Ibig nga naman" sabi ni Audrey

"Tignan mo yung lokong iyon ohh serysong nagpalibre kay Titus" pag iiba ng topic ni Claire

"Jusko si De Luna pa ba, eh mahilig yan sa libre" sabay ikinatawa nilang nakaupo sa lamesa.

Habang naglalakad si Vi papuntang library nakasalubong naman niya si Khiel na aktong naglalakad sa hagdan. Kaya naman kinawayan na niya ito para makuha ang atensyon saka sabay pumasok sa library at naghanap ng mauupuan ng sagayon ay makasimula na sila sa mini tutor nila at ng sagayon ay makatanong na rin si Vi tunkgol kay Theo.

Nakikinig lamang si Vi habang nag eexplain si Khiel. "So para makuha mo yung derivative ng function, kailangan mo munang e-figure out yung f(x+h) tapos kung nahanap mo na isolve mo naman yung limit ng function tas after nun e-ivalute mo lang yung function tas after nun tapos na na solve mo na" matapos mag explain ni Khiel inayos naman ni Vi ang mga gamit niya at inilagay sa bag niya tapos saka humarap kay Khiel upang magtanong.

Tumikhim si Vi upang makuha ang atensyon ni Khiel na agad namang nagtaas ng kilay.

"So wanna hear my kwento?" panimula ni Vi

"Go on spill it" sagot ni Khiel

Sinuimulan na ni Vi e-kwento ang lahat mula sa nangyari sa jollibee hanggang sa nangyarai sa sat cafe.

Pagkatapos niyang magkwento hindi naman maipinta ang mukha ni Khiel sa pagkagulat at pagkamangha.

"So, you're telling me na you hate Theo but you kinda like him?"

"Yea, well I'm not sure tho, I think its his charisma that I like not his attitude"

"Wooahh, coming from you"

"Well ayaw ko naman sa attitude niya but let's not deny the fact that he is handsome I mean sino ang hindi magkakagusto sa kanya eh ang gwapo niya, matangkad pa tas ang bango pa."

"WHAT!?!? Did you smell him for you to know na mabango siya?"

"Well we introduced ourselves to each other so i kinda smelled him"

"Weird, but do you know he is your brother's friend?"

"WHAT!?!" pasigaw na sabi ni Vi na kinatinggin ng mga tao sa library maging ang librarian.

"Yea, actually they're really close so if you're going to stalk him, ask your brother not me"

"Why would I do that, mamaya magalit pa kuya ko."

"Then take risks Vi for your "crush"."

"Hey!" singhal ni Vi

"Tsk tsk i have to go baka ako naman ang ma late sa class ko alam mo naman kung gaano kalayo ang M.A.B sa lib arts" pagpaalam ni Khiel saka tumayo sa kinauupuan at lumabas na ng library.

Si Vi naman ay naiwan lang sa loob ng library at naisipang i-text ang mga kaibigan na alam niyang kumakain sa sat cafe.

***FUTURE DOCTORAS*** group chat

Victoria: Wass up girls nasa sat cafe pa ba kayo maaga kami natapos sa mini tutor so susunod ako diyan.

Sam: Sige bilisan mo baka umalis na sila

Victoria: Sino?

Hail: Secret basta bilisan mo na lang

Maky: Kaya nga Vi bilisan mo kasi mukhang ikaw naman ang dahilan kung bakit sila andito

Victoria: Sinong sila?

Hail: Bilisan mo nalang ang dami mo pang tanong eh

Victoria: Sky, bakit tahimik ka?, sino ba sinasabi ng mga iyan?

*** Skylar Jane Angeles seen your message***

Victoria: Ouch naman seenzoned lang

Sam: Hayy nako @Victoria ang tagal mo

Victoria: Ito na nga nagmamadali na

*** Everyone seen your message***

Walang pagaalinlangan tumayo si Vi at pa takbong pumunta sa sat cafe ngunit sa di inaasahang pangyayari nadapa siya at nabitawan ang mga hawak na libro at notebook. At laking gulat na lamang niya ng may nagtanong kung ayos lang ba siya at saka tinulungan siyang makatayo. Pamilyar ang boses ng nagtanong at siguradong kilala niya ito. Tiningala ni Vi ang taong tumulong sa kanya at nakita niya ang kanyang kapatid na si Titus na may pag aalala sa mga mata.

"Ayos ka lang ba? Why were you running ang daming tao dito sa cafe tas ang dami mo pang dala mag iingat ka naman Vi" sabi ng kuya niya na pinangangaralan siya.

"I'm sorry wala naman akong sugat oh, I'm ok you don't have to worry Kuya. Pero ano ang ginagawa mo dito? Malayo ito sa lib arts ah" pagtatanong naman ni Vi

"Well, may gusto daw makita yung kaibigan ko kaya sinamahan namin siya"

"Namin? May kasama ka? Sino-sino?" tanong ni Vi na may ningning sa mga mata at umaasang si Theo ang kasama nito.kasama nito si Theo.

"Ummm ayun sila oh" tinuro ng kapatid ang dalawang lamesa. Ang isa ay malapit sa may malaking ceiling fan at ang isa naman ay malapit sa bilhan ng buko juice.

Agad namang nabuhayan si Vi ng tignan kung sino-sino ang mga kaibigan na sinabi ng Kuya niya at nakita niya si Theo na kasama ulit ang kaibigan nito na nakita niya kaninang umaga. Pero nagkaroon ng kaunting takot si Vi ng nagtagpo ang kanilang mga mata at napansing nanglilisik ang mata ni Theo at nakakuyom ang kamao na para bang galit na galit at handang manakit. Pero mas nanaig ang kasiyahan niya kaya naman nginitian na lang niya ito at saka itinuon ang atensyon sa kapatid niya.

"Kaibigan mo ba si Theo Sage Alvarez?" may halong kuryosidad at pagkamangha na tanong ni Vi

"Yes were friends pero hindi na kami ganun ka close gaya ng dati pero bumabawi na ako ngayon."

"Ok, good start yan Kuya" nakangiting sabi ni Vi

"Thank you for supporting me Vi promise babawi din ako sayo so please give me more time"

"Sus, ikaw pa malakas ka sakin eh pero mas makakabawi ka kung tutulungan mo ako"

"Syempre naman tutulungan kita pero ano ba muna iyon"

"Ummm don't tell it to anyone please? Tumango naman si Titus at saka nagsalita na si Vi "So tell me everything you know about Theo Sage Alvarez, when I say everything meaning lahat lahat pati mga ex flings niya or crush, favorite food, favorite book, favorite movie or kahit ano basta tungkol sa kanya"

Hindi maipaliwanag ang mukha ni Titus na may halong pagkamangha at kuryosidad sa mga sinasabi ni Vi kaya naman hinawakan niya ang ulo nito at saka ginulo gulo ang buhok na ikinanins ng nakababatang kapatid.

"So gusto mo malaman lahat ng alam ko kay Theo?

"YES!"

"Well let's bargain, anong makukuha ko kapag sinabi ko lahat ng alam ko"

"Ummm anything, as long as its legal and kaya kong ibigay"

"Ok then deal!" sabay yakap ni Vi kay Titus habang nagpapasalamat

***

Napansin ni Shawn na kanina pa nanlilisik ang mga ni Theo kaya naman tiningnan niya ang direksyon na tinatahak ng mga mata ni Theo. At nakita niyang magkayakap si Titus at Victoria.

"Awit pre hahanapan na lang kita ng ibang babae" pagkuha sa atensyon ni Theo

"Tsk aalis na muna ako pupunta muna ako sa table nila Lance" bago pa makasagot si Shawn tumayo na si Theo at naglakad papunta sa table ng iba nilang kaibigan. Wala namang nagawa si Shawn kundi ang bumuntong hininga at saka iginaya ang ulo pahiga sa lamesa

"Mag isa ka lang?" tanong ng isang babae kay Shawn

"Hindi ba halata?" sarkastikong sagot nito habang hindi tinitignan ang kausap

"Sorry ah, ako na nga itong nagtatanong ikaw pa yung galit" sabi naman ng babae at kaagad nilapag ang isang makapal na libro sa harap ni Shawn

"Sinong may sabing ilagay mo ang mga gamit mo lamesa ko ?" pagalit na tanong ni Shawn at nilingon ang babae.

"Ang alam ko pagmamayari ng school ang lamesa na ito kaya naman nakakasiguro ako na pwede akong umupo dito, at saka sigurado din ako na for medical students ang space na ito kaya bakit may isang law stuent na andito.huh? At tinatanong mo kung bakit kita sasamahan well, mukha ka kasing malungkot kaya tatabihan kita kawawa ka naman." sarkastikong sinabi ng babae.

"Ok" yun lang ang naging tugon ni Shawn at saka umayos ng upo at nag cellphone

"BTW, anong pangalan mo?" tanong ng babae.

"What hindi mo ako kilala? Niloloko mo ba ako? Halos lahat ng tao sa school kilala ako tas ikaw hindi?" sarkastikong tanong ni Shawn saka ibinaba ang hawak na cellphone.

"Grabe naman ang gulat mo, kilala kita pero gusto ko maging pormal. Gusto ko sayo mismo manggaling ang pangalan mo pero kung ayaw mo ok lang din naman"

"Shawn De Luna, Shawn na lang itawag mo sa akin" saka iniabot ang kamay sa kausap at agad din namang nakipagkamay ang kausap at saka nagpakilala din.

" Maky tawag sa akin ng mga kaibigan ko pero ikaw bahala kung anong gusto mo"

"Ok lang ba sa iyo kung Ky ang itawag ko sa iyo?" tumango na lang ang kausap niya saka nagpatuloy sa pagbabasa ng libro hanggang sa iniabot ni Shawn ang cellphone at hiningi ang number niya.

"Smooth ahh pero sige pagbibigyan kita para naman hindi ka na malungkot". Pagkatapos inilagay ni Ky ang numero sa cellphone ni Shawn agad naman itong nagpaalam na babalik na sa classroom.

"Ingat see you when I see you" sabi ni Shawn kay Ky

"See you when I see you too" sagot naman ni Ky at naglakad na papalayo.

Matapos ang lunch break nagsibalikan na ang lahat sa kanilang mga silid. Si Shawn ay masaya dahil nakausap at nakilala na niya nang pormal ang babaeng gusto niya. Samantalang maitim at nanlilisik pa din ang mga mata ni Theo sa tuwing naaalala ang mga nangyari sa sat cafe kanina, Sina Vi at ibang kaibigan ay nakikinig lamang sa prof na nag didiscuss at nagpatuloy lang iyon hanggang sa matapos ang klase nila at oras na ng uwian.

Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Theo kahit uwian na at mas lalong kumunot ang mukha nito ng makita ang pagsakay ni Vi sa sasakyan ni Titus. Sa sobrang inis niya inaya niya si Shawn at Lance na uminom, agad namang pumayag ang dalawa dahil sabi niyang siya raw ang manlilibre.

Habang nasa sasakyan ni Titus si Vi walang tigil ang tanong nito sa kapatid tungkol kay Theo at hindi na nga nito namalayan na nasa bahay na pala sila kaya naman sabay silang bumaba ng kapatid at saka nakita ang pag iiba ng mood ni Titus, hindi na niya ito pinansin ata saka nauna na lamang pumasok ng bahay.

Pagod na humiga si Vi sa kanyang kama at saka inalala kung papaano ang naging araw niya mula sa pagkikita nila sa jollibee hanggang sa pagstastalk sa ig at hanggang sa malamang wala itong girlfriend sa kasalukuyan. Kaya naman sa sobrang tuwa at pagod basta na lamang itong naka idlip at nakatulog.

***

Habang nakikipag inuman si Theo kina Shawn at Lance hindi pa din maipinta ang mukha nito kaya naman hinayaan lang siya ng mga kaibigan.

"So, anong plano mo mukhang may something si Titus at si ms. coffee" pagtatanong ni Shawn

"Hindi pa naman natin siguro kung siya nga ay girlfriend ni Titus I mean malay mo friends lang huwag muna tayo mag assume unless may evidence tayo" segunda naman ni Lance

"Nagyayakapan, ihahatid pauwi at nagtatawanan na parang walang bukas, tingin mo ba may magkaibigan na ganun. I mean meron siguro pero iba yung ngiti niya noong magkasama sila ni Titus" pagpapaliwanag ni Theo

"Ok, so anong plano mo? Mukhang bumabawi pa lang si Titus pero mukhang magkakagulo na naman" ika ni Lance

"Well pwede mo namang tanungin ng diretso si Titus I mean sasagot naman iyon sa'yo. Huwag mong hayaang masira ang pagkakaibigan ninyo dahil lang sa selos" pagpapaliwanag ni Shawn.

"Hindi ko na kailangan pang marinig ang sasabihin niya, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya"

Sumipol sina Shawn at Lance at sinabing "Goodluck"

Kinuha naman ni Theo ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon at agad na binuksan ito na may nakitang may nag follow request sa kanya sa instagram.

*** @VICTORIAKATE requested to follow you***

Viniew naman niya ang profile nang nag request mag follow sa kanya at nakita ang mukha ni Ms. Coffee kaya naman nag scroll siya at mas lalong tumalim ang mata ng makitang may mga larawan ito na kasama si Titus na ang ilan pa ay nakaakbay ito at magkayakap. Pero naisip din niya na huwag muna pairalin ang selos kaya naman inaccept niya ang follow request nito at saka nag followback.

"Bakit ka nakangiti diyan?" tanong ni Lance kay Theo

"Mukhang may tama na ata si Theo" sagot naman ni Shawn

Nginitian lang ni Theo ang dalawa saka sinabing "Mapapasakin din siya at sisiguraduhin kong akin lang".

"Bago mo bakuran siguraduhin mo munang naka move on ka an sa ex mo. Dahil baka sa huli mas masaktan mo lang si Ms. Coffee" seryosong sabi ni Shawn.

"Huwag mong paasahin iyong tao dahil baka mamaya ikaw lang ang magsisi sa huli." dagdag ni Lance.

"She'll be my temporary pain reliever para maka move on kay Raine" sagot ni Theo saka ininom ang isang basong may lamang alak. "She resembles Raine-- which makes her my temporary happiness."

"So iiwan mo din siya kapag nafall na siya sa'yo?" nakangising tanong ni Shawn

"I didn't say I love her, I'll just use her to move on" sagot muli ni Theo

"I hope you won't regret your decisions." dagdag ni Lance.

"Why would I?" tanong muli ni Theo saka tumayo upang umorder muli ng ibang alak.

👉M.A.B. = Medical Arts Building

👉Si Maky and Ky ay iisang tao lang po :))

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C6
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous