Télécharger l’application
77.77% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 166: Life is Cruel

Chapitre 166: Life is Cruel

>Veon's POV<

Tiningnan ko si Sheloah. "Kaya mo makipaglaban?" tanong ko at hinawakan niya nang mahigpit ang sword niya.

"Kaya ko ito. Hindi ako magpapaka-weak. Ayaw kong mag-fail tayong lahat dahil lang sa akin." sagot niya sa akin at napa-nod ako.

"Sige, let's go." sabi ko na lang at lahat kami nagsimula na ulit tumakbo papunta sa NAIA airport. Kunting pagtitiis na lang, at mararating na namin ang destination namin. Sana makayanan pa namin makipaglaban. Naiwan na ang ibang classmates namin at ang sama ng loob namin na hindi na namin sila muling mababalikan pa.

Life is cruel. May mabubuhay at may mamamatay. Kailangan lang natin tanggapin ang masamang fact na ito kahit hindi natin gusto.

Nagulat kami nang biglang may sumabog na kotse sa likuran namin. Lahat kami nadapa sa sahig at napansin namin na nasaktan si Kreiss. Agad siyang nilapitan ni Shannara. "Kreiss!" sabi niya at hinawakan niya ang leeg niya. Tinaas niya yung isang parte ng pantalon niya ng unti at nakita niya na may malaking sugat sa binti niya. Maraming dugo ang lumalabas dito.

Tinulungan ni Sheloah tumayo si Isobel. "Isobel, si Kreiss." sabi niya at agad naman pumunta si Isobel sa kanya para tignan ang injury niya.

"Veon, cloth galing sa t-shirt mo kailangan ko." utos at sabi ni Isobel at agad akong kumuha ng cloth at ibinigay ko sa kanya. Ginawa na lang ni Isobel ay binuhusan ito ng tubig at saka nilagay na ang cloth nang mabilisan.

Tinulungan kong tumayo si Kreiss. "Kaya mong maglakad?" tanong ko at pinipilit niyang itayo ang sarili niya pero agad naman itong napaluhod sa sahig kaya pinaakbay ko siya sa akin para makatayo siya nang maayos.

"Damn." sabi niya at naglakad na kaming tatlo nang mabilisan. Ngayon, kami na ang nasa gitna, kasama si Isobel at ang pilot. Sabi ni Tyler kahit injured siya, siya na raw muna ang mag-aatake sa harap.

Ako ang support niya. Tapos si Shannara sa likod, at si Sheloah sa left and right.

"Shit!" reklamo ni Shannara at lumingon kami paera tignan siya. "Naubos na mg bala ko." dagdag sabi pa niya at nagulat kami dahil sa sinabi niya. Paano na 'yan?

"Gamitin mo ang emergency gun ko." sabi ni Kreiss at kinuha naman ito ni Shannara galing sa back pocket ni Kreiss.

Binabaril na ni Shannara ang mga zombies sa likuran namin. "Wala akong choice. Titipirin ko ang mga bullets na natitira." sabi niya at patuloy pa rin kaming naglalakad nang mabilis. Nakita na namin ng building ng NAIA at mas binilisan naming kumilos dahil nakita namin ang destination namin.

"Konting tiis at paghihirap na lang, makakarating na tayo." sabi ni Isobel at tiningnan ko ang kapaligiran ko.

Habang hawak ko si Kreiss sa left arm ko, gamit ko ang right arm ko sa pag-aatake ng zombies gamit ang baril ko. Si Sheloah naman dalawang sword ang ginagamit niya para mabilisan siyang makapatay ng zombie. Minsan hindi niya napapatay. Pag napatumba niya ang zombie, ayos lang sa kanya. Wala ng oras para pumatay ng zombies. Masyado na kasi kaming nagmamadali. Si Tyler, umaatake rin. Kahit may injury siya sa kamay at hindi siya masyadong makagalaw. Hindi niya pinapansin ang sakit nito at patuloy pa rin siyang lumalaban.

Nakapagtataka lang. Kanina, kumpleto lang kami. Isa kaming kumpletong klase. Pero ngayon na malayo kami at malapit na kami sa destination namin, bakit kami na lang ang natitira? Masakit. Masaklap na wala ka nang magagawa dahil nawala na ang mga kasama mo. Wala ka nang magagawa kundi magmove-forward. Magsisisi ka, oo dahil para sa 'yo wala kang magagawa pero ano pa nga ba ang magagawa mo? Mahirap lumaban ng kunti lang kayo. Akala ko marami na kami at kaya namin lampasan ito ng napakasama at buo ang lahat pero hindi

Kailangan pa na may mawala pa sa amin. Kailangan pa na may masaktan, at may maiiwan. Kailangan pang mamatay at magsakripisyo ang iba.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C166
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous