Télécharger l’application
46.51% Aprodisiac Love Affair / Chapter 20: Chapter Twenty

Chapitre 20: Chapter Twenty

             Nagising ako ng sumunod na araw na nakahiga na sa kama. Nilibot ko amg paningin at nakita ko si Tyler na nakaupo sa harap ko habang pinagmamasdan ako.

             "You're finally awake." aniyang nakangiti.

             Tumayo ako sa kinahihigaan at tiningnan ang orasan na nasa side table ko. Nataranta ako. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Tyler.

             "It's Sunday, sweetheart." aniyang natatawa.

             I leaned on the headboard. Gosh. Ganito ako lagi. Parang nababaliw ako kakaaral, minsan nakakalimutan ko na wala nga palang klase pag linggo.

             "Why are you still here?"

             "I told you. I'm staying here for three days."

             I rolled my eyes. "You can't."

             "Why can't I?"

             "Bahala ka nga. Maliligo lang ako. May kailangan akong bilhin sa NBS."

             "Sasamahan na kita."

             Nagkibit-balikat ako. Bahala siya. Pumasok na ako sa banyo. I can't help but touch myself. I hate Tyler for doing this to me. Tuwing nakikita ko ang mukha niya wala akong ibang gustong gawin kundi makita siya sa gitna ng mga hita ko. I want him inside me everyday, every hour, every second. I miss how it feels.

             Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo. Paglabas ko ay andun na si Tyler sa harap ng laptop ko at kinukulikot iyun.

             "What are you doing?" tanong ko.

             "Nothing." aniya habang nakatingin sa mga pictures ko.

             Nailing ako. Pumunta ako sa cabinet at kumuha ng damit. Tinanggal ko ang nakatabong tuwalya sa katawan ko. Sanay na naman akong nakikita niyang ganito. Parang normal na lang sa akin.

             "Nagkakalaman ka na. Parang lumalaki yung balakang mo." aniya.

             I looked at him. "Mas masarap kasing kumain ngayon lalo na pag ang raming ginagawa."

             "I think you'd look good pag mas lumaki ka."

             "Really huh? Maybe you'll fuck me then."

             Ngumuso siya. "Nagtatampo pa rin."

             I just rolled my eyes saka nagbihis na habang nakatingin pa rin siya sa akin. Matapos kong magbihis ay lumapit ako sa kinaroroonan niya dahil andun yung mga gamit ko. Napasinghap ako ng ilagay niya ang dalawang kamay sa balakang ko.

             "You're turning into a lady, babe." aniya.

             "Whatever."

             "Your butt's bigger too. I love it." pinalo niya ang pwet ko at pinisil pisil iyun. "Wag ka na magalit. Please? Ang ganda mo pa naman ngayon."

             Pinalo ko ang kamay niya. "Shut up. Dami mong sinasabi. Ano? Sasama ka ba o hindi?"

             "Sasama."

             "Di ka ba maliligo?"

             "Wala akong dalang damit."

             "Titira ka dito ng ilang araw ng wala kang dalang damit. Tss."

             "Bibili na lang ako sa mall. Tayo na?"

             Hindi ako nagsalita. Nauna na akong maglakad sa labas. Sumunod naman siya sa akin. Habang nasa hallway ay panay ang tinginan ng mga dormmates ko sa amin. Napansin ko pa ang mga babaeng nagpapa-cute kay Tyler. Sarap ibalibag.

             Napansin ata ni Tyler na wala na ako sa mood kaya nilagay niya ang isang kamay sa balakang ko at sabay kaming naglakad. Para kaming artista dahil nasa amin ang tingin ng lahat. I don't fucking care about them.

             "I didn't bring my car. I'll just call for a taxi." aniya ng nasa labas na kami ng university.

             "Huh? Hindi ako sumasakay ng taxi." wika ko.

             "But we don't have--"

             "Jeep lang ang sinasakyan ko. Mas mura. Malapit lang naman yung mall dito. May pa-taxi-taxi ka pang nalalaman."

             "I h-have never ride a jeep."

             Ngumiti ako. "Then this will be your first."

             Hinila ko siya papunta saka pumara ng jeep. Mukhang hindi niya gusto ang ideya. Natatawa na lang ako ng palihim.

             "Ouch." mahina niyang wika ng mauntog siya sa jeep.

             Umusog ako ng konti para makasakay siya. Tangina. Yuyuko na lang di pa magawa.

             "Wow. This is..." parang hindi ito makahinga sa sobrang dikit-dikit na ang mga tao sa loob.

             Napansin ko ang babaeng katabi ni Tyler. Tila kilig na kilig ito habang katabi niya ito. Yung ibang babae naman sa jeep, sa kanya lang nakatingin. Hindi pa siya naliligo niyan ha? Infairness, mabango naman tong gago kahit di naliligo.

             "Are you okey?" tanong ni Tyler sa akin pagkuway.

             "Syempre. Ang tanong, okey ka lang ba?"

             "Well... This isn't a very bad idea after all. Hindi ko na kailangan ng dahilan para maging ganito tayo kalapit."

             I rolled my eyes. "Shut up."

             Hinawakan niya ang kamay ko. Ganun lang kami hanggang sa makarating kami sa mall. Mukhang nakahinga na ng malalim si Tyler ng makalabas na kami ng jeep.

             Pinahiran ko ang pawis niya pagdating namin sa loob. Buti na lang ay may dala akong panyo. Tsk. Pawisin talaga ang lalaking toh.

             "Kumain muna tayo? Baka gutom ka na." aniya.

             Napakalapit ng mukha naming dalawa. Bago pa man kami makakuha ng atensyon ay lumayo-layo ako sa kanya ng konti. Tinapon ko ang hawak kong panyo rito. "Pahiran mo nga sarili mo. Di kasi naligo kaya ayan."

             Tumawa siya. "Mabaho na ba ako?" aniya habang sinisinghot singhot ang sarili.

             Sinamaan ko lang siya ng tingin saka nauna na akong maglakad. Pumasok kami sa isang fast food para kumain muna. Nag-order kami ng makakain. Ako na sana ang magbabayad but he insist na siya na. Nakakahiya namang ma-hold namin ang pila kaya hinayaan ko na.

             "This is our first date." ani Tyler.

             Ngumuso ako. "Di toh date Mister."

             "Hindi ba Misis?" panunuya niya.

             Para namang may ilang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buo kong sistema ng tawagin niya akong misis. Ang sarap pala pakinggan. Tuwing naririnig ko ang mga pinsan kong nagbibiruan kasama ang mga asawa nila, halos magsuka ako sa pandidiri tuwing tinatawag nila ang isa't isa ng mga sweet endearments like Mister ans misis, baby etc. Pero pag si Tyler na, ang sarap sa tenga.

             "Gusto mo pa bang kumain? Extra rice?"

             Umiling ako. "Hindi na. Busog na ako."

             "Ang konti lang nun, busog ka na?"

             "Konti lang talaga ako kumain. Hindi naman ako tulad mo na malaki ang bituka."

             "Tsk." aniya na lang saka tinapos na ang kinakain niya.

             Napataas-kilay ako ng makitang nag-text sina April. Napaigting ang panga ko ng makita iyun.

             "Kumusta naman ang gabi kaibigan? Nilaspag ka ba?"

             Paano nila nalamang andito si Tyler?? Napaisip ako. Well, marami nga namang nakakita sa amin palabas kanina. Baka may nagkwento o ano. Tsk. Whatever though.

             "Gago. Wag kang magpapakita sa akin."

             Malakas na tumikhim si Tyler. "Mukhang busy ka ah? Mukhang nakalimutang nasa harap ang boyfriend. Sino yang katext mo?"

             Boyfriend? Napakagat-labi ako. So he's my boyfriend now? I always wonder kung ano nga ba talaga kaming dalawa.

             "Si April lang. Yung babaeng makapal ang mukhang pumasok sa kwarto ko. You already met her, right?"

             Tumango siya. "Patingin nga ng makasigurado."

             Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinagdududahan mo ba ako?"

             "Hindi naman sa ganun... Malay ko bang may stalkers ka o ano at hindi mo lang sinasabi."

             "I don't have those. Kung meron man, I will take care of them myself."

             "Okey... But can you at least hide your phone when we're together? Minsan na nga lang toh may iba ka pang kausap. Madalas naman kayong nagkakasama diba?" may bahid ng pagtatampo ang boses nito.

             I turned off my phone. Pinakita ko pa sa kanya yun at saka binalik ko na iyun sa bag. Mukhang kontento naman siya sa ginawa ko.

             Lumabas na kami matapos kumain. Dumiretso na agad sa NBS kung saan may mga kailangan nga akong bilhin para sa project namin na ipapasa sa susunod na linggo.

             Habang naghahanap ng mga materials, nadistract ako sa mga librong nakikita. Iniwan ko muna si Tyler at mukhang nagtititingin rin ito at pumunta ako doon. Umupo ako at kumuha ng isang libro't nagbasa. They don't mind naman basta ba hindi lang yung mga nakabalot ng plastik.

             Wala pa akong sapat na pera ngayon para bumili nung bagong labas na libro na natipuhan ko. Tsk. Sayang.

             "Akala ko ba bibili ka lang?" tanong ni Tyler habang naka-crossed ang mga kamay.

             Ngumisi ako. "Teka... Isang chapter na lang."

             "Bilhin mo na lang tas sa dorm mo na basahin."

             "Wala nga akong pera pambili nito. Isa na lang naman. Di naman aabot ng isang oras."

             Lumapit siya sa akin at bigla na lang inagaw ang libro na hawak ko. Wala na akong nagawa. Akala ko ay ibabalik niya sa shelf ang libro pero imbes ay nilagay niya iyun sa hawak niyang basket kung saan andun ang mga pinamili ko.

             "Wala pa nga akong pera. Paano ko bibilhin yan??"

             "I'll buy it for you. Sama ko namang boyfriend kung iuuwi kong malungkot ang girlfriend ko. Let's go."

             Tahimik akong napangiti. Eh di wow. Girlfriend daw.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous