Télécharger l’application
72.22% Adik Sa’yo / Chapter 13: Group therapy [2]

Chapitre 13: Group therapy [2]

SUNUD NA nagpakilala si Riko, Nadia at panghuli si Jace. Matapos ang introduction ay nagsimula na si Ms. Vina para sa discussion.

"You are all here with us in Love and Hope because all of you have decided to make a change and stop your addiction. And I know that it took a lot of courage to make this kind of decision. Kaya ngayon pa lang ay gusto kong palakpakan niyo ang inyong mga sarili."

Sumunod ang lahat at pumalakpak nang mahina. Napabuntong hininga na lang si Nadia dahil wala naman siyang magagawa kundi panindigan na lang din ang pagiging adik nang sa ganoon ay makaalis siya nang maayos at walang aberya after six months. Useless lang kung ide-defend niya pa sa lahat na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil pag-iisipan lang na in-denial siya.

"For today's session, let us talk about the word "guilt." What comes in your mind when you hear this word?"

Natahimik ang anim at nagpalitan ng tingin. Nagpakikiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Si Riko ang unang nagtaas ng kamay. "Regrets?"

Ngumiti si Ms. Vina. "That's right, Riko. Why regret?"

Nakagat ni Riko ang ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri habang nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng hita nito. "I regret everything that I did. Kung hindi siguro ako masyadong naging immature at inintindi ko na lang ang parents ko, hindi sana ako naimpluwensiyahan ng ex ko na gumamit ng drugs. Akala ko kasi, makakalimutan ko ang kalungkutan by using drugs. But I ended up breaking the trust of my parents. Mas lalo tuloy silang naging malayo sa akin. I feel guilty for everything." Maluha-luha ang mga mata ni Riko.

Saglit na natahimik ang lahat. Malumanay na hinimas ni Nadia ang balikat ni Riko. Nababasa niya sa mga mata nito na totoong nagsisisi na ito sa pagkakamaling ginawa dala ng kapusukan. Her heart compressed.

"Thank you for sharing us your feelings, Riko. It's a good sign that you're accepting your mistakes. It's never too late to correct all the wrong things you have done in the past."

Nagpasalamat si Riko rito.

"How about the others?" Umikot ang mata ni Ms. Vina. "You, Nadia?"

Lahat ng atensyon ay lumipat kay Nadia. Kumabog ang didbib niya at madiin na napalunok. Tinatanong lang naman nito kung anu ang saloobin niya kaya wala naman sigurong mawawala kung magiging honest siya. Besides, she's maybe not an addict but she's been feeling down lately. Mainam na rin siguro na mailabas niya ang mga bagay na kinikimkim nang sa ganoon ay manatili siyang matino sa loob ng anim na buwan.

Taimtim lang na nakatingin si Jace sa kanya.

Tumikhim si Nadia at humugot ng malalim na hangin bago nagsalita. "I guess it's also regret. I feel bad because I didn't give extra effort to get closer to my Dad."

Tila ba may bagay na bumara sa lalamunan niya kaya kinalaingan niyang kagatin ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na maiyak. "Totoo pala ang kasabihan na araw-araw dapat palagi mong sinasabi at pinaparamdam sa mga taong mahal mo kung gaano mo sila kamahal. Because one day, magugulat ka na lang na wala na sila. And you are left feeling all the regrets of not showing your affection. It kills you every single second of the day. Dahil kahit anung pagtulog ang gawin mo gabi-gabi, hinding-hindi ka na magigising sa bangungot na wala na sila sa tabi mo."

Dumaan ang matagal na katahimikan sa buong grupo. Nanatiling nakayuko si Nadia dahil tuluyang pumatak ang luha niya. However, she felt light and good. Masarap palang ilabas ang mga bagay na iyon. Pakiramdam niya ay nabawasan ang mabibigat na batong nakadagan sa dibdib niya na naipon simula nang mamatay si Nathaniel. Then Nadia realized that she's might be needing this therapy more than how she'd thought.

"I understand how you feel, Nadia. I was also devastated when my grandmother died five years ago. Siya kasi ang nagpalaki sa `kin dahil maaga akong naulila sa mga magulang ko," malumanay na sabi ni Ms. Vina. Hindi na rin nito napigil ang pamumuo ng luha sa mga mata.

Gumanti si Nadia ng tipid na ngiti sa dalaga. Pinunasan niya ang luha sa pisngi. Yumakap naman si Riko sa balikat niya at hinimas niya ang ulo nito. Lumipat ang tingin niya kay Jace na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang seryoso. Malambot ang mga mata nito. Hindi ito nakangiti o nang-iinis. Hindi niya mabasa kung anu ang iniisip nito but somehow his eyes felt like he was trying to comfort her.

Naputol ang mahaba nilang tinginan ni Jace nang muling magsalita si Ms. Vina. "Who else wants to share?"

Sumunod na nagsalita si Paps. Sinabi nito na nagi-guilty at nagsisisi ito nung ginalaw nito ang pera ng kumpanyang itinayo nito at pinangsungal sa casino. Noong magsimula kasing mag-pull out ang mga big clients ng kumpanya dahil nagkaroon ng problema sa quality ay doon ito nakaramdam ng pressure at matinding anxiety. Sa pamamagitan ng pagsusugal at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakahanap ito ng mabilis na paraan upang makatakas sa totoong mundo.

"Iniwanan ako ng asawa't mga anak ko. Kahit anung pagmamakaawa ko na bumalik sila sa `kin ay walang silbi." Mapait itong ngumiti. Tuluyang nawala ang pagiging cool ni Paps at bumakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. "Anu nga ba naman ang maibibigay ko sa kanila kung sarili ko nga ay hindi ko magawang ayusin? `Yung mga kapatid ko ang nag-udyok sa `kin na pumasok sa rehabilation center. Napagtanto ko rin na kailangan kong ibalik ang sarili ko sa dati. Umaasa pa rin ako na mabubuo ang pamilya ko."

Nadia's heart compressed. Habang naririnig niya ang kwento ng bawat isa. Mas nagagawa niyang maunawaan ang mapait na realidad na mayroon ang bawat tao. Sa labas ng center; sa ilalim ng mata ng mga mapanghusgang mga mamamayan. Napakadaling sabihin na salot sa lipunan ang mga adik. Ang tingin sa mga ito ay mga patapon at walang maidudulot na mabuti sa komunindad at sa kapwa. Pero ang totoo ay tao lang ang mga ito na sinubok ng mabibigat na problema.

Maraming mga bagay na bumabato sa buhay ng bawat isa. Maaaring sa iba ay kaya nila itong malagpasan. Ngunit marami ang mahihina at natatakot itong harapin kaya mas piniling tumakbo at maghanap ng ibang solusyon para pansamantalang makalimutan ang sakit.

Hindi salot sa lipunan ang mga adik. Kailangan lang ng mga ito nang mas malaking pang-unawa at sapat na atensyon upang maramdaman ng mga ito na maraming nagmamahal sa mga ito.

"It's never too late, Paps. Everybody deserves a second chance. Kailangan lang natin tulungan ang sarili natin na muling makabangon." Pagpapayo ni Ms. Vina na may ngiti sa labi.

Tumungo-tungo si Paps at maliit na ngumiti.

"How about you, Jace? Can we hear your thoughts?"

Lumipat ang atensyon ng lahat sa binatang nakayuko lang mula pa kanina. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Ngumisi ito at umiling. "Nah, passed."

"Come on, Jace. Don't worry, we'll listen to you," pag-udyok pa rin ni Ms. Vina.

Umiling ulit ito. Napakunot ang noo ni Nadia. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nanahimik si Jace. Malayong-malayo sa kilala niyang makulit at alaskador. Ilang beses pa itong kinulit ni Ms. Vina na magsalita pero nanatili itong tahimik. Unti-unting dumilim ang mukha ni Jace na ikinabahala ni Nadia.

Humugot ng malalim na hangin si Ms. Vina. "Jace, we are here to help you. We need your cooperation, we can't help you if—"

Nagulat ang lahat nang bigla itong tumayo. Naninigas ang bagang nito. "Let's stop this shit." Naglakad ito palabas ng main hall.

"Jace!" Tumayo si Ms. Vina ngunit hindi na lumingon pa ang binata.

Agad ding tumayo si Nadia at sinundan si Jace. Tinawag siya ni Ms. Vina pero sinabi niyang babalik din siya agad. Tumakbo siya at naabutan si Jace na naglalakad palayo.

"Jace! Jace, sandali lang!" Nahuli niya ang braso nito.

Lumingon si Jace na madilim pa rin ang mukha. Tila naputol ang dila niya at hindi alam kung anu ang sasabihin.

"Bakit ka umalis?"

"I'm bored," walang ganang sagot nito at muling naglakad. Pero agad siyang humabol at hinarang ito.

"Jace! Are you okay? May problema ba?" malumanay niyang tanong. Nasurpresa din siya sa sarili na hindi niya ito tinatarayan. Bagkus, ay pilit niya itong inuuwa.

Natahimik si Jace at matagal na tumingin sa kanya. Ilang ulit na nagtaas baba ang adams apple nito. For a while, Nadia thought she saw sadness in his eyes pero mabilis iyong nawala at napalitan ng ngisi. "`Pag hinalikan mo ako magiging okay na ako."

She grunted. "Jace," aniya sa seryosong tono.

He smiled bitterly. "Don't mind me. Go back there." Muli itong naglakad. Sinundan niya ulit ito. Ngayon ay bumaliktad na ang kanilang sitwasyon at siya na ngayon ang tila tuta na susunod-sunud dito. "Alam mo, mas makabubuti kung bubuksan mo ang sarili mo habang nandito ka sa loob ng center. Iyon naman ang purpose ng treatment at therapy. You need to cooperate para matulungan ka nila sa addiction mo—"

"What do you know?" Natigilan siya sa biglang pagtigas ng boses ni Jace. Halata sa mukha nito ang disgusto. "Therapist ka ba?"

Napalunok si Nadia. "You need help," mas mariin niyang wika.

Ngumisi ito at tumawa nang mapait. "Help? I don't need any fvcking help. Not from here, not from the doctors or that bitch, Vina. I'm perfectly fine."

"No you're not!" Tumaas na ring ang boses niya. "Dahil kung totoo `yang sinasabi mo, bakit ka nandito?"

"Dahil sa tarantado kong tatay."

"Hindi ka ipapasok ng Daddy mo dito sa loob kung hindi mo kailangan ng tulong."

Jace scoffed. "Why are you suddenly nagging me, Nadia? Are you my girlfriend?"

Natigilan siya at napakunot ang noo. Ngumisi nang nakakaloko si Jace. "Masyado mo na atang sineseryoso ang mga biruan natin dalawa at feeling mo may karapatan ka ng umaktong girlfriend ko."

"What?" She can't believe what she's hearing from him.

Jace stepped forward. "Pwede naman nating totohanin." Pinulupot ni Jace ang braso sa bewang niya. Napasinghap nang malakas si Nadia. Yumuko ito at pumantay sa mukha niya. Sobrang lapit nito at nararamdaman na niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. "But I don't need someone who'll nag me. I need a girl who would warm my bed," he whispered with lust in his eyes.

Mabilis na sumiklab ang matinding apoy sa dibdib ni Nadia. Tinulak niya si Jace at binigyan ito ng malakas na sampal. Tumunog ang pagkakadikit ng palad niya sa pisngi nito at tumagilid ang mukha nito.

Nagtaas-baba ang dibdib ni Nadia habang nag-iinit ang kanyang mga mata. Nagsisisi siya na nagbigay pa siya ng concern sa lalaking ito. Wala itong kwenta! Wala siyang ibang nararamdaman ng mga sandaling iyon kundi matinding pagkasuklam.

"Bastos!"

Bago pa siya sumabog ay mabilis na niyang dinala ang mga paa at naglakad palayo kay Jace. Naiwan itong nakatunganga at naninigas ang panga.


L’AVIS DES CRÉATEURS
AnjGee AnjGee

Hay Jace. . . Gago u.

Join our Fb group: Cupcake Family PH

next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C13
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous