Télécharger l’application
43.75% Bloody Vacation / Chapter 7: Chap 7: Aksidente

Chapitre 7: Chap 7: Aksidente

ANDREA'S POV:

Ala sais na ng hapon at palubog na ang araw. Kanina puro bahay yung mga dinadaanan namin, ngayon puro puno na lang ang nasa paligid, sobrang dilim ng paligid ang ilaw lang ng mga sasakyan namin ang nagbibigay ng liwanag.

Walang masyadong nadaan na sasakyan. Nauuna ang van nila Rayven dahil andun si Jay, kasunod naman nito ang van nila Louie, kasunod ang kotse nila Ethan, sumunod ang sasakyan ni Mike, Vincent, at kami, nasa hulihan ay ang sasakyan nila mang Rey.

"Malapit na ba tayo?" Pagtatanong ni Kathleen habang nakasimangot.

"Hindi ko alam nasundo lang tayo sa kanila." Sagot naman ni Ezekiel.

Nagulat ako ng biglang pumreno ng malakas si Ezekiel kaya napasigaw kami sa loob, konti na lang at mababanga na namin ang hulihan ng sasakyan nila Ethan.

Mabilis ang mga pangyayari kaya bumaba kaming lahat. Nakita namin ang sasakyan nila Vincent na nakabanga na sa puno.

Agad na lumapit sila Mang Hulyo sa sasakyan.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Ethan.

Bumaba ng sasakyan sila Vincent, Aaron, Justine at John.

"Okay lang kami." Sabi ni Vincent.

"Ano ba kasing nangyari?" Pagtatanong ni Feebie.

"May nakita kasi akong itim na pusa na biglang tumawid, nagulat ako kaya iniliko ko ang manibela at naibangga ko sa puno." Sagot ni Vincent.

"Paano na yan, saan kayo sasakay?" Pagtatanong ni Feebie.

"Mauuna na lang kami tapos babalikan na lang namin ulit kayo." Sabi naman ni Jay.

"Sige bilisan nyo." Sabi ni Ethan.

"Oh sige." Sabi ni Jay.

Umalis na sila at tuluyan ng nakalayo samin.

"Pusa ba talaga yung nakita mo?" Pagtatanong ni Ethan.

"Oo, kitang kita ng dalawang mata ko." Sagot ni Vincent.

"Paano naman mag kakapusa dito sa gubat?" Pagtatanong ni Aubrey.

"Baka naman multo." Sabi ni Marie.

"Ano ba yan, wag naman kayo manakot." Sabi ni Rose.

"Antahimik mo yata Aaron." Sabi ni Ethan.

Sa sinabing yun ni Ethan napatingin kaming lahat kay Aaron at dun lang namin napansin na may malaking sugat si Aaron sa braso.

"May sugat sya." Sabi ni Riza.

"Bakit di ka nag sasalita?!" Sambit ni Ethan.

"Sinong may dalang first aid kit?" Pagtatanong ni Alexandra.

"Omg!" Sambit ni Feebie.

"Ang arte." Sabi ni Kathleen.

Pag sabi nun ni Kathleen nag lakad sya papunta sa sasakyan ni Ezekiel.

"Ako ba yung tinutukoy mo?!" Sigaw na pagtatanong ni Feebie kay Kathleen at agad namang hinarap ni Kathleen si Feebie.

"Ano bang sinasabi mo dyan ha?" Pagtatanong ni Kathleen.

"Wag ka nang mag maang maangan pa, bakit ka ba ganyan sakin? Ano bang ginawa ko sayo?" Pagtatanong ni Feebie kay Kathleen.

"Ayoko ng away Feebie." Sabi ni Kathleen.

"Pero ikaw yung nag simula diba?!" Sambit ni Feebie.

"Tigilan mo ako Feebie, isa ka sa mga officer pero wala ka man lang dalang first aid kit?" Sabi ni Kathleen.

*

*

FEEBIE'S POV:

Hindi na ako nakasagot at tinuloy ni Kathleen ang pag punta sa sasakyan ni Ezekiel. Sa sinabing yun ni Kathleen natamaan ako, sa bagay tama naman sya isa kasi ako sa mga officer pero wala akong dalang first aid kit. Mabilis lang kinuha ni Kathleen ang first aid kit at pumunta ka agad sya kay Aaron. Lumapit rin si Ethan kay na Kathleen at Aaron.

*

*

KATHLEEN'S POV:

Kumuha ako ng water bottle at binuhos ko yun sa sugat ni Aaron.

"Paano ka nag ka sugat?" Pagtatanong ni Ethan.

"Iniharang ko kasi yung braso ko sa mukha ko." Sagot ni Aaron.

Habang naguusap pa sila Ethan at Aaron binuksan ko lang ng mabilis ang bulak at kumuha ako ng alcohol. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at sinimulan ko ng idampi sa sugat nya ang bulak.

"Ah!" Daing ni Aaron. "Wag mong masyadong diinan masakit." Dugtong pa ni Aaron.

"Sorry naman." Sabi ko.

Pagkatapos kong linisan ang sugat ni Aaron binendahan ko ito.

"Done." Sabi ko.

"Thank you." Pagpapasalamat ni Aaron.

Nag katitigan pa kami, mata sa mata, ang gwapo talaga nya.

"Andyan na sila Jay!" Sambit ni Juvilyn.

Agad na akong pumunta sa sasakyan ni Ezekiel at ibinalik ang aid kit.

"Sakay na kayo." Sabi ni Jay.

Lahat kami ay nagbalikan sa mga sasakyan. Sila Ethan, Aaron, Justine at John sumakay sa van.

Nagsimula na kaming umalis.

*

*

SOMEONE'S POV:

Magsisimula na ang kasiyahan. HAНАНА!!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C7
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous