Télécharger l’application
69.23% Among Legends: The Vampire King's Bride / Chapter 63: Chapter 63

Chapitre 63: Chapter 63

Tila natigalgal naman si Alicia sa kaniyang kinatatayuan. Habang napupuno naman ng galit ang puso ni Elysia dahil sa pag-alala sa mga masasamang ginawa ng pamilya ni Alicia sa pamilya niya dahil sa inggit.

"Ngayon mo isumbat sa akin na wala akong utang na loob Alicia. Buong buhay ko na kasama kayo ay puno ng pagdurusa, kahit kailan hindi ako nagreklamo, lahat tinanggap ko at pinagkibit-balikat sa paniniwalang pamilya ko kayo. Pero, niloko niyo lang ako. Wala akong kadugo ni isa sa inyo."

"Wala akong pakialam, kahit ano pa ang sabihin mo, mamamat*y ka pa rin ngayong gabi. Mas maigi na rin itong nagkaalaman na, hindi ko na kailangan pang magkubli. Napakat*nga mo talaga, nakuha mo pang magpunta rito ng mag-isa." Patuyang wika ni Alicia at mabilis na inatake si Elysia gamit ang kaniyang mga kuko. Nanlilisik ang namumula nitong mga mata habang walang humpay niyang kinakalmot si Elysia na mabilis namang naiilagan ng huli.

Humahalakhak pa si Alicia habang ginagawa ito, nanunuya at punong-puno ng yabang na nagpapakitang gilas siya kay Elysia. Ngunit hindi niya napapansin na hindi iniinda ni Elysia ang bilis at mga pag-atake niya.

Samakatuwid, walang kahirap-hirap na iniilagan lang ni Elysia ang anumang atakeng binabato ng kaniyang kalaban.

Kumunot naman ang noo ni Alicia nang mapagtantong hindi siya nakakatama kay Elysia. Hindi siya makapaniwala dahio ang pagkakaalam niya ay isa na siyang bampira at higit na siyang mas malakas at mas mabilis dito.

Dahil sa inis at galit na nangingibabaw sa puso niya ay ginamit na niya ang pinakamalakas niyang atake. Inipon niya ang kaniyang buong lakas at mabilis na sinakal si Elysia. Ngunit bago niya pa iyon magawa ay isang malakas na sipa naman ang nagpatumba sa kaniya.

Tumilapon siya sa labas ng silid at mabilis na isinara iyon.

"Dito tayo magtutuos sa labas Alicia." Wika pa ni Elysia at napanganga na lamang si Alicia dahil sa gulat.

"Paanong mas malakas ka pa rin sa akin? Tao ka lang, bampira ako." Naguguluhang tanong ni Alicia. Napangiti naman si Elysia at marahang nilapitan ang kinalulugmukang lupa ni Alicia.

"Bampira ka, ngunit hindi ka puro. Sinalinan ka lamang at nararamdaman ko na hindi dugong maharlika ang sinalin sa'yo." Patuyang sagot ni Elysia at marahas na ipinilig ni Alicia ang kaniyang ulo.

"Hindi maharlika? Dugo ni Vincent ang ininom ko." Tanggi ni Alicia at natawa naman si Elysia.

"Sigurado ka? Tuso si Vincent. Bakit niya ibibigay sa tulad mo ang dugo niya? At kahit pa dugo nga niya ang isinalin sa'yo, mahina ka pa rin." Bulalas ni Elysia at muling sinipa ang kalaban. Sa pagkakataong ito ay maagap na nahawakan ni Alicia ang kaniyang paa. Walang ano-ano'y ibinalibag ni Alicia si Elysia sa sahig. Napadaing naman sa sakit si Elysia ngunit mabilis siyang tumayo upang saluhin ang sumunod na atake ni Alicia na noo'y nanggagalaiti na sa sobrang galit.

Nagpangbuno pa sila ng ilang ulit hanggang sa pareho na silang kinakapos ng hangin. Matalim na titig ang pinukol ni Alicia sa dalaga. Namumula ang mga mata nito at nakausli sa magkabilang gilid ng labi niya ang dalawang matutulis na pangil.

Katunayan iyon na isa na ngang bampira si Alicia. Mabilis na pinalis ni Elysia ang dugo sa kaniyang labi at humihingal na ikinuyom ang kaniyang palad.

"Sumuko ka na Alicia, nakuha na namin si Mariella at hindi mo na siya kailanman masasaktan pa." Sigaw ni Elysia at malakas na tawa ang iginanti ng babae sa kaniya.

"Wala akong pakialam sa babaeng iyon. Kinuha ko lamang siya para makalapit ako sa inyo. Gagamitin ko sana siya para isakatuparan ang balak ko sa'yo. Akalain mo 'yon, sa kabila ng galit niya sa'yo ay hindi pa rin niya magawang saktan ka." Saad ni Alicia na ikinabigla naman ni Elysia.

"Hindi lahat ng nilalang kagaya mo mag-isip. Galit sa akin si Mariella pero hindi umabot sa punto na gagawa siya ng masama na katulad mo. Sukdulan ang kasamaan mo sa katawan Alicia. Naturingan kang isang tao pero ang budhi mo ay katulad ng sa dem*nyo!" Sigaw ni Elysia at inatake si Alicia.

Kamuntikan pa siyang tamaan ng isang punyal nang iniumang ito sa kaniya ng kalaban. Sa kabutihang palad agaran niya itong nakita at mabilis siyang nakatalon paiwas rito. Humahalakhak na humarap sa kaniya si Alicia, hawak nito ang isang mahabang punyal sa kamay. Kulay itim ang talim nito at may kung anong likido ang tumutulo mula rito.

Sa pakiwari niya ay lason iyon kaya nahigit niya ang hininga at tinitigan ng masama si Alicia. Walang pakundangan siyang pinaulanan ng pag-atake ni Alicia. Naging mas mabilis pa ito at mas malakas ang bawat hagupit. Sa pagkakataong iyon, hindi sinasadyang magkamali si Elysia dahilan upang madaplisan siya ng talim ng punyal ni Alicia.

Napaigik siya sa sakit at hapdi ngunit hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. mabilis niyang nilapitan si Alicia at sinipa ang kamay nito dahilan upang tumalsik sa malayo ang palatim nitong hawak. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang muling atakihin si Alicia. Gamit ang nakatagong lubid sa kaniyang tagiliran, walang kaabog-abog niyang iginapos si Alicia roon. 

"HA! Traydor ka rin lumaban Elysia, kung inaakala mong mahuhuli mo na ako, nagkakamali ka, marami kaming galamay at makakatakas pa rin ako. Gagawa ng paraan si Vincent para kunin ako," wika ni Alicia ngunit hindi na ito pinansin ni Elysia. Mahigpit niyang itinali ang mga kamay at paa ni Alicia bago siya muling tumayo.

"Hindi ka pag-aaksayahan ng panahon ni Vincent. Isa ka lamang sa mga babae niya at hindi ka mahalaga. At kung inaakala mong hindi namin alam ang tungkol sa mga galamay na sinasabi mo, nagkakamali ka. Sa mga oras na ito, siguradong lahat sila ay nadakip na ng grupo ni Vlad at Alastair. Hindi kami t*nga para hindi malaman na marami na kayo ang nakapasok rito." Pinagpag ni Elysia ang kamay pagkatapos at sumenyas. Kasunod nito ay lumabas naman sa kadiliman ang isang matangkad na bampira na kanina pa naghihintay roon.

Dalhin mo na siya roon, kumusta ang grupo ng inyong Hari?" tanong ni Elysia.

"Matagumpay na nahuli ang lahat ng mga espiya sa paligid ng palasyo. Maging ang mga pinaghihinalaan ay isinama na rin namin para masuri sila. Sa ngayon, hinihintay po kayo ng Mahal na Hari sa kaniyang trono." Tugon ng lalaki.

"Hindi maaari, imposible!" Sigaw ni Alicia at napangiti naman si Elysia.

"Walang imposible sa amin Alicia. Ngayon pa't alam ko na kung ano ang kakayahan ko at kung sino ba talaga ako. Salamat nga pala sa inyo, kung hindi dahil sa pagpupursige niyong mailagay ako sa inaakala niyong ikapapahamak ko ay hindi ko makikilala si Vladimir. Hindi ko matutuklasan ang tunay kong pagkatao at habang-buhay kong iisipin na mag-isa na lang ako sa mundong ito." Nakangiting saad ni Elysia. Nanlalaki ang mga mata ni Alicia habang nagdududang napatitig sa dalawa.

"Tunay na katauhan?" Bulalas ni Alicia na halatang hindi pa rin makapaniwala. Nagtataka ito dahil buong buhay nila ang alam lamg nila ay anak si Elysia ng mga manunugis na kinamumuhian naman ng kanilang pamilya. Lumikot ang mga mata nito habang iniisip kung ano ba ang posible nitong katauhan. Base sa kanilang laban kanina, imposible para sa isang normal na tao ang makasabay sa bilis at lakas ng isang bampira, pero nagawa pa rin siyang matalo ni Elysia.

Sa isip-isip niya, kailangan niyang malaman kung ano ang lihim sa pagkatao ni Elysia upang kahit papaano ay may maibigay siyang impormasyon kay Vincent sa oras na mailigtas siya nito.

"Wala kang karapatang malaman iyon. Alam ko ang tumatakbo sa isip mo Alicia. Sige na dalhin mo na siya, pupuntahan ko na ang Hari." Wika ni Elysia sabay talikod sa mga ito. Tuloy-tuloy na siyang lumabas mula sa toreng iyon at dumiretso na papasok sa palasyo at sa bulwagan ng trono ni Vladimir.

"May sugat ka?" Tanong agad ni Vladimir nang makasalubong niya ito papasok sa bulwagan. Sinuri nito ang kaniyang katawan, nang masigurado ng binata na wala siyang malubhang sugat, mahigpit na yakap ang sumalubong sa kaniya.

Mayamaya pa ang niyakag na ni Vladimir si Elysia papasok sa bulwagan upang doon mag-usap. Naghihintay na rin doon ang Duke, maging si Alastair at Florin.

"Pagbati mahal na prinsesa, matagumpay ang plano ninyo." Bati ni Florin. Malawak ang pagkakangiti nito at tila nagkikislapan pa ang mga mata habang nakatitig sa kaniya.

"Matagumpay tayo dahil maayos niyo ring nagampanan ang mga papel niyo. Maraming salamat sa tulong niyo." Tugon naman ni Elysia. Nagkatinginan naman sila at napangiti na rin. Malaki ang tulong na ginampanan nila Florin, dahil sila ang sumuyod ng mga lugar na sinabi niyang pinagkukublian ng mga itinanim na espiya ni Vincent. Nasa sampo ang nahuli nilang espiya at tatlo roon ay pinagdududahan lamang.

Gayunpaman, sasailalim pa rin ang tatlo sa masusing imbestigasyon bago sila mapatunayan inosente o karapat-dapat na maparusahan.

Natapoa ang gabing iyon na matagumpay nilang naikulong sa piitan ang mga espiya. Matapos ang kanilang pag-uusap, ay agad nang nagpahinga si Elysia. Iniinda pa rin niya ang mga tama niya sa laban nila ni Alicia. Bagama't nasasabayan niya si Alicia ay hindi pa rin niya maipagkakailang mas lumakas na rin ito. Naging mautak lang siya sa huli kaya nagtagumpay siyang mahuli ito.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C63
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous