Nang dumating si Veronica sa address na sinabi ni Mira ay lalo niyang napatunayan na tama nga ang kanyang hinala. Ang Sebastian na tinutukoy nito ay walang iba kundi si Sebastian Claude Saavedra ng Saavedra Corps at Valiant Industry na siyang nangangasiwa ng mga malalaking banko sa buong mundo. Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Veronica na maiinvolve si Mira sa lalaking ito. Ngunit wala din naman siyang magagawa dahil nakikita naman niya sa kaibigan na masaya ito at mukhang inaalagaan naman siya ng binata.
She had first met Sebastian four years ago sa isang banquet na naganap sa Los Angeles, kasama niya noon ang kanyang Lolo. Sebastian was a charismatic bachelor na halos lahat ng mga babae ay napapalingon kapag dumadaan na ito. Minsan na din siyang naipit sa alitan ng binata at ng ama nito nang minsan siyang ipakilala nito sa binata.
Yes guwapo at makisig si Sebastian pero hindi niya ito type. Sebastian is a cold man who doesn't care of anyone. Bago pa man makatanggi ang binata ay si Veronica na ang unang pumutol sa sinasabi ng Papa nito. Hindi iyon nagustuhan ng matanda kaya ang ginawa niya ay nagsumbong siya sa kanyang Lolo upang patigilin ito sa pangungulit sa kaniya. She doesn't want to get involve with a person who doesn't even care who she is. Isang insulto iyon sa pagkatao niya.
"Veronica, nandito ako." Tawag ni Mira at napangiti naman siyang lumapit dito. Agad niyang niyakap ang dalaga at kiniliti ang tagiliran nito.
"You didn't tell me it is Sebastian Claude Saavedra." Pabirong wika niya. "Does he love you?" tanong niya at marahang tumango si Mira habang pinamumulahan ng pisngi. Napangisi naman si Veronica at marahang pinisil ang pisngi nito.
"That's good." wika niya at pumahik na sila sa opisina ng binata upang pormal na niyang maipakilala si Veronica sa kanyang asawa. Pagdating nila sa opisina nito ay sakto namang papalabas na si Beatriz. Bahagya itong napatingin kay Veronica at ngumiti. Kumaway lang naman dito si Veronica at agaran ding sumunod kay Mira.
"Bastian, ito nga pala si Veronica, kaibigan ko." Pakilala ni Mira sa kaibigan. Napangisi naman si Veronica nang mapatingin sa binata. Napataas naman ang kilay nang binata nang magtama ang paningin nila.
"Long time no see Mr. Saavedra." Wika ni Veronica na ikinagulat pa ni Mira. "You are still as handsome as four years ago. I hope you are doing well." dagdag pa ng binata.
"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Mira na ikinatawa ni Veronica.
"Yeah, we knew each other from before. Minsan na din akong kamuntikang maging girlfriend ng boyfriend mo, but I don't like him." Wika ni Veronica.
"Really, bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Aba, hindi ko naman po kasi alam na ang Sebastian na sinasabi mo ay si Sebastian na kakilala ko." Natatawang sambit ng dalaga at muling tumingin kay Sebastian. Sumeryoso naman ang mukha nito at tinaasan din ng kilay ang binata.
"You know what, napakaswerte mo kay Mira, and I hope you won't hurt her. Kasi kapag pinaiyak mo si Mira, tatawagin ko ang lahat ng pinsan ko para ligawan siya." Pagbabanta ni Veronica at napangisi naman si Sebastian.
"You won't dare." Maigting naman na wika ni Sebastian. Kilala niya ang mga pinsan ng dalaga at pare-pareho itong may sinabi sa buhay.
"You can try me." Paghahamon pa ni Veronica at agad nang umawat si Mira upang maibsan ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Veronica, hindi ako sasaktan ni Sebastian. Mabait siya sa akin at isa pa asawa ko na siya. Hindi na ako pwedeng magpaligaw sa iba." Inosenteng wika naman ni Mira at napamulagat naman ng mata si Veronica.
"Asawa? Hindi boyfriend?"
"We are legally married." Pagmamayabang na wika ni Sebastian at tila gumuho ang mundo ni Veronica. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Mira at maluha-luhang tinitigan ito.
"I was planning to introduce you to my cousins, magbabaka-sakali na isa sa kanila ang magustuhan mo para maging sister na kita, pero hanggang pangarap na lang pala iyon." Malungkot na wika ni Veronica na ikinatawa naman ni Mira.
"We can always be sisters, kahit hindi mo ako ipakilala sa mga pinsan mo." Nakangiting wika ni Mira at lumapad ang ngiti ni Veronica.
"Sinabi mo yan ha, wala nang bawian. O siya dahil magkapatid na tayo, sabihin mo sa akin kapag inaway ka ng lalaking ito. Ipapabugbog ko siya sa mga pinsan ko." muling wika ni Veronica na ikinatawang muli ni Mira. Napalailing na lamang si Sebastian sa kakulitan ni Veronica.
"Bastian, lilipat muna kami sa kabila para makapagtrabaho ka na. Mamaya ihahanda ko na ang tanghalian natin." sambit ni MIra at humalik na sa pisngi nito.
"Alright, call me if you need anything." Wika naman ni Sebastian. Napaawang naman ang bunganga ni Veronica sa kanyang mga nakita.
Never in her life she expected to see Sebastian's sweet side. Hindi niya alam na may itinatagong kabaitan pala ito sa katawan. Who would have thought that a man known for his cruelty and coldness have a sweet side on him.
Nang tuluyan na silang makalipat sa kabilang kwarto ay agad niyang tinukso si Mira.
"Hoy Mira, totoo ba yung nakita ko?" Tila hindi makapaniwalang wika niya. Umupo na sila sa sofa at inilapag ni Veronica ang bitbit nitong bag.
"Araw-araw naman ganyang si Sebastian." Nakangiting sagot ni Mira at napatango na nga si Veronica.
"You are amazing. Ngayon ko napatunayang hindi bakla si Sebastian. Alam mo ba dati akala ko bakla siya kasi para siyang ilag na ilag sa mga babae. That's the reason why I don't like him. Ang gusto ko sa lalaki yung suplado pero maalaga. Hindi ko kasi yun nakikita sa kanya." Mahabang wika ng dalaga habang nakatitig kay Mira.
"Pero alam mo Mira, bagay nga kayong dalawa. Alam ko naman mabuting tao si Sebastian, gusto siya ng Lolo ko ang kaso hindi ko siya gusto. Ang sabi sa akin ni Lolo, mabait naman daw iyang si Sebastian, he just needs to be cruel because of everything happening around him. Ang ayoko talaga ay yung Daddy niya. He's so manipulative and greedy. Lalo na yung hilaw niyang asawa." Gigil na kwento ni Veronica at tumango naman si Mira.
Minsan na din niyang napatunayan iyon nang makilala niya ang Daddy at ang kalaguyo nito. They were both exuding a sense of danger around them. Para bang walang mangyayaring maganda kapag naroroon sila.
"Mag-iingat ka sa mga iyon Mira. Kapag hindi mo kasama si Sebastian ay huwag kang basta-basta lalapit sa kanila." Dagdag na paalala ni Veronica.
"Okay. Alam ko naman iyon. Sinabihan na rin ako ni Sebastian. Salamat Veronica. " Nakangiting wika niya. Lumapad naman ang ngiti ni Veronica at yumakap kay Mira.
"You're so sweet. I love you na talaga Mira. " Gigil na wika nito habang tumatawa. Nangingislap sa kagalakan ang magagandang mga mata ni Veronica habang nakayakap sa kaibigan.
Si Mira ang kauna-unahang kaibigan niya na hindi kinuwestyon ang kaniyang pagkatao. Despite all the rumors around her, Mira stays with her. Wala itong ibang pinapakita sa kanya kundi kabutihan at pagmamahal.
Samantala habang nagkakasiyahan silang dalawa sa kwartong iyon ay bumalik naman sa trabaho si Sebastian. Inaasikaso nito ang mga dokumentong kinakailangan ng pirma niya. Habang binabasa niya ang mga ito at nakarinig siya ng pagkatok sa pintuan.
"Come in." Tugon niya at pumasok mula roon si Beatriz. Nakasunod naman dito ang tatlong babae.
"Sir, these are the newly hired employees, these three will assume the vacant positions in the marketing department." Wika ni Beatriz at napatingala naman si Sebastian upang sipatin ang mga mukha nito. Pagdako ng paningin ni Sebastian sa isang matangkad na babaeng nakasuot ng puting blusa at itim na skirt ay agad na nakuha ng kwentas nito ang kanyang pansin. It looks a little familiar to him. Napakunot ang noo niya at sumenyas si Sebastian kay Beatriz.
Agaran dij lumapit si Beatriz dito at yumukod sa tabi nito.
"Give me her data." Bulong niya sa kaniyang assistant na tinutukoy ang babaeng may kwentas. Agad namang ibinigay ni Beatriz sa binata ang folder ng dalaga.
"Christy Torres?" Mahinang basa ni Sebastian dito. Agad naman tumuwid sa pagkakatayo si Christy at sumikdo sa kaba ang kanyang dibdib nang magtama ang kanilang paningin.
"Your name is Christy Torres?" Muling tanong ni Sebastian.
"Yes, Sir." Sagot naman ng dalaga habang matamis na nakangiti.
"You two can go, you stay." Wika ni Sebastian at niluwagan niya ang kanyang necktie at tumango kay Beatriz.
Agad na umalis ang dalawang empleyado at naiwang nakatayo roon si Christy. Hindi naman niya malaman kung bakit siya pinaiwan ng kanyang bagong Boss. Sa isip-isip niya ay marahil nagkagusto ito sa kanya. Mukhang susuwertehin pa yata siya. Kinikilig na sambit niya sa sarili.
"This is your first job?" Tanong agad ng binata na agad namang sinagot ni Christy.
" Yes Sir. Kakagraduate ko lamang po pero I am very hard-working and dedicated." Sagot ng dalaga.
"Really? That's good." Tumatango-tango na wika ni Sebastian. Tumayo ito at bahagyang lumapit sa dalaga. Just enough to let him have a good view of the necklace. Naningkit ang kanyang mga mata nang makita ito sa malapitan.
"You have a beautiful necklace."
"Yes Sir, iniregalo sa akin ito ng mama ko pagkagraduate ko." Wika naman ni Christy habang tila hindi mapakali dahil amoy na amoy niya ang mabangong pabango ng binata. Napakaguwapo din nito sa malapitan at halos lumuwa na ang mata niya nang makita ang pisngi nitong mas makinis pa sa balat ng babae.
"Oh really?" Sambit lang ni Sebastian at tumlaikod na. " Go ahead, you can go." Wika pa ni Sebastian at bumalik na sa upuna niya.
Nang makaalis na si Christy sa opisina ay doon na nagtanong si Beatriz sa kanyang amo.
" Sir, may problema po ba sa bago nating hire?"
"Problema? Malaki." Sagot ng binata at napangisi. Muli nitong binuklat ang folder ni Christy at kinuha ang papel na naglalaman ng resume nito bago nito nilakumos at itinapon sa basurahan.