Télécharger l’application
28.84% THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2-TAGALOG M2M) / Chapter 30: CHAPTER 30

Chapitre 30: CHAPTER 30

" Ang Liwanag na dala ni Nonoy "

Ang nakaraan... 

Itinali nina, Mia ,Alpia at Katalina ang magkapatid na sina Ian,theo at Tyler. Habang sina Jake, Jessel at Jenna naman ang humarap sa kalaban.

" Binibining Lula, Alam kung Ikaw yan. Wag mo nang tangkaing gayahin ang yumaong kaibigan ni Ama. " Sabi ni Jessel sa huwad na arnel.

" Nagmana ka nga sa ama mo Jeselle.. nakakatuwa naman. " Sagot ni Lula at agad syang nag palit ng anyo sa kanyang tunay na anyo.

" Anong pakay mo dito sa Baryo Lupas ?" Tanong ni Jenna.

" Upang patayin ang mga --- anak ko!" Sagot ni Lula at ginaya nya ulit ang itsura ng ama nina Theo.

" Lapas tangan ka!" Sigaw niJessel at agad nyang sinugod ang huwad na arnel gamit ang kanyang espada. Sa bawat atake nya sa huwad na arnel laging naiiwasan ang mga atake ng kanyang espada.

" Tatlo kayo tapos ako lang mag isa.. nakakahiya naman " Sabi ni Lula. Habang hinihingal si Jessel. Umabante naman si Jenna.

" Tingnan natin kung hanggang saan ang Kaya mo.. binibining Lula!" Sabi ni Jenna, Binuklat nya ang kanyang Mahiwagang libro at binasa nya ang nakasulat sa isang pahina.

" Elcuer De siser kuen shien ! --- Sinasamo kita Latigo ng Kidlat. Maging sandata kita.." engkantasyon ni Jenna. Biglang may lumitaw na isang Latigong kidlat sa kamay ni Jenna.

" Ate Jenna, Ang sandatang iyan.." gulat na Sabi ni Jake.

" Tama ka Ake, ang sandatang ginamit ng Diwatang si Alunsina. Upang gapiin ang mga nilalang ng Kadiliman. " Salaysay ni Jessel.

" Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo." Sabi ni Jenna, susugurin na sana nya si Lula ng binigyan sya ng babala ni Jessel.

" Sandali Jenna.. magiingat ka. Hindi si binibining Lula ang kalabad mo. Kundi isa sa mga Demonyo ni Sitan. Matagal ng patay ang katawan na ginagamit ng demonyong yan. Lahat ng alala ay nakukuha nya. " Babala ni Jessel kay Jenna.

" Sge Salamat.." tungon ni Jenna.

Samantala sa Kaharian ng Aydendril..

Nagtatago padin sa kakahuyan si Olivia, Kasama ang Tatlong Sirena na tumulong sakanya.

" Mahal na Reyna anong plano mo upang mabawi ang inyong kaharian.?" Tanong ni Rica.

" Hindi sapat ang ating bilang reyna rica. Ang mga kasamahan natin natatakot akong sila ay mapaslang kung makikipag digma tayo sa mananakop." Sagot ni Olivia at eksakto naman na dumaan ang isang batang lalaki at nagsalita.

" Ako mahal na Reyna Hindi ako natatakot mamatay, kelangan nating ipaglaban ang kaharian ninyo. Kelangan nating ibalik ang kapayapaan ng Aydendril. " Sabi ng bata.

" Ang cute mo naman ilang taon kana pala..?" Tanong ni Olivia.

" Nakakaaliw ang batang ito. " Dagdag na Sabi ni Rica.

" Mga mahal na reyna, ako nga Po Pala si Ysa, anim na taong gulang na po ako." Sagot ng bata.

" Kay gandang ngalan ang Meron ka Ysa. Saan ang mga magulang mo?" Tanong ni Olivia.

Biglang may isang babae ang humingi ng tawad sa kanila.

" Pasensya na po kayo mga mahal na reyna. Ginugulo ho ba kayo ng aking anak." Sabi ng Ina ng bata.

" Hindi naman po.nakakaaliw ang inyong anak. " Sabi ni Olivia.

" Ah anak, Kumain kana.. at Susunod ako sayo. " Sabi ng Ina ni Ysabel. At agad namang tumakbo ang bata.

" paalam po sainyo..." Sabi ng bata at agad syang tumakbo.

" Ako nga Po Pala si Agnes anak ko si Ysa.ang kanyang ama naman ay nasawi nung unang pagsakop ng ating kaharian mahal na reyna." Salaysay ng babae.

" Paumanhin sa mga nangyari. " Sagot ni Olivia

" Opo ka muna binibining Agnes.." anyaya ni Rica sa babae ng upuan.

Balik sa Baryo Lupas..

Duguan na si Jenna dahil sa mga natamong Sugat na galing kay Lula.

" Jesjes, masama ang Lagay ni Ate jenna." Pag aalalang Sabi ni Jake.

" Tutulungan na natin sya.." Sabi ni Jessel ng akmang tatayo na sya biglang kumirot ang kanyang kanang paa. at natumba sya.agad naman syang inalalayan ni Jake.

" Pambihira may tama din ako. " Sabi ni Jessel.

" Papagalingin ko ang sugat mo jesjes." Sabi ni Jake.

" Wag kelangan mong tulungan si Jenna Ake. Ayus lang ako. " Sabi ni Jessel. Agad tumayo si Jake at pinag aralan ang bawat kilos ni Lula na ngayon ay nasa anyo ni Arnel.

" Parang nanghihina kana ata Jenna. Ikaw pala ang kinukwento ni sitan saamin na. Malakas ka daw na babaylan.pero sa ating estado ngayon.dalawang sugat lang ang ibinigay mo saakin. Samantala ako kay Dami na ng iyong sugat. Parang mas gusto kung gayahin ang wangis nang iyong mahal na pinsan.. " Sabi ni Lula at agad syang nagbago ng anyo. At ginaya ang wangis ni Gloria.

" Hello insan ? Gusto mo nabang sumama kay Tito?" Sabi ni Lula na ang ginaya nMan ay ang wangis ni Gloria.

" Gloria?? " Sabi ni Jenna.

" Balita ko gusto mo ng sumunod kay Tito. Gusto mo patayin na kita ?" Sabi ng huwad na Gloria at tumaas ang kanyang mga kuko at agad sumugod kay Jenna na sa oras na yun ay tila ang kanyang mga binti ay di makagalaw dahil sa sakit at kakaibang pakiramdam.

Habang si Jake naman ay ginamit nya ang Pana ng Kulog.

" Pana ng Kulog!" Sigaw ni Jake at agad lumabas sa kanyang kamay ang isang pana na may palasona ubod ng kinang.

" Sana matamaan ko.." Sabi ni Jake. Agad nyang ipinikit ang kanyang mata at ng makita nya ang kulay Pula na Enerhiya na nasa katawan ni Lula. Agad nyang pinakawalan ang isang palaso.

" Dapa Jennaaaahhh!!" Sigaw ni Jessel.

Agad namang dumapa si Jenna at dahil doon, agad natamaan si Lula sa kanyang kanang dibdib.

" Lapas tangan kang lalaki ka! " Habang pilit ba huhugot sa kanyang katawan ang naka baon na palaso..

" Kung ako sayo wag Mong tangkaing tanggalin ang lang naka baon sayo . " Sabi ni Jake.

" Anong ibig mong Sabihin? " Tanong ni Lula. Habang iniinda ang hapdi ng kanyang sugat.

" Ang palasong naka baon sa iyong katawan ay may Lason na galing sa mga engkanto. Kung ako sayo wag mo ng tatangkaing tanggalin yan, dahil habang hinuhugot mo yan mas bumabaon ang palasong iyan, at ang Lason ay mas tumitindi ang kamandag." Sabi ni Jake.

" Hahahaha ! Hindi nako mamatay dahil katulad ng aking panginoong si Sitan. Isa na akong Dungan. At ang Katawang ito ay matagal ng patay. " Sabi ni Lula.

" Alam namin... " Sagot ni Jenna.

" Huh? Anong ibig mong sabihin ?" Tanong ni Lula.

" Kawawa ka naman.. ang dating may ari ng katawang yan. Napakatalino! " Dagdag na Sabi ni Jessel.

" Nahulog ka sa patibong namin.." sagot ni Jenna.

" Ito bang sinasabi nyong patibong? Ang palasong naka baon? " Tanong ni Lula.

" Naalala mo bang unang umatake si Jessel, Sa bawat Ilag mo sa kanyang mga atake ay katumbas iyon ng Salamangkang hangin. Hindi ka nya talaga pinatatamaan. Bagkus isang Uri ng guhit ang kanyang ginawa. " Salaysay ni Jenna at agad napansin ni Lula na may kakaibang mga Guhit sa kanyang paligid na nakapalibot sakanya.

" Kaya kung basagin ang mga harang na yan." Sabi ni Lula sinubukan nyang gumamit ng Salamangka pero di ito nagtagumpay.

" Alerno Kiha !" Engkantasyon ni Lula.

Ilang ulit pa nyang binigkas ang salita ngunit di parin ito gumana.

" Anong nangyayari.. bakit ??" Nababahalang Tanong ni Lula.

" Dahil sa Guhit ng Kamatayan..." Sambit ni Jenna.

" Hindi rin atake ang ginawa ko sayo kundi, isang guhit na ginamit ng mga sinaunang babaylan upang gapiin kayong mga nilalang ng Kadiliman. " Sabi ni Jenna.

" May dugo nina Jenna at Jessel ang iyong kinatatayuan ngayon. Ang mga dugo nila ang nagpapahina ng iyong Kaluluwa. " Sabi ni Jake.

" Bwesit.. " Galit na Sabi ni Lula .

" Jesjes at Ate jenna. Tapusin nyo na!" Sabi ni Jake at nagtinginan naman ang dalawang babaylan. At sabay sabay nilang binuklat ang kanilang Libro at binasa ang kakaibang Salita. 

( Translated )

" Gamit ang iyong lakas, sugpuin ang mga nilalang ng Kadiliman. "

Paulit ulit nila itong binigkas at ilang sandali pa ay nakaramdam si Lula ng panghihina sa kanyang Kaluluwa at ang katawa na kanyang ginagamit ay unti unting nagiging Abo. Habang si Jake naman ay Nakatutok ang Pana nya kay Lula.

" Kuya Ake, sandali!" Sabi ng isang batang lalaki sa likuran ni Jake.

" Nonoy Ikaw pala yan..." Sabi ni Jake.

" Kuya nais kung tulungan ang aming baryo. Pwde bang patamaan mo muna ang buwan na yun. " Turo ni Nonoy at nagulat si Jake dahil dalawa ang buwan na kanyang nakita.

" Dalawa ang buwan..?" Tanong ni Jake.

" Patamaan nyo po yung nasa kanan.. " Sabi ni Nonoy at hinawakan nya ang kamay ni Jake. At agad namang itinutok ni Jake ang kanyang palaso sa buwan.

" Dala koy Liwanag , na taglay ng Diwatang si sinukuan. Ang kanyang bayang binabatayan palayain nyo gamit ang aking Pangalan. " Bigkas ng batang si nonoy.

" Oras na kuya.. " Sabi ni Nonoy at bigla syang nagliwanag ng napaka liwanag habang sina Jenna at Jessel ay tumigil sa kanilang engkantasyong ginawa. Kumalat ang liwanag sa boung baryo Lupas. At itinira naman ni Jake ang palaso sa isang buwan. Ilang sandali pa ay nagbalik sa dating ganda ang Paligid tumubo ang mga magagandang bulaklak sa paligid samantala ng matamaan ni Jake ang buwan ay nabasag ito at ito ang dahilan upang ang kakaibang Itim na usok na bumabalot sa Baryo ay unti unting nawawala. At si Lula naman ay Naging abo Kasama ng kanyang Kaluluwang itim.

Balik sa Loob ng Bahay..

Nagising na sina Ian, Tyler at Theo...

" Teka bat nakatali ako ?" Tanong ni Theo.

" Hindi lang Ikaw kuya, pati kami ni Kuya Ian." Sabi ni Tyler.

" Gising na Pala kayo.. " Sabi ni Katalina.

" Bat nakatali kami?" Sabi ni Tyler.

" Long story. Sandali tatangalin ko yang mga nakatali sainyo. " Sabi ni Katalina. At ikinumpas nya ang kanyang kamay agad naglaho ang mga lubid na nakagapos sa tatlo.

Alrighty there you have it mga mahal hope na gustuhan nyo ang storya na itey. Don't forget to comment ur feedbacks. Thanks .


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C30
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous