" babaita!!!!" Napatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at napalingon ako bigla, si Quin lang pala
" bakit parang nakakita ka naman ng multo jan kanina pa nanginginig yang mga tuhod mo" Pabiro nitong sabi
" eh ikaw ba naman gulatin dba?" pag dadahilan ko sa kanya
" bakla, bago kita gulatin nanginginig kana ano ba talagang nangyari?" tanong nito na nag pabilis nanaman ng tibok ng puso ko
"wala kanina pa kase ako lakad ng lakad napagod yung mga binti ko" hindi ko naman hahayaan na masira lang ng lalaking iyon ang trabaho ko.
tiningnan naman ako ni Quin simula ulo hanggang paa " tutal marunong ka naman sa lahat diba? baka pwede mo mahandle yung VIP na kakarating lang?"
" so kaya mo ko ginulat para lang don?, anong room ba?ako na bahala" nakita ko ang kislap sa mga mata nito ng marinig lahat ng sinabi ko
" Room?!? ER baka mo, byeee goodluck" sigaw nito habang palayo na sakin
dali dali nanaman akong pumunta sa ER, saulo ko na agad ang pasikot sikot sa loob ng hospital na ito. Narating ko ang ER at doon nakita ko ang nakakaawang kalagayan ng pasyente, malapit ng maputol ang paa nito at punong puno na narin ng dugo. Agad ko nang sinimulan ang operation dahil ipinasa na rin naman ito sa akin ni Quin, habang ginagawa ko ito ay parang may mga matang naka titig sa akin. Natapos ko ang operasyon sa loob ng 3 oras, mahirap na ring bilisan dahil may katandaan na rin ang pasyente na ito.
" Doc El!!!" rinig kong tawag ng isang nurse pag kalabas ko ng ER, napalingon naman ako agad at nakita ko nanaman ang lalaking iyon.
" Hoyy!!! Bakla ikaw ha, nakatitig ka kay doc El" hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Quinn at hindi ko rin namalayan na nakatitig nako sa lalaking iyon.
" Doc El pala ha" saad ko sa isipan ko
"ha? napalingon lang ako masama ba yon?" pag dadahilan ko, totoo naman napalingon lang ako
" oo nga pala pinapatawag ka sa office, bilisan mo wag mo silang pag hintayin" bilin pa nito at inasikaso na ang pasyente na naka assign sa kaniya.Pumunta naman ako kaagad sa office at nadatnan ang isang pamilya.
" oh mrs. shin this is athena she's the one who save your father" Director introduce me directly
" Thankyou so much.... for saving my father i don't know what to do if something happened to him" she holds my hand as a give of respect
" its my duty to serve and save my patient as long as i can, i will help" i respond, hindi rin naman nag tagal ang usapan namin don at lumabas na rin ako kaagad, pinuntahan ko rin si Liam napalipat na rin sya dito dahil kailangan din ng nurse dahil hindi na nila kinakaya ang rami ng mga pasyente.
Nabalitaan rin ng lahat ang tungkol sa nangyari at nagkaayaan kaming uminom sa bar, pinangunahan ito ni Quin at agad naman silang nag agree. Nainform naman lahat na after shift pero hindi ako nainform kung sino sino ang kasama basta pumunta nalang kami sa Bar at uminom hanggang sa malasing, at habang nag sasayaw ako sa dance floor ay nasilip ng aking mata ang isang lalaking pamilyar ang mukha,ang hubog ng katawan at kung paano ito uminom ng alak. Bumalik sa akin ang mga nangyari ng gabi na iyon at hindi ko mapigilan ang sarili na bumaba ng dance floor at lapitan ito.
"Having fun? you're -- all alone" tanong ko rito habang nag sasayaw
" No " tipid nitong sagot sa akin, wala na rin ako sa katinuan kaya naman kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko at sakto rin na pinalitan ng dj ang kanta, napaka sexy ng kanta kaya naman ay gumiling ako sa harapan nito.
" Why don't you come with me and have fun?" flirtatious kong tanong rito kita ko ang paglunok nito ng kanyang laway, kaya naman lalo pa akong lumapit sa kanya. kakandong na sana ako ng hilahin ako ni Quin papuntang Dance floor
"Baklaaa!!!! mag saya tayo!!!" saad nito sabay bago ng kanta hindi ko na rin makita ang lalaking nilapitan ko kanina, kaya naman nag sayaw nalang ako ng nagsayaw.
" Quin san ba ang restroom dito?!" palakas kong tanong dahil for sure hindi nito maririnig kung mahina lang ang boses ko.
"doon sa kaliwa!! makikita mo ung black na pinto don ung girls!!!"
"sge naiihi nako bakla jan kana muna!!!!" sigaw ko paballik
"babalik ka bakla ha!!!" tumango naman ako pero ang totoo ay umihi lang ako at sinipat ang pinto at tsaka lumabas, pagewang gewang nako sa daan habang naglalakad, hindi ko rin dala ang aking kotse dahil hindi rin naman ako makakapag drive. Nasipat nanaman ng aking mga mata ang lalaking nilalandi ko kanina sa loob ng bar at dahil sa kagagahan ng utak ko ay nilapitan ko ito at nakaisip ng kalokohan
" Binuntis moko tapos tatakasan mo lang ako don, wala kang kwentang lalaki!!!" " lahat kayo parepareho!!!" sigaw ko habang hinahampas ang kaniyang braso, kita ko naman ang gulat sa kaniya kahit lasing na ako ay maayos pa naman ang aking paningin.
" You're drunk thats enough let's go" hatak nito sa akin at don nako nawalan ng malay, naramdaman ko nalang ang malambot na umupuan ng kotse na nasa harap namin kanina...
" Amelia!!!!! Gumising ka nga jan Kababae mong tao!!!" napabangon ako bigla at sabay kirot ng aking ulo, natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa may pintuan ng bahay ni Quin
" san ka ba nanggaling ha?!?!" " Bigla ka nalang nawala kagabi" "sabe mo iihi ka lang" sunod sunod na sigaw nito sa akin
" w-wala akong maalala Quin" paantok kong tugon rito
" P*tang*na Pano ka napunta dito? hindi mo nga alam kung san ako nakatira!!" Dahil sa irita ay hindi ko napigilan na sigawan sya
" HINDI KO NGA ALAM WALA NGA AKONG MAALALA DIBA!!!" akala ko ay magagalit sya ngunit tinawanan laman ako nito at pinapasok sa loob. Kumain lang kami at pumunta na sa Hospital, kahit pang Night shift kami ngayon ay pumunta parin kami dahil nakakabored sa bahay.
Nag lalakad ako sa hallway papuntang working area ko, bigla akong napatigit dahil nakita ko si Doc El, nag lalakad ito sa hallway na nilalakaran ko hindi ko mapigilan na kabahan ng walang dahilan. Nilagpasan ko ito at inakala na nakaligtas na ako ngunit hindi pa pala.
" Doc Valeria" he called me, hindi ako nakagalaw nang lumakad sya pabaliktad at hinarap ako
" About last night....--" " the thing you said that i got you pregnant but leave you and all boys are just the same" Basag nito sa katahimikan sa pagitan namin, ipinikit ko naman ang aking mata at sinubukan kong lalahanin ang lahat
" ahhh y-y-yon ba?.... ano kase ganon talaga ako kapag nalalasing maraming sinasabi kahit hindi naman totoo" palusot ko naman
" so even seducing a guy is normal to you when you are drunk?... talking flirtatiously is normal?" kita ko sa mata nito ang pag ka curious at kaunting galit. Galit sya? bakit?
" yes. and i need to finish something i gotta go" takbo ko papunta sa area ko at napaupo nalamang ako sa sahig, iniisip ko pa rin ang seryoso nitong mukha habang magkausap kami samantaanng ako ay patuloy pa rin sa pag papalusot... Ang lalim na ng iniisp ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Quin
" Bakla!!!! Ano yon ha? bakit ang lapit nyo ni Doc El kanina sa Hallway?... Siya yung nag hatid sayo noh?" napatalon ako sa kinauupuan ko at muling kinabahan sa sunod nitong mga tanong.
"W-wala para kang t*nga, at wag mo nga akong ginugulat ng ganon" alam kong nakakahalata na si Quin pero hindi pa rin ako nag sasalita about sa nangyari.
" Eh bakit nakita ko sa search bar mo kung anong meaning ng hindi dinadatnan ng 1 buwan ha?"
" oh anong connect non?" tanong ko rito
" ano baka kase may nangyari sa inyo di mo lang sinasabi sa akin"
"ha! I think im irregular that's why, i don't have PCOS to be clear" pero dapat meron nako ngayon kadalasan naman nalalate lang ng ilang araw, napalingon naman ako kay Quin nang iabot nya sa akin ang isang papel.
" Pinabibigay ni Doc El nung nasa meeting office , feeling ko talaga may something sa inyo" sabi pa nito habang nilalaro yung buhok ko
"Baka ano lang to.. ung letter na naiwan ko" Palusot ko nanaman, halata sa mukha nito na hindi na sya naniniwala sa mga sinasabi ko
"Okay sabi mo eh wala naman akong magagawa" umalis ito at naiwan nanaman ako don na mag isa, tumawag naman si Doc Benj Dahil may pinaasikaso sa akin.
Pinauwi naman ako nang maaga dahil kailangan ko pang ipaglagayan ang aking mga gamit at nang makapag pahinga na rin dahil kailangan ko pang bumalik sa countryside para sunduin si Liam. Bumalik sya doon sa kadahilanang kukuha siya ng kaniyang mga gamit at may event din kaming dadaluhan after naming makabalik sa city. Nakarating naman ako ng matiwasay at walang problema na nangyari, at kahit ako ay nahihilo tumuloy pa rin kami dahil kailangan na nandon ako.
" Liam umuwi na tayo hindi ko na kaya" dahil sa pagkahilo ay inaya ko agad pauwi si Liam pagkatapos kaming ipakilala sa event
"sinasabi ko naman sayo wag na tayong tumuloy"
"Liam ayoko naman kase na wala manlang ako dito, hindi ko kayang tanggihan yung mga taong nag invite satin" sagot ko sa kanya
" kahit pa maiintindihan naman nila yon, sila na rin yung nag sabi hindi ka iba sa kanila" nag tatalo na kami habang palabas ng venue, kahit naman nahihilo ako ay hindi ako mag papatalo kay Liam at alam nya rin yon.
Ang akala ko pa ay dito muna kami sa countryside pero iuuwi nya na pala ako sa city, Para na rin daw makapag pahinga na kami bago ako bumalik muli sa trabaho. Hindi nako makatulog dahil sa sakit ng ulo ko kaya nag bilang nalamang ako nng mga poste na nadadaanan namin, dahil sa pagbibilang ko ay nakatulog narin ako.
"Bakla gising na jan nandito na tayo, dinala na kita sa hospital para naman may maigamot sa sakit ng ulo mo" rinig kong tawag sa akin ni liam ngunit hindi ko talaga kayang imulat ang aking mata dahil sa kirot na aking nararamdaman.
"babalikan kita ha kukuha lang ako ng damit mo" ramdam ko ang pag alis ni liam at ramdam ko rin ang pag dating ng isang tao at bago pa ako mawalan ng malaw ay narinig ko pa itong nag salita
" sleep for now, you will be fine"