Matapos ang matinding ungkatan ng nakaraan ay tila hindi pa doon natatapos ang hidwaan sa bahay ng mga Maki. "Gusto niyo ba ng panghimagas? Ipangkukuha ko na kayo." Mrs. Maki breaks the silence somehow mula sa masalimuot na tagpo kanina lang.
Samantala ay hindi naman maikubli ni Kozue na tila siya ang pasimuno ng gulo sa kanilang masaya sanang salu-salo sa Noche Buena. "Ugh… sorry po sir. Mukhang wrong timing ata na sinama ko pa ang kaibigan ko dito." nahihiyang sabi ni Kozue na agad naman sinegundahan ni Sandy.
"Sa lahat naman yata ng gulo eh naroon ka at ikaw pa ang pasimuno." ratsadang pahayag ni Sandy na tila ikinasama ng loob ng binata.
"Pwede bang tigilan niyo muna iyang pag-aaway niyo?! Wala naman ding magbabago. Kapatid ko pa din si Yuriko pero hindi ko naman aakalain na sa ganoong paraan kami magkakakilala." sabi ni Maki na tila hindi makapaniwala sa mga nangyari kanina lang.
Pagkahain ng desserts sa table ay inisa-isa ni Mrs. Maki na pagsilbihan sila ng serving of fruit salad and slices of cake. Maaaninag sa kilos ng ina ang tila walang hinanakit sa mga binitiwang salita ni Yuriko kanina lang samantala ay mukhang nagkalamat na ang nabuong tiwala ni Mr. Maki sa kanyang asawa.
"Oo nga pala iho. Ano ba ang gusto mong sabihin sa amin kanina?" Curious na tanong ng kanyang ama kung kaya't napabitaw ng lang ng kutsarita si Sandy para makinig sa nais isiwalat ni Maki sa kanilang lahat.
All ears were wide open to listen to his thoughts. "Pinuntahan ko po si ninang sa clinic niya at pagkatapos ng lahat ng tests na isinagawa sa akin, ipinaliwanag niyang hindi ako pwedeng makabuntis ng babae dahil sa pagiging infertile ng sperm na mayroon ako. Naapektuhan kuno ang quality nun matapos raw akong maoperahan sa thyroid kung kaya naman…"
Matagal ng nagtitimpi si Maki ng kanyang pagkainis sa babaeng katabi niya sa lamesa. Nagdilim ang paningin ni Maki dahil sa galit niya sa katabi niyang dalaga.
Hinigpitan ni Maki ang pagkakahawak niya sa kaliwang braso ni Kozue sabay sabi ng, "Ano ba ang pakay mo sa amin at bakit mo kami pinagmumukhang tanga rito?" seryosong sabi ni Maki kay Kozue na tila ikinabalisa ng dalaga.
Halos mawala sa katinuan si Sandy kung paano niya aawatin si Maki at baka mas lalo lang masaktan si Kozue sa pagkakahawak sa kanya. Somehow, Kozue was speechless in fear na mabubuko ang kanyang kasinungalingan ngunit sa mga salitang binitiwan pa lang ng binata kanina ay napatunayan na mismo na kathang-isip lang ni Kozue ang sinasabi niyang sanggol sa kanyang sinapupunan.
"Teka lang… nasasaktan ako." pagtangis ni Kozue sa harapan nilang lahat.
"Oo! Masasaktan ka talaga kapag hindi mo pa sinabi ang totoo sa amin." galit na galit si Maki sa nagawa ni Kozue sa kanyang pangalan.
"Sandali! Huminahon ka muna anak." payo ng kanyang ina sa kanyang anak.
"Makinig ka naman sa mama mo iho." pagsang-ayon ni Mr. Maki sa sinabi ng kanyang kabiyak.
"Huh?! Isa pa kayong ubod ng sinungaling mga bwisit kayo." panunumbat ni Maki sa kanyang magulang. Hindi na napigilan ni Sandy ang kanyang sarili nang buhusan niya ng malamig na tubig ang binata sa kanyang pagiging mainitin ang ulo.
"Ninanu ka?! Bisa kang makulung king gagawan mu kanyan?!" (Napano ka? Gusto mo bang makulong sa ginagawa mong iyan?!) sabi ni Sandy na tila umuusok na rin sa tindi ng emosyon.
"Pwede bang maghunos-dili ka Maki?! Alam ko namang hot ka gaya ng lagi mong pinagyayabang sa akin pero…My goodness pasko pa naman tapos ganyan ka makipag-usap." dismayadong sabi ni Sandy.
Tila nagising na si Maki sa kanyang matinding bugso ng damdamin. Binitawan na niya si Kozue sa pagkakataong iyon. "P- pasensya na." kalmadong sabi ng binata na tila nahiya sa kanyang asal kanina lang.
"Hay naku! Maiwan ko nga muna kayo at nakakapagod din namang makita ang pagmumukha ng Kozue na iyan sa totoo lang." pasaring na sabi ni Sandy at saka siya naglakad papalayo dala ang kanyang platito of cake sa loob ng bahay.
Samantala ay pinili naman ng mag-asawa na maiwan sa labas upang malaman nila ang dahilan ng pagsisinungaling sa kanila ng dalaga. "Kung may tinatago ka pa sa amin, ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ang totoo." sabi naman ni Maki na tila wala ng pakialam sa nararamdaman ni Kozue.
"I'm sorry kung nadawit ka pa sa kalokohan ko Maki. Gusto ko lang naman kasi iparamdam sa parents mo ang hinanakit ng isang pinabayaang anak lalo na ng tatay mong duwag. Coincidence lang ang pagkikita namin ni Yuriko kanina at naisip kong isama siya dito para magkaroon na sila sana ng closure dahil ramdam ko ngayon kung gaano kahirap mamuhay mag-isa. A-alam ko namang concerned din si insan sa akin pero hindi ko maatim sa utak ko na mahirap pa kami sa daga kung mabuhay kaya nagpasya akong pumayag sa IVF experiment treatment noon dahil din sa pera at minahal na kita noong unang pagkikita pa lang natin sa hotel." paliwanag ni Kozue ngunit tahimik lang si Maki habang nakikinig sa mga excuses ng dalaga.
"Pasensya ka na din sa nangyari sa atin noong isang gabi. Hindi ko man masuklian ng pagmamahal ang concern mo sa akin at kay Yuriko pero sigurado naman akong may higit pang magmamahal sa'yo kaysa sa akin." nagtitimping sabi ni Maki sa pagmumukha ni Kozue.
"So ganito na lang iyon?! Matapos mo akong gahasain, iiwanan mo lang ako?" naluluhang tanong ni Kozue ngunit wala ng nararamdamang ni katiting na awa si Maki sa kanya.
"Una sa lahat, ikaw ang unang sumunggab sa akin noong gabing iyon. Walang tamang pagmamahal sa mundong ito kung nagsimula ang lahat sa mali at kung totoo mang buntis ka eh hindi ko na problema ang batang iyan. Makakaalis ka na." Maki exclaimed in a condescending manner.
"At saan naman ako manunuluyan? Halos wala akong naitabing pera para pamasahe pauwi sa Osaka?!" natatarantang sabi ni Kozue nang biglang may dumating na bisita sa Plantito's Ville.
"Tsk! Sakit ka talaga sa ulo kahit kailan Kozue." paglingon nilang lahat ay nakasandal na si Tsuchiya sa likod ng puno na tila nagbabadya ng panenermong wagas sa kanyang baliw na pinsan.
"Huh?! Kailan ka pa nakatambay diyan insan?" tanong ni Kozue ngunit hindi matinag si Tsuchiya sa tingin ng kanyang pinsan.
"Obvious namang kakarating ko lang." sabat ng binata kay Kozue.
"Magandang gabi po pala sa inyo. Mauna na po kami." pagpapaalam ni Tsuchiya sa magulang ni Maki at saka niya pinilit si Kozue na sumama na sa kanya pauwi.
"Ayaw ko nga sumama sa'yo insan. Bakit ba ang kulit mo?!" pagdadabog ni Kozue kaya hindi na nag-isip pa si Tsuchiya na ikumbinsi ang dalaga sapagkat hindi na niya matatanggihan ang binata dahil binuhat na siya nito para kaladkarin pababa ng bundok.
"Ano ka ba naman insan?! Ibaba mo na ako ngayon na!" bulyaw ni Kozue habang papalayo sila kay Maki.
"Tumahimik ka nga dyan kung ayaw mong mapalo sa pwet." pananakot ni Tsuchiya ngunit iba ang tumatakbo sa isip ni Kozue kaya nakabusangot na ang dalaga habang pinagsusuntok nito ang likod ni Tsuchiya sa inis.