Samantala ay kinamusta muli ni Nikki ang kapatid niyang si Akira Sendoh dahil lampas dapithapon na ay hindi pa din ito lumalabas sa kanyang kwarto.
"Hoy bunso! Hindi ka pa ba tapos dyan?" kalmadong sabi nito dala ang kanyang pananghalian. Nagulantang na lang ito nang makita ang mugtong mata ni Sendoh dahil sa pagiging puyat nitong mga nagdaang araw.
"Hehehe... Andyan ka pala—" sabi ni Sendoh na tila isang bateryang naubusan ng karga ngayon at lupasay ang katawan niya sa sobrang stress na kanyang pinagdadaanan.
"Sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga ang problema dito?" nag-aalalang sermon ni Nikki nang makita ang mga nagkalat na papel sa sahig ng kapatid niya.
"Pang-anim na assignment ko na iyan. Pakicheck na lang iyang ginawa ko at saka bahala ka na. Ayoko ng makita iyan." walang ganang sabi ni Sendoh sabay napahiga na lamang muli sa kanyang kama na may iniindang sama ng loob.
[Akira Sendoh…]
Magdamagan kong tiniis na magbabad sa harap ng computer at samahan pa ng napakabagal na internet. Ang rason? Para lang masagutan ang mga assignment na due date pa sa mismong holiday na ginawa ng faculty.
Ano nga ba ang silbi ng holiday kung maiistress ka lang? Sa buong talambuhay ko ay wala naman akong ibang sineryoso kundi ang basketball. Medyo lax nga lang ako sa paningin niyo pero swerte na nga lang at nairaos pa ang highschool na ito dahil bilang isang estudyante na sakto lang ang markang nakukuha sa report card ay nangangapa pa din ako online. Paano pa kaya ang mga nasa boundary na malapit nang bumagsak?
Sino ba naman ang hindi mauubusan ng pasensya sa tila torture na pahirap ng mga homework na ginagawa sa bahay? Ang mas nakakainis pa ay sinagutan mo nga ang tanong sa assignment, pinaghihinalaan ka pang nangopya sa tropa mo. What I mean to say is that hindi naman masamang maghinala pero sana naman ay ma- habang pasensya at kaunting consideration din ang ibigay sa aming mga mag-aaral.
"Bakit magkapareho kayong dalawa ng sagot sa question number 3?" Umeksena pa si Ma'am at kumalat pa ang iskandalong kinasangkutan ng buong klase namin sa website ng Ryonan Official Page. History na sa aming grupo na marami talagang may sayad sa section namin lalo na si Hayato na balita ko ay nananamantala ng sagot sa ibang makakapitan nito.
"Syempre po pareho lang ang tanong kaya parehong sagot din ang makukuha nyo sa amin." Kung sino man ang naglakas loob na sumagot neto sa teacher, ihanda niyo na ang sarili niyo. Sinubukan na niya akong kantiin noon pero ano pa nga bang masasabi ko, siya mismo ang nahulog sa sarili niyang patibong.
⏱Flashback⏱ ►
Tuwing may reporting, matagal na naming pinagtatalunan ang hatian ng mga gawain sa group projects. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko siya gugustuhin makasama sa isang grupo.
"Ako na ang bahala sa visual presentation at kayo na ang bahalang magpaliwanag sa klase. Gets niyo ba?" Sa asal pa lang ni Hayato ay talagang ngawa lang ang alam niyang gawin. Puro utos ngunit kulang sa gawa.
"Kung may itatanong man ang teachers, tulungan mo kaming sumagot ah?!" umaasang tanong ng kagrupo naming.
"Sige lang. Ako ang bahala sa inyo." sabi ba naman ng mokong pero nung dumating ang araw na itinakda para sa reporting namin noong nakaraan ay nadismaya kami ng sobra ng dahil sa kapalpakan ni Hayato.
"Bakit ikaw lang ang hindi makasagot sa tanong ko? May naitulong ka ba talaga sa mga kasama mo?" resback na tanong ng facilitator namin kay Hayato. Halos walang imik ang video call na iyon sa aming Biology class na halos umabot ng limang minuto bago siya tumugon.
"Sir... Pasensya na po. Wala po akong ideya kung paano ku- makalat ang virus." palusot pa niya na wala naman talaga siyang naitulong dahil last minute na noong tawagan niya kami na nagkaroon ng problema sa kanyang document files.
"Sarili mong topic hindi mo madefend..." pagpaparinig pa ni sir sa kanya. "Kahit sino sa inyo pwede bang ipaliwanag kung paano dumami ang virus sa paligid." The teacher gave up on him kaya nagkaroon kami ng pagkakataon for redemption sa aming kahihiyan.
"Viruses cannot reproduce themselves without a host, therefore, it is not considered as living organisms. It only uses its resources to make more viruses by reprogramming it to become a virus factory. Iyon lang po ang aking ideya sir." Ako na ang uma- ko sa kanyang responsibilidad dahil mukhang magtatagal kami kung wala pang iimik sa amin.
◄ ⏱End of Flashback⏱
Mabalik tayo sa realidad. Mahirap man ang kalagayan ko sa ngayon ay pinilit ko pa din magkaroon ng quality time para sa sarili ko. Hinayaan ko muna ang tambak na gawain upang makapag-isip pa ng plano para sa kupal na homeworks na ito.
Good thing na may iba akong makakausap bukod sa ate Nik- ki na kalive in ko ngayon. "Oi Happy Birthday!" halos nabitawan ko ang telepono noong may biglang tumawag sa akin sa kabilang linya.
"Hello?! Anong balita sa inyo dyan ate Kim?" tanong ko agad sa kanya.
"Ito mas maluwag pa sa traffic ang schedule ko. Wala ba kayong handaan dyan? Bored ako sa bahay ngayon eh." Ito na nga ba ang sinasabi ko at hanggang ngayon ay wala talaga siyang kupas pagdating sa usapin ng libreng pagkain.
"Siguro. Teka pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo?" I grabbed the opportunity na may tumulong sa aking mga gawain ngayon lalo pa't editing na lang ang kulang sa aking mga requirements.
"No problem basta may perang lapad." she requested immediately para mapag-usapan na ang aming transaction.
"Wala kang dapat alalahanin doon ate basta may balato ka syempre." sabi ko na lang sa kanya at binabaan na ako ng telepono.
Those math problems really hinder me to success as of this moment. Equation or word format man iyan, malamang ay pinagkaguluhan ng buong section niyo ang subject na ito para lang maisulat ang tamang sagot galing sa mapagkakatiwalaang sources na The Math Wizards.
Wala silang ginagamit na magic pero sila ang mga taong selfless para makatulong sa iba. Hindi ka lang basta bibigyan ng sagot dahil karamihan sa kanila ay ipapaintindi sa'yo kung paano nila nahanap ang halaga ng X sa test paper mo.
Malayo man ang agwat ng logical skills ni ate Kim kina Albert Einstein o Isaac Newton pagdating sa math pero malaking tulong na din sa akin ang kakayahan niya sa kanyang trabaho bilang architect at web designer din ng kanilang kumpanya para sa mga nalalabi nilang proyekto.
Payapang pag-iisip, kasikatan, kayamanan, at katuwang sa buhay. Alin man dito ang naisin mo ay makukuha lang ang mga bagay na ito sa pagtitiwala sa sarili at hindi din maalis ang salitang tiyaga. Huwag kang umasa na darating palagi ang swerte.
Oo, aminado ako na isa ang Ryonan sa pinakamalakas na basketball team sa Kanagawa dahil kasama nila ako, pero bakit pa din kami natatalo sa mga nakaraang liga? There is more to improve at alam kong marami pang opportunity ang naghihintay sa akin.
Hindi na ako maniningil ng graduation gift para na din sa ikakagaan ng loob ni Ate Nikki. Wala naman kasi akong pinagkagastusang luho mula sa perang ibinigay niya noong nakaraan. Malamang, naranasan niyo ding magbirthday ng walang inumang nangyari o engrandeng salu salo ngayong pandemic.
Namiss mo na bang pumunta sa classroom? Congratulations at nairaos natin ang school year na ito kahit mukhang impossible sa una. Sa mga patuloy pa ding lumalaban, gawin niyo ang lahat para ipanalo ang laro ng buhay.
Madapa ka man ngayon, tandaan mong maraming pa ding aakay sayo para marating ang kasiyahang matagal mo ng hinahangad. Bukod pa dito, ang importante sa lahat ay ang kaligtasan mo dahil magising ka lang kinabukasan ay sapat ng patunay na may silbi ka kesa sa parating maghanap ng materyal na bagay na ni minsan ay hindi pa dumadapo sa mga palad mo.
Wakas