Télécharger l’application
21.42% Section 13 / Chapter 3: CHAPTER ONE

Chapitre 3: CHAPTER ONE

"Guys!" hingal na hingal na wika ni Saji habang nakatayo sa pinto. Pawis na pawis at nakahawak ito sa kanyang tuhod, nakayuko't naghahabol ng hininga.

"why are you gasping Saji? what happened?" nagtatakang tanong ni Xiana.

"malamang hinahabol nanaman yan ng mga babae sa labas, as usual" tatawa tawang saad ni Pierre.

"siraulo! it's a serious matter" agad na tugon ni Saji.

Dumiretso ito sa lamesang nasa harapan kaya naman nagsitumpukan rin doon ang iba pa naming kaklase.

"so, what's the tea?" tsismosa talaga itong si Xyreign.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Saji bago tuluyang magsalita.

"si Jasmin ng Section 1 natagpuang patay sa cr ngayong umaga" saad nito saka sunod sunod na lumunok.

Ramdam ko ang pagtayo ng aking balahibo maging ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Kitang kita ang gulat at takot sa mukha ng bawat isang narito sa loob ng silid sa balitang iyon na pinakawalan ni Saji.

"can you please stop pranking us? it's not funny" saad ni Xyreign.

"and why would I do that? hindi ako nagbibiro Xyreign lalo na at patay ang pinag-uusapan dito" tugon ni Saji. "kung ayaw mong maniwala, kung ayaw nyong maniwala go ahead puntahan nyo roon para makita nyo at malaman nyong totoo ang sinasabi ko" dagdag pa nito.

"tell us what happened" walang buhay na saad ni Ichiro.

Diretso lamang itong nakatingin kay Saji habang nakacross arms.

Tumingin muna sa paligid si Saji bago tuluyang magsalita.

"pumunta ako sa lugar kung saan mayroong nag-uusap tungkol sa nangyaring yan at ayon sa narinig ko ay nagpaalam lamang daw ito na magbabanyo hindi na daw siya nagpasama dahil sandali lang naman daw sya roon ngunit isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin sya nakakabalik kaya naman dahil sa pag-aalala sinundan na sya doon ng mga kaibigan nya ngunit walang buhay na Jasmin na ang natagpuan nila" salaysay nito. "nakitang mayroon siyang saksak sa kaliwang dibdib nya, nilaslas rin ang kanyang leeg napuno ng dugo ang banyong iyon at ngayon ay nakasarado na ito" dagdag pa niya.

"scary!"

"omg, if that's really true ayaw ko na lang pumunta sa cr"

"ako rin, nakakatakot yon baka hindi na'ko makalabas ng buhay"

"I would rather die sa u.t.i kaysa mangyari sa'kin ang ganon"

Bulungan ng mga kaklase namin matapos marinig iyon. Nanlalamig ako, patuloy pa rin ang pagtayo ng aking balahibo batid kong nakakaramdam ako ng takot at gulat matapos marinig ang mga iyon.

"ano ang sabi ng mga professor at ng mga heads?magkakaroon ba ng imbestigasiyon?" nagtatakang tanong ni Xyreign.

"Oo nga, are they investigating?" tanong ni Xiana. "ofcourse they will, right? they need to find out who's the person who killed Jasmin" dagdag pa nito.

"sorry, sad to say this but they don't do anything I am not sure if they will do something about this" dismayadong tugon ni Saji.

Agad na kumunot ang noo ng aming mga kaklase nang marinig iyon.

"seriously? may namatay nanaman pero wala pa rin silang ginagawa!" bakas ang inis sa tono ng pananalita ni Hailey. "Ilan pa ba ang kailangan bawian ng buhay bago sila magsikilos!? naturingan pa namang mga guro pero mga wala silang kwenta!"

"enough Hailey wala ka rin namang magagawa, kahit ano pang sabihin nyo dyan it doesn't make any sense at hindi na rin maibabalik ang buhay nong Jasmin" mataray na saad nang kakapasok lang na si Rovainne. "And in fact, she deserves it" nakangising dagdag pa nito.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng iyan. Masyado na syang mayabang, nakakairita!

"eh kung saksakin kaya kita ngayon at sabihin kong deserve mo din yan?" taas kilay na saad ni Hailey saka nag cross-arms. "napakasama talaga ng ugali mo dapat ikaw na lang yong natagpuang patay doon eh, sabagay matagal nga pala mamatay ang mga masasamang damo!" dagdag pa nito saka siya inirapan.

Napangisi lamang si Rovainne saka naupo sa kanyang upuan.

"what's going on here? rinig na rinig ang sigawan ninyo sa labas" boses iyon ng aming Professor, si Ms. Gemini.

Agad na nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang upuan saka tahimik na tumingin sa harapan.

"ano ang dahilan at bakit kayo nagtutumpukan rito sa harapan? " nagtatakang tanong nito nang mailapag niya ang kanyang gamit.

"uhmm, we're just having a short debate lang po" pagsisinungaling ni Xyreign.

"really huh?" hindi naniniwalang tanong nito saka inilibot ang kanyang paningin.

"anyway, we will having a election for our class officers" diretsong saad nito.

"wait- what!? election? seriously prof? we all know na officers last year lang rin ulit ang magiging officer ngayon so why do we need to waste our time for that stupid election!? " kunot noong saad ni Rovainne.

"who the hell give you a permission to speak Ms. Rovainne?" tugon nito.

"well Prof, I am just-"

"shut up." pagputol nito sa sasabihin ni Rovainne.

"Okay, let's start. Who wants to nominate for the highest position please raise your hand if you want to SPEAK" mariing saad nito saka tumingin kay Rovainne.

Agad na nagtaas ng kamay si Katy.

"I nominate Ichiro for our President" nakangiting saad nito saka tiningnan si Ichiro na parang walang narinig. Kanina pa ito nakatingin lamang sa kawalan hindi alintana ang Professor na nasa harapan.

"Ichiro is nominated, is there any nomination or objection?" tanong nito ngunit wala itong natanggap na sagot mula sa amin.

"wala? okay then, Mr. Ichiro is our President again" matapos sabihin iyon ay iniligpit na niya ang kanyang mga gamit.

"Iiwan ko na kayo, si Mr. Ichiro na ang bahala para sa iba pang posisyon. Pagkatapos ay isulat ninyo ang pangalan at bigyan ako ng copy. Understand?"

"Yes Prof"

Agad itong lumabas sa aming silid na tila ba nagmamadali.

"Ichiro!" pagkuha ni Saji sa atensyon nito.

"Kanina ka pa walang kibo dyan, ayos ka lang ba? narinig mo ba yong sinabi ni Prof?" sunod sunod na tanong nito.

"Yeah" maikling tugon nito saka tumingin sa akin.

"Come here" diretsong saad nya.

"magdala ka ng papel" dagdag naman ni Saji.

"so, am I going to write the names of the last year officers?" nagtatakang tanong ko.

"yes" maikling tugon nito.

"itong lalaking to parang may regla eh, red days mo ba ngayon?" kunot noong tanong ni Saji.

"It's just- I'm not feeling well" tugon nito.

Kinapa kapa naman ni Saji ang leeg at noo nito saka napangiwi.

"wala ka namang lagnat eh ako ba pinaglololoko mo tsk" saad ni Saji saka umiling iling.

Sigurado akong iniisip nya ang tungkol sa mga nangyayari. Batid kong nais nitong malaman ang dahilan ng lahat at ngayon na mayroon nanamang namatay sa mga estudyante ay lalo lamang itong nagtutulak kay Ichiro para alamin ang pinagmulan ng lahat.

"I have an Announcement class, go back to your proper seats now!" maawtoridad na utos ni Ms. Gemini, bumalik pala ito hindi ko man lamang napansin.

"what is it?" nagtatakang tanong ni Xiana.

Hindi na nag-abala pang lumakad papasok si Ms. Gemini, nakatayo lamang sya sa aming pintuan.

"There's no classes for today, our heads will conduct an investigation about the issue" malakas na wika nito. "Alam kong alam nyo na ang tinutukoy ko, ang nangyari ngayong umaga lang dahil napakabilis kumalat ng mga balita kaya naman ang ating heads ay magsasagawa ng imbestigasiyon ukol dito, we need your cooperation" dagdag pa nito.

"Ang lahat ng estudyante ay pinagbabawalang lumabas sa kani- kanilang dorm hanggang sa matapos ang imbestigasiyon, maliwanag ba?" maawtoridad na saad nito."Wait for further announcement"

"at sinong niloko nyo? limang taon na may nangyayaring ganyan rito pero ngayon nyo lang naisip na mag imbestiga ha? kung noon nyo pa ginawa yan edi sana hindi na dumami pa ang namatay na estudyante dito, hindi sana namatay ang kapatid ko!" mariing saad ni Acxius.

"kumalma ka nga muna" saad ni Hailey.

"namatay ang kapatid ko dahil sa hindi malamang dahilan at wala man lang ginawa ang mga lintek na heads na yan, ngayon sasabihin mong kumalma ako ha!?paano ako kakalma ha pano!?" bakas ang galit sa tono ng pananalita nito.

Namumula ang kanyang mukha at nakakuyom naman ang kanyang kamao, matatalim ang mga mata nitong nakatitig kay Hailey dahilan upang mag iwas ito ng tingin.

"I assure you Mr. Acxius mag iimbestiga kami at hahanapin namin ang pumatay sa kapatid mo at sa iba pang estudyante dito sa abot ng aming makakaya" huling sinabi ni Ms. Gemini saka kami tinalikuran.

Isang malakas na suntok ang tumama sa aming blackboard dahilan upang magkaroon ito ng mga bitak.

"Enough Acxius, Class dismiss. " seryosong saad ni Ichiro. " Reminder, like what Ms. Gemini said, don't go outside during the investigation we don't know what will happen if we will disobey their commands" dagdag pa nito.

Tumango lamang sila saka niligpit ang kanilang mga gamit, hinintay naming makalabas ang lahat ng aming kaklase hanggang sa kaming tatlo na lamang ang naiwan rito sa silid.

"let's go, we'll talk about that later" saad ni Ichiro saka nagpamaunang lumabas.

Magkakasama kaming tatlo sa iisang dorm, oo dalawa silang lalaki at ako lang ang babae doon. Tatlo ang kapasidad bawat dorm, pitong taon na din kaming magkakasama doon kaya naman kaming tatlo ay halos kilala na ang bawat isa.

"sigurado akong hindi sila mag-iimbestiga" diretsong saad ni Acxius nang makapasok kami sa aming dorm. "Sinabi lang nila yon para hindi tayo maghinala sa kanila"

Sinigurado kong nakalock ang pinto bago dumiretso sa aking kama.

"i think so" maikling tugon ni Ichiro saka nagsalin ng tubig sa kanyang baso.

"Sabik na sabik na akong malaman kung sino ang demonyong pumatay sa kapatid ko, gusto ko syang balatan ng buhay at pira-pirasuhin dahil sa ginawa nya" galit na galit na wika ni Acxius.

"wala kang mapapala kung magpapadala ka sa galit mo Acxius, hindi nyan malulutas ang suliranin nating lahat" mahinahong saad ko.

Magkakaharap lamang ang aming kama kaya naman dito na lamang kami nag-uusap usap.

"kailangan muna nating alamin kung bakit niya o nila iyon ginagawa saka tayo magkakaroon ng clue kung sino ang maaaring gumagawa non" saad kong muli.

"are you out of your mind Hyacith? you know how dangerous it is and yet you still wanted to come with us" diretsong saad ni Ichiro saka naupo sa kanyang kama. "you better stay here"

"no, sasama ako dahil kasali ako dito Ichiro, Gusto kong tumulong para mahanap kaagad kung sino man ang taong nasa likod ng lahat" tugon ko sa kanya.

"may punto si Hyacith, Ichiro kailangan rin natin sya at isa pa damay naman talaga sya dito simula umpisa pa lamang" mabuti naman at sang ayon ang isang ito.

"It's dangerous!" kunot noong saad ni Ichiro.

"hindi ko naman hahayaang mapahamak sya, ako ang bahala sa kanya" walang pag-aalinlangang tugon ni Acxius.

natahimik ako sa sinabi nyang iyon.

"Make sure Acxius, if something happens to her ikaw ang susunod kay Jasmin" walang buhay na tugon ni Ichiro.

"tumigil na nga kayong dalawa, hindi ko kayo kailangan hindi ko kailangan ng p-protekta sa akin dahil kayang kaya ko na ang sarili ko" matapang na saad ko.

"talaga ba Hyacith? hindi mo nga naipagtanggol ang sarili mo nong sinaktan ka ni Rovainne kung hindi pa dumating si Ichiro ay siguradong sa Hospital ang diretso mo" tatawa tawang tugon ni Acxius.

"wala akong naririnig" saad ko saka tinakpan ang aking tainga.

Napailing na lamang si Ichiro. Nakakainis talaga ang dalawang ito, alam na alam talaga nila kung paano ako aasarin.

"look, si Katy nasa labas" saad ni Acxius saka hindi mapakaling tumingin sa amin.

dumungaw ito sa bintana habang sinisipat sipat ang taong naglalakad sa labas.

"what the fuck! Ms. Gemini already told us not to go outside during the investigation at ganoon din ang sinabi ko!" kunot noong saad ni Ichiro. "rule is a rule, if she breaks it maybe she'll receive a punishment" dagdag pa nito saka napasabunot sa kanyang buhok.

"ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"I am not sure but I think if a student breaks the rule he or she will receive a punishment from them" diretsong tugon nito saka sinilip si Katy mula sa bintana.

Nakaramdam ako ng kaba at takot para kay Katy. Nakita kong patuloy pa rin itong naglalakad sa hallway ngunit wala naman ang mga heads doon.

"ano na ang gagawin natin?" tanong ni Acxius.

"we will do nothing but to wait what will happen" walang buhay na tugon ni Ichiro. "If we will follow her baka madamay pa tayo"

"ngunit paano si Katy? paano kung may mangyaring masama sa kanya?" nag aalalang tanong ko.

"Malalaman natin yan bukas" yon na lamang ang natanggap kong tugon mula kay Ichiro bago siya bumalik sa pagkakaupo sa kanyang kama.

Muli kong sinilip si Katy ngunit wala na ito sa kaninang nilalakaran niya. Saglit ko pang inilibot ang aking paningin ngunit talagang wala na siya roon.

"nasaan na sya? saan na sya napunta?" nagtatakang tanong ko.

"huwag ka na mag-alala nakita kong nakapasok na sya sa dorm nila, ligtas sya at wala namang nangyaring masama sa kanya" mahinahong saad ni Acxius.

Nakahinga naman ako ng maluwag matapos marinig iyon.

Alas kwatro na ng hapon ngunit hindi pa rin kami nakakatanggap ng anunsyo mula sa heads, hindi pa siguro natatapos ang kanilang pag iimbestiga.

"Acxius hindi ka ba nahihilo at napapagod? kanina ka pa nagpapaikot ikot at pabalik balik dyan" tanong ko sa kanya kaya saglit itong huminto sa aking harapan.

"pasensya ka na Hyacith hindi lang talaga ako mapakali, masyado naman atang matagal ang imbestigasiyong ginagawa nila" tugon nito saka nagpatuloy sa paglalakad lakad.

"have you notice, wala silang kasamang police" saad ni Ichiro saka ibinaba ang binabasa nitong libro.

"oo nga, nakapagtatakang nag-iimbestiga sila ngunit wala silang kasamang pulis na kahit isa man lang" saad ni Acxius.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Kung nag-iimbestiga nga sila ay dapat may kasama silang pulis, paano naman sila mag-iimbestiga ng sila lang?

"sinasabi ko na nga ba, umpisa pa lang hindi na talaga sila nag-iimbestiga at napaka imposibleng gawin nila yon maaaring dahil sila lang rin ang may pakana ng lahat o kaya pinoprotektahan nila yong taong nasa likod ng mga patayang nagaganap dito" saad ni Acxius saka kami diretsong tiningnan.

"hindi pa tayo maaaring magbintang lalo na't wala naman tayong alam sa nangyari, wala pa tayong sapat na kaalaman tungkol doon at wala rin tayong evidence na mayroon nga silang kinalaman sa nagaganap na patayan dito" paliwanag ko.

"nauubusan na tayo ng oras, baka kapag tumagal pa ito ay marami lang estudyante ang mamatay katulad ng nangyari kay Jasmin at sa kapatid ko" nag-aalalang saad ni Acxius. "kailangan na nating kumilos upang malaman ang tunay na dahilan ng lahat" dagdag pa niya saka tinapunan ng tingin si Ichiro.

"kailangan na planado ang lahat ng gagawin nating hakbang" determinadong saad ko.

Ichiro let out a heavy sigh saka kami seryosong tiningnan.

"one thing is for sure, they're hiding something" seryosong saad ni Ichiro. "and we will going to find out what it is in any possible way" dagdag pa niya bago ipikit ang kanyang mga mata.

---------------------

---------------------


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous