Télécharger l’application
80.7% Pagdating Ng Panahon / Chapter 46: Chapter 46: To Be Okay

Chapitre 46: Chapter 46: To Be Okay

I cried the whole night that day. Buti nalang hindi umuwi si Ate Kiona ng mga oras na yun. Dahil kapag nagkataong andyan sya. Awtomatikong nahila na nya ang buhok ko't panay ang pambubuyo sakin. I didn't mentioned to her anything about me and Poro pero ramdam kong she knows something what I'm feeling right now. Aminin ko man o hinde sa sarili ko. I think, I like him now. Gustong gusto ko sya. Tipong ayoko nang umalis pa ng bahay nila. But things sometimes are not easy on our own way. May mga bagay na kahit gusto natin. Hindi natin basta ito makuha. Kahit simple lang naman sana itong bagay. Kapag na-involve na ang mga tao dito. Nagiging kumplikado.

"Hoy babae! Dumaan yung jowa mo.." halos mabingi na ako ng isigaw ito ni Jane mula sa tabi ko. Andito kami sa ilalim ng puno ng Acacia. Parehong gumagawa ng reports. Ako, talagang tutok ang atensyon ko rito. Gustong matapos agad. Pero sya?. Naku! Boys hunting pa muna daw sya para mamotivate to write. Mga prinsipyo nyang hindi ko minsan maintindihan. Ewan ko ba bakit kami naging magkaibigan kahit maraming bagay ang salungat na gusto namin.

"Wala akong oras sa sinasabi mo. Hindi ka pa ba uupo para tapusin yung iyo?."

"Wala pa nga kasi akong nakikitang gwapo.."

"Psh.. bahala ka nga.. patapos na ako.. hihintayin ba kita rito o mauuna na akong uuwi?." sometimes I don't want to be sarcastic here kaso minsan, triggered ako sa mga bagay na nasa paligid ko. Lalo na kung pinangunahan mo na ako.

Di sya umimik. Basta nalang syang umupo sa tabi ko at tinitigan ba naman ako. "Alam kong maganda ako. Sorry ka nalang. Wala akong ekstrang pera." nguso ko ng tapunan sya ng tingin mula sa gilid ng mata ko.

"Baliw ka. Balita ko, di ka na raw nakatira sa bahay ni Poro?."

Nahinto sa pagtipa ang mga daliri ko sa keyboard. Ako mismo. Natigilan din. Di ko inasahan na magtatanong sya about this. At anong balita?. Kanino naman kaya nanggaling ang balitang yun?. E wala nga akong pinagsabihan na kahit sino. Maliban lang saming dalawa. Sa kapatid nya. Sa pamilya naming pareho. Si Kian. Yun lang. Wala ng iba.

"Anong ibig mong sabihin?." I ask her like I don't know anything about what she's talking about.

"Dinig ko lang. Dumating daw pamilya ni Poro tas nakita ka duon at pinagsabihan?."

Hindi ko alam kung dapat ko ba syang bigyan ng tugon o piliing manahimik nalang. She's invading my privacy. She's now taking the boundaries. Bakit?. Anong dahilan nya?.

"Anong sinabi nila sa'yo?."

Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko para lang pigilan ang sarili na wag kumagat sa pa-in na nilagay nya. Kasi kapag nagpakita ako ng emosyon dito. Ako ang matatalo. At kung anuman ang dahilan nya sa likod ng kagustuhang malaman ang sagot ko. Sana lang. Makatulong ito sa kanya. "Tapos na ako.." sabay tayo ko. Inayos ko na rin ang mga gamit. Handa ng umalis.

"Bayarin ka raw na babae.." napahinto ako sa kinatatayuan ko ng marinig ito mula sa kanya. "At hindi bagay sa anak nila.."

I was like. What girl?. Kaibigan ko ba talaga tong kausap ko o sinapian ng ligaw na kaluluwa?. Bakit kung anu-anong lumalabas sa labi nya?. Para bang alam na alam nya lahat ng nangyari ng gabing yun?. May CCTV ba sya sa lahat ng sulok ng kanto papunta samin o ano?.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nag-init rin ang buong katawan ko na para bang nasa loob ako ng Sauna. Tagaktak ang pawis na lumalabas sa bawat parte ng katawan ko. Dahilan para mapabuga ako ng hangin sa kawalan at humugot ng bagong hininga rito.

"Kung wala ka ng sasabihin. Mauuna na ako." naglakad ako kahit nangangatog tong mga tuhod ko. I tried my best not to let her saw me ate by my emotions. Ang hirap ipakita na malakas ka sa paningin ng iba na kahit ang totoo ay, lupaypay ka na.

Anong dahilan nya para gawin ito?. Alam nya naman ang totoo sa pagitan namin ni Poro. Bakit ganun nalang sya kung magsalita?. She knows where I came from. Alam nya kung bakit at kung paano ako napadpad sa bahay nung tao. Why this time?. She's acting like she didn't know anything from the start. Anong maaaring rason sa likod ng pagbabago nya?.

Dumaan ako sa department building nila Poro. Humihiling na sana matanaw ko man lang sana sya. But it came this time. Hindi ako pinakinggan. Nakarating ako ng sasakyan ko. Tulala sa harap ng building nila. Nagsilabasan na silang lahat. Nahihilo na ako kakahanap sa bulto nya.

"Ang sabi nya. That was not a goodbye. Pero bakit kahit isang mensahe nya. Wala pang dumadating?."

Hindi naman ako umaasa rito. Di ko lang maiwasang tanungin ang sarili sa mga nangyayari. Ang sabi nya. He'll call and text me. Bakit hanggang ngayon, wala pa?. "Di kaya. He's now setting his top priority?. His career?." para na akong baliw. Kausap na ang sarili.

Umiling nalang ako sa harap ng manibela saka umalis na.

Saka lamang kami muli nagkatagpo nung nagpasama sakin si Karen at Kian na lumabas. Ate is so damn busy. Kasama sana sya dito kaso. Nasa Laguna daw sya. I don't know what her whereabouts.

"Hi.." bati nya sakin. Magkatabi kami ni Karen habang sila ni Kian ang magkatabi din.

"Hello.. hehehe.." Kingwa! Ang awkward ng hi at hello. Ano to?. From friends to strangers?. Anyare sa mutual understanding?. At close friends?.

"Masyado namang pormal ang batian nyo. Nag-away ba kayo?." si Kian ito. Tinignan kami pareho.

"Hinde.." sabay naming sagot. Saka sabay pa yatang yumuko. Umiiwas sa mata nyang tumatalim kakasilip kung ano ngang totoo.

Tumaas ang kilay nya samin saka sya tumango. "Talaga lang?. Hinde kayo nag-away?."

"Hindi nga.." sagot ko. Sa kay Poro sya tumingin.

"Hindi nga pre. Ang dami mo talagang alam. Daig mo pa babae.."

Ngumiwi lamang ang gilid ng labi ni Kian. "Hmmm.. Ano lang kung ganun?. Lovers Quarrel?."

"Tsk.." Singhal lang nya dito.

Sa malayo nalang ako tumingin. Habang itong katabi ko ang sumita sa kanyang asawa. "Stop it babe. Baka bigla kang masapak ni Ate. Sige ka.." kita nyo na. Tinakot pa. Hayst!...

Mahabang katahimikan ang bumalot samin.

"Can't be reached lagi ang linya mo.." nagitla ako ng tapikin ni Karen ang ulo ko. Dito ko lang din sila tinignan muli. Nakatayo sila pareho ni Kian. Mukhang paalis o may pupuntahan. Tapos tinignan ko din si Poro. Ngayon ko lang ulit natitigan ang mukha nya. Hayst!... "Did you blocked my number?." tanong nya pagkaalis nung dalawa.

Napanganga ako. "Hindi kita makontak. I saw you one time. Did you and your best friend Jane okay?."

"Wait.." I stop him from asking. "Tinatawagan mo ako?. Wala akong narereceive?." paliwanag ko.

"Hinihintay ko nga eh." hindi ko na ito isinatinig pa. Baka lalo kasing gumulo ang lahat sakin.

Nagtaka din sya. Kinuha nya ang phone nya't pinakita ang call history. Ang dami ngang call na unattended. Binuksan ko rin ang phone ko para ipakita sa kanyang wala syang missed call dito.

He tried again calling me. Dito lamang nagring. "Bakit kaya?." tanong nya.

"Baka down system o wala lang signal.." ganun naman minsan diba?.

Tumango lang sya rito. Tahimik muna sya. Bago nakuhang magkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

"How are you doing na?. Are you okay?."

"I'm not.." direkta kong sagot.

Gumalaw sya't tinitigan ako ng mabuti.

"What?. why?. Pinagalitan ka na naman?." he sounds worried.

"Parang ganun na din yun.. pero ayos lang.." lakas magpaawa eh! Tsk!..

"Anong ayos lang na di ka okay?." bakas na sa mukha nya ang pag-aalala ngayon.

"Sometimes. It's okay not to be okay. Para naman makaramdam ka ng bagong pakiramdam."

Di sya makapaniwalang tumingin sakin.

"Kailan pa naging okay ang makaramdam ng bagong pakiramdam even though you're not okay?."

"Ewan ko din. Para kasing sanay na ako sa mga birada ni Mama. Sa mga paalala ni Papa. Sa mga husga ng iba. Nasanay na akong ipakita sa lahat na ayos lang ako sa kabila ng pagsubok ng mundo."

Natahimik sya. Hindi alam kung paano magsasalita. "Bakit di mo ako tinawagan?. Sinabi ko naman na sa'yo diba?. I'm just one call away.."

"Nakakahiya kaya. Baka maistorbo kita noh. Hello.."

"Kendra.."

"I'm gonna be okay Poro. Don't worry.."

Di na sya nakaimik pa kahit marami pa sana syang gustong sabihin. I know it's hard to understand what I'm feeling right now. Pero ayos na rin to. Kaysa umasa sa wala.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C46
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous