Télécharger l’application
86.95% US AND LOVE / Chapter 20: Yearning Heart

Chapitre 20: Yearning Heart

She is relaxing in a bathtub. The lavender incense is burning on the counter giving her a relaxing vibe. She turns on a recorded piano soothing song. She closed her eyes and breathed the scent of the fragrance. Binalikan niya ang napag-usapan nila kanina. Masaya siya dahil matutupad na ang wish niya na maka-partner ni Lyka si Stan, at the same time, she is hurting. She is hurting because this is all she can do to support Lyka's happiness. This is all she can do to let her feel her love for her. To let her feel special. To let her feel supported, that she always has her back even if it means being partnered with a guy she doesn't know.

Tears start to fall like rain again. ANG SAKIT aniya sa gitna ng pag iyak. Naalala niya yung napakasayang mukha ni Lyka ng malaman na may chance na magka-partner sila ni Stan. Kung paano ito tumingin kay Stan na punong-puno ng admiration. At kung paanong nadudurog ang puso niya realizing that her happiness will always breaks her everytime. Napahagulgol siya. PAANO NAMAN AKO? aniya sa sarili. Is this all she can do knowing Lyka can never return her feelings? She knows she is just a friend to her. And, what hurts the most, she knew she will never have a chance to be with her. WHEN WILL YOU SEE ME? WHEN WILL YOU LOOK AT ME? aniya habang umiiyak. GUSTOHIN KO MAN SABIHIN KUNG GAANO KITA KAMAHAL ALAM KONG MALI dagdag pa habang humihikbi. ALAM KONG STRAIGHT KA AND I KNOW MY LIMITATIONS TOO. PERO ANG SAKIT SAKIT NA LYKA. ANG SAKIT SAKIT NA aniya pa habang humihikbi. KAYA KO PA BA? tanong niya sa sarili. Maya-maya ay tumunog ang celphone niya na nakalagay sa corner table malapit sa bathtub. Kinuha niya iyon at iningatan na hindi mabasa. Nanglalabo pa ang mata na binasa ang message.

"Beauty. I'm sorry." basa niya sa message ni Lyka

"Huwag ka sana magalit kay Stan. I know He did it for me para makasali ako sa JS Prom. I'm really sorry Beauty." sunod na message nito

"Hindi ako galit Pretty. Ang totoo masaya ako para sayo kasi makakasali ka ng hindi nagagalit si Amang." reply niya

"Actually kudos kay Stan kasi naisip niya na kausapin si Chairman." dagdag pa niya na pilit na pinapasaya ang tono ng message niya sa pamamagitan ng smiley icon

"Thank you, Beauty. Napakasaya ko nga talaga ngayon." reply nito na may Heart na emoticon

"I have been wishing for this mula ng malaman ko na kasali kami sa JS Prom. And I'm so happy that I can join." dagdag pa nito. Ngumiti siya na may halong pait

"Yay! Im excited to see you in dress." reply niya habang tumutulo ang luha

"Me too. Yay!" reply nito

"Papasama ako kay Nanay maghanap ng dress para hindi naman nakakahiya kay Stan." dagdag pa, muli siya ngumiti ng may pait

"I agree. Kasi for sure si Stan ang pinaka-gwapo sa araw na yun." gatong niya na may heart emoticon

"Kaya dapat ikaw ang maging pinaka-maganda." dagdag pa niya na may heart na emoticon

"Sana bumagay ako kay Stan." reply nito. Saglit siyang nag isip bago mag-reply

"Bagay kaya kayo. Lagi nga kayo napapagkamalang mag-jowa di ba?" gatong pa niya. Nag send ito ng emoji na nagba-blush

"Mas bagay kaya kayo." reply nito, nireplyan niya ito ng sad emoji

"Hindi ko siya type eh ha ha ha." reply niya, nagsend ito ng LOL na emoji

"Eh di akin na lang siya. Joke." reply nito. Natigilan siya saglit muli bago nagreply

"Crush mo ba si Stan?" lakas loob niyang tanong. Hindi ito nag-reply agad. Chineck niya ang chat niya.

Na-seen naman ito ni Lyka. Inilapag niya muli ang celphone ng mga ilang minuto na ay wala pang reply si Lyka. BAKIT KAYA HINDI NA SIYA NAGREPLY? NAHIYA BA SIYA MAGSABI SA AKIN? MAS MASAKIT ANG MAGHINTAY NG SAGOT SA TANONG NA ALAM KO NA RIN NAMAN ANG SAGOT aniya sa sarili.

Kakatapos lang niya maligo at kasalukuyang naghahanda sa pagtulog ng muling tumunog ang celphone niya. Nakita niya na si Lyka ang nagmessage. Agad niya binuksan ang message nito at natulala. Unti-unting napaupo sa higaan habang tuloy-tuloy ang daloy ng luha niya. I ALREADY KNEW BUT WHY DOES IT HURT SO MUCH? aniya sa sarili sa gitna ng pag-iyak at niyakap ang unan na nasa tabi niya. Muli niyang binasa ang message ni Lyka.

"I don't think this is just a crush Beauty. Pakiramdam ko kasi, mahal ko na si Stan. Sa tingin ko, constantly, everyday na magkasama kami, hindi na napigilan ng puso ko ang magkagusto sa kanya. I know it's wrong pero I want to be his girlfriend one day." mahabang message ni Lyka na halatang pinag-isipan nitong sabihin. Pakiramdam niya ay lalong nadurog ang puso niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak.

"Beauty. Anjan ka pa?" message ulit nito. Pinatay niya volume ng celphone niya at inilagay ito sa cabinet niya. She can't take it. She can't talk to her for now. She needs space. She needs to think. She needs to cry and be vulnerable for now. She need herself. Bumalik siya sa higaan na tigmak sa luha ang mga mata.

Bumaba ng tricycle nila Jenny si Tammi. Hinatid siya hanggang sa bukana ng sitio nila dahil ginabi na sila. Hindi niya akalain na aantayin siya ni Jenny hanggang matapos ang practice. Unlike Blake hinayaan niya maghintay si Jenny hanggang sa matapos ag practice ng 8 PM.

"Bye Tam." anito. Tumango naman siya

"Salamat. Ingat kayo." aniya at pilit na ngumiti. Ngumiti din sa kanya ang dalaga.

"Ikaw din ingat ka." anito "Tayo na kuya." baling nito sa driver. Agad din naman nito pinaandar ang tricycle at kumaway pa si Jenny bago tuluyang umalis. Kumaway din siya bago tumalikod at iiling-iling na naglakad papasok ng sitio.

Habang naglalakad, sa di kalayuan ay nakita niya si Stan nakatayo sa may gate. Nakahalukipkip ito at seryosong nakatingin sa kanya. Napahinto siya saglit SHIT! NAKITA NIYA ATA AKO BUMABA SA TRICYCLE NILA JENNY! sigaw niya sa isip. Kinabahan siya. Naglakad siya palapit dito at ngumiti.

"Babe." aniya ng makalapit "Inaantay mo ba ako?" tanong niya. Tumingin ito sa paligid bago tumango.

"Uhm." sagot nito. Napakamot siya ng ulo.

"Sorry ginabi na ako. Tapos pumunta pa si Jenny sa training para kausapin ako." paliwanag niya. Tumango ito

"Alam ko." sagot nito, napatanga siya

"A-alam mo?" nauutal niyang tanong. Tumaas ang isang kilay nito bago nagsalita

"Oo. Nakita ko siya papunta sa Gym kanina nung pauwi na kami nila Lyka." sagot nito.

"Ganun ba?" aniya na umiiwas sa tingin nito "Wala akong ginawa ah. Gusto niya lang malaman kung nakapag-usap na kami ni Lyka." pagpapaliwanag niya ulit. Natawa ito at napailing

"Anong sabi mo?" tanong nito. Inayos niya ang pagkakadala niya ng bag niya.

"Sabi ko hindi pa. Sabi ko baka kausapin ko muna ang Papa bago si Lyka." sagot niya. Bumuntong-hininga ito.

"Okay na yung kay Lyka. Nakausap ko na si Chairman at pumayag siya na kami ni Lyka ang magpartner." anito. Nanlaki ang mata niya sa tuwa.

"Talaga?" aniya. Tumango ito,

"But there's a catch." anito, napakunot ang noo niya

"Ano daw?" tanong niya

"Kung papayag si Blake na maka-partner si Andrew." sagot nito. Lalong napakunot ang noo niya.

"Andrew? Section Emerald?" tanong niya. Tumango ito.

"Wala akong tiwala don." protesta niya, kilala kasing babaero itong si Andrew at basagulero pa. Lagi itong nasasangkot sa gulo mapa sa labas man o sa loob ng campus. Kung hindi lang pamangkin ng Chairman eh baka nakick-out na ito. "Baka kung anong gawin nun kay Blake." dagdag pa niya. Muli itong napabuntong-hininga

"Ayun na nga."anito "Kaya nga sabi ko kay Blake pag isipan muna niya pero -" dagdag pa na napakamot sa ulo

"Pero?" tanong niya

"Nagtext si Blake kani-kanina lang na pumapayag siya sa arrangement ni Chairman." sagot nito na halatang napu-frustrate din. Natigilan siya at napaisip. Saka tumingin kay Stan.

"Ide-decline ko pa din si Jenny." aniya. Napakunot ang noo nito. "Ako papartner kay Blake." dugtong niya. Tumango ito

"Hmmm." sagot nito "Ikaw ang bahala." dugtong nito "Ang dami nating assignments today. Gusto mo dito na natin gawin sa bahay?" dagdag pa nito. Ngumiti siya at agad tumango.

"Sige." aniya. Tumalikod na ito at binuksan ang gate at sinenyasan siyang pumasok. Pumasok naman siya agad at sumunod dito na pumasok sa loob ng bahay. Pagdating sa loob ay nakita niya na naka-ayos na ang laptop, ang pile ng mga libro at mga notebook na gagamitin nila. Tumingin siya kay Stan na nakatingin sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ganon karami ang assignments nila. Napabuntong-hininga siya.

"Pwede bang matulog na lang ako at wag na gumawa ng assignment?" tanong niya na kunyari ay natatakot sa dami ng naghihintay na gagawin. Napailing naman ito habang tumatawa.

"Kumain muna tayo." aya nito sa kanya. Tumango siya

"Oo kailangan kumain muna ako kasi baka himatayin ako sa dami niyan." aniya, natawa ito ng malakas saka kinuha ang dala niyang bag at inilapag sa sofa.

"Yaya, kakain na po kami." tawag nito sa Yaya nito. Agad naman tumalima ang katulong at nagtungo sa Dining Room para maghain ng pagkain. Tumingin ito ulit sa kanya na nakangiti. Ngumiti din siya dito at sumunod ng nagtungo sa dining room.

Calderetang baboy ang pinaluto niyang ulam kay Yaya Tising kanina pagdating niya galing school. Gusto niya kasi makasabay kumain si Tammi dahil sa first day nilang maging official couple so gusto niya mag-celebrate ng kaunti. Nagpatimpla siya ng punch kay Yaya Tising at nagbake siya ng chocolate cake habang naghihintay kay Tammi. Ng mag - 8 PM na saka siya lumabas para hintayin ito sa gate. Maya-maya nga ay dumating ito na nakasakay sa tricycle nila Jenny. Naiinis man ay hindi niya inintindi ito at nag-focus sa lalakeng palapit sa kaniya. Pinagmasdan niya ito habang papalapit kanina habang malakas ang kabog ng dibdib niya. Sino ba naman kasi ang hindi ito papantasyahin. Matangkad, morenong chinito at ang ganda ng built ng katawan dahil batak sa sports, mabait at palangiti. Ng tumingin ito sa kanya at nagtama ang tingin nila ay muntik siyang matawa ng namutla ito ng makita siya. Napangiti siya habang binabalikan ang alaala na yun, para kasi itong daga na nahuli ng pusa. Umupo sila sa may lamesa.

"Wow caldereta!" sigaw nito ng makita ang ulam. "Paborito ko to." dagdag pa. Inabutan niya ito ng plato. Habang naglalagay ng baso sa mesa si Yaya Tising.

"Sabay ka na sa amin Yaya." aya niya at nilagyan din ito ng plato sa mesa. Ngumiti ito at naupo na din ng mailagay ang kanin sa gitna ng hapag. Gaya ng nakagawian si Yaya ang nag-lead ng prayer at ng matapos ay masaya silang nag uusap habang kumakain.

Matapos silang kumain ay saka nila hinarap ang napakaraming assignments. Mula sa pinaka-una nilang subject sa umaga hanggang sa pinaka-last sa hapon ay may assignment sila. Pero ang pinakanatagalan sila ay sa Chemistry at Geometry na dalawa sa pinaka-major subjects nila. Sobrang focus nila na hindi na sila halos nag uusap. Buti na lang pareho silang magaling sa Math kaya sa Chemistry lang sila talagang nagtulungan magresearch. Maya-maya ay lumapit si Yaya Tising.

"Excuse me po." anito, tumingin silang dalawa dito, "Inayos ko na yung guest room para kay Tammi. Gabing-gabi na para umuwi pa siya." dagdag nito. Tumango naman si Stan. Tumingin siya dito, GUEST ROOM? HINDI KAMI MAGKASAMA MATUTULOG? tanong niya sa isip, saka muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang takdang aralin. NAKAKALUNGKOT NAMAN aniya at bumuntog hininga. Narinig naman ni Stan ang pagbuntong-hininga ni Tammi kaya napatingin siya dito. Nakita niya itong nakatutok sa ginagawa nito. WHY DO I FEEL LIKE THERE'S SOMETHING WRONG? aniya sa isip bago muli niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Medyo nakakaramdam na siya ng paghapdi ng mata sa kakapigil ng antok. Nahikab siya at tumingin sa wall clock pasado 11:30 na ng gabi. Tumingin siya kay Tammi. Tulog na ito habang nakatungo sa notebook nito. Tiningnan niya kung anong subject ito. FILIPINO aniya sa isip at dahan-dahan itong kinuha tiningnan niya kung tapos na ito at napangiti. Natapos na ito ni Tammi bago nakatulog. Tiningnan niya ang iba pang mga assignments nito. Natapos naman nito lahat maliban sa English. Tumingin siya ulit sa kasintahan halatang pagod na pagod ito at bakas sa mukha nito ang maghapong practice. Tumingin siyang muli sa natitirang English assignment nito. Pinindot niya ang ballpen at nag-umpisang kopyahin ang sagot niya sa assignment niya sa English. Malapit na siya matapos ng maramdaman niya na gumalaw ito at tumingin sa kaniya. Nag-inat ito at tumingin sa kaniya.

"Sorry nakatulog ako." anito, tumango siya

"Patapos na rin naman ito." aniya, tumingin ito sa ginagawa niya. Napakunot ang noo nito ng makitang notebook niya iyon at tumingin sa kaniya na may halong pagtataka, ngumiti siya dito

"Kinokopya ko yung sagot ko para matapos na." sagot niya sa tingin nito. Tumango ito at tumayo

"Iihi lang ako." paalam nito saka nagtungo sa banyo. Sinundan niya lang ito ng tingin saka bumalik sa ginagawa.

Saktong pagbalik ni Tammi galing magbanyo ay natapos niya ang sinusulat. Nakita niyang nakapag-hilamos ito ng mukha.

"Tapos na?" tanong nito, tumango siya

"Uhmmm." aniya habang inuumpisahang iligpit ang mga libro at notebook sa lamesita.

"Tulungan na kita." anito saka binuhat ang mga libro at notebook. Kinuha naman niya ang laptop at IPad niya saka naunang nagtungo sa itaas kasunod si Tammi. Inilagay ni Tammi sa shelf sa loob ng kwarto niya ang libro habang siya ay inilagay ang Laptop at Ipad sa study table niya. Saka sila bumalik sa sala para kunin ang mga gamit ni Tammi. Kinuha niya ang bag ng sapatos nito saka pinatay ang ilaw sa sala bago sila muling umakyat sa taas.

Hinatid niya si Tammi sa guest room na sinasabi ni Yaya Tising. Doon ito sa bandang dulo ng hallway sa kanan katapat ng kwarto ng Ate niya. Inilapag nila ang gamit nito sa may couch sa loob ng guest room. Malaki ang guest room kasing laki ng kwarto niya. May sarili itong banyo at terrace katulang ng sa kwarto niya dangan nga lang at ang terrace nito ay nakaharap sa bukid sa likod ng bahay habang ang sa kaniya ay nakaharap sa kalsada.

"Maliligo muna ako." anito

"Sige." aniya saka nag isip "Wait lang ikuha kita ng towel." dagdag pa saka lumabas ng silid at nagtungo sa silid niya. Kumuha siya ng malinis na towel, boxer at sando saka bumalik sa guest room.


L’AVIS DES CRÉATEURS
CesAgers CesAgers

Hello, as promised one chapter every week. Thank you for reading. Please like and share too <3

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous