Télécharger l’application
60.86% US AND LOVE / Chapter 14: Game on!

Chapitre 14: Game on!

7:30 PM

Patapos na siya sa pagplantsa ng damit ni Tammi. Bawat natatapos niya ay hinahanger ng maayos ni Tammi at inilalagay sa travel hanger bag na dala niya. Isa na lang ang tinatapos niya yung T-shirt na pang-Tennis. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagyakap ni Tammi sa likod niya. Muli nitong isinubsob ang mukha sa leeg niya at bumuntong-hininga at wari'y sinisinghot nanaman siya nito. Napalunok siya. Ramdam niya ang hubad na katawan nito. Hindi na kasi ito nagbihis matapos nila magsukat ng mga damit. Literal na naka-boxer lang ito at ramdam niya ang pagkalalake nito.

"Tama na yan. Pagod ka na." bulong nito habang nakasubsob sa may batok niya at dinadampian ng halik ang batok niya papunta sa may tainga niya. Nakaramdam siya ng magkahalong kiliti at kuryenteng gumagapang sa katawan niya.

"Last na naman ito." pabulong niya din na sagot dito "Matatapos na ito." dagdag pa.

Saka tinuloy ang ginagawa habang nakayakap si Tammi sa kanya. Bahagyang nanginginig nanaman ang tuhod niya. At napapikit siya kapag dinadampian ng halik ni Tammi ang puno ng tainga niya. Tuwing nararamdaman niya ang init ng hininga nito sa leeg at batok niya ay napapasinghap siya. Pakiramdam niya ay ini-internalize siya nito sa paulit-ulit na pag singhot nito sa kanya.

Nilapag niya plantsa at lumingon siya kay Tammi. Nagtama ang tingin nila. Nagtitigan sila saglit bago siya hinalikan sa labi at ipinihit ang katawan niya paharap dito. Niyakap siya nito ng mahigpit at isinandal sa cabinet. Yumakap din siya dito at nagpaubaya sa mga halik nito. Ramdam nila ang sabik nila sa isa't isa. Ang dibdib nila ay sabay ang rythm ng tibok ng puso na parang nagkakaisa ang mga ito. Hinaplos niya ang likod ni Tammi. Naramdaman niya na bahagya siya kinagat ni Tammi sa labi.

"Hmmm." ungol niya. Lalo lang siyang na-arouse sa ginawa nito kaya sinabayan niya ang paraan ng paghalik ni Tammi. Bigla siya binuhat ni Tammi at nilagay siya sa baywang nito. Napakapit siya dito at tumitig muli sa binata lalo na at naramdaman niya ang pagkalalake nito na umbok na umbok.

"Tammi." bulong niya.

Tumitig din ito sa kaniya na punong-puno ng pagnanasa. Siya naman ang unang humalik at yumakap sa leeg nito para suportahan ang sarili sa pagkakakarga ni Tammi. Nasa ganon silang posisyon ng marinig nila na tinawag sila ng Mama ni Tammi. Dumating kasi si Blake at Lyka. Agad niyang itinulak si Tammi kasi baka pumasok sila Blake sa kwarto nito. Nagulat naman si Tammi sa ginawa niya at natigilan ito. Maya-maya ay napatingin ito sa pinto na biglang bumukas at iniluwa noon si Lyka.

"Hi." bati nito, maya-maya ay dumungaw na din si Blake.

"Ano may damit ka na?" tanong ni Blake ng biglang sumulpot at patakbong lumapit kay Tammi ang kapatid na si Blaze at yumakap dito

"Kuya. Let's play na." anito. Hindi ito nakakibo sa sobrang gulat at bilis ng pangyayari.

"Mamaya na Blaze." saway ni Blake sabay tingin kay Tammi, "Ano Tam?" baling nito , tumango ito at saka tumingin sa kanya na hindi pa nakakahuma sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa sobrang kaba

"Eto patapos na si Stan sa huling paplantsahin." sagot ni Tammi.

Tumingin naman ang mga ito sa nakalagay na damit sa plantsahan.

"Yung iba nakalagay na sa Travel Hanger Bag para hindi malukot." sagot niya ng makahuma

"Patingin. May picture ka?" ani Blake, tumango siya

"Meron wait." aniya at binuksan ang celphone doon niya nakita na may 36 missed call si Blake sa kanya. Inaccess niya ang images sa phone at agad niya ibinigay ang celphone dito para tingnan ni Blake at Lyka ang picture ni Tammi. Nagtinginan sila ni Tammi.

"Kanina pa namin kayo tinatawagan ni Lyka hindi niyo sinasagot kaya pumunta na kami dito." ani ni Blake habang tinitingnan ang pictures ni Tammi, muli silang nagkatinginan at kinuha ni Tammi ang celphone niya. May missed calls nga doon si Blake.

"Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko narinig." sagot nito.

"Ang gwapo mo dito Tam." ani Lyka sabay tingin dito "Akalain mo?" pang-aasar nito

"Magaling mag-ayos si Stan eh." sagot nito at tumingin sa kanya na may halong lambing

"Infairness approve." ani Blake "So question and answer na lang ang need mo?" dagdag pa nito, tumango siya

"Madalas naman basic lang ang questions dun kayang-kaya na yun ni Tammy." aniya at tumingin kay Lyka na iniaabot ang celphone niya. Kinuha naman niya ang phone at inilagay sa bulsa niya. Saka bumaling ito kay Tammi.

"Uso magdamit." anito at kinuha ang damit nito na nasa higaan. Kinabahan siya at sinundan ng tingin ito habang papalapit kay Tammi. Kinuha naman nito ang damit.

"Matutulog na kasi sana ako pag alis ni Stan." anito habang sinusuot ang T-shirt at tumingin sa kanya ng makahulugan. Umiwas siya ng tingin dito at bumalik sa ginagawa niya habang kabado siya. Alam kasi niya na observant si Blake. Baka mahalata nito ang medyo maga na niyang labi dahil sa halik ni Tammi.

"Kuya. Play na tayo sige na." pangungulit ni Blaze.

"Okay okay sige punta ka na dun sa sala." anito, agad itong lumabas ng silid at sumunod naman si Tammi dito. Sumunod din si Blake sa labas. Tinulungan naman siya ni Lyka sa ginagawa niya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo kanina?" tanong nito, sumagot siya ng hindi tumitingin dito

"Hindi ko napansin na tumatawag kayo. Naka-silent ang phone ko kasi lowbat na. Hindi ko na-charge kanina." sagot niya

"Ganun ba." anito "Well atleast prepared na si Tammi para bukas." dagdag pa nito at inayos ang natapos niyang T-shirt at inilagay sa loob ng travel hanger bag. Tiniklop at iniligpit niya ang plantsahan at ang plantsa. Matapos ay lumabas sila ni Lyka sa kwarto ni Tammi. Nagtungo sila sa sala at nakita niya si Blake na nakaupo sa tabi ni Tammi. Dun siya pumwesto sa kabilang sofa sa tabi ni Blaze na nakaharap kay Tammi. Tumabi naman sa kanya si Lyka. Napatingin sa kanya si Tammi kaya umiwas siya ng tingin.

Napatiim-bagang siya ng makita si Lyka na tumabi kay Stan. KAYA BA NIYA AKO ITINULAK KANINA DAHIL AYAW NIYANG MAKITA KAMI NI LYKA? tanong niya sa sarili. Medyo nasaktan kasi siya sa biglang pagtulak ni Stan sa kanya kanina ng marinig nito na dumating sila Blake at Lyka. Pakiramdam niya ay nireject siya nito ng bongang-bonga. Nawala ang focus niya sa laro. Naka-score si Blaze. Napatayo ito sa tuwa at nag-apir kay Stan.

"Galing." puri nito, pero sumabat si Blake

"Pinagbigyan ka lang ni Kuya Tammi." anito "Last mo na yun." dagdag pa nito napatingin siya kay Blake na nakatingin sa kanya "Di ba?" anito at umakbay sa kanya at ngumiti, natawa siya at naweirduhan dito

"Gusto mo umiyak tong kapatid mo?" tanong niya dito, tumingin ito sa kapatid na parang nanghahamon,

"Kung magaling siya, patunayan niya." anito "Right Lil' bro?" nang-aasar na tanong nito

"Ah ganon?" sagot nito "Fine. Tatalunin ko si kuya Tammi and you will do my assignments for the rest of the week." hamon nito sa Ate niya.

"Call." sagot nito, napatingin siya kay Blake na pinatulan ang kapatid, tumingin din ito sa kanya, saka at bumulong sa tainga niya "Don't you fail me - Honey." anito, na may tunog na malambing ang salitang HONEY. Nagulat siya sa itinawag nito sa kanya, ngumiti lang ito ng malambing. Napatingin siya kay Blaze at kay Stan na seryoso nang nakatingin sa kanya. Kinabahan siya,

"Pinagpustahan niyo talaga akong dalawa?" aniya at muling tumingin kay Blake na bahagyang inilapit ang mukha sa kanya kaya muntik na niya ito mahalikan. Napatingin siya sa labi nito. Saka lumingon pabalik kay Blaze at muling tumingin kay Stan na naka-tiimbagang. "Mukhang wala akong no choice ah." pabiro niyang sabi.

Muling ni-restart ang game. NBA ang nilalaro nila. Sa larong ito never pa siya natalo kahit ni Stan kaya confident si Blake makipagpustahan sa kapatid. Tumingin siya kay Stan seryoso itong nanonood ng game. Samantalang si Lyka at Blake ay parehong na-e-excite sa tinatakbo ng laro.

"Wait kapag si Blaze ang natalo ano gagawin ni Blaze?" tanong ni Lyka. Pansamantala niya pinause ang laro, nag isip si Blake

"Hindi siya makakapag-laro ng gadgets hangga't hindi tapos ang assignment niya for a week." anito, sumimangot ito, tumingin si Tammi kay Blaze

"Do you think it's fair?" tanong niya, tumango ito at inirapan ang Ate Blake niya. Natawa siya at muling tumingin kay Stan na tahimik lang na nanonood sa kanila.

Tinuloy nila ang paglalaro. Tuwing nakaka-score si Blaze ay chini-cheer ito ni Lyka at ngumingiti si Stan. Sumandal si Blake sa kanya habang nanonood ng laro. Muli niyang tiningnan si Stan hindi ito nakatingin sa kanya. Seryoso itong nanood sa laro. Nag-focus siya sa laro nila ni Blaze kahit na nag-aalala siya sa seryosong reaksyon ni Stan. Naba-bother siya sa pagiging tahimik nito. Kapag nakaka-score siya ay tumitingin siya kay Stan pero hindi ito lumilingon.

"Stan." puna ni Lyka "Tahimik ka?" anito

"Pagod lang ako." sagot nito

"Ganun ba. Sige pahinga ka lang dyan." anito. Pinause niya ang laro,

"Antok ka na ba? Dun ka na muna sa kwarto. Gisingin na lang kita after nito." aniya, lumingon ito sa kanya, at tumingin kay Blake na nakasandal sa kanya. Tumango ito,

"Sige. Gisingin mo ako ha." anito at tumayo at pumasok sa silid niya. Muli silang naglaro malapit na matapos ag first half.

Pumasok siya sa kwarto ni Tammi at dumapa sa higaan nito. Nayayamot siya kay Blake dahil sa pag akbay nito kay Tammi. Dagdag pa ang pagbulong niya dito na halatang nagulat si Tammi. At ang pagsadya nito na ilapit ang mukha nito kay Tammi kaya muntik na siya mahalikan ng huli. ANO KAYANG IBINULONG NIYA KAY TAMMI? tanong niya sa isip. Ipinaling niya ulo paharap sa mesa ni Tammi kung nasaan ang picture nilang apat. Katabi niya si Tammi sa picture. All smiles ito. Tumingin siya kay Blake na katabi niya sa picture. Naalala niyang nakita niya sa salamin ng TV Rack nila Tammi kanina na sumandal si Blake kay Tammi. BAKIT BIGLA ATANG NAGING SWEET SI BLAKE KAY TAMMI? tanong niya sa isip ANONG INIISIP NIYA? dagdag pa.

Naninikip nanaman ang dibdib niya. Nagseselos siya. Naalala niya nung nangligaw si Tammi kay Jenny last year, yun ang unang beses niya nakaramdam ng ganito at mula noon tuwing nakikita niya si Jenny na close kay Tammi ay naninikip ang dibdib niya. Ngunit ngayon pati kay Blake nagseselos na siya. Niyakap niya ang unan ni Tammi. Amoy ni Tammi ang naroon. Mahigpit niya itong niyakap at binalikan niya ang nangyari kanina. Ang hindi nila mapigilang damdamin na parang naka-attached na sa kwarto na ito. Para bang kapag nandito sila sa kwarto na ito ay kumakawala ang pananabik nila sa isa't isa.

Hinawakan niya ang labi na halos ayaw bitawan ni Tammi kanina. BAKIT GUSTONG-GUSTO MO AKONG HINAHALIKAN? tanong niya sa isip NAGUGULUHAN NA AKO SA ATING DALAWA. ANO BA TALAGA TAYO TAMMI? dagdag pa niya at isinubsob ang mukha niya sa unan nito I LOVE YOU aniya sa sarili at naramdaman niyang nag-init ang mata niya at unti-unting tumulo ag luha.

Litong-lito na kasi siya sa nararamdaman niya. Gusto niyang magalit at magselos pero hindi naman sila official ni Tammi so wala siyang karapatan makaramdam ng ganito. Hindi din niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Tammi para sa kanya. Hindi naman kasi ito nagsasalita sa tuwing mag-uusap sila. Pero pinaparamdam nito ang pagiging sweet nito sa kanya palagi kahit nasa school. Yung nangyari kanina nung ginigising niya ito, hindi niya inasahan iyon at hindi din siya maka-hindi dito. Nanaig ang feelings niya na naging dahilan ng pagpapaubaya niya dito. Idagdag mo pa ang katotohanan na miss na miss na niya ito. Ngunit, yun nga lang, hindi man lang niya narinig mula dito ang salitang matagal na niyang hinihintay na marinig.

Pinipigilan niyang mapahagulgol kasi baka marinig siya nila Tammi sa labas. Magkahalong lungkot, inis at selos ang nararamdaman niya. Lungkot kasi hindi niya alam kung ano ba talaga sila ni Tammi. Inis kasi hindi niya mapigilang magselos sa kaibigan nila kahit alam niyang kaibigan lang ang tingin ni Tammi kay Blake. Selos dahil malaya ang mga babaeng may gusto kay Tammi na ipakita ang feelings nila dito samantalang siya. Hindi pwede. Hindi pwede kasi hindi niya alam kung matatanggap siya ng mga tao sa paligid niya. Hindi pwede kasi siguradong hindi ito magugustuhan ng Dad niya. Hindi pwede kasi - kasi baka hindi sila pareho ng nararamdaman ni Tammi. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa isipin na yun.

9:30 PM

Tapos na sila maglaro at ang ending talo si Blaze kaya naman nagtampo ito at umiyak. Inalo naman ito ni Tammi at Lyka. Kinarga ito ni Tammi at hinayaan ang bata na umiyak sa balikat niya hanggang sa makatulog ito. Nakangiti lang na pinanood siya ni Blake habang nakaupo sa balkonahe nila. Narinig niya nagsalita si Lyka

"Beauty, text mo na yung driver niyo na sunduin kayo dito. Tulog na si Blaze eh." anito

"Okay wait." sagot nito at tinext nga ang driver nila. Mga ilang minuto lang ay dumating ang tricycle nila Blake. Isinakay niya doon ang tulog na bata. At sumakay na din si Blake.

"Uwi na din ako. Ingat kayo Beauty." ani Lyka.

"Thanks Pretty, I love you." sagot ni Blake

"I love you too bye bye" anito at lumabas na ng gate nila Tammi.

"Hatid na kita bunso." habol ni Tommy. Hinintay naman ito ni Lyka at sabay sila naglakad.

"Gisingin mo na si Stan para maisabay namin." utos ni Blake sa kanya

"Sige sandali lang." aniya at pumunta sa silid niya.

Pagdating niya sa silid ay nakita niya si Stan na tulog na tulog yakap ang unan niya. Lumabas siya ulit at pumunta kay Blake.

"Umuwi na kayo. Malalim na ang tulog ni Stan. Bukas na lang yun uuwi." aniya.

"Okay sige." anito "Tayo na kuya uwi na tayo." turan nito sa driver "Bye Honey." paalam nito sa kanya, napangisi siya

"Okay Honey ingat." aniya saka hinatid ng tingin ang papalayong tricycle.

Bumalik siya sa loob ng bahay at tumungo sa kwarto niya. Hinubad ang T-shirt at pinatay ang ilaw. Ang night lamp niya na nasa mesa ang naiwan at tanging ilaw ng kwarto niya. Tumabi siya sa may likod ni Stan at niyakap ito.

"Good night babe." bulong niya dito at isinubsob ang mukha sa batok nito at natulog na rin ng mahimbing.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C14
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous