"What's this for?"
Itinaas ko ang mga damit na inihagis ni Cholo sa akin. I looked at it with disgust. Really? Who the fuck still wears a plain rainbow dress in this time and place?
Pumasok ito sa walk-in closet at pagbalik ay nakabihis na ito. He's wearing a simple khaki shorts and a white polo shirt paired with a white sneakers. Nakataas sa ulo ang shades nito habang may kung anong kinukuha sa drawer.
"Suotin mo. We'll go to my mother's house. Nakatango na ako sa lunch para sa araw na ito."
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Sumadsad sa sahig ang suot ko na strapless black dress na kanina ko pang ginagamit upang akitin ang asawa. Naroong tumuwad na ako, iliyad ang likod, at ilantad ang hita pero hindi pa rin niya ako pinapansin. I expected that we'll just spent the day making love in all the corners of the house because it's the first time that Cholo took a one-week vacation. Nasagap ko kay nameless girl nang minsang magpunta ako sa opisina ng asawa.
"Pupunta tayo kina mama? Bakit hindi mo naman kaagad sinabi? Para naman nakapaghanda pa ako. What should we bring?" Aligaga akong nagpaikot-ikot sa kwarto habang inaalala ang huling engkwentro namin ng ina nito. It's definitely not a good one.
May isinuksok ito sa bulsa bago ako sandaling sinulyapan.
"Don't bother, Karina. We all knew how my mother hated you. As you might realize now, it's just for another day of playing theatrics. It's for the media and the people again for our image. I'm sure alam mo na ang gagawin mo 'di ba? May experience ka na."
Lumabas ito ng kwarto at iniwan akong nanggigitgit ang mga ngipin sa poot.
How dare him?! How dare him casually tell me how he ruined my life! If it's not for him and his never-ending pursuit for that good image they so badly wanted to maintain, then I should not be here in the first place. I should not be here eating every insulting remark and chewing them down as if it didn't left me wounded all over again.
"But if it's for the better Cholo then I'll willingly do it."
Itinapon ko sa basurahan ang damit saka pumasok sa separate walk-in closet ko na ipinagawa ko talaga para sa akin. Nagsimula na rin ang iilang mga major revisions sa mansiyon na mariing tinutulan ni Cholo pero wala rin itong nagawa nang minsang i-blackmail ko siya na susunugin ko lahat ng portraits ng pamilya nito. He told me I'm crazy and I just laughed it off because it's true. He knew he can't stop me so he just let me be.
Bumaba na ako sa hagdan suot ang black strapless scarf top at high waisted shorts with studded belt. Pinaresan ko ito ng black sneakers at black belt bag. I also wore a heavily tinted black shades, and black make-up. Wala akong kahit na anumang suot na alahas maliban sa singsing ko na nasa kaliwang kamay ko.
Hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ay napapailing na lang ito habang nakatitig sa akin. For the past weeks, he has managed to adjust to my love for anything that's black. Naikompara pa niya ako sa dating ako na mahilig sa mga light colors. May hatid man na hapdi ang pag-alala niya sa nakaraan pero pinalampas ko na lang iyon.
"Thank you." I smiled at him when he opened the door of the car for me.
He stopped in his tracks and just stared at me. Nakita kong kumuyom ang mga kamao nito na para bang pinipigil nito ang sarili sa gustong gawin. Sa huli ay inayos niya lang ang seatbelt ko bago lumigid sa kabilang pinto at pinasibad na ang sasakyan. Rinig ko pa ang marahas na paghugot nito ng hininga.
Tahimik lang ang biyahe. Naguguluhan ako sa ipinakita nito kanina. Could it be that he's warming on me? Tiningnan ko si Cholo na naka-concentrate sa pagmamaneho. His biceps are flexing everytime he grappled with the steering wheel.
A bittersweet smile loomed on my lips. I can still affect him in ways that could make his life a living hell. I sighed. I don't know if it's really a good thing or not.
It's reassuring at the same time foreboding. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hatid na karma sa huli.
Dumating kami sa destinasyon nang hindi nag-uusap. Pinagbuksan niya ako ng pinto at kinuha ang kamay ko. Napahigit ako ng hininga nang magsalimbayan sa isip ko ang mga alaala naming dalawa.
The holding hands, the kissing, the unspoken love, the betrayal, and the inferno that followed after.
"Just stick with me. Wala silang magandang sasabihin sa iyo kaya kung ayaw mong masaktan, dumikit ka lang sa akin."
Napangiti ako nang mapait. Nasabi niya na rin iyan sa akin dati. Kumapit ako sa kaniya pero una siyang bumitaw sa amin.
"Sure but just a thing, hub, I don't need anyone's saving. I can perfectly safeguard myself but if you still insist then I can always be the pabebe girl. Kapit-tuko ako sa iyo para hindi na naman lumabas iyang mga litid sa leeg mo. Okay na?"
Nginitian ko siya sabay higpit ng kapit ko sa kamay niya. This time, I will hold this hand for as long as I can. Hindi ko hahayaang bumitaw siya o may umagaw dito mula sa akin.
Nahuli ko pa ang munting ngiti na namutawi sa sulok ng bibig nito bago nito iyon mabilis na pinalis. Umangat ang kamay nito sa tenga ko at pahapyaw na humaplos doon.
"Come on. They must be waiting for us."
Nangingiting nagpayakag na ako sa kaniya. Hula ko ay kinikilig din ang mokong. Ayaw lang talaga nitong ipakita dahil alam niyang gagamitin ko iyon laban sa kaniya. Kamuntik ko nang hawiin ang buhok sa saya. No one can really resist me.
Pumasok kami sa bahay-bakasyunan ng mga Gastrell kung saan permanente nang nag-retire ang mga magulang nito. Bilang tradisyon, ipinaubaya na nila kay Cholo ang buong mansiyon. Ipinapamana sa panganay na lalaking anak ang mansiyon kapag tumuntong na sa ika-25 na taon ang unang anak na lalaki.
"You didn't tell me your cousins will be here," tanong ko kay Cholo nang mamataan ko ang magpinsang Sharlot at Seraphina na nakaupo sa mga upuan sa malawak na lawn ng bahay.
"I also don't know about them being here." Nagbuntung-hininga ito. "Hindi ko alam kung may papaniwalaan pa ako sa sasabihin ni mama. Tara na."
Nagkibit-balikat na tinungo namin ang kinaroroonan ng dalawang babae na masayang nagtatawanan. When they saw us, they deliberately surveyed me from head to toe and raised their brows in the air. Parang sinisino pa nila ako na para bang hindi nila ako kilala. Kita ko pa kung paano tinitigan ni Sharlot ang nakabuyangyang na mga designer brands sa damit ko.
"Hi, Cholo." Tumayo si Seraphina at niyakap ang pinsan pero ang tingin ay nasa akin lang. "Is it really Karina? My God! Who is her sugar daddy to look like this? Ang baduy pa niya noong unang kita ko sa kaniya. I can't forget the girl who doesn't know about Christian Louboutin and Donatella Versace."
Nginitian ko lang ito na alam ko namang ang tanging gusto lang ngayon ay maliitin at inisin ako.
"And don't forget how she thought it's a furniture name. Gosh! The old version of your wife cousin is a walking doughnut," ani naman ni Sharlot na sumunod na yumakap kay Cholo.
Bumuntung-hininga ang asawa ko. "Ladies, stop it. Nasaan ba si mama?"
"Cholo, you don't have to defend your wife. It's an open secret in the family. Alam ng lahat ang tunay na sitwasyon niyong dalawa."
Lumingon ang lahat sa pinanggalingan ng tinig maliban sa akin. Nag-ipon muna ako ng hangin para pagaanin ang poot na nararamdaman bago nakangiting bumaling sa ginang na walang kupas pa rin ang ganda sa kabila nang hindi maikukubling katandaan nito. Dahan-dahan akong tumingin sa mga mata nito.
And it's as if my heart stopped beating. Nanubig ang mga mata ko dahil parang tumititig uli ako sa pares ng mga matang
gustung-gusto ko na uling makita.
Genuine na ngumiti ako sa ina ni Cholo at naglakad palapit dito. Abot hanggang tenga ang ngiti na niyakap ko ang ina nito at pumikit. Sa isip ay inaalala ko ang isang eksena na patuloy kong babalikan araw-araw, sa bawat gabing magdadaan, sa bawat segundong lilipas hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko.
Nanigas si Donya Teodora pero hindi naman ako itinulak palayo. Nanahimik ang lahat. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko nahamig ang sarili at bahagyang lumayo para humalik sa pisngi ng matanda.
"Good afternoon, mama. Pasensiya na at ngayon lang ako nagkaroon ng oras na dalawin po kayo. Ito kasing asawa ko, gusto pa akong solohin. Natigang na yata," natatawang saad ko.
Nasamid sa iniinom nito si Sharlot. Hindi rin makapaniwalang nakatingin sa amin si Seraphina at si Donya Teodora. As for Cholo, I didn't bother to look at him. Alam kong nakakunot na naman ang noo nito sa sinabi ko.
"You've been fucking her Cholo?! Hiwalay na ba kayo ni Elizabeth?" bulalas na tanong ni Sharlot.
Malamig ang mga matang sumagot ako rito. "What's wrong with a husband having sex with his wife? It's natural. Ang hindi tama ay ang kumalantari sa personal driver para ilabas ang init na hindi kayang buhayin ng asawa niya."
Naging mailap ang mga mata ni Sharlot na agad na uminom sa hawak na baso.
"That's enough," maawtoridad na saway ni Donya Teodora. Matalim niya akong tiningnan. "Some things don't really change, hija. Balutin ka man nang mapagpanggap mong yaman at takpan man nito ang dati mong pinanggalingan, sisingaw at sisingaw pa rin ang tunay na baho mo."
"Ma, tama na," awat dito ni Cholo pero hindi nito iyon pinansin.
"I don't know why you have brought her here. I don't want to lose my appetite, son."
"Ma, Karina is still my wife even if it's just in the name. You should still respect her. Tara na. Kumain na tayo."
Hinila na ako sa kamay ni Cholo papasok. Isang tagumpay na ngiti na lang ang iniwan ko sa tatlo na animo ay mapipilas na ang mukha sa pagkakasimangot sa akin.
Pumasok kami sa dining area kung saan punung-puno ng pagkain ang mesa.
"Wow! Ilang batalyon ba ang papakainin ng mama mo para ganito kabongga ang handa? Baka naman sobra niya lang akong na-miss? Oh well, ngayon pa lang ay pinapa—" Natigil ang pagsasalita ko nang sumungaw ang mukha ni Elizabeth mula sa dirty kitchen na may dalang isang platter ng seafoods.
Naramdaman kong natigilan si Cholo at napabuntunghininga. Dumulas ang hawak niya sa kamay ko pero nuncang hahayaan ko siyang bitawan na naman ako sa ikalawang pagkakataon. Hinabol ko ang daliri nito at muling ikinulong ang mga kamay nito sa akin.
"I invited your fiancee here," saad ng tinig ni Donya Teodora sa likod namin. "Son, Elizabeth, sit now."
Tiningnan ko si Cholo at tinaasan ng kilay. He just dismissed me and pulled a chair for me. Laking pasasalamat ko lang at tumabi siya sa akin. If he didn't then they would have to bid goodbye to all these sumptuous food because I will gladly throw these on their faces.
Elizabeth sat across the table with Cholo's cousins on her sides. Sa pinakaunahan naman ng mesa naupo ang mama.
Masuyo kong inasikaso si Cholo. Nilagyan ko siya ng mga pagkain at sinalinan ng maiinom ang baso. I even volunteered to cut the meat for him but he shook his head to decline. Kanina pa rin nakakunot ang mukha nito habang panaka-naka ay ninanakawan ng sulyap si Elizabeth.
"So Cholo, when will you annul Karina? Right after my brother wins the election or will you give it another month to let the chatter die down first?" tanong ni Sharlot.
Napahinto ako sa pagnguya nang napakalambot na karne at bumaling din sa asawa na nakatiim na ang mga bagang.
"Sharlot, I don't think it's right to discuss my personal life to you. Alalahanin mo muna ang problema niyo ng asawa mo bago ka makialam sa buhay ng may buhay."
Pinigilan ko ang pagtawa kaya hagikhik ko lang ang lumabas.
"Oops sorry. Totoo naman kasi," ani ko sa kanila nang tingnan na naman nila ako nang masama.
"Cholo, I don't think there's any more important than family matters. Makakasira lang sa pangalan ng angkan natin kung patuloy na nakadikit ang babaeng iyan sa iyo. Who would know what would she do while dragging our name in the process? Baka gamitin pa niya sa masama ang impluwensiya na nakakabit sa pamilya natin," singit naman ni Seraphina.
"Precisely my point. At paano naman ang reputasyon ni Elizabeth? Alam ng buong Cerro Roca na pinangakuan mo siya ng kasal. You have to discard this bitch and redeem yourself! Nakakahiya sa mga Asturia!" susog ni Sharlot.
"May punto ang mga pinsan mo, Cholo. I suggest you file for an annulment after the election. I know it's my fault for registering your marriage years ago. Nadala lamang ako ng mga pangamba noon na baka may maghanap talaga ng totoong ebidensya. But now, times have changed already. The people now are crucifying anyone who is accused of cheating especially inside the marriage. What do you think?"
Tahimik lamang ako habang naghihiwa ng karne. Hinihintay kong magsalita ang asawa para idiin pa ako o ipagtanggol.
"Ma, leave my personal life alone. I can handle it," maikling pahayag ni Cholo.
Napaismid ako. I don't think he can once I started being the brat wife.
Isinubo ko muna ang asparagus bago nagsalita.
"Tama nga naman si Cholo, mama. Leave this to us. Kaming mag-asawa ang dapat na lumutas nito since kami rin naman ang gumawa sa problemang ito." Sumulyap muna ako sa gawi nang napakatahimik na si Elizabeth bago nagpatuloy. "But rest assured that we will fix our relationship. In fact, we are actually preparing for our second wedding. Gusto kasi akong bigyan ng pangalawang kasal nitong si Cholo dahil hindi nga naman kami nakapanumpa sa simbahan." Ipinatong ko ang kamay sa kamao ni Cholo na nasa mesa at ngumiti nang matamis. "Right, hub?"
"What?!" magkapanabay na bigkas nina Sharlot at Seraphina.
"Nababaliw ka na ba, Cholo? Papakasalan mo ang babaeng nanloko sa iyo?! My god! What are you thinking?!" bulalas ni Sharlot.
Muli kong sinulyapan si Elizabeth na tumigil na sa pagkain. I don't see any hint of panic in her eyes. Itinaas nito ang kamay at pinayapa si Donya Teodora na pulang-pula na ang mukha dahil sa galit. Kapagkuwan ay lumipat sa akin ang tingin niya at puno ng kaseryosohan ang mukha na nagsalita.
"I won't let that happen, Karina. I won't let the father of my child marry another woman."
Nabura ang ngiti ko kasabay ng pagsisikip ng dibdib. I turned harshly at Cholo who looks as surprised as everybody else in the table. Parang nawalan ng lakas ang kamay ko na unti-unting bumitaw sa pagkakapit sa kamay ni Cholo. Sumagap ako ng hangin para pigilan ang pag-uulap ng mga mata.
Elizabeth Asturia, natalo mo na naman ako sa ikatlong pagkakataon.