Télécharger l’application

Chapitre 14: 14

Flashback

"Karina!"

Nilingon ko ang matinis na tinig na tumawag sa akin at nagulat nang makita si Missy na pakendeng-kendeng na naglalakad papunta sa aking pwesto ng palamigan sa tabi ng kalsada.

"Missy." Alanganin ang ngiti na ibinigay ko sa kaniya nang makalapit na ito sa akin.

"Kamusta ka na?" Tanong nito sa sinserong paraan habang sinusuyod ako ng tingin.

Bumuntung-hininga ako at mapait na ngumiti. "Eto. Naghihirap pa rin. Hindi ako nakapasok sa pagiging saleslady, eh. Puno na ang posisyon kaya balik ako sa dating gawi. Kamusta na pala ang Cerro Roca?"

Makahulugan ang tingin na ibinigay niya sa akin bago bahagyang inilapit ang mukha nito.

"Teh, hinahanap ka ni Cholo."

Natigilan ako sandali bago kabadong hinalo ang inumin na nasa jar.

"Missy, ano pa ba ang kailangan niya? Nagawa ko naman. Ginawa naman namin."

"Gaga, wag kang nerbiyosa diyan. Gusto ka lang daw niyang makita. Kinukulit nga ako kung alam ko ba raw kung saan ka makikita. Wala naman akong maisagot dahil bigla ka namang naglaho agad."

Tinimbang ko ang mga sinabi nito sa isip at nabuo ang isang konklusyon.

"Hindi ba siya nasiyahan? G-Gusto ba niyang ulitin ko ang serbisyo sa kaniya?"

Hindi na ako nagawang mahiya sa mga sinabi dahil wala namang taong makakarinig dahil wala pa namang bumibili.

Tumango si Missy na may kaunting inggit sa mukha.

"Natumbok mo, Karina. Mukhang nakulangan sa iyo si Cholo. Ang laki pa naman ng binayad niya sa iyo pero wag kang mag-alala. May bayad ulit ngayon."

Saglit lang akong nag-isip bago agad na tumango. "Sige. Saan?"

Nagulat sandali si Missy sa agad na pagpayag ko pero agad ring napalitan ng pagbubunyi ang mukha nito.

"Tatawagan kita mamaya para sabay na tayo papunta sa Cerro Roca. Akina number mo."

Pagkatapos kong ibigay ang number dito ay agad itong tumalilis ng alis. Naiwan akong kinukuwestiyon ang sarili kung tama ba ang ginawang pagpayag ko.

PAGPASOK ko pa lang sa exclusive club na itinuro sa akin ni Missy ay halos mabingi na ako sa lakas ng music. Puno ang dancefloor ng mga kabataang nagsasayawan sa saliw nang maharot na tugtog. Masakit din sa mata ang DJ lights na nagmumula sa kisame at sahig ng club malapit sa stage kung saan may lalaking walang pang-itaas at puno ng tattoo ang buong dibdib na tumutugtog. Tagaktak na ang pawis ng karamihan pero parang wala sa mga ito ang may balak na tumigil sa paggiling.

Medyo nahilo ako sa amoy ng mamahaling sigarilyo at alak na bumabalot sa buong lugar. Hindi ako sanay sa ganito. Parang nakakawala ng hangin ang sikip ng lugar dahil sa puno ng tao.

Nakisiksik ako sa mga kabataan na obvious na mayayamang kaedaran ko lang para makarating sa isang panig ng stage kung saan may nakatayong bouncer na puno ng balbas ang baba.

Ang instruction ni Missy ay tanungin ko lang daw ang lalaki kung saan si Cholo.

May humagip sa bewang ko mula sa gilid at bumulong. "Hey, sexy. Wanna have some fun tonight?"

Hindi ko na nagawang sumagot. Basta ko na lang binaklas ang kamay niya sa bewang ko nang hindi ito nililingon at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bouncer.

Hindi naman ako hinabol ng lalaki kaya nakahinga ako nang maluwag.

Nilapitan ko ang bouncer at pasimpleng bumulong. "Kuya, saan si Cholo? Galing kay Missy."

Pinasadahan muna ako ng tingin ng lalaki na para bang sinisino ako bago may kinuha itong susi sa bulsa.

"Sa taas. Left side. Room 5."

Kinuha ko ang susi at mahigpit na hinawakan.

"Salamat."

Hinila ko pababa ang suot na maiksing puting haltered dress at inakyat ang itinuro nitong makipot na hagdan.

Nanlalamig ang kamay ko at pinagpapawisan na ako sa singit at kilikili. Sana magawa ko ng tama ang mga sinabi sa akin ni Missy.

Umaalingawngaw ang boses nito sa isip ko nang huminto ang sasakyan namin kanina sa harap ng club.

"Ikaw naman ang tumrabaho. Remember, binayaran ka para sa performance mo, day."

Paano ba? Paano ba trabahuin ang isang Cholo Gastrell?

"Bahala na."

Malalaki ang hakbang na tinahak ko ang sinabing direksiyon ng bouncer.

Tahimik at malaki ang second floor ng club na may sampung silid. Huminto ako sa harap ng isang pinto na may nakasulat na "5" sa labas. Tiningnan ko ang hawak na susi na korteng five rin.

Ito na nga. Makikita ko na uli si Cholo makalipas ang ilang buwan. Sa likod ng pintong ito ay ang lalaki na magpahanggang ngayon ay nagpapagulo sa sistema ko.

Pikit ang matang isinuksok ko ang susi sa keyhole saka pinihit ang pinto pabukas. Nagmulat ako ng mata at nakayukong pumasok sa silid at inilapat pasara ang pinto sa likod ko. Dahan-dahang nagtaas ako ng tingin at kulang na lang ay lumuwa ang mata ko sa tanawing bumungad sa akin.

Sa ibabaw ng puting kama ay ang nakatihayang hubo't hubad na si Cholo na nakapiring ang mga mata gamit ang isang puting tela. Prenteng nakalagay ang kamay nito sa likod ng ulo na gumalaw papunta sa direksiyon ko. Inilagay ko ang kamay sa bibig para ikulong ang pagsinghap.

Natutok ang mga mata ko sa half-aroused na pagkalalaki ni Cholo. Ang laki pala. Hindi ko lubos maisip kung paano ito nagkasya sa akin. Lumipat ang tingin ko sa mabalahibong dibdib nito pababa sa binti at hita. Ngayon ko lang ito napansin dahil natititigan ko siya nang malaya. Takot at nag-aalangan kasi ako noong una namin kaya hindi ko nabistahan nang maayos ang katawan nito.

"Are you just going to stand there? I paid you to do your work. Come here and pleasure me now," masungit na sabi nito. "And I would not want you to talk. Now come up here and join me naked."

Sa sinabi nito ay nanayo agad ang balahibo ko sa buong katawan.

"Faster," utos nito sa tonong naiinip.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos nito. Hinubad ko ang suot na maikling dress, bra, panty, at panghuli ay ang heels. Agad na nanginig ako sa buga ng aircon.

"Done? Then come here already. You've got a lot of work for tonight."

Walang kibong sumampa ako sa kama gaya nang sinabi nito. Nilunok ko ang hiya at pag-aalinlangan nang matingnan ko sa malapit ang pagkalalaki nito. Namilog ang mata ko sa nakikita. Light brown ang kulay ng baba at medyo pinkish ang ulo. Malaki na nga sa ganitong estado, ano pa kaya kapag aroused na talaga. Nagkalaman din nang kaunti ang katawan nito. Lumapad ang balikat, braso at dibdib nito.

"Hold it now," utos nito sa akin sa naiinip na tono.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko lang ang gusto nitong ipahawak sa akin.  Hindi ko kaya. Tinitingnan ko pa nga lang ay nanginginig na ako sa nerbiyos. Ano pa kaya kung hinahawakan ko na talaga.

"What's wrong? I paid you for this. Now do it."

Umaalingawngaw na naman sa isip ko ang sinabi ni Missy sa akin.

Pikit ang mata na unti-unti kong inabot ang pagkalalaki nito at hinawakan. Malambot na matigas na mainit ang pakiramdam nito sa kamay ko.

"Shit!" sigaw ni Cholo na nagpaigtad sa akin palayo. "Bakit ang lamig ng kamay mo? You're freezing my balls!"

Tumikhim ako at pinagkiskis ang dalawang kamay saka binugahan ito ng hangin bago ibinalik ang kamay sa ari nito.

"Now move," utos nito.

"Paano?" sabi ko sa mahinang boses.

Pareho kaming natigilan. Nakalimutan ko ang sinabi nito kanina na wag akong magsasalita. Tinabig niya palayo ang kamay ko at tumalikod sa pagkakahiga.

"Get dressed and get out," sabi nito sa malamig na tinig na parang nawalan na ng gana.

Nalilito man ay tumalima na ako. Sa isip ko ay kung kasama ba ito sa magiging bayad ko, ang amuin ang parang batang nagmamarakulyo sa sama ng loob.

Bumaba ako sa kama at pinulot ang damit para magbihis. Si Cholo ay nakahiga pa rin at walang kakilos-kilos na nakatihaya lang.

Bakit pa niya ako hinahanap kung ganito rin lang niya ako tatratuhin? Hindi ko siya maintindihan. Bakit ganito na siya sa akin? Alam kong hindi niya ako ganito kalamig tratuhin noong iwanan niya ako sa hotel. Bakit bigla na lang itong nagbago?

Mabigat ang dibdib na binuksan ko ang pinto at lumabas para lang magulat sa kislapan ng kamera na sumalubong sa akin.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C14
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous