Que Zickayn Point Of View
Nagpunta muna ako sa wash area, sa labas ng training building. Naisipan ko muna na maghilamos bago ako pumunta sa cafeteria. Hihilamusin ko ng maigi ang mukha ko para tuluyan nang mawala ang dumidikit paring makapal at makapit na makeup sa aking mukha.
Nang matapos akong maghilamos, nagpunta ako sa cafeteria ng academy. Tahimik ang Asteromagus Academy ngayon dahil sa Semestral Break naming mga studyante, na tatagal ng dalawang buwan. Kaya madaling maka-bili ng pagkain.
Bumili ako ng dalawang hamburger at dalawang cup ng cola. Pinalagay ko sa loob ng isang plastic bag ang mga binili ko at umalis sa cafeteria. Masyadong weird para sa pakiramdam kung sa malawak na lugar na ganoon ay ako lang ang kakain. Mayroong mga taong nasa lugar pero puro mga teacher. Buti nga at hindi nagsara ang cafeteria kahit na Semestral Break.
Nagpunta ako sa likuran ng mga Grandmaster Students' Building. Mayroon kasing dalawang mga malalaking puno ang nakatanim doon. Madalas ko ding tambayan ang lugar kapag ako ay nababagot.
Ilang sandali lang ang kinailangan ko para makarating sa nasabing lugar. Kaagad akong tumalon ng malakas paakyat sa malaking sanga ng isa sa dalawang puno. Umupo ako doon at sumandal sa matigas na katawan ng puno. Nagsimula akong kainin ang isa sa dalawang burger na binili ko.
Biglang pumasok sa isip ko kanina ang madalang na pagtawa ng kapatid ko na ginagawa nito at aking makita. Isa ng full grown up ang isip ng kapatid ko kahit na siya ay 17-years-old pa lamang. Nakakapanatag ng puso.
*****
*Flashback*
8 years ago, sa House of Bay na dating House of Zickayn sa bayan ng Matadera dito sa Mavery Region.
"A-ayoko sa mga lalaki!!" Iyak ng iyak ang bunso kong kapatid na si Moon dahil pinalo na naman kami ng kaniyang papa.
Sa kalikutan kasi ng kapatid ko ay aksidente niyang nasagi at nabasag ang isang mamahaling vase habang naglalaro kami ng habul-habulan.
"Ayaw mo din ba kay kuya?" Malungkot na tanong ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya na siya namang sumunggab ng yakap sa akin.
"Kuya, love na love po kita. Para sa akin ikaw ang magulang ko. Napaka-bait mo sa akin." Paliwanag niya sa akin habang patuloy sa pag-iyak.
Hinimas ko naman ang kaniyang likuran at ulo upang kahit papaano ay mapakalma siya.
"Huwag kanang umiyak. Tahan na. Sa labas ng bahay na lang tayo mag-laro. Huwag kana kasing matakot sa araw para ka namang bampira kasi eh..." Sabi ko. Naka-nguso naman siyang tumingin sa mukha ko.
"Sabi kasi ni papa huwag daw akong magpapa-araw para pag laki ko lumaki akong maganda at maputi ng maraming mga royalties ang magkandarapa sa akin." I hissed on what she has said.
"Huwag kang maniwala sa sinabi na iyan ng papa mo. Alam mo, hindi ka papangit kung magbibilad ka sa araw ng kahit kaunti."
"Pero paano mapaparusahan ako kapag nahuli akong nasa labas." Malungkot na sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin at yumuko.
*****
Hindi ko nagawang mapilit na palihim kaming maglaro sa labas si Moon.
Ayaw niya nang maparusahan pa muli at lalo na ang pati ako'y madamay sa parusang natatanggap niya.
Ako, walang pakialam sa akin ang ama ni Moon dahil hindi niya naman ako anak. Anak lang naman ako sa unang asawa ni mama na dating hari ng bayan na ito. Malaya akong nakakalabas at nakakauwi sa bahay kahit kailan ko gusto, wala naman silang pakialam sa akin. Si mama naman, madalang lang nasa bahay dahil sa mga trabahong inaasikaso niya.
Dahil na din dito ay walang nagaaruga na ina sa kapatid kong si Moon at palaging malupit niyang ama lamang ang kaniyang nakakasama araw-araw. Ultimo maids sa bahay namin ay mga bakla dahil ayaw ng ama ni Moon sa mga babae. Naiirita siya sa mga ito kaya siguro mabigat ang kamay nito sa kapatid ko.
Dati kasing bakla ang ama ni Moon, dahilan kung bakit noon ay naghiwalay sila ng mama ko noong mga teenager pa sila. Nagbago siya pero sumobra naman. Naging matigas siya masyado.
Habang tumatagal, palala ng palala ang pagpaparusa sa kapatid ko. Habang tumatagal, dumidilim ang mga tingin ng mata ng kapatid ko. Unti-unti siyang nalulunod sa dagat ng labis na kalungkutan. Kailangan niya ang aming ina, kailangan niya ng katulad niyang babae na magtatanggol sa kaniya at magaaruga.
Kaya naman sa huling araw na naparusahan si Moon, sumumpa ako sa sarile ko at nangako sa sarile kong babaguhin ko ang aking pagkatao para sa aking mahal na kapatid.
Naging bakla ako, kilos babae, damit babae at pati na din ang pananalita ng isang babae ay ginawa ko at ibinigay sa kapatid ko ang kalingang kailangan niya, ang kalinga ng isang ina.
Kahit papaano, sumigla muli ang mga mata ng kapatid ko. Naging mas maayos din siya sa kaniyang pagkilos sa loob ng bahay kaya naman hindi na siya muling naparusahan pa ng kaniyang ama dahil wala nang ginawang ikinagalit nito si Moon.
Sobra akong natutuwa. Handang-handa akong panindigan sa sarile kong babae na ako upang mag-patuloy ang maayos na buhay ng kapatid ko subalit nangyari ang hindi inaasahan.
Naaksidente si Moon sa banyo habang naliligo matapos madulas at nabagok ang kaniyang ulo sa bath tub. Nailigtas ang buhay ni Moon pero nagbago nang tuluyan ang kapatid ko sa kaniyang muling pag-gising.
She's distant to me and always act irritated whenever I'm near her and talks to her. Mas naging proper siya sa bahay, naging mas mature dahil sa nangyari sa kaniya.
Alam kong noong mga oras na 'yon, maaari na akong bumalik sa tunay na ako ngunit hindi mawala sa akin ang takot na baka maparusahan na naman siya at mas malala na ang mangyari na parusa sa kaniya kaya naman kahit iniiwasan na niya ako at parang napipilitan sa kaniyang pakikihalubilo at pag-sunod sa mga payo ko ay pinili kong manatiling ganito.
Hihintayin ko na lamang na dumating ang panahon na mayroon ng sarile na buhay ang kapatid ko kung saan kaya niyang buhayin at alagaan ang kaniyang sarile saka pa lamang ako babalik sa tunay kong kasarian.
Aalalayan ko ang aking kapatid hanggang sa makamit niya ang buhay na dapat mapa-sakaniya.
*End of Flashback*
*****
"Baklang Que. Anong nangyayari sayo? Hoy." Napadilat ako ng mata sa diko inaasahan.
Mukhang nakatulog ako at nanaginip ako ng isang malungkot na panaginip.
Si Moon ang gumising sa akin. Pinuntahan niya ako sa kinaroroonan ko na sanga ng puno sa likuran ng Grandmaster Students'Building. Luckily that I didn't fell down.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kaniya. She immediately rolled her eyes.
"Simple, I used my Aura Perception. Anong kwenta na matutunan ko iyon kung hindi ko gagamitin, Que." Paliwanag niya naman sa akin.
Napansin ko namang basa ang magkabilang pisnge ko at parang namugto ang mga mata ko. Kaya agad kong pinahid ang kamay ko sa mukha ko.
"Bakit ka umiiyak? Nanaginip ka ba ng masama?" Tanong ni Moon sa akin. Umiling lang ako sa kaniya at ngumite.
"Ano kaba. Siyempre tears of joy 'noh. Ang gwaping kasi ng boylet na nagpropose sa akin sa dream ko. Ano ka gurl, daig pa kita. Nagpapakita na sa dream ko ang boy of destiny ko na siguradong dadalhin ako sa super mataas at malawak na palasyo. Bongga pa sa palasyo ng Vlade Empire." Palusot ko sa kaniya.
Agad sumama ang mukha niya at piningot ako. "Landi mo talaga. Nag-alala pa naman ako sayong bakla ka." Nainis na sabi niya.
"Aray. Ouch ano kaba naman, huwag mo akong pingutin...ang tenga ko, baka matanggal!! Alam mo bang titikman 'yan ng future husband ko? Maawa ka 'dzae', masisira ang beauty ko." Paki-usap ko sa kaniya.
"Heh. Asa kapa. Kung babae pa sana ang pinaginipan mo ay tutulungan pa kitang hasain ng tumulis 'tong tenga mong 'to."
"Ay grabe siya. Ginawa mo naman akong dwende. Sa ganda kong 'to?" Katwiran ko sa kaniya. Bumitaw naman siya sa tenga ko at lumabas sa karwahe.
"Ewan ko sayo." Sabi niya at saka siya tumalon pababa. Naglakad siya paalis.
"Saan punta mo gurl? Chika muna tayo dito. Don't leave me behind, I still feel dizzy. Pakiramdam ko maraming naiinggit na mga girls sa beauty ko!" Pahabol na pagpigil na sabi ko sa kaniya pero hindi siya nakinig sa akin.
"I need to train myself again. If you're still interested training with me, magpunta ka na lang sa parehong training room." Tanging sabi niya. Halatang wala siyang pake sa kani-kanina lamang na sinabi ko. Hayst...
Ilang sandali naman matapos umalis ng kapatid ko, hindi ko alam pero bigla na lang akong tumawa ng simple at mahina na para akong isang tanga.
"Hoy, huwag mo nang dagdagan ang mga wirdong nasa mundong 'to." Natigilan ako sa pagtawa nang magsalita bigla si Frosh na nasa sanga din ng katabing puno na kinaroroonan ko.
"Frosh?!" Gulat na reaksyon ko sa kaniya. Tumalon naman siya papunta sa kinaroroonan ko na sanga ng puno, umupo siya sa tabi ko ng mayroon lamang kaming tatlong pulgada na distansya sa isat-isa.
Dinig ko ang buntong hininga niyang malalim. "When will you stop pretending? Best actor kana sa pagganap mo bilang isang gay?" Tanong niya sa akin.
"Well, as long as she's not yet ready to live by her own. I'm going to guide her to achieve that." Paliwanag ko.
"Paano naman ang buhay mo? Talagang isasakripisyo mo na lang para sa suplada mong kapatid na 'yon? Paano si Devorah?"
"Frosh. Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang kapatid ko. Hindi siya suplada, sadyang matalas lang siyang magsalita. Isa pa, tanggap ni Devorah ang sitwasyon na mayroon kami ngayon. Hindi siya isang taong mabilis maubusan ng pasensya."
"Hah. Ewan ko lang. Para sa akin, inaabuso mo masyado ang pagsasakripisyo mo at ang pagmamahal ni Devorah sa iyo." Sabi niya saka tumaray at umiling.
"Alam mo, bilang kapwa mong tinatago ang tunay na kasarian, naaawa ako sayo. Masyado kang mapagmahal sa kapatid mo. Kung bibigyan lang ng award ang mga kuyang gaya mo, ako mismo ang magpapa-award sayo. Sayang nga lang, parang balewala para kay Moon ang ginagawa mo." Napatapik siya sa kaniyang noo matapos magsalita.
"Hindi naman siguro balewala para sa kaniya." Katwiran ko kay Frosh. "Kung walang pake ang kapatid ko, noon pa ako nilayuan 'non."
"Ewan...I can't see that care." Sabi niya. "She didn't even minded that I was up on the branch of the other tree. It's like she only care for her own...she may be caring a little bit about you." Tumayo siya at tumalon pababa saka naglakad palayo. Itinaas niya pa ang kanang kamay niya sa akin bilang paalam na aalis na siya.
Kumunot ang noo ko na tumingin ako sa paglakad ni Frosh paalis.
Naging sanggang dikit kami ni Frosh dahil ako ang siyang nagtulak sa kaniya na magpanggap bilang isang lalaki. Pinapayuhan ko siya palagi at ganon din siya sa akin.
Nakilala namin siya ni Devorah sa isang ball ng mga Royalty at Noble 5 years ago. Ilang araw matapos ang ball na iyon ay doon na kami naging close sa isat-isa. Minsan kaming nagkikita upang mag-usap at magbonding. Doon din ako nagkaroon ng pagkakataon na turuan siyang umakto na parang isang tunay na lalaki. And both Devorah and I are keeping Frosh's ultimate secret with the best we can.
Ginawa ito ni Frosh dahil ayaw niyang minamaliit siya ng kaniyang mga kapatid na puro mga lalaki. Maging ako nga ay minamaliit ng mga ito dahil sa isa akong bakla tuwing pumupunta ako sa bahay nina Frosh. They don't know I'm a pretender. But seriously there's no gender equality in this world.
Itutuloy.
Author's Note; Chapter 91 done. I sadly and happily announce that I'll be taking another break for a week of two, as in chapter 101, I will start the next arc of the story. Havoc Gang will move their way into Don Mori Sette's territory. Prepare for a roller coaster arc as many characters will be involved in it and it will be the 3rd Don that Shannon will try to bring down. Will she succeed on beating Don Mori Sette like what she did against Don Celestial Mañokaw and Don Nervoz Winter or she'll fail together with the Havoc Gangsters?