Télécharger l’application
44.54% Grace and Aces (Filipino) / Chapter 49: (Labyrinth Incident Arc) Chapter 48 - Imperial General Arrival

Chapitre 49: (Labyrinth Incident Arc) Chapter 48 - Imperial General Arrival

Third Person Point Of View

Sa section kung saan pinuntahan nina South at Isda ang Sarimanok Guardian na si Gemmalyn, kaluanan ay umalis ito kasama si Isda para tulungan ang iba nilang kasamahan, naiwan si South at ang isang Commander ni Don Nervoz na si Terminator 9.

Sa pag-alis nina Gemmalyn at Isda sa lugar, kaagad na naglaban sina South at si Terminator 9 na patuloy parin kahit na sa ibang section ng labyrinth ay nagawa nang matalo ni Senju si Terminator 10 habang ang laban ni South ay nagsisimula pa lamang na uminit.

"Iron Heavy Rain!" Nagpakawala ng mga bola ng bakal si Terminator 9 kay South.

Inulan siya ng maraming bilang nito. Hindi naman nabahala si South. Dahil nagpalabas siya ng maraming bilang ng mga halaman na mayroong makakapal na mga dahon at katawan.

Sa pagtama ng mga bakal na bola ay nawasak ang mga halaman. Kaya naman napilitan si South na umalis sa kaniyang kinaroroonan at inilagan ang marami pang bola na sumusugod.

Nagtago si South sa ilang mga lanta at patay na mga puno na nasa lugar.

"Ang likot mo naman." Nairita na sabi ni Terminator 9. Gumawa ito ng malaking bakal na espada at saka winasiwas ito ng pahiga. Maraming mga puno ang nahiwa nito at sa lakas ng pwersa nang pag-wasiwas ay nahagip pati ang mga malapit kay South.

"Plant Creation, Boxing Plant!!" Gumawa si South ng mga halaman na matataas na ang dulo ay hulmang kamao ng isang tao malapit kay Terminator 9. Sumugod ang mga ito kay Terminator 9 at sumuntok ng malakas.

Pinaiksi naman ni Terminator 9 ang kaniyang hawak na bakal na espada at pinaghihiwa ang mga sumusuntok na kamaong halaman ni South. Habang abala si Terminator 9 ay gumawa si South ng maraming bilang ng buto ng halaman at isang bag na gawa din sa halaman na kaniyang isinabit sa kaniyang likuran. Ipinasok niya sa bag ang mga buto na kaniyang ginawa.

"Eat this you freaking cyborg!!" Dumakma ng buto sa bag si South at malakas na ibinato ang mga ito sa direksyon ni Terminator 9. Nagkaroon ng malalakas na pagsabog dahil sa mga buto na sumasabog kapag nauuntog ang mga ito ng malakas. "Seed Bomber!!" Bigkas ni South sa kaniyang atake na ginawa.

Nagkaroon ng usok sa kinaroroonan ni Terminator 9 ngunit hindi nagtagal ay nawala ang usok. Nakita ni South ang sphere na bakal na ginawa ni Terminator 9 para protektahan ang kaniyang sarile.

"What an annoying opponent to face. Much more annoying compared to that cloning bitch Sarimanok Guardian." Inis na sabi ni Terminator 9. Pinaglaho niya ang kaniyang sphere na bakal na barrier na ginawa. "I don't have much time for this shit. I can't afford to let Terminator 10 to be the one who finds the compass piece and will be the one who's going to get rewarded by boss Nervoz."

Ilang saglit ang lumipas, ang mga kamay ni Terminator ay nagbago ng anyo. Naging robotic cannon ang mga ito, na naglalabas at tumitira ng malalakas na laser beam sa kaliwang kamay at sa kanan namang kamay ay apoy.

"Modified Hands!" Anunsyo ni Terminator 9.

Nagsimula na magpakawala ng laser beam si Terminator 9 kay South.

Inilagan ang mga ito ni South. Naghahagis din siya ng mga butong sumasabog upang magkaroon ng usok at alikabok at magulo niyo ang pag-asinta ni Terminator 9.

Naubos ang mga buto, ngunit si Terminator 9 ay wais na ginagamit ang kaniyang mga robotic hands at Iron Magic.

*****

Samantala, sa Palkia City naman, sa opisina ng headmaster na si Rodeo, pumasok sa loob ang kararating lamang na Imperial General at tatlong Wing Commanders.

"I was expecting you coming, Calcheese." Paunang sabi ni headmaster Rodeo kay Imperial General Calcheese.

Hindi naman nagustuhan ng mga Wing Commanders ang tabas ng dila ni Rodeo kaya agad humugot ng mga espada nila ang mga ito at tinutukan ang headmaster.

"Watch your words."

"You think you could casually address the Imperial General like that?"

"How impudent." Sabi ng mga ito kay Rodeo na hindi naman nag-react sa ginawa sa kaniya ng mga Wing Commanders.

"Sandali, he's one of my close friends. There's no need for him to address me using honorifics." Pag-awat naman ng Imperial General Calcheese sa mga Wing Commanders na agad ibinalik ang kanilang mga espada sa mga kaluban ng mga ito at yumuko. "Now, Rodeo. Tell the reason, bakit mo sinabi sa Emperor na puntahan kita rito bago kami sumugod ng mga kasama ko sa hinihilang balon na isang lagusan papunta sa labyrinth kung saan naroon ang isang Don?"

"Calcheese, I need to talk to one on one." Sabi naman ni Rodeo. Agad namang tumingin si Imperial General Calcheese sa kaniyang mga Wing Commanders na naintindihan ang nais ipahiwatig nito kaya naman lumabas ang mga ito sa silid. Hindi lang sila lumabas, lumayo din sila ng ilang metro upang hindi mapakinggan ang magiging paguusap.

Umupo si Calcheese sa sofa. "Ngayon, anong pag-uusapan natin na mukhang importante-" Hindi pinatapos ni Rodeo sa pagsasalita nito si Calcheese.

"She's facing the Don who infiltrated Palkia and did make harm to the people." Sabi ni Rodeo.

"Who's she?" Nagtataka na sabi ni Rodeo.

"Mary!" Nagulat ang dalawa sa nagsalita mula sa labas at kalaunan ay pumasok sa loob. Binuksan nito ang pintuan at ilinuwa nito si Sheina na malungkot ang mukha.

"Sheina? Ikaw din teacher na sa Academy na 'to? Teka, anong sabi mo? Mary? Isn't she supposed to be dead? What's going on guys, it's pain in the head." Umusok pa nga ang ulo ni General Calcheese sa kaniyang sinabi dahil naguluhan siya.

"You dummy, I can't believe you are the Imperial General of this country!" Napatapik na sabi ni Sheina. Umupo din ito sa sofa, sa tabi ni Calcheese.

"Mary is alive, Calcheese."

"Hah? 'Di nga?" Pasigaw na sabi ng hindi makapaniwala na si Calcheese.

"Ang cool ng dating mo kanina sa pag-komando mo sa mga Wing Commanders pero ang totoo, all is an act to look cool." Sabi ni Rodeo.

"Shut up, I need to be cool infront of them after all I'm their commanding officer."

"Hindi dapat ang bagay na iyan ang pinaguusapan niyo. Time is running, you two." Sabi naman sa kanila ni Sheina. "I really can't accept Mary to die." Ginawa ni Sheina na unan ang dulo ng sofa, nakatingala niyang tinignan ang chandelier.

Sumeryoso ang mukha ni Imperial General Calcheese. Hindi kasi niya nakikita ang masiyahin na ekspresyon ni Sheina na siyang malapit niyang babaeng kaibigan pangalawa kay Mary Mchavoc. "Explain what's going on. What's this about 3 students tried to but time for us to beat the Don's ass. Naagiwan ba ang mga pagiisip niyo at nawala sa mga ulo niyo na kahit tayong tatlo na mga Stage 0 Rank Magi ay hindi mananalo sa halimaw na mga Don."

"Buhay si Mary, totoo iyon, isa siya sa mga studyante na kinakalaban na malamang ang Don." Saad ni Rodeo.

"I can't believe what I'm hearing. So I won't believe for now. Pero, kung totoo man na buhay si Mary, bakit natin pro-problemahin pa ang Don? Kaya niya na 'yon."

"You've overestimated her Calcheese...even if she was indeed, already Arcane Stage Ranked, she said to me before going to the battlefield that she might die battling the Don." Sabi naman ni Sheina na sumingkit ang mga mata na tumingin kay Calcheese.

Napalunok naman ang Imperial General sa narinig.

"Kinakalaban ni Mary ang Don para pagurin ito at tayo ang tumapos rito..." Sabi ni Rodeo na bumuntonghininga matapos magsalita. "Who would have thought that the heavily secured compass piece was still been detected by the enemy."

"Sinong Don ba ang sumugod sa Palkia?"

"Don Nervoz, that machine nerd." Tugon ni Sheina.

"Among all the Dons, he's the dangerous one. If not the second strongest, he is the strongest Don according to the Guild Master and also the councilors in the Empire. Taglay niya lang naman kasi ang High-Tech Machinery Magic, which is one of the 'Four Most Ridiculous Magic' na sinasabing kayang tapatan ang kahit na anong 'Chaos Magic'." Sabi naman ni Calcheese.

"Aces huh? Never heard about those people for a while...the only people in this world that can wield Chaos Magic." Saad ni Rodeo na napa-isip sa mga taong nagtataglay ng Chaos Magic.

"Gaya ng sinabi mo Calcheese, sa pambihira na kapangyarihan mayroon si Don Nervoz, posible kaya na siya lang ang naka-sagap sa compass piece na nasa Palkia. Kaya hindi niya dinala ang kaniyang buong pwersa ay para hindi siya mapansin ng ibang mga Don?" Tanong naman ni Sheina kay Calcheese. (I doubt that Don Nova Chrono don't know about the compass piece hidden in Palkia City.)

"You have a point, Sheina." Sumangayon si Calcheese sa kaniyang narinig mula kay Sheina.

Tumayo si Calcheese sa kaniyang kinauupuan at umunat. "I want to confirm if Mary is really alive..." Malapad ang ngite na sabi nito.

"Just so you know, Mary is hiding her identity to other people. She's using a fake name, Shannon Petrini right now. Don't even try to say this to other people or else, you'll see yourself buried in the ground." Paalala naman ni Sheina kay Calcheese.

"What the hell? Is that hiding her identity in the first place? She used the surname of Xebec...which was supposed to be her..." Natigilan si Calcheese sa pagsasalita dahil sa biglang nakakatakot na aura na pinalabas ni Sheina. Nagkaroon ng malakas na hangin sa silid.

"Don't continue what you are about to say idiot... I'll kill you." Pagbanta nito.

"I won't...c-calm down." Napakamot naman sa ulo na sabi ni Calcheese. "Anyways, let's just go to where they are."

"TSK." Asik naman ni Sheina.

"Yeah we should. It may take an hour to go to that place even we used our magic to fasten our journey." Sabi naman ni Rodeo.

"Iiwan ko ang mga Wing Commanders dito sa Palkia para magbantay." Saad ni Calcheese.

"Dapat lang!" Madiin na sabi naman ni Sheina sa kaniya.

"Come on, you're still pissed of? Calm down now, Sheina."

"Shut up."

Itutuloy.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C49
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous