Pagod na pagod ang mga kawal habang tumatakbo papunta sa tinitirahan nila, galing pa sila dalampasigan. Doon sila sinanay ng heneral, gulong-gulo ang lahat, ngayon lang sila nakaranas ng pagsasanay na hindi hawak ang kanilang espada. Sabi ng heneral nag eehersisyo raw sila para lumakas ang katawan, galing daw sa Prinsepi ang pagsasanay na ginagawa nila.
Pagkarating nila sa ilog, agay pansin kaagad ang mga taong nagtipon-tipon sa isang lugar. Parang may malaking handaan.
Lumapit sila ro'n. Kaagad silang naglaway ng makitang ang mabangong karne na sibugba sa apoy. Nakita rin nila ang prinsepi na nakaupo sa isang bato habang naghihiwa ng naluto ng karne sa patag na bato.
Kumunot ang kanilang noo. Bakit ginagawa 'yon ng prinsepi may mga oripun naman sa paligid? Patagal ng patagal hindi na talaga nila maintindihan ang kinikilos ng prinsepi.
"Prinsepi Samuel, bakit ikaw ang gumagawa niyan? Pwede mo namang utusan ang mga oripun na gawin 'yan?" Tinanguan ng lahat ang tanong ni Heneral Ardes. Bawal gumawa ng kahit anong trabaho ang mga maharlika. Tradisyon 'yong mahigpit na sinusunod.
Ngumiti si Samuel. "Alam mo Ardes, pangarap kong magluto. Hindi ko 'yon nagawa no'ng nasa palasiyo pa ako. Ngayong wala ng tradisyong pumipigil sa 'kin, magluluto ako kasi gusto ko." Ang totoo wala siyang tiwala sa mga oripun sa paligid, pag sugba lang ang alam nila. Hindi nila alam kung paano timplahan ang kinilaw na niluluto niya.
Nang matapos siya sa paghiwa ng sinugbang karne. Nilagay niya ang mga 'yon sa dahon ng saging, nanood lang sila sa ginagawa niya. Nilagyan niya ang bawang, sibuyas, sili, suka ng niyog at asin. Pasalamat talaga siya't may tanim na mga pampalasa ang mga tao rito.
Hinalo-halo niya ang mga sangkap gamit ang malinis niyang kamay. Pagkatapos ay inaya ang lahat na kumain. Nagpasalamat ang mga oripun sa kaniya, pati na rin ang kawal. Dahil sa kabutihan ng kaniyang loob, naging malapit ang loob ng mga tao sa kaniya. Hinahangan siya't pinuri sa pagkaing niluto niya.
.
Sa tanghali, plano niyang magpatayo ng bahay. Kahit kahoy lang muna, hindi siya nakakatulog ng maayos sa loob ng kweba.
Nagpasama siya sa mga kawal at ilang lalaking oripun na mamutol ng puno. May dala-dala silang ng lagari at espada na pinagawa niya kay Sammy kanina. Basta may bakal lang at kahoy kayang gumawa ni Sammy ng mga simpleng kagamitan. Maraming mineral sa kwebang tinitirhan niya, gagawin niya 'yong minahan sa susunod na araw.
Pinaputol niya ang mga malalaking kahoy, pinili niya 'yong matigas at matibay.
"Ano bang gagawin na tin sa mga kahoy na 'to Prinsepi Samuel?"
"Gagawa tayo ng bahay!"
Kumunot ang noo ng mga kalalakihan, bahay na gawa sa kahoy? Ang alam nila kawayan ang ginagamit para gumawa ng bahay, wala namang kawayan sa paligid nila paano sila makakagawa? Ding-ding lang ang maitatayo nila.
"Bakit ganiyan ang mga mukha ninyo?" Naiintindihan niya kung bakit sila gano'n. Umiling siya, totoo ngang ang talino ay kayamanan. "Hindi na natin kailangan ng kawayan para makagawa ng bahay. Mas matibay pa ang kahoy na 'to at mas matagal masira. Basta mahirap ipaliwanag, sundin niyo na lang ang mga sasabihin ko."
Nagpagawa siya ng kahoy na panukat at itinuro sa mga lalaki kung paano 'yon gamitin. Medyo naiinis siyang makita na parang sinasamba nila ang utak niya, simpleng bagay pa nga lang ang itinuturo niya gano'n na sila. Paano na lang kaya pag nagpagawa na siya ng mga makinaryas?
Mano-mano niyang pinalagari ang kahoy, may iba't ibang haba, sukat at lapad. Madali silang nakaipon ng mga kakailanganin, marami kasi ang gumagawa.
Pagkahapon, pagod na pagod ang marami pwera na lang sa mga kagaya niyang pinalakas ang gene sa katawan. Katamtaman lang ang pagod nila. Ingit na ingit ang ilang mga kawal dahil do'n, nalilito naman ang mga oripun.
"'Wag kayong mag alala, pag hindi na ako, kayo abala. Makakainom rin kayo ng gamot."
Nagdiwang ang mga kawal.
"Prinsepi Samuel kaya ba ng baging na pagdikitin 'tong mga kahoy? Ang bigat ng bawat isa."
Hindi na naiilang o natatakot ang mga kawal na kausapin siya, pinakita niya kasing parang kauri niya lang din sila. Hindi siya umasta bilang hambog o mapagmataas na maharlika. Nakisama siya.
"Hindi tayo gagamit ng baging, bukas ituturo ko sa inyo kung paano gumawa ng pako."
Napairap na lang siya sa kaniyang isipan, hindi nila naintindihan ang sinabi niya. Hindi pa sila nakakita ng pako, baging kasi ang ginagamit ng mga tao rito sa pagdikit-dikit ng mga kahoy. Tali ang tawag nila ro'n.
"Kung ano mang pako ang tinutukoy ng prinsepi, malakas ang kutob ko na, gamit 'yon makakagawa tayo ng bahay gamit ang mga patag na kahoy na 'to."
"Sang-ayon ako diyan, ito pa nga lang lagari? Tama lagari, nakapaghiwa tayo ng kahoy na pantay-pantay at pareho. Mas magandang gamiting dingding 'to kaysa sa kawayan."
"Malakas talaga ang hinala kong biniyayaan ng labis na talino ng diyos ang prinsepi. 'Di ba kanina may lasa 'yong pagkain natin, hindi lang maasim, maalat pa! Gamit lang ang tubig dagat nakagawa ng asin ang prinsepi."
"Maari nga, 'yong gamot na pinainom niya sa 'min, nakakamangha. Maaring sugo ng 'di pa nakikilalang diyos? Ano sa tingin niyo?"
"Kung totoo man 'yan, magdadasal ako palagi sa diyos na 'yon at magpasalamat kasi hindi "siya" naging madamot at binigyan pa tayo ng matalino at mabait prinsepi."
Hiyang-hiya si Samuel sa narinig niya. Pwedeng pakihinaan ng boses niyo? Hindi ko kayo narinig. Pakiramdam niya tuloy itinuturing na siyang pinakaimportanteng kayamanan, dapat ingatan at 'wag paghinalaan.
Pinabayaan niya na lang, inaya niya ang lahat na umuwi na tapus na ang trabaho ngayon araw. Pero siya ay hindi pa.
"Prinsepi Samuel, saan ang punta mo? Hindi ka ba sasama sa 'min?" ani ni Ardes. Napansin ata nitong sa ibang direksiyon siya pumunta.
"Kailangan kong pumunta sa sakahan, maghahanap ako ng idadag sa." Tumigil siya. Mukhang hindi niya na kailangan tapusin, naintindihan ni Ardes ang nais niyang ipahiwatig. Kailangan niya ng taong magtuturo sa mga kasama nito kung paano ang tamang pagtanim ng mga gulay at prutas. Sobrang lawak ng lupang sakahan, sayang naman kung ang ani na makukuha roon ay hindi maganda.
Kailangan makita ni Sammy ang taong gusto niyang ipasok sa Palasiyo Symmetry, para surin kung karapat dapat ba itong makapasok.
Kanina ang mga gulay na nakuha ng mga oripun sa sakahan ay mababa ang kalidad, may mga uod pa ang ilan.
"Samahan na kita Prinsepi Samuel."
"Ikaw ang bahala."
Nagpasalamat talaga si Ardes sa amang datu ng prinsepi. Akala ng mga maharlika sa syudad ay hindi nila makakayanang mabuhay sa Butuan. 'Yon ang malaking pagkakamali nila, hanggat pinamumunuan sila ng Prinsepi Samuel. Hindi magtatagal giginhawa din ang kanilang buhay. Makapangarihan ang prinsepi, ang utak na meron ito ay kalamangan nito sa lahat.
Pagkarating nila sa sakahan, nakita nila ang mga oripun na abala sa pagbunot ng mga damo. Ang ilan ay nagdidilig ng halaman. May matandang lumapit sa kanila. Kitang-kita sa ekspresiyon nito ang pagkalito. Puno talaga ng sorpresa ang prinsepi.
Nanginginig si Jacob habang nakayuko sa maharlikang nasa harapan niya.
Apatnapu ang kaniyang edad. Mahaba ang buhok hanggang leeg, maitim dahil simula pagkabata ay bilad na sa araw. Siya ang namamahala sa malapad na sakahang nasa harapan nila ng namatay ang kaniyang ama, dito sila kumukuha ng pagkain sa araw-araw.
Wala siyang nakikitang dahilan para pumunta rito ang prinsepi. Pwera na lang kung gusto nitong kunin ang lupaing pinaghirapan ng mga ninuno nilang linangin. Gawain 'yon ng mga maharlika, lahat ng mga nakikita nilang pwedeng pakinabanggan kinukuha kahit hindi naman sa kanila.
"Anong maipaglilingkod ko sa 'yo Prinsipe Samuel?"
Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Dali-dali siyang lumuhod, magmamakaawa siyang 'wag kunin ang lupa nila. Importante 'yon para sa kanila, kung tama nga ang hinala niya.
Kumunot ang noo ni Samuel. Nanginginig kasi ang katawan ng matanda, parang natatakot. Ang gwapo niya kaya, hindi naman siya halimaw. Hindi siya kumakain ng tao. Napansin niya ring nakayuko ang lahat ng magsasaka.
Ngumiti siya, mataas ang respeto niya sa mga magsasaka. Sa kanila kasi galing ang kinakain ng mga tao, kahit mainit tinitiis nila, para maging maayos ang pananim.
"Anong pong pangalan niyo? Tumayo ka po, tyaka 'wag kang matakot sa 'kin. Wala akong gagawing masama, nandito lang ako tingnan ang sakahan, hindi naman siguro bawal 'yon 'di ba?"
Napangiti si Ardes sa inasal ng prinsepi. Magalang. Ang bait na bata. Gusto niya ang anak niya maging kagaya ng prinsepi. Maganda sa labas at loob. Kaso wala pa siyang nakikitang babae na makakasama niya sa hirap at ginhawa.
Gulong-gulo na tumayo si Jacob.
"Jacob ang pangalan ko Prinsepi Samuel. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"'Wag na kayong yumuko.
Ipagpatuloy niyo lang ang mga ginagawa niyo, 'wag niyo na kaming pansinin."
May narinig siyang mga mahinang bulungan, hindi niya pinansin. Tinignan niya si Jacob, sa tingin niya ito ang namamahala sa sakahan. Pagdating kasi nila kanina, nag-uutos ito sa mga magsasaka. Sumusunod naman ang magsasaka ng walang angal.
"Ikaw ba ang namamahala sa malapad na sakahang ito?" Tantiya niya aabot ito ng tatlumpung ektarya. Hinati sa dalawa, ang labinglima ay puro gulay, ang isa pang labinglima ay mga prutas.
Ang ilan ay hindi nataniman dahil sa kakulangan ng tauhan.
"Ako nga Mahal na Prinsepi."
"Tamang-tama ka." Hinawakan niya ang balikat ng matanda, napalundag ito ng bahagya sa ginawa niya. Ngumiti siya.
"Aalis na kami, paalam."
Nakakunot ang noo ni Jacob habang nakatingin sa likod ng prinsepi at ang heneral. Ano ba talaga ang pinunta nila rito? Ang gulo, pinabayaan niya na lang. Marami pa kasi silang trabaho, kailangan magmadali, malapit ng magdilim. Tumulong na siya sa pagdidilig ng mga gulay.
'Ano sa tingin mo si Jacob Sammy, pwede ba siya?'
'Oo Samuel, may mabuti siyang puso. Sa pagsasaka siya masaya. Kagaya ni Ardes pag nakuha mo ang loob niya, hinding-hindi ka niya tratraydorin.'
Napatingin siya sa heneral. Ngayon niya lang nalaman 'yon, wala naman siyang ginawa.
"May problema ba Prinsepi Samuel?"
"Wala."
— Un nouveau chapitre arrive bientôt — Écrire un avis