KASAMA NA NG MGA magulang nila ang mga bata. Ngunit hindi mahagilap ng paningin niya si Dexter. Saan ba ito nagpunta? Sa malaking bahay at maraming bisita ay mahihirapan siyang makita agad ito.
Malamang may kausap lamang sa isang sulok.
Napabuntong hininga siya. Kahit na ipinaliwanag na sa kanya ni Vhivian ang lahat, hindi pa rin mawala sa isipan niya si Amber. Kung ganoon kamahal ni Dexter ito, may posibilidad kaya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito tuluyang nakakalimutan ang babae?
Nagsisimula na naman ang pagiging nega mo, Daniella Elleiza! Tama na!
Medyo naiingayan na siya kaya naisipan niyang lumayo-layo muna. Naghanap siya ng lugar na pupwede niyang pagtambayan panandalian. Pagkalabas niya ng living room ay may nakita siyang hallway sa kaliwang bahagi niya. Tinahak niya ito upang alamin kung ano ba ang makikita niya sa bahaging ito ng bahay.
May apat na kwartong magkakatapat. Sa unahan ay makikita niya sa glass window ang tanawin sa labas. Maliwanag sa labas at saka niya lang nalaman na matatanaw pala rito sa loob ang Thai Houses na ipinakita ni Dexter sa kanya kanina. Humakbang siya papalapit ng husto sa bintana upang sumilip.
Natigilan siya ng mapatapat siya sa isang kwartong nasa kaliwang bahagi niya. May naririnig siyang nag-uusap. Nang silipin niya ay bahagyang nakabukas ang pinto.
Ah...Ito pala ang TV Room. Mula sa pagkakasilip ay nakita niya ang malaking flat screen television. At saka niya lang rin napagtantong ang nag-uusap sa loob ay ang mag-inang Dexter at Agatha.
Abala si Dexter sa pagliligpit ng mga laruang nakakalat sa carpet. Si Agatha naman ay nakaupo lamang sa sofa habang pinagmamasdan ang anak. Papasok sana siya sa loob nang marinig ang tanong ni Agatha na nagpatigil sa kanya.
"Mahal mo ba si Danelle, hijo?"
Minabuti niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan at makinig sa pag-uusap ng mga ito. Kapag ganitong wala siya, malayang masasabi ni Dexter ang lahat. At sa ganitong paraan ay marami siyang malalaman.
Matagal ring hindi sumagot si Dexter.
"O baka naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang kalimutan si Amber? " tanong pa ng ina nito.
"Mahirap makalimutan ang taong minahal mo ng husto at ng higit pa sa buhay mo, Ma," sabi na ni Dexter. "Alam ninyong lahat kung gaano ko kamahal si Amber. Sa kanya lang umikot ang mundo ko."
Sa narinig niyang iyon ay nakakasiguro siyang mahal pa rin nito si Amber. Para bang piniga ng husto ang puso niya. Hindi siya makapaniwala. At mas lalong hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan.
Malaki ang pag-asa niyang may pagkakataon siya. Sa mga sinabi ni Vhivian, para bang nabigyan siya ng assurance na kapag naghintay pa siya ng kunti pang panahon, mabibigyang halaga rin ni Dexter ang pagmamahal niya. Pero paano mangyayari iyon gayong iisang babae lang pala ang itinitibok ng puso nito?
Naramdaman niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.
"Siya lang ang naging dahilan kung bakit nangangarap ako, kung bakit nabubuo ang lahat ng pangarap ko."
Bumuntong hininga lamang si Agatha. "At si Danelle?"
"She's different. Noong una ko pa lang siyang nakita alam ko na may kakaiba sa kanya. I like her, Mama. Dahil napapangiti niya ako most of the times."
Like? Hindi ba pwedeng mahalin mo rin ako maliban sa magustohan mo lang, Dexter? Hindi ba kita napapasaya para masabi mo na napapangiti lang kita?
"Kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko ang lahat. Para bang siya iyong nagiging comfort zone ko araw-araw," sabi pa nito.
"Comfort zone? Panakip butas?"
Natakpan niya ang bibig. Panakip butas? Oh no!
"Do you really love her, Dexter?" tanong pa ni Agatha.
"Hindi ko alam at hindi ako sigurado kung handa akong magmahal muli, Mama."
Pinunasan niya ang basang mukha. Hindi na niya kayang tagalan pa ang pakikinig. She had enough. Tama na ang malamang hindi talaga siya nito magagawang mahalin at hindi siya nito makakayang mahalin.
Nilisan niya na ang lugar. Bago siya pumasok sa living room ay pinakalma niya na muna ang sarili niya. She can see herself through the glass door. Bahagya siyang nag-ayos. Nang masigurong kalmado na siya ay saka lamang siya tuluyang pumasok sa loob.
Nasalubong niya si Maydhen. "Where have you been?" tanong nito.
"D-Diyan lang," aniya at ngumiti. "Naglibot-libot."
"Where's Tito Dexter?"
"H-Ha? Ahm, I don't know," pagsisinungaling niya. "K-Kanina ko pa nga rin hinahanap. Nandito na ang mga bata ngunit siya wala pa."
Napakibit balikat si Maydhen. "Ladies room muna ako." Iniwan na siya nito.
Malamang sa mga sandaling ito ay patuloy pa rin sa pag-uusap ang mag-ina. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin? Kung maghihintay pa ba siya kahit alam niyang wala na siyang kailangang hintayin?
Bumalik na lamang siya sa mesa kung saan nandoon ang mga magkakapatid na Lenares. Wala si Agatha dahil kasama nito ang anak. Si Wilfredo ng mga sandaling ito ay abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita. Ang mga bata ay masayang nagsasayawan sa gitna kung saan kasama ang mga ina.
Masikip pa rin ang dibdib niya. Gusto niya ng umalis sa lugar na ito. Pero ayaw niya naman na may masabi ang pamilya ng Lenares. Who cares anyway? Pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Kinuha niya na lamang ang cellphone niya na nasa loob ng purse niya. May mensahe siya galing kay Carla.
Hi! How's everything? How's the family? Having fun?
Ipinikit niya ang mga mata. Gusto niyang umiyak. Ngunit hindi pupwede. Pagkuway lihim na kinurot ang kamay niya habang nakasuksok iyon sa ilalim ng mesa. Naramdaman niya na bumabaon na ang mga kuko niya sa balat. Nararamdaman niya ang sakit ngunit hindi niya inihinto ang ginagawa. Gusto niyang indain ang sakit na nararamdaman hanggang sa unti-unti siyang masanay. Gusto niyang maging manhid kahit sa pagkakataong ito lang.
"Danelle?"
Agad niyang naimulat ang mga mata at naitigil ang pananakit sa sarili. Napatingin siya kay Vhivian. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
"Are you alright?" tanong nito.
"Y-Yes. I-I'm fine." Napabuntong hininga siya. Tiningnan niya ang kamay. Namumula iyon at may marka ng kuko niya.
"Are you sure?" Gusto nitong makasiguro.
Tumango siya. "I'm okay."
"Nasaan ba kasi si Dexter? Kanina pa nawawala iyon. Saan na naman ba nagpunta?" Lumingon-lingon si Vhivian.
Hindi siya sumagot. Malamang hanggang ngayon ay kausap pa rin nito ang ina. Napatingin siya sa pintuan ng living room. Mukhang nakita niya si Dexter na dumaan. At mukhang papalabas ito ng bahay.
Tumayo siya. "Excuse me," sabi niya at umalis na. Susundan niya ito. Lakad takbong lumabas siya ng living room at dumeretsong main door ng bahay. Sinadya niyang huwag siya nitong makita.
Huminto ito sa paglalakad at nakatayo sa labas ng pintuan. Panay ang tingin nito sa cellphone nito na para bang may hinihintay na tawag. Ay hindi, meron itong katext. At sino naman at tila ba hindi ito mapakali?
Nagawa niyang magtago sa isang mataas na indoor plant na malapit sa pintuan upang huwag siya nitong makita. Nang bumaba ng hagdanan si Dexter ay hindi muna siya sumunod. Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang sa lumabas na ito ng gate.
"Danelle!"
Muntikan na siyang mapasigaw sa pagkagulat. Napatingin siya kay Max.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong nito. "I mean, bakit ka nagtatago?"
"W-Wala," aniya at umalis na pagkukubli sa halaman. "Lalabas lang ako."
Agad siyang hinawakan nito sa braso. "Saan?"
"May kailangan lang akong tingnan sa labas," sabi pa niya.
"You can't. Gabi na at delikado sayo ang lumabas."
Oo nga pala, tagabantay niya pala ito. Pero kung hindi niya susundan si Dexter ay hindi niya malalaman kung ano ang ginagawa nito sa mga sandaling ito. "Please, Max," may himig pakiusap niya na. "May gusto lang akong makita."
"Danelle..."
"Susundan ko lang si Dexter. N-Nakita ko kasi siyang lumabas."
Napatingin si Max sa labas. Naninigurado ito. "I'll go with you."
"No, please. Please, hayaan mo muna ako kahit ngayon lang."
Bumuntong hininga ito. Binitawan na nito ang braso niya. "Alright. "
"Thanks." Nagmamadaling bumaba siya ng hagdanan.
"Danelle, wait!"
Ngunit hindi niya na pinansin pa si Max. Mabilis ang mga hakbang na tumungo siya sa nakabukas na gate. Paglabas niya ay hindi na niya nakita pa si Dexter. Where did he go? Lumingon-lingon siya. Maliban sa mga sasakyang nakaparada roon ay wala na siyang ibang makita.
"You can't blame me, Amber!"
Boses iyon ni Dexter. Sigurado siya. At tama ba ang narinig niyang pangalang binigkas nito? Amber? Nandito si Amber? Kasama at kausap niya? Agad niyang hinanap ang kinaroroonan ng mga ito.
Nagmistula siyang isang espiya sa mga sandaling ito. Maingat ang mga hakbang, sinisigurong walang makakarinig o makakapansin sa kanya habang tinutungo ang kinaroroonan ng mga ito. At iyon ang gusto niyang mangyari, ang huwag siyang makita ng mga ito.
Nag-uusap sina Dexter at Amber sa likuran ng isang kotseng nakaparada. Nagtago siya sa kotseng nasa unahan lamang 'nun. Medyo may kadiliman sa bahaging iyong ng kalye kaya hindi siya makikita o mamamalayan man lang ng dalawa. Sa pwesto niya ay naririnig niya ng maayos ay klaro kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Kaya nga pinagsisisihan ko ang nagawa ko," sabi ni Amber. "Humihingi ako ng isa pang chance sayo. Maaayos pa natin ang lahat."
"Sa tingin mo ba, Amber, ganoon kadaling kalimutan ang lahat?" ang narinig niyang tanong ni Dexter.
"Hayaan mo na hilumin ko ang sugat na ako ang gumawa."
"Come on, Amber!"
Napaupo siya nang makitang tumungo sa gitna ng kalye si Dexter, at tumungo sa mismong kotse na pinagtataguan niya. Dahan-dahan ay sumilip siya sa bintana ng sasakyan sa tapat niya. Nakikita niya kung gaano na kalapit ang dalawa sa isa't isa.
"Dexter..." Ikinulong ni Amber ang mukha nito sa mga palad. "You know how much I love you. And I always will. Ikaw lang ang gusto ko. Please, come back to me."
"Amber..."
Nakita niya kung paano hawakan ni Dexter ang mga kamay nito at halikan. Parang siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Naninigas ang buo niyang katawan, nahihirapan siyang makakilos, nahihirapan siyang makahinga.
"Alam mo na ikaw lang ang buhay ko," sabi nito pagkatapos. "Sayo lang umikot ang mundo ko. Halos masiraan ako ng ulo ng iwanan mo ako." Hinaplos nito ang mukha ng babae.
Oh no! Biglang nag-init ang gilid ng mga mata niya. Nararamdaman niya kung ano ang siyang susunod na mangyayari. Just don't!
"I'm back, Dexter."
"Yes, you're back." Hinapit ni Dexter sa bewang ni Amber at sa ilang segundo lamang, naglapat na ang mga labi ng mga ito.
Hindi na napigilan ang pag-agos ng mga luha niya. Nawalan na siya ng lakas sa nasaksihang iyon. Napasandal siya sa kotse at pinipigilan lamang ang sariling huwag mapahagulhol ng iyak.
Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palayo sa mga ito. Nang makapasok siya sa gate ay nanatili muna siya ng ilang sandali doon upang maipalabas kung ano man ang siyang nararamdaman niya. Masakit, at hindi niya alam kung ano ang nararapat gawin upang pawiin ang sakit na nararamdaman niya.
Sobrang mahal niya lang si Dexter at hindi niya lubos maisip aabot sa puntong malalaman niya na kahit ano man ang gawin niya ay hindi niya mahihigitan ang pagmamahal nito kay Amber. Bakit ba pinili niyang hayaan ang sarili niyang magpakatanga? She's nothing to him. At marahil nga tama na naging panakit butas lamang siya upang tuluyan nitong makalimutan ang babaeng pinakamamahal.
At sadyang mapagbiro ang panahon. Kung bakit ba kasi nagawa niya pang ibigin ang lalakeng may iniibig na mula pa noon hanggang ngayon.
*** *** ***
ILANG SANDALI lamang ang itinagal ng halik na iyon. Pagkatapos pakawalan ni Dexter ang mga labi ni Amber ay tiningnan niya ito sa mga mata.
Nanatili pa ring nakakapit ang mga kamay nito sa leeg niya. "I know you still love me," sabi nito sa kanya.
"Are you sure about that?"
Nakaawang ang mga labing napatingin ito sa kanya.
"Ibinigay ko lahat at ginawa ko ang lahat mapasaya ka lang, Amber," aniya. "Halos wala na akong itinirang pagmamahal sa sarili ko dahil ibinigay ko ng buong-buo sayo ang puso ko. Pero mas pinili mo pa ring sayangin lahat ng iyon." Hinawakan niya ang mga kamay nito at siya na mismo ang nag-alis ng mga iyon sa pagkakapit sa leeg niya.
Nagtatakang napatitig sa kanya si Amber.
"Ilang taon akong nagtiis, nagdusa sa sakit na ibinigay mo sa akin. At sa tingin mo ba ganoon lang kadaling kalimutan ang lahat kapag sinabi mong nagsisisi ka at ako pa rin ang mahal mo?"
"But it's true, Dexter. "
"Kung totoong mahal mo ako, hindi mo ako magagawang ipagpalit sa best friend ko. Kung totoong mahal mo ako, makukuntento ka sa kung ano ang kaya kong ibigay sayo. At kung mahal mo ako, makukuntento kang ako lang."
"Dexter, please, listen to me." Naiiyak na niyakap siya nito. Hinayaan niya lang ito. "I love you and I want you. Ikaw lang talaga ang gusto ko. Aaminin ko at pinagsisisihan ko ang nagawa ko. Just give me another chance. Let's work things out."
Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at bahagyang itinulak papalayo sa kanya. "Magsisi ka buong buhay mo wala akong pakialam. We're over, Amber. Siguro nga noon, umaasa pa rin ako na babalikan mo ako kasi ako pa rin ang mahal mo. Pero naisip ko, kung sakaling bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, para ko lang niloko ang sarili ko. Ibinigay ko na minsan sayo ang tiwala ko. At ang tiwala kapag nasira at nabasag, mahirap ng buuin."
"What do you want me to do?"
"Nothing."
Nanlilisik ang mga matang tiningnan siya nito. "Siya ba ang dahilan? Naibaling mo na ba sa kanya ang pagtingin mo, ha, Dexter? Iyong babaeng iyon ba? Answer me!"
"Yes," derektang sagot niya. "Wanna know why? Kasi sa kanya ko nahanap na buo ang sarili ko. Sa kanya ko naramdaman na kaya niyang pahalagahan ang damdamin ko. Sa kanya ko nakita kung paano niya ako mahalin ng totoo at iyong walang halong pagpapanggap. And just so you know, she's all worth it."
Nagtagis ito ng bagang. "If I can't have you, Dexter, no one else can! Akin ka lang!"
"That was before, Amber. Kung nangyayari man ito ngayon, walang ibang sisisihin kundi ikaw. And what do you expect me to do? Hayaan ang sarili ko na makulong sa pait ng nakaraan ko sayo? Hindi sayo magtatapos ang lahat, Amber. I finally moved on. Naibangon ko na ang sarili ko at nakahanda na ako sa panibagong buhay kasama ang babaeng kaya akong mahalin ng tapat." Tinalikuran niya na ito.
"Pagsisisihan mo ang pagtalikod mo sa akin, Dexter. I swear! "
Huminto siya sa paglalakad at muli itong hinarap. "So, you know how it feels now, huh? Good. Para at least may ideya ka kung ano ang pakiramdam ng tinatalikuran. At kung may kailangan man akong pagsisihan, iyon ay ang araw na minahal kita. Just leave, Amber. I am happy with my life now. At sana rin mahanap mo ang kaligayahang inaasam mo. And oh, before I forgot, send my regards to Chad."
Nagdadabog na tinalikuran siya ni Amber at tinungo ang kinaroroonann ng kotse nito. Pagkasakay ay pinaandar nito iyon at pinaharurot ng takbo.
Matagal niya ring hinintay ang pagkakataon na makapag-usap sila ni Amber. Matagal niyang kinimkim ang galit sa dibdib niya. Gusto niya lang malaman nito kung ano ang siyang naging epekto ng ginawa nito sa kanya.
He once loved her more than anything else in this world. He can give her everything that she needs. Pero nagawa pa rin siya nitong lokohin. At sa tingin niya, once is enough. Panahon na para gumawa ng panibagong hakbang sa buhay niya.
Bakit niya hahayaan ang sariling malugmok sa kalungkutan ng nakaraan kung merong isang taong kaya siyang pahalagahan? It's Danelle who gave him the strength and courage to make it through. Oo, sa simula natatakot siya na mahalin ito. Pero may bahagi sa kanya na nagsasabing, she's worth waiting.
Pagkabalik niya sa loob ng bahay ay ito ang agad niyang hinanap. Pero hindi niya makita ang dalaga.
"Where's Danelle?" tanong niya kay Vhivian.
Napakibit balikat ito. "I don't know. Umalis kanina pa. Hindi ko alam kung saan nagpunta."
"There she is!" Itinuro ni Armani si Danelle na paparating.
Nakangiting sinalubong niya ito at niyakap. Hindi niya alam pero gusto niya itong yakapin sa mga sandaling ito. "Where have you been?" Tiningnan niya ito.
She didn't say a word. Nakatitig lamang ito sa kanya. At pakiramdam niya may nangyaring hindi niya alam. Umiiyak ba siya? Nakikita niyang namumugto ang mga mata nito.
"What happened?" naitanong niya.
"N-Nothing." Umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Hey!" Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito. Tiningnan niya ito ng deretso sa mga mata. "Umiiyak ka ba?"
"Just don't mind me." Dumestansiya ito sa kanya at naupo. Sumunod siya at naupo sa silyang katabi nito. "P-Pagod lang ako."
"Are you sure?"
Tumango lamang si Danelle.
"Tito Dexter!"
Sabay silang napatingin kay Maydhen na papalapit sa kanila. "Alam mo para kang bagay na nalu-lost and found," sabi nito. "Kanina pa kita hinahanap."
"What do you want?" tanong niya sa pamangkin.
"It's getting boring. Can you sing for us?"
Napakamot siya sa ulo niya. Kung hihiling nga lang iyon pang imposibleng gawin niya. Matagal niya ng tinalikuran ang pagkanta. At alam ng mga ito ang dahilan kung bakit.
"Tatanggi ka gayong birthday ni Lolo ngayon?" Pinamaywangan na siya ng pamangkin.
"Just this once, Dexter, " sadsad ni Armani. "Para kay Papa at sa mga bisita."
Bago pa siya nakapagsalita muli ay humirit na si Danelle. "Ako na lang."
Napatingin ang mga kapatid niya kay Danelle. Siya rin ay nagulat sa pagboluntaryo nito. It's been a while ng huli niyang marinig ang pagkanta nito. Napangiti siya. Saved by an angel, sa isip niya.
Tumayo si Danelle at sumama kay Maydhen. Sinundan nila ng tingin ang mga ito habang papunta sa kinaroroonan ng piano. Naupo si Danelle at naghanda. Lumapit si Maydhen sa microphone stand.
"Good evening ladies and gentlemen," anang dalaga. "We are honored to see all of you here and be part of this unforgettable and one of the most important events of my beloved grandfather. Ang nag-iisang Wilfredo Lenares na pinakamamahal nating lahat. Happy birthday, Lolo!"
Mula sa kinaroroonan ng matanda ay kumaway ito. Nagpalakpakan ang lahat.
"At bilang surpresa na sana sa bunso ninyo manggagaling..." Itinuro ni Maydhen ng kinaroroonan niya. "Ay irirescue siya ng soon to be member of our family..." Nilingon nito si Danelle na noon ay gulat-gulat sa introduction na iyon ni Maydhen. "Ang future daughter-in-law ninyo, Lolo. Everyone, this beautiful lady here with me is no other than Tito Dexter's girlfriend. Miss Daniella Elleiza Salvan."
Nagpalakpakan ang lahat. May ilang nagbubulungan habang nakatingin sa kay Danelle at sa kanya. Ngunit nakatuon lamang ang paningin niya kay Danelle. Bakit ba may nababasa siyang kakaiba sa mukha nito? May problema ito at hindi nito sinasabi sa kanya.
"She knows how to play the piano?" At hindi makapaniwala si Calvin.
Binalingan niya ang kapatid. "Yes," sabi niya. "She's an expert."
"Really? Wow! And she sings, too?"
"Yes."
"Napakaswerte mo yata, bunso," ani Klein. "She's beautiful, young and talented."
"She's young, yes. Sinasabi mo bang matanda na ako, Kuya?" Magkasalubong ang mga kilay na tiningnan niya ito.
Nagtawanan ang mga ito.
"I'm not saying you're old enough for Danelle," natatawang bawi agad ni Klein. "Ang sabi ko lang you are lucky having someone like her."
Yes, he is one lucky man. Danelle is special.
Nang tumahimik ang lahat ay nagsimula na sa pagtugtog ng piano si Danelle. He is excited to hear her angelic voice again.
Across the miles
It's funny to me
How far you are
But how near you seem to be
I can talk all night
Just to hear you breathe
I can spend my life
Just living this dream
You're all I ever need
You gave me strength
You gave me hope
You gave me someone to love,
Someone to hold
When I'm in your arms
I need you to know
I've never been, never been
This close
Natigilan siya ng ilang sandali. Bakit ba lahat na lamang ng mga kinakanta nito ay nagpapatama sa kanya? Naalala niya noong gabing iyon na pinanood niya ito sa entablado ng bar na kinakantahan nito, kay lakas ng naging hatak nito sa kanya. Wala siyang ibang hiniling ng mga sandaling iyon kundi sana may pagkakataong siya naman ang kakantahan nito.
And it happened once. Ilang taon niyang hindi pinapasok ang music room niya sa unit niya dahil bumabalik ang mga masasakit na ala-ala sa buhay niya. Ayaw niya ring pinapasok iyon ng kahit na sino. He even planned to sell his instruments, all of it dahil wala na siyang nakikitang dahilan para panatilihin ang mga iyon. Pero nagbago ang lahat pagkatapos niyang makita si Danelle na masayang pinaglalaruan ang piano niya at pinuno ng musika ang malungkot na kwartong iyon.
Of all the love
That I used to know
I kept my distance
And never let go
But in your arms
I know I am safe
Coz I've never been held
And I've never been kissed
In this way
You're all I ever need
You're all I ever need
Napatitig siya ng husto sa mukha nito ng dumako ang paningin nito sa kanya. May pakiramdam siyang may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Of all songs bakit ang kantang ito pa ang napili nitong kantahin? Punong-puno ng kalungkutan.
Sa kalagitnaan ng pakikinig niya ay nilapitan siya ni Max. Napatingin siya sa cellphone na inabot nito sa kanya. Cellphone iyon ni Danelle.
"Nahulog niya iyan kanina sa labas," sabi nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Sa labas?"
"Nakita ko siya sa may hallway kanina palabas ng bahay. Ang sabi niya susundan ka niya kasi nakita ka niyang lumabas."
Ilang sandali ay natigilan siya. Pagkuway napatingin kay Danelle. Kung nakita siya nitong lumabas ng bahay at sinundan, posible kayang nakita siya nito kasama si Amber? Agad na sumagi sa isip niya ang dahilan kung bakit ito malungkot at napagtanto niyang umiyak kanina.
Shit! sigaw ng isip niya. Wala siyang balak na pahirapan pa ang loob ni Danelle. Kahit siya ay nahihirapang makitang nahihirapan ito sa pag-intindi sa kanya.
"Lumabas ka ba talaga?" tanong ni Max.
"Oo, pero sandali lang."
Kumunot ang noo ni Max. "Ano ang ginawa mo sa labas?"
Napakamot siya sa ulo. "Nagkita kami ni Amber." Hininaan niya ang boses upang hindi marinig ng mga kapatid.
"What? She's here in San Ferrer? "
Bahagya siyang tumango.
"Since when?"
"Two weeks ago."
"Oh. At sa loob ng mga araw na iyon ay nagkikita kayo ng palihim?"
"Hindi. Dalawang beses lang kaming nagkita. Dalawang beses sa araw na ito. Pinuntahan niya ako kanina sa opisina para kausapin. At nagpunta siya rito para magkausap ulit kami."
"Sigurado ka na ngayong araw lang na ito?"
"Yes, Max. Purong texts and calls na ang ilan."
"Ano ang pinag-usapan ninyo?"
Napabuntong hininga siya. "About us before. At gusto niyang makipag-ayos."
"At binigyan mo ng isa pang pagkakataon? "
"Hindi na. Dahil hindi na sa kanya umiikot ang buhay ko."
Napailing-iling na lamang si Max. Sana lang, sa oras na ipaliwanag niya ang mga nangyari kung sakali mang nakita sila ni Danelle, ay maiintindihan siya nito.
Natapos na ang kanta ni Danelle. Pinaulanan ito ng palakpak ng mga bisita. Nilapitan ng mag-asawa si Danelle at niyakap. Hawak ang kamay ng dalaga ay sinamahan ni Wilfredo ito pabalik sa mesa nila kung saan siya naghihintay.
Abot tenga ang ngiti niya nang tanggapin ang kamay ni Danelle matapos iabot sa kanya iyon ng ama.
"You're lucky, Dexter," sabi ng aman sa kanya. "She's an angel."
"I know," aniya habang nakatingin kay Danelle. "And I guess I have to keep her forever."
"Thank you, Danelle, hija," baling ni Wilfredo sa dalaga. "Unang beses na hindi pumalag si Dexter na may kumanta rito."
Ngumiti lamang si Danelle.
"Pero napakalungkot ng kinanta mo, hija. But that was wonderful."
"Thank you, Tito."
"Maiwan ko na muna kayo." Umalis na ito.
Hawak niya pa rin ang kamay ni Danelle. Tiningnan niya ito. "Mukhang may kailangan tayong pag-usapan," sabi niya rito.
"Like what?" Tiningala siya nito.
"Let's talk outside. Iyong tayong dalawa lang."
"I'm tired, "sa halip ay sabi nito. "Gusto ko ng umuwi." Kinuha na nito ang purse.
"Danelle..."
"I'm tired, Dexter. Gusto ko ng umuwi at magpahinga. Kung okay lang sayo?"
Napabuntong hininga na lamang siya. "Okay," sabi niya pagkatapos. "Magpaalam na tayo."
Wala ng magawa pa ang pamilya niya nang magpaalam na silang uuwi na. Naintindihan naman ng mga ito si Danelle. At kung tutuusin ay oras na rin sana para magpahinga ang lahat. Malapit ng maghating gabi.
Habang patungo silang kotse niya ay napansin niya ang pananahimik ni Danelle. "Kung may problema, tell me," sabi niya rito at pinagbuksan ito ng pinto ng sasakyan.
Hindi ito kumibo at sumakay lamang. Napakibit balikat siya. Umikot siya sa likuran ng sasakyan. Sinenyasan niya si Max na mauna na sa kanila. Sumunod naman ito at pinatakbo ang sasakyan palabas ng gate. Sumakay na siya sa kotse niya. "Seatbelt," aniya kay Danelle.
"I'm fine."
"Seatbelt!"
At agad nitong ikinabit ang seatbelt. Napailing-iling na pinaandar niya na ang kotse niya at pinatakbo na iyon paalis.
Hindi pa rin siya nito kinikibo habang nasa daan sila. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan. "Something's bothering you." May bahagi ng utak niya ang nagsasabing baka siya ang dahilan ng pag-iiba ng mood nito. Pero ayaw niya na munang unahan ito.
Hinila ni Danelle ang kamay upang makawala sa pagkakahawak niya. "Nothing," anito.
"There's something. What is it?"
Bumuntong hininga ito. "May balita na ba kay Aljune?" sa halip ay tanong nito sa kanya.
Alam niyang may iniiwasan itong mapag-usapan. Ngunit minabuti niyang sagutin ang tanong nito. "So far wala pa rin. Malamang nagtatago iyon. Alam niya na marahil na tinutugis na siya ng mga alagad ng batas. Hindi siya basta-bastang makakalapit sa kahit na sino sa atin kaya huwag kang mabahala."
"Kung ganoon, hindi na kailangan pang bantayan ako nina Max."
"Kailangan, Danelle."
"Hindi pa naman sigurado na babalikan nga ako ni Aljune. Dahil kung gugustohin niya, gagawa at gagawa siya ng paraan."
"Danelle, mas mabuti na iyong maging handa tayo sa lahat ng oras," sabi pa niya.
"In the very first place, Dexter, hindi ako kasama sa responsibilidad mo kaya hindi mo kailangang gawin pa ito."
Bumuntong hininga siya. "Bahagi ka ng responsibilidad ko. Ito iyong gusto kong gawin, Danelle. Gusto kong masiguro ang kaligtasan mo. Minsan ka ng napahamak at ayaw ko na mangyari ulit iyon. Gusto ko na protektahan ka sa kahit anong paraan."
"Why?"
Magkasalubong ang kilay na binalingan niya ito. "What why?"
"Bakit kailangang gawin mo ang lahat ng ito? Bakit kailangang mag-alala ka sa akin ng husto? Bakit ganito mo ako kung tratohin? Bakit kailangang maging bahagi ako sa mga responsibilidad mo? Bakit ibinibigay mo sa akin ang proteksiyon mo? Bakit, Dexter?" ang sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
Hindi agad siya sumagot. Tumingin lamang siya sa kalsada.
"Oh, yes, I know, " sabi nito. "I get it. Because I'm your friend." Tumingin ito sa labas ng bintana. "Kaibigang nakahandang gawin ang lahat para sayo. Nakahandang magtiis, maghintay at umaasa kahit alam niyang balewala ang pagtitiis niya dahil wala siyang kailangang hintayin at asahan."
Humikpit ang hawak niya sa manibela.
"Naisip ko lang na siguro kailangang tigilan na natin ang lahat ng ito, Dexter."
Agad niyang hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan.