Télécharger l’application
66.66% Tanging Ikaw Lamang / Chapter 16: Chapter 16

Chapitre 16: Chapter 16

SA MGA KAPATID NITO siya dinala ni Dexter. Minsan lamang niya nakikita ang apat na lalake sa kompanya. Iyon kung nagpapatawag ng mahalagang meeting si Vhivian. At ngayong gabi, pormal at harapan niyang makikilala ang mga ito.

"Gentlemen, " sabi ni Dexter.

Lumingon agad ang mga ito sa kanila. Isa-isang kinamayan at niyakap ni Dexter ang mga nakakatandang kapatid.

"Gusto kong ipakilala sa inyo si Daniella Elleiza Salvan, my girlfriend. "

Lahat nabigla sa sinabi nito at lahat napatingin sa kanya.

"So, totoo pala ang napapabalita sa opisina na may magandang dinidate si Sir Dexter." Inilahad ni Calvin ang kamay sa kanya. Ito ang pangalawa sa magkakapatid.

Agad niya namang tinanggap iyon. "Good evening, Sir Calvin," bati niya rito.

"And who would have thought na ang sekretarya pala ni Ate Vhivian ang kinalolokohan mo ngayon?" Nakipagkamay na rin si Armani sa kanya, ang pang-anim sa magkakapatid.

Sumunod na nakipagkamay sa kanya si Klein, ang pang-apat sa linya at si Giorgio, ang panglima.

"Welcome to our family, Danelle," ani Klein sa kanya.

Welcome? Paniwalang-paniwala ang mga ito! Nakokonsensiya na yata siya.

"Maiwan na muna namin kayo." Hinila siya ni Dexter papalayo sa mga ito.

"Dexter!"

Nilingon nito si Giorgio.

"We are happy for you," sabi nito.

Ngumiti lamang si Dexter at hinila na siya nito. Para sa kanya, napakawirdo ng mga naging komento ng mga magulang at kapatid sa kanya. And seeing their happy faces sa nalaman, para bang ito iyong kauna-unahang beses na may ipinakilala itong girlfriend nito sa kanilang lahat.

"Where are we going?" Papalabas na kasi sila ng bahay at hindi niya alam kung saan ba siya nito dadalhin.

"I want to show you something," sabi nito at hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

Dumaan sila sa likuran ng bahay. Medyo madilim iyon kaya hindi maiwasang matapilok siya sa paglalakad. "Sandali nga." Huminto siya sa paglalakad at agad hinubad ang suot na sandals. "Much better."

Nagpatuloy sila sa paglalakad at ilang sandali pa ay narating nila ang hindi niya inaasahang makikita niya. May mga medium Thai Houses sa likuran ng bahay na nakalinya horizontally. Binilang niya ang mga iyon at siyam lahat.

"Tig-iisa kaming magkakapatid nito," sabi ni Dexter. "Magmula noong makapag-asawa ang panganay naming siyam at nagpatayo ng bahay, naisipan nila Papa at Mama na magpagawa ng siyam na Thai Houses para sa amin na mga anak nila."

"Why?"

"Well, bilang magulang ayaw nilang malayo kami sa kanila. Gusto nila na dito lang kami sa bahay kahit magkapamilya na kami. Gusto nila na maging buo kami. At hindi naman pupwede iyong ganoon. Of course, iyong ilan sa amin nakapag-asawa ng foreigner at nagmigrate. Ang ilan, kailangang manirahan sa lugar kung saan sila nagtatrabaho."

"So, hindi pa nagagamit ang mga ito?"

"Every weekend nagkakaroon ng family bonding. Kaya umuuwi kaming lahat rito from Friday nights until Sundays at dito kami sa Thai House namin natutulog."

"Wow!" Manghang-mangha siya sa ganda ng structures. Para bang cottages sa isang beach resort. Ang kaibahan nga lang, sa halip na dagat ay isang large size pool ang makikita sa harapang bahagi ng mga iyon.

"You want to go inside my house?"

Napalingon siya agad rito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. At kung papayag siya ano sa tingin niya ang mangyayari?

Bahagyang napatawa si Dexter sa naging reaksiyon niya. "Alam ko na tatanggi ka," sabi nito. "It's okay. Kaya ko pa namang tiisin. Besides, ayaw ko rin ng mabilisan sa pagkakataong ito. "

At parang nababasa na nito ang nasa isip niya. Napabuntong hininga na lamang siya. "Saan nga pala ang iba mo pang mga kapatid?" pag-iiba niya na lamang. Lima lamang ang nakita niyang nandirito.

"Si Ate Dolce, ang panganay, nasa America. Si Ate Gabbana naman, nasa Maynila para sa isang business seminar. At si Ate Chanel, iyong nasundan ko, nasa Paris."

Kung in-enumerate niya ang mga pangalan, sigurado siyang brand names ang mga iyon. Dati kapag nababasa niya ang mga pangalan nina Calvin, Klein, Giorgio at Armani sa mga documents sa opisina ay hindi niya maiwasang matawa. Ngayong nalaman niya ang ibang pangalan ng mga kapatid nito, Dolce, Gabbana at Chanel, ay sigurado siyang mahilig sa branded na mga kagamitan si Agatha.

"Bakit kayong dalawa ni Ma'am Vhivian ay naiiba ang pangalan?" hindi maiwasang tanong niya.

"Actually, pinalitan lamang ni Ate Vhivian ang pangalan niya. She once belonged to the siblings' brand names. Victoria ang ipinangalan sa kanya ni Mama. Eh, hindi niya magustohan kaya gumastos siya ng malaki para lang mabago ang pangalan niya."

"Eh ikaw?"

"Ako ang bunso at ako ang pinakagwapo kaya kailangang pangalan ko ang maiiba." Kumindat ito sa kanya.

"May pagkamayabang ka rin pala 'no?"

Natatawang hinila siya nito at hinapit sa bewang.

"Bakit mo nga pala sinabi sa kanila na girlfriend mo ko?"

"Alam ko kasi na babahaan nila tayo ng tanong kaya mas mabuti pang unahan na natin ng sagot. So, see? Less questions. At kung sasabihin ko ring kaibigan lang kita, hindi rin naman sila maniniwala."

"Bakit hindi na lang kasi natin totohanin ang lahat para hindi na natin kailangang magpanggap?"

Hindi ito agad nagsalita at tinitigan lamang siya.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya. "Kaya natatakot kang mahalin ako?"

"Meron. Malaki ang tiwala ko sayo. Pero hindi ako sigurado kung may tiwala ako sa sarili ko. I don't want to hurt you, Danelle."

"Then don't." Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito.

"Kuntento ako kahit ganito lang tayo. More than friends, but less than lovers."

"But we could be more than just friends and be real lovers. Just try."

"Alright. I'll try. Para sayo susubukan ko."

Masaya siya na marinig iyon mula rito. Handa siyang maghintay kahit gaano katagal hanggang sa maisip nito na siya ang kailangan nito.

"What?" untag niya ng mapansin ang pagiging tahimik nito. Nakatitig lamang ito sa kanya, habang nanatiling nakakapit ang mga kamay sa beywang niya.

Ngumiti si Dexter. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa sayo ni Maydhen." Iginala nito ang paningin sa kabuuan ng mukha niya. "You are so beautiful tonight, Danelle."

"Just tonight?" Bahagya niyang itinaas ang kilay.

"Well, not just tonight. Ipinanganak ka ng maganda. Pero you look different tonight. You are such a goddess."

Naramdaman niya ang biglaang pag-init ng mukha niya. Hindi lang siya sanay na marinig ang ganito rito.

"Gusto ko tuloy makausap ang mga magulang mo at ang Lola mo."

Napakunot noo siya. "Why?"

"Sa mga magulang mo, pasasalamatan ko sila dahil nabuo ka nila."

Natawa siya. "At kay Lola?"

"Pasasalamatan ko siya dahil pinalaki niyang mabuti at maganda ang apo niya."

Napailing-iling siya.

"I want to kiss you," sabi nito at ikinulong sa mga palad nito ang mukha niya.

"You can." Ikinapit niya ang nga kamay sa leeg nito.

"I don't want to ruin your lipstick. It looks good on you." Sa halip, sa noo siya nito hinalikan. "Let's go back inside," sabi na nito. "Baka hindi ako makapagpigil at mabinyagan natin ang Thai House ko."

"Bakit, wala ka pang nadadala rito?" Nakakapagtaka.

"Wala pa. Kung papayag ka ikaw ang siyang magiging una."

Napalingon siya sa Thai House.

"And don't think about it now." Natatawang hinila na siya nito papalayo roon at bumalik na lamang sila sa loob ng malaking bahay.

*** *** ***

BONGGA ANG HANDAAN. At sa sobrang kabusugan ay nahihirapan siyang huminga. Panay kasi abot ni Dexter sa kanya ng pagkain kahit alam nitong hindi siya kumakain ng marami.

"You want more?" bulong nito sa kanya.

"No, please. I had enough."

"Are you sure?"

"Gusto mo bang himatayin ako sa sobrang kabusugan?"

Nakangiting pinisil nito ang ilong niya.

"So, how was the food, Danelle?" tanong sa kanya ni Agatha. Kasama siya sa mesa kung saan nakaupo at kumakain ang buong pamilya.

"Delicious, " aniya.

"Thanks."

"Si Mama ang nagluto ng lahat ng ito, Danelle," sabi ni Dexter.

Nanlake ang mga mata niya na napatingin kay Agatha. "Really?" Alright, sa dami ng mga handang pagkain nagawa niyang lutuin ang lahat ng ito? Hindi siya makapaniwala. "Wow, Tita. You are incredible."

"Well, ika nga nila, a way to a man's heart is through his stomach. Kaya hindi ako maiwan-iwan ng Papa ni Dexter kasi alam niyang magugutom siya. Luto ko lang namam kasi ang hinahanap-hanap nito palagi." Binalingan nito ang asawang katabi at kumapit sa braso nito. "Am I right, honey?"

"Hindi lang naman mga luto mo ang hinahanap ko sa araw-araw. You as well, honey." Dinampian ni Wilfredo ng halik ang asawa sa noo nito. "I love you."

"And I love you more."

Kay sarap pakinggan ang mga salitang iyon sa dalawang taong nagmamahalan. Magandang halimbawa ang mag-asawang ito para sa mga anak nila. Hindi niya tuloy maiwasang maisip ang mga magulang. Kung ganito lang sana, wala siyang magiging problema. Pero sa isang relasyon, hindi pupwede na iisa lang ang kumikilos. Hindi pupwedeng isa lang iyong nagmamahal. In a relationship, two is better than one.

Hinihiling niya na sana huwag niyang ma-experience kung ano man ang napagdaanan ng ina. Alam niya, mahirap at puno ng pasakit. Ayaw niyang isipin na mangyayari iyon sa kanya ngayon. Naniniwala siyang may magandang mangyayari sa kanilang dalawa ni Dexter balang araw. At hihintayin niya na dumating ang araw na iyon.

"Well, Ma, masarap rin magluto itong si Danelle, " sabi ni Dexter. "Pwede ko na yatang gawing official chef ko."

"Really? That's good. At least may makakatuwang ako sa pagluluto dahil ang mga anak kong babae walang alam sa kusina."

"Oh, come on, Mama!" naisambit ni Vhivian.

Nagkatawanan silang lahat.

"Tito Dexter! Tito Dexter!"

Sabay-sabay silang napatingin sa mga batang papalapit kay Dexter. Tumayo si Dexter at isa-isang binuhat ang apat na pamangkin.

"Kanina ka pa hinahanap ng mga iyan,"ani Vhivian.

"Hey buddies!" Ginulo ni Dexter ang buhok ng batang lalakeng anak ni Vhivian na si Desmond. Nakipaghigh five ito sa anak na lalake ni Calvin na si Axel at sa anak ring lalake ni Klein na si Aris. Hinalikan nito sa huli ang batang babae na anak ni Armani na si Yvonne.

"Let's go, Tito!" Hinala ng mga ito ang dalawang kamay ni Dexter.

"Wait! Wait!" Lumuhod si Dexter. "May gustong ipakilala sa inyo si Tito," sabi nito at nilingon siya. Isa-isang ipinakilala sa kanya nito ang mga pamangkin. "This is Desmond, Axel, Aris, and Yvonne. Buddies, this is Tita Danelle, Tito's princess."

Napatingin sa kanya ang apat at nakangiting kinawayan siya habang sabay na binati siya. "Hi, Tita Danelle!"

Nakakaaliw ang ka-cute-an ng mga ito. Kinawayan niya rin ang mga ito. "Hello!"

"Can we go now?" baling ni Yvonne kay Dexter. "You promised."

"I know I promised but I have my princess with me. I just can't leave her alone."

"She'll understand," sabi naman ni Axel.

Nilapitan siya ni Yvonne at hinawakan ang kamay niya. "Can we borrow your Prince for a while? Please!"

Nakangiting napatingin siya kay Dexter na nakaluhod pa rin. "Sure," sabi niya naman. "But promise me you're going to return him to me safe."

Itinaas nito ang kamay. "I promise!" Nilapitan nito si Dexter.

Tumayo si Dexter at binuhat si Yvonne. "I'll be gone in a while," sabi nito sa kanya.

"Have fun," aniya.

Nilapitan siya ni Desmond. "You are so beautiful, Princess Danelle, " sabi nito na ikinabigla niya. "Can I have a kiss?"

Nagkatawanan silang lahat. Napakamot sa ulo niya si Dexter.

"Sure." Dumukwang siya upang mabigyan ito ng halik sa pisngi. "There."

Napayukong umalis si Desmond. At sumunod sa pila ang dalawang batang lalake na sina Axel at Aris. Isa-isa niya ring dinampian ng halik ang mga ito.

"Hey! She's Tito's princess," pag-alma nito. "What's with the kisses, ha?"

"Ano ba ang itinuro mo rito sa mga pamangkin mo, Dexter?" natatawang tanong ni Calvin.

"I'm innocent, Kuya."

"Let's go!" At tila naiinip na si Yvonne.

"Alright." Kasama ang mga bata ay umalis na si Dexter.

"Don't worry, hija. Kasama niya ang mga bata sa tv room. Kapag ganito kasing nakita ng mga pamangkin niya si Dexter, hindi siya titigilan ng mga bata. Siya kasi iyong pinakagusto nilang makasama sa panonood ng cartoons."

Napangiti siya sa paliwanag na iyon ni Agatha. Mukha ngang malapit si Dexter sa mga pamangkin at mahal na mahal siya ng mga ito.

"Can I have a moment with you, Danelle?"

Agad siyang napatingin sa kinauupuan ni Vhivian. "S-Sure."

Tumayo siya ng tumayo ito. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Ano ang kailangan as kanya ni Vhivian? Kinakabahan siya. "Excuse me," sabi niya at umalis na ng mesa.

Hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Vhivian. Lumabas sila ng living room kung saan ginanap ang party. Hindi pa rin maalis ang pagkamangha siya sa malaki at magandang bahay na ito. Kung iiwanan siya bigla ni Vhivian, malamang mawawala siya.

Habang papaakyat sila ng hagdanan ay napatingin siya sa mga larawan ng magkakapatid na nakakabit sa dinding. Mga graduation pictures iyon ng mga ito at nakalinya mula panganay hanggang bunso. Napangiti siya habang nakatingin sa larawan ni Dexter. Nakangiti ito doon at napakagwapo nito.

Pagdating sa ikalawang palapag ng bahay ay may roong siyam na kwarto. Tanto niyang sa magkakapatid iyon. Maraming family pictures na nasa hallway at ilan ay mga larawan ng magkakapatid na nasa iba't ibang lugar at outdoor activities.

"Ang laki ng bahay ng mga magulang ninyo, Ma'am Vhivian, " aniya.

"Danelle, call me Vhivian."

"S-Sige."

"Yes, malaki nga. At alam mo ba na saka lang nagiging maingay itong bahay na ito kapag ganitong may okasyon? But in ordinary days, nakakabingi ang katahimikan. At mararamdaman mo ang kalungkutan."

Kalungkutan? Hindi niya agad maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito sa sinabi.

Huminto sila sa isang kwarto na nasa pinakadulo. Binuksan ni Vhivian ang pinto. "This was Dexter's room."

Kwarto ni Dexter? At bakit niya ako dinala rito?

Pumasok sila sa loob. Hinagilap ni Vhivian ang switch at binuksan ang ilaw. Kumalat ang liwanag sa buong kwarto. Inilibot niya ang paningin. Nasa ayos pa rin ang kwarto nito kahit hindi na ito nagagamit.

Napatingin siya sa mga picture frames na nakakabit sa dingding. Solo pictures nito noong teenager pa ito at meron din kung saan parang tumutugtog ito ng gitara. Meron din doon kung saan kasama nito ang mga kapatid na lalake. Naka-basketball uniform ang mga ito.

Sa kanang bahagi ng kwarto ay nakadisplay ang ilang musical instruments nito tulad ng electric and accoustic guitars, organ, drum set at beat box. Nabanggit ni Dexter sa kanya na dati itong musician. Sa unit nito ay kumpleto rin ito ng instruments sa music room nito.

Sa kaliwang bahagi ng kwarto nito ay mayroong isang malaking flat screen television. Makikita rin ang ilang play stations na nasa ibabang bahagi ng tv at ilang nagkalat na DVD.

"Alam mo ba na ang kwartong ito ang pinakapaborito naming tambayang magkakapatid?"

Nilingon niya si Vhivian. Tumungo itong balcony. Sumunod naman siya upang makita kung ano ang nandoon. At mas namangha siya ng husto sa kung ano man ang nakikita niya sa mga sandaling ito. Mula rito sa balcony ay halos nakikita niya na ang buong bayan. It's just so wonderful.

"Dati, punong-puno ng tawanan at kulitan ang bahay na ito. Dexter's the main entertainer in the family. Palagi niya kaming pinapatawa, iyong halos himatayin na kami dahil kahit naiiyak na kami sa kakatawa ay ayaw niya pa ring tumigil sa pagbibiro. Pero nagbago ang lahat magmula noong, iwanan siya ng dating nobya niya."

Siguro ito iyong dahilan kung bakit siya isinama ni Vhivian rito. Para mapag-usapan ang tungkol sa naging nakaraan ni Dexter. Mabuti na rin para maliwanagan siya sa kung ano man ang dahilan ni Dexter.

"Alam mo na ba ang lahat?" tanong nito sa kanya.

Napailing-iling siya. "H-Hindi niya kasi sinasabi sa akin ang buong pangyayari. Ang alam ko lang, hindi siya handa na pumasok sa isang relasyon dahil natatakot siyang masaktan."

Napabuntong hininga si Vhivian.

"And the truth is, h-hindi naman talaga niya ako girlfriend. H-Hindi naging kami." Alam niyang hindi magugustohan nito ang nalaman. Yes of course, it's obvious na panloloko ang ginagawa nila ni Dexter.

"I know," sa halip ay sabi nito.

"A-Alam mo?" Hindi siya makapaniwala.

"Nakikita ko naman sa mga kilos at reaksiyon mo, Danelle."

Napayuko siya. Marahil ay tama talagang actions speak louder than words.

"More than friends but less than lovers. But sa nakikita ko sayo, natutunan mo ng mahalin ang kapatid ko."

Napakagat labi siya.

"And I thanked you for that," sabi pa nito at nilingon na siya. "Anim na taon na rin ang nakalipas magmula noong may dinala si Dexter ritong babae at ipinakilala niyang girlfriend niya. He was so happy. Alam mo na, first love, first girlfriend. Kulang na lang magpafiesta siya sa sobrang kaligayahan. And seeing him that happy, wala kaming ginawa kundi ang suportahan siya kung saan siya maligaya.

"Naging rason ang babaeng iyon kung bakit araw-araw excited siyang gumising, pumasok sa klase niya, gawin kung ano ang dapit gawin. Nagigising na lamang kami sa mga kanta niya. Araw-araw punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan ang bahay na ito. Iyong mga bagay na hindi niya naman ginagawa, nagbuboluntaryo siyang gawin. Well, we always wanted to see that Dexter everyday.

"They looked good together. Nakikita namin kung paano nila alagaan ang isa't isa. He did everything for her, just to make her happy. Pagkagraduate nila ng college, nagpatayo si Dexter ng isang sariling music studio. Gusto niyang gumawa ng mga kanta para lang sa nobya niya. Ang pagmamahal niya sa musika ay mas lalong tumibay magmula ng dumating si Amber sa buhay niya."

Amber ang pangalan ng babae. Nagpatuloy siya sa pakikinig.

"Pero nagbago ang lahat isang araw. Naging madilim ang lahat sa buhay ng kapatid ko at maging sa buong pamilya dahil nalaman namin na sumama sa ibang lalake si Amber one month after their engagement."

Ang kaalamang iyon ay gumulantang sa buong pagkatao niya. Engaged si Dexter sa dating nobya nito?

"It was a blast news sa aming lahat. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang may relasyon na pala si Amber at ang matalik na kaibigan ni Dexter limang buwan pagkatapos naging sila ng kapatid ko. So, sa simula pa lang ay nagawa ng lokohin ni Amber si Dexter at ang kawawa kong kapatid, bulag sa katotohanang iyon.

"Akala nga namin ay masisiraan ng bait si Dexter. Walang araw at gabi na hindi namin siya nakikitang umiiyak. Nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay, nagkukulong siya dito sa kwarto niya at ayaw kumain. Minsan naririnig namin siyang nagwawala rito at wala kaming magawa para pigilan siya. Hindi siya nakikinig sa kung ano man ang mga sinasabi namin sa kanya. Kaya hinayaan na lamang namin siya hanggang sa matutunan niyang ibangon ang sarili sa kalugmukan.

"Isang araw niyan, sobrang saya namin dahil sa wakas mukhang handa na siyang ipagpatuloy ang buhay niya. Pero hindi sa inaasahan naming paraan. Gabi-gabi siyang gumigimik kasama ang mga college friends niya, kung sinu-sino na lang ang nababalitaan naming karelasyon niya, everything was just different. Ayaw na ayaw niyang nakakarinig ng musika rito sa bahay. Nag-iiba ang mood niya kapag may naririnig siyang tawahan at kulitan. Hindi siya iyong Dexter na kilala namin. Iyong masayahin, palabiro, at walang ibang gawin kundi ang patawanin kami lagi.

"Nagtagal rin iyong ng mahigit dalawang taon. At wala kaming ginawa kundi ang intindihin siya at pakisamahan siya. There was a time, dinala namin ang mga bata rito sa bahay. He played with them most of the times. Para bang sa mga bata niya nakukuha ang lakas para labanan ang malungkot at mapait na karanasan niya. At doon nakita namin na hindi pa pala talaga siya tuluyang nawala sa amin. Kasama pa rin namin siya kaya lang nakatago ang totoong siya. Hinayaan niyang lamunin ng galit ang puso niya.

"Noong napagdesisyonan niyang magtrabaho sa kompanya ay hindi nagdalawang isip si Papa na tanggapin siya. He has the potential at sa loob ng tatlong taon na naging bahagi siya ng kompanya, napakarami niyang nagawang development sa lahat ng projects. As you can see, sa lahat ng construction projects na pinanghahawakan ng Lenares Group Inc., hindi nawawala ang pangalan niya. Naging magandang simula sa kanya ang pagtatrabaho sa kompanya ng pamilya." Napabuntong hininga si Vhivian. Pumasok ito sa loob ng kwarto at sumunod naman siya.

"A-Ano ang nangyari sa music studio niya?" naitanong niya.

"Isinara niya iyon noong mismong araw na nalaman namin ang katotohanan." Tinungo ni Vhivian ang isang closet at may kinuha itong kahon sa loob. Dala ang kahon ay tumungo ito sa kama at naupo sa gilid.

Ipinakita sa kanya ni Vhivian ang laman ng kahon. Mga larawan at souvenirs ang nasa loob. May inabot na larawan sa kanya ang babae.

"She's Amber," anito.

Inabot niya iyon at tiningnan. Oh my God! Nanlalake ang mga matang napatitig siya sa larawang hawak. Agad na bumalik sa ala-ala niya ang nangyari kaninang hapon ng puntahan niya si Dexter sa opisina nito. Ang babaeng nakasalubong niya sa elevator kanina ay si Amber! Ang dating nobya ni Dexter, ang fiance nitong na umiwan rito na dahilan sa pagkakaroon ng hindi mahilum-hilum na sugat sa puso.

Sigurado siya, galing si Amber sa opisina ni Dexter! At sila lang dalawa ang nandoon habang wala pa siya! Sa isang iglap ay biglang sumikip ang dibdib niya. Nagkitang muli sina Dexter at Amber!

"Gusto namin na itapon niya ang lahat ng ito para wala na siyang maalala. Kaya lang pinili niyang hayaan ang mga ala-alang ito rito sa loob ng kahong ito."

Tahimik na ibinigay niya muli kay Vhivian ang larawan. Ibinalik iyon ng babae sa kahon. Tumayo ito at ibinalik sa pinagkunan ang kahon.

"Naging buhay na ni Dexter si Amber. Ibinigay niya ang halos isang daang pursiyentong pagmamahal niya rito. Wala siyang itinira sa sarili niya. Kaya ganoon kahirap para sa kanya ang makalimot. Minsan naiisip namin na daan para makalimot siya pansamantala ang trabaho niya. Mahirap para sa amin na pamilya niya na nakikitang nahihirapan siya. Minsan, pinipili niyang mapag-isa dahil ayaw niyang kinakaawaan namin siya. Nang mapagdesisyonan niyang umalis dito at bumili ng sariling unit, ayaw siyang payagan ng Mama. Natatakot kasi si Mama na baka may gawin siya na hindi maganda.

"But there's nothing we can do about it. Desisyon niya ang magbagong buhay sa paraang alam niya. We wanted him back. Ngunit nawalan na kami ng pag-asang mangyayari pa iyon. Minsan lamang siyang ngumingiti, tumatawa, nakikipag-usap sa kahit na kanino. Hindi na namin nakikita ang dating sigla niya. Not until you came."

Agad siyang napatingin kay Vhivian. "Alam mo bang sa loob ng anim na taon, ngayon lamang namin siya nakitang ganito? Magmula noong makilala ka niya, Danelle, para bang nabuhay siyang muli. You are something to him, I can see it. At first aaminin ko na ayaw ko na mapalapit kayo sa isa't isa. Hindi dahil sa ayaw ko sayo. Of course, to be honest, I really do like you. Ayaw ko lang na mapabilang ka sa mga babae ni Dexter dati. I'm not saying his a bad guy or something. Hindi lang namin alam kung ano ba ang ginagawa niya sa mga dating nakarelasyon niya at halos lahat sinusugod siya at nagmamakaawang balikan niya."

Napaawang ang mga labi niya. Nagmamakaawang balikan niya? What? Kinabahan siya. Ano ba ang mga pinagkagagawa nito dati?

"Ang palagi niyang sinasabi, kaibigan niya lang kaya walang dahilan para balikan niya ang mga ito. Para bang, ipinapadama niya sa ibang babae ang sakit na naramdaman niya ng lokohin siya ni Amber. Gusto niyang gumanti at sa paraang alam niya."

"Hindi naman lahat ng babae manloloko. Hindi lahat pare-pareho."

"Iyon din ang gusto naming maisip niya. Ilang beses ko ring sinabi sa kanya na baka hindi talaga sila ni Amber ang nakalaan para sa isa't isa. Baka isang araw, may makikilala siya na siyang magpapabago sa pananaw niya." Hinawakan nito ang kamay niya. "And I guess it's you."

Isang mapait na ngiti ang kumawala sa mga labi niya. "I've been telling him that," aniya. "Sinabi ko rin na baka may dahilan kung bakit kami pinagtagpo. Nararamdaman at nakikita ko ang takot niya. Gusto ko na hayaan niya ako na pasokin iyong nakaraan niya para mas maintindihan ko siya. Pero tinutulak niya ako papalayo."

"Please, Danelle, just understand him. Alam ko na kaya mo siyang ibalik sa dating siya."

Ngumiti siya. "I am," aniya. "Mahal ko lang ang kapatid ninyo kaya sa kabila ng lahat ay nahahanap ko pa rin ang sarili ko na nananatili sa tabi niya."

"Thank you."


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C16
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous