Télécharger l’application
27.77% Who's The Impostor? / Chapter 5: Unexpected In counter

Chapitre 5: Unexpected In counter

Chapter 5

Nakahiga lang sa kama si Erick habang nakatingin sa kisame ng bahay at dinadama ang katahimikan ng paligid. Kadalasan, sa mga ganitong oras, nasa HQ pa sya. Pero ngayon nandito sya sa bahay ng target nya.

Nakahiga. Nagpapahinga na parang walang masamang intensyon sa babae. Nagulat sya ng malamang may asawa na ito. Para kasing mas bata pa ito ito sa kanya kung ibabase sa pisikal nitong anyo.

Biglang umingay ang paligid at muhkang lumabas ng kwarto ang may-ari ng bahay. Dali-dali sya lumapit sa pinto at sumilip. Napalunok sya ng makitang wala itong suot sa katawan bukod sa isang telang nakatapis lang sa katawan nito.

Agad syang bumalik sa higaan nya at pilit na binubura sa isipan ang imahe ng babae na nakita nya. Sinasabi nya sa sarili nya na mali iyon at hindi tama. Nasa ganong sitwasyon sya ng biglang may kumatok.

"Edwin, Aalis muna ako. May pupuntahan lang ako saglit." Sabi ng kumatok at naramdaman na nya ang pag-alis nito. Nakahinga na sya ng maluwag ng mga oras na iyon.

Hindi nya namalayang nakatulog sya ng mga oras na iyon at ng magising sya ay umaga na. Lumabas sya ng kwarto at pumunta ng kusina. Doon ay naabutan nya ang babae.

"Saan ka galing kagabi?" Tanong nya.

"Bumili lang ako ng sanitary pads." Sagot naman sa kanya ng babae. Tumingin sya sa lamesa at nakitang may pagkain na doon. "May trabaho ka ba?" Tanong nito sa kanya.

"Meron." Sagot nya.

"Kung ganon, pareho tayong wala dito sa bahay ngayon." Tumango-tangong sabi nito tapos biglang humarap sa kanya. "I-lock mo nalang yung bahay. Ito yung susi." Sabi nito tapos may itinapon na susi sa harap nya. "Aalis na ako." Sabi nito tapos may isinukbit lang na bag at iniwan na syang mag-isa sa loob ng bahay. Sya naman ay nagtataka parin.

"Ano kaya ang nasa utak ng babaeng iyon at mabilis syang magtiwala sa kahit sino?" Tanong nya sa sarili nya. Agad naman syang kumilos at sinundan ang babae sa pupuntahan nito.

______________________________

Naalimpungatan si Spencer at nagising ng wala na ang mapapangasawa nya sa tabi nya. Hinanap nya ito sa buong bahay pero wala naman ito doon. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mapapangasawa.

"Saan ka galing?" Tanong nya dito.

"May binili lang." Nakangiting sagot nito.

"Nang ganitong oras?" Tanong nya pa dito.

"Importante kasi yung binili ko. Tyaka, wag kang mag-alala, dyan lang naman ako sa baba. Hindi ako umalis ng building." Nakangiting sabi nito. Bumuntong-hininga sya dahil alam nyang dinadaan sya nito sa paraang alam nitong hindi sya magtatampo.

"Ok. Basta, next time. Wake me up, para ako na ang bibli nyang para sayo." Sabi nya dito tapos niyakap ito. Yumakap din ito sa kanya at hinalikan pa sya nito sa leeg.

"I love you, Spencer." Malambing na sabi nito. .

"Mahal din kita." Sabi nya at mas hinigpitan ang yakap sa mapapangasawa nya. Bumitaw na sya at sabat silang naupo sa lamesa. "Ano ba yung binili mo? Is it really that important that you have to go in the middle of the night just to buy this?" Mahaba nyang tanong.

"It's your favorite food." Sabi nito at inilabas ang pagkain na binili nito. Lumambot ang puso nya at napangiti nalang.

"Thank you." Sabi nya tapos lumapit sa mapapangasawa at hinalikan ito.

"You're welcome." Nakangiting sabi nito. Nagsimula na silang kumain at sa kalagitnaan ay biglang nagsalita ulit ito. "Are you ready forr tomorrow?" Tanong nito sa kanya.

"Of course." Nakangiting nyang tugon.

___________________________

Ang lahat ay handa na sa pagpunta sa mall. Si Annie ay niyaya si Nash pumunta ng mall dahil gusto daw nitong maglaro sa playground. Sila Spencer at Camille ay tumitingin ng magandang gowns. At si Erick naman ay sinusundan si Scarlett. Pati si Travis ay narito din.

Lahat sila ay nagsasaya at talagang pinaglalaruan sila ng tadhana. Umalis na sa mall si Erick dahil bigla syang pinatawag sa HQ. Silang lahat naman ay nagsasaya pa.

Nasa loob na ng playground si Annie at nakikipaglaro sa mga batang naroon habang binabantayan sya ni Nash. Sila Camille at Spencer naman ay nasa loob na ng shop habang si Travis naman ay papunta din ng shop dahil bubuli ng bagong suit.

Biglang nawala sa paningin ni Nash si Camille kaya hinanap nya ito sa buong paligid. Bigla nyang nakitang tumatawa-tawa pa si Annie na papasok ng bilihan ng mga gowns at suits. Pumasok sya at doon hinanap si Annie.

Si Travis naman ay nagsimula nang tumingin ng mga suits na naroon. Habang si Spencer ay hinihintay lumabas ang mapapangasawa nyang nagsusukat na ng isang gown habang sya ay tumitingin ng susukatin nya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tatlo silang hahawak sa iisang suit. Si Nash lang ang naiiba ang dahilan, hinahanap nya kasi ang makulit na si Annie. Nagkatinginan silang tatlo at lahat sila napakunot ang noo.

Akmang magsasalita na sana sila ng biglang bumukas na ang fitting room at iniluwa nito si Camille. Nagulat sya ng makitang nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki at natulala pa. Nagkunwari syang hindi kilala ang mga ito.

"Hon, how is it?" Tanong nya sa mapapangasawa.

"Scarlett?"

"Annie?"

Sabay na tanong nila Travis at Nash. Ikinunot nya ang noo at takang tumingin sa mga ito.

"Ex——— cuse me?"

"Umuwi na tayo. Wag ka nang makipaglaro sa akin ng ganyan." Sabi ni Nash. Ikinunot nya ang noo nya at pinapalabas na nagtataka sya pero ang totoo ay gusto na nyang sakalin si Annie ngayon.

'Bakit kasi ngayon pa, ehh!'

"Sorry, ahm. I don't know who the h*ll are you. Ahm... I think you're just mistaken." Nakangiting syang sagot.

"Do you know them, Hon?" Tanong ni Spencer.

"Of course, I know her." Sabat naman ni Travis. "She's my wife for 5 years." Sabi pa nito. Tumingin naman sya kay Camille. "Right?" Tanong nya pa.

"Ah, hahaha. No, I... Don't know you." Pahina ng pahinang sabi ni Camille.

"No, you ARE my WIFE. Look, this is her wedding ring." Sabi nya at tinaas ang kamay ni Camille. Nang makita nyang wala ay ang kabila naman ang tinignan nya. Nang makitang wala pareho ay bumagsak ang balikat nya at binitawan na si Camille. "Fine, she really is not my wife." Malungkot nyang sabi at naupo sa katabing sofa.

"Annie. Let's go." Matigas na sabi ni Nash.

"Dude, hindi nga sya ang Annie mo, she's my fiancée." Sabat naman ni Spencer. Yumakap naman si Camille kay Spencer at nagsalita.

"Hon, let's go. Ito na yung napili kong gown. Bukas nalang natin sukatin yung suit mo." Sabi ni Camille at pumasok na ulit sa fitting room. Si Nash naman ay umalis na lang ng store habang si Travis ay kanina pa nilisan ang tindahan.

Halata ang inis ni Nash dahil sa nasaksihan nya. Nararamdaman nya talagang si Annie iyon pero impossible din naman. Inikot nya ang paningin sa paligid at nakita nya si Annie na umiiyak at tila hinahanap na sya.

"Annie!" Sigaw nya. Patakbo syang lumapit dito at agad nya itong iyakap. "Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Bakit ba kasi nakikipaglaro ka pa sa akin." Sabi nya habang naluluha na.

"Kuya!!" Umiiyak nitong sigaw at mahigpit syang niyakap. Hinawakan nya ang mga pisnge ni Annie at hinalikan ito.

"Wag ka na ulit lalayo sa boyfriend mo, ha?" Naiiyak parin nyang tanong tapos yumakap ulit dito.

___________________________

"Bakit naman kasi nagpapunta-punta pa kayo sa mall?!" Galit na sigaw ni Camille.

"Gusto ko lang naman maglaro. Ano bang nangyari?" Inosenteng tanong ni Annie.

"Nagkita-kita lang naman ang mga lalaki yon. Alam nyo bang ginawa ko lahat para hindi nila ako mahalata?! Mga b*bo talaga kayo!" Sigaw pa nya.

"Wag mo kaming sisihin. Tyaka ako, galing ako sa trabaho ko kaya wag mo akong idamay." Mataray na sabi ni Scarlett.

"Alam nyo namang masisira ang plano kapag nagkita-kita ang mga yon, diba?!" Galit pa nyang sigaw.

"Ano ba yung plano?" Inosenteng tanong ulit ni Annie.

"Arghhhh!!!! Bahala kayo! Alam nyo na kung anong gagawin nyo!" Sigaw nya. Umirap sa hangin si Scarlett habang si Annie naman ay nag-iwas ng tingin ay tumingin sa itaas.

- To Be Continued -

(Mon, August 16, 2021)


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous