Chapter 8
- Angelo's POV -
Lumipas ang mga araw at pumasok na ako sa trabaho. Naging mahirap para sa akin dahil pinagsasabay ko ang pag-aalaga sa mga anak ko habang nagtra-trabaho ako.
Pagkatapos ng trabaho ay agad akong uuwi at lalaruin ang mga anak kong sikat na rin ngayon. Sinasama kasi ni Finnei ang mga bata sa trabaho nya kaya tampulan din ng pansin ang mga ito.
Lalo na ng bumalik sya sa modeling nya. Minsan ay sinasama nila ang kambal sa mga shoot at naging kapansin-pansin talaga ang mga anak namin lalo na at kasama ito ni Finnei.
Nakaupo ako ngayon sa loob ng locker room at pauwi na. Nagbabasa lang muna ako ng magazine kung saan naka feature si Finnei at ang mga anak namin.
Pero sa kalagitnaan ng pagbuklat ko ng magazine ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot agad ang noo ko dahil sa pagtataka. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at sinagot.
"Hello?"
"Yo, bro!! Pupunta ka ba mamaya?"
"Saan?" Kunot-noong tanong ko kay Elias.
"Sa reunion!"
"Reunion?" Kunot-noong tanong ko parin. Bigla kasi itong umuwi noong malamang nag-asa na ako.
"Oo nga! Punta ka, ha? Mamaya yon, 7pm."
"Hindi ako sigurado. Mag-aalaga pa ako ng mga anak ko. Kayo nalang, tyaka may importante akong gagawin ngayon." Sabi ko tapos binabaan na sya. Tumayo na ako at nagpalit ng extra'ng damit na dala ko. Habang naglalakad pa labas ay tinawagan ko muna si Angeline.
"Ano? Ok na ba?" Tanong ko agad ng sagutin nya ang tawag ko.
"Ok na, kuya."
"Nasaan na sila?" Tanong ko pa. Batid kong nakangiti ito dahil sa paraan ng pagsasalita nya.
"Sinundo na namin si Finnei. Yung kambal naman sila Mommy na ang bahala."
"Sige, ingatan nyo ang mag-ina ko, maliwanag?"
"Yes, sir!"
"Tsk." Singhal ko dahil na batid kong maling desisyon iyon. Ako naman ay napangiti dahil dumating na ang araw na matagal kong hinihintay.
- Finnei's POV -
Nakangiti akong nakatingin sa dalawa kong anak habang masarap na ang tulog ng mga ito. Ganito palagi ang routine naming tatlo. Sila yung palaging natutulog sa set pero tulog parin sa bahay.
Napatingin ako sa relo ko at tiningnan kung anong oras na. Mga ganitong oras ay dadating na si Kuya at agad iyong magbibihis tapos lalapit agad sa mga anak namain tapos sa akin.
Naghintay pa ako ng ilang minuto at tiningnan ulit ang relo ko. Kasabay non ay may biglang kumatok sa pinto na ikinakunot ng noo ko. Agad akong pumunta doon at nagsalita.
"Sino yan?" Tanong ko.
"Ako to, Finnei." Sagot ng tao sa labas. Agad kong binuksan ang pinto at nakangiting sinalubong si Ate Angeline.
"Hi, Ate." Sabi ko agad ng bumungad sya sa akin pero nagulat ako ng makita ang taong nasa likod nya. "Kuya?" Takang tanong ko.
"Nandito kami kasi pinasundo ka sa amin nila Daddy. May pupuntahan daw tayo."
"Huh?" Takang tanong ko. "Pwede mamaya nalang? Aantayin ko lang muna si Daddy."
"Sinong Daddy?" Tanong ni Kuya.
"Si Kuya Angelo...." Halos pabulong kong sabi.
"Alam mo, ang corny ng callsign nyo ni Kuya. Mommy and Daddy." Nakangusong sabi ni Ate Angeline.
"Hindi corny yon kapag may anak na kayo. Gusto mo na din bang magka-baby?" Seryosong tanong ni Kuya.
'Kelan pa nag-date ang dalawang to?'
"Ano ka ba naman, eng heret me, Fenley!" Parang kinikiliting sabi ni Ate Angeline. Habang ako namang ay takang natatingin lang sa kanilang dalawa.
"Tsk. Tumigil ka nga. Ang pangit tignan." Seryosong paring sabi ni kuya.
"Tsk. Manhid, para ka ding si Zeir, ehh." Sabi ni Ate tapos lumapit sa anak kong babae. "Hi, baby girl. Tara na? Pupunta na tayo kay Daddy?" Sabi nito, kausap ang anak ko.
"Tara na." Sabi ni Kuya tapos lumapit sa anak kong lalaki. Ako naman ay inalalayan sila sa bawat galaw nila. Ganito ang ugali namin ni Kuya simula noong manganak ako sa kambal.
Kapag may ibang taong nagbubuhat sa kambal ay talagang natataranta agad kami at talagang kabado kasi hindi kami sanay na hindi namin buhat ang kambal at nakikita pa talaga namin.
MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na kami ng maayos sa paroroonan namin. Pagbaba namin ay bigla akong nataranta dahil biglang nawala sa likod ko sila kuya at hindi ko sila makita.
Napalunok muna ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad sa loob ng hotel at mabilis na hinanap sila kuya pero parang nanghina ako dahil ako lang ang tao sa buong lugar.
"Hi, ma'am." Nagulat ako ng may biglang lumapit sa aking babae tapos may inabot sa aking letter bago nya ako nakangiting iniwan sa gitna ng malaking hotel.
'Akyat ka na dito sa rooftop, mag-ingat ka, ha? I love you.'
- Daddy.
Napasimangot ako dahil sa nabasa kong letter. Agad kong hinanap ang pinakamalapit na elevator at agad na umakyat sa rooftop. Napakunot ang noo ko dahil madilim ang buong rooftop ng makaakyat ako.
Ipinalibot ko ang buong mata ko sa paligid at tanging nakikita ko lang ay liwanag galing sa loob ng hotel at liwanag galing sa ibang gusali na malapit sa hotel.
Sa panglawang pagkakataon ay parang nawalan nanaman ako ng lakas at parang nanghihina nanaman ako. Napapikit ako at bumuntong-hininga bago ako makaramdam na parang may tao sa likod ko.
Bago ko pa maharap ang taong iyon ay nayakap na agad ako nito. Agad akong binalot ng kilabot at magkakasunod na napalunok. Agad na nanginig ang buong katawan ko tapos bigla itong nagsalita.
"F*ck... You turned me on in just a hug? How dare you, Mommy." Pabulong na sabi nito. Nanlaki ang mata ko at agad na humarap sa kanya.
"Daddy?" Gulat ko paring tanong. Agad akong nitong siniil ng halik at hindi ko na sya na pigilan. Biglang magliwanag ang buong paligid.
"Surprise!!" Sigaw ng lahat. Lahat din sila nagtaka ng makita nilang naghahalikan kami ni Daddy.
"Ayy, may b*ld? Live show talaga?" Nakangiwing sabi ni Ate Kristine.
"Sweetheart naman." Saway ni kuya Lorenz sa kanya pero inirapan lang sya nito. Binitawan na ako ni kuya tapos pinalibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Doon ko nakita ang buong pamilya namin at mga parte ng Dynasty.
May mga palamuti din ang buong rooftop at may mga ballons na nakasabit at may nakalagay pang happy birthday. May nakalagay din doong 'SAY YES!!' na ipinagtaka ko kaagad. Napakunot ang noo ko bago ako humarap kay Daddy.
"Say yes?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti silang lahat sa akin na lalong ipinagtaka ko. Lalo na ng makita kong umiiyak si Mommy sa may gilid at pilit na pinapatahan ni Daddy.
"Diba, sabi ko, kapag nakapanganak ka na, magpapakasal na tayo?" Nakangiti pero naluluha na ding sabi ni Kuya Angelo. "Alam mo, I never expected na magkakapamilya ako kaagad. Na mauuna ako sa kanilang lahat. And the one that I really never expected is you. Sana pala ikaw nalang ang pinipili ko simula palang. Finnei, you gave me a light when I'm in the darkness. I love you, Finnei. Mommy, will you marry me?" Doon na tumulo ang pinipigilan kong luha.
"Kuya..." Wala sa sarili at mahina kong sabi. Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ko sa mga binitawan nyang salita pero heto nanaman sya, lumuhod sa harap ko at naglabas ng isang 24k gold with a big diamond worth of 40,000,000---
(Author's Note: Hehehe. Joke lang.)
"Finnei, will you marry me?" Pag-ulit nya ng tanong nya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang hikbi ko. Yumakap ako sa kanya at hinigpitan ko iyon. Pagkatapos ay magkakasunod akong tumango.
"YES!!" Malakas na sigaw ni Kuya ng makatayo kami pareho. "I love you, Finnei!!" Malakas na sigaw nito. Isinuot nya sa akin ang singsing na binili nya tapos bigla akong niyakap na parang ayaw akong pakawalan.
"Tapos na ba kayo?" Nakangiwing tanong ni Ate Jenny. Taka namin syang nilingon.
"Are you ok?" Tanong ng asawa nya. Kinagat nito ang labi nito tapos lumingon sa pang-ibabang bahagi ng katawan nya. Lahat din kami ay napalingon iyon at nagulat kami dahil basa iyon.
"MANGANGANAK NA AKO!!!" Sigaw nya kaya nataranta na kaming lahat.
A Few Hours Later...
- Angelo's POV -
Pareho kaming nakahilata ni Finnei sa sofa, parehong naghahabol ng hininga. Dahil alam ko nang makakatulog na sya dahil sa pagod ay dinala ko na sya agad sa kwarto para makaayos na sya ng tulog nya. Tapos bigla namang tumunog ang phone ko kaya napakunot ang noo ko. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay si Elias pala iyon.
"Hello?" Tanong ko.
"Hello? Bakit hindi mo sa akin sinabing may proposal na magaganap? At nanganak na daw si Jenny? Hoy,---"
'Ang bilis talaga ng lalaking to sa chismis."
"---may nangyari sa amin ni---"
"Ewan." Mahinang sabi ko pagkatapos ko syang babaan. Nang mahagip ulit ng mata ko si Finnei, agad akong napangiti. Hinalikan ko sya sa noo kasabay ng pagngiti ko. "I love you, mommy. My queen."
- The End -
— La fin — Écrire un avis