Télécharger l’application
100% Department of Timelines / Chapter 2: Enjack Ammo loves Aurora Boulevard

Chapitre 2: Enjack Ammo loves Aurora Boulevard

SM Megamall (Enero 1, 1996)

Ika-10:47 ng umaga, ibinaba kami ng nasakyan naming "taxi cab" sa mismong "taxi bay" nito, nagbayad muna ako ng aming pamasahe bago kami bumaba ni Aurora; agad kaming pumasok sa loob ng "mall" dahil sa sobrang "excitement" namin. Pagpasok namin sa loob, inayos muna namin ang aming mga sarili bago muling naglakad; patuloy kaming nag-uusap habang naglalakad.

"Mukhang ngayon ka lang ba nakapasok dito?" wika ko habang naglalakad nang nakahawak ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay niya.

"Oo, ngayon lang ako nakapasok dito nang kasama ka," wika ni Aurora.

"Saan mo gustong pumunta?" wika ko.

"Eh di, kung saan dinadala ng mga lalaki yung mga nililigawan nila. Doon tayo pupunta," wika ni Aurora.

"Alam ko na!" wika ko at saka dahan-dahang kinakaladkad si Aurora patungo sa Jollibee sa 3rd Floor kung saan naroroon din ang pinakamalapit na sinehan.

Pagdating namin ni Aurora sa Jollibee, nagulat siya sa kanyang nasaksihan, at sa sobra niyang kagalakan; kinalakad niya ako papasok sa loob.

"Ginulat mo ako, in fairness!" wika ni Aurora.

"Para sa una mong ikaliligaya, hahayaan kitang umorder ng mga gusto mo. Sagot ko," wika ko habang nakapila kami ni Aurora.

Nang kami na ni Aurora ang tatanungin, sinabi niya ang lahat ng gusto niya, at nagulat ako sa dami ng kanyang inorder; wala akong nagawa kundi bayaran ang mga ito.

"Maraming salamat dito sa mga ito, halika't umupo na tayo," wika ni Aurora nang makakita kami ng mga bakanteng upuan at mesa.

"Sigurado ka rito, baka nabibigla ka lang?" wika ko habang inilalapag namin ni Aurora ang aming mga inorder sa mesa at upuan na aming napili; agad kaming naupo at nagsimulang kumain.

"Pagkatapos nating kumain dito, saan mo tayo susunod na pupunta?" wika ni Aurora habang masayang-masayang kumakain ng mga pagkaing siya mismo ang umorder.

"Siyempre, sa BANYO. Sigurado ako roon," wika ko habang namamangha sa dami ng mga inorder ni Aurora na siyang nasa mesa namin ngayon.

"Bakit sa BANYO?" wika ni Aurora.

"Tingnan mo kung gaano karami ang inorder mo (limang "Large Fries", apat na "Yumburgers", limang "Jolly Hotdogs", dalawang "2-pcs Chicken Joy" na parehas may "Large Coke" at may kasama pang dalawang extra rice, at dalawang "Spaghetti"), eh pagkain na ito ng limang katao," wika ko habang pinipilit intindihin ang ginawa mismo ni Aurora.

"Nauunawaan kita, yung hindi natin mauubos ay babaunin natin sa loob ng sinehan," wika ni Aurora at saka ngumiti habang patuloy kaming kumakain.

"Ikaw ang bahala," tugon ko.

"Huwag mo nang ikagalit itong ginawa ko, para rin naman sa atin ito. Kumain ka na aking 'crush'," wika ni Aurora habang sinusubuan niya ako ng "spaghetti".

"Hindi naman talaga ako nagagalit, talagang namangha lang ako. Kumain ka na rin, aking 'crush'," wika ko habang sinusubuan si Aurora ng "Jolly Hotdog".

"Hindi ko magagawang magalit sa iyo sapagkat 'crush' kita," wika ko.

"Ganoon din ako, sapagkat 'crush' din kita," wika ni Aurora.

"Puro kayo 'crush', 'crush' kayo nang 'crush', ayaw pa ninyo amining kung ano kayo sa isa't-isa. Buwisit!" wika ng isang tao at saka tuluyang umalis.

"Tama nga naman siya, aminin na ninyo kung ano kayo nang malaman namin kung paano kayo pakikitunguhan," wika ng isa pang kumakain din sa loob ng Jollibee.

Habang kumakain kami ni Aurora, napaisip kami sa sinabi ng nauna; patuloy pa rin kami sa aming pag-uusap.

"Pasensiya ka na sa mga nasasabi nila ukol sa atin, sana maunawaa mo sila," wika ko.

"Tutal, ganito pala ang kalakaran sa buhay. Mula sa araw na ito (Enero 1, 1996), magkasintahan na tayo," wika ni Aurora.

"Sigurado ka! Hindi ko ito inaasahan pero maraming salamat," wika ko.

"Dahil sa tayo'y magkasintahan na, nararapat lang na may tawagan din tayo sa isa't-isa kagaya ng mga tipikal na magkasintahan sa Pilipinas. Teka, mag-iisip lang muna ako. Hintayin mo lang," wika ni Aurora habang patuloy pa rin naming inuubos ang mga inorder niya.

Makalipas ng ilang mga minuto, nakaisip na si Aurora ng itatawag namin sa isa't-isa; patuloy lang kami sa aming kinakain at pinag-uusapan.

"Dahil dito sa Jollibee na ito tayo naging magkasintahan, nararapat lang na may kinalaman din sa Jollibee ang ating magiging tawagan. Ready ka na ba?" wika ni Aurora.

"Ready na!" tugon ko.

"Ang gusto kong itawag mo sa akin ay CHICKEN JOY," wika ni Aurora.

"Bakit naman CHICKEN JOY?" wika ko.

"Dahil sa salitang JOY na ang ibig sabihin ay 'kagalakan', at sigurado akong ang kinatay na manok para ito'y maging CHICKEN JOY ay isang babaeng manok," wika ni Aurora.

"Sigurado ka?" tugon ko.

"Oo naman! Dahil kung lalaki ang kinatay nila, eh di sana CHICKEN JACK," walang kakuwenta-kuwentang paliwanag ni Aurora.

"Oo nga, eh anong itatawag mo naman sa akin?" tugon ko.

"Ang itatawag ko naman sa iyo ay JOLLY HOTDOG," wika ni Aurora.

"Bakit naman JOLLY HOTDOG?" wika ko.

"Dahil sa salitang JOLLY na ang ibig sabihin ay 'mapagtawa' at sa salitang HOTDOG na ang ibig sabihin ay ipinagluto kita ng 'hotdog' kanina," isa na namang walang kakuwenta-kuwentang paliwanag ni Aurora.

"Puwede bang makiusap?" wika ko.

"Puwede naman, bakit?" tugon ni Aurora.

"Puwede bang palitan mo yung itatawag mo sa akin?" wika ko.

"Puwede naman. Kung papalitan ko yung itatawag ko sa iyo, papalitan na rin kita. Nauunawaan mo na?" nakakaasar na wika ni Aurora.

"Yun naman pala eh, walang problema sa akin. Pakilinawan mo nga uli yung mga tawagan natin sa isa't-isa," pakiusap ko kay Aurora.

"Ang itatawag mo sa akin ay CHICKEN JOY at ang itatawag ko naman sa iyo ay JOLLY HOTDOG. Simula ngayon, ikaw si JOLLY HOT at ako naman si CHICKEN JOY," wika ni Aurora at saka nagbunyi ang mga taong kumakain sa loob ng Jollibee; sa sobrang kagalakan nila'y binigyan nila kami ng kani-kanilang pagkain.

"Chicken Joy, tingnan mo't binigyan pa nila tayo," wika ko habang patuloy sa pagtanggap ng mga bigay mula sa iba't-ibang tao.

"Marami pong salamat, marami pong salamat!" wika ni Aurora sa mga taong nagbibigay din sa kanya.

Matapos naming tumanggap ni Aurora, isinilid namin sa kanyang bag ang lahat ng aming mga tinanggap, at patuloy lang kami sa aming pagkain hanggang maubos namin ang mga inorder niya nasa aming mesa; pagkatapos naming kumain, muli kaming nagpasalamat sa lahat ng mga nagbigay at mga kumakain sa loob ng Jollibee bago kami tuluyang lumabas at magtungo sa sinehan.

"Chicken Joy, mauubos ba natin ang lahat ng nasa loob ng bag?" wika ko habang palakad-lakad kami ni Aurora.

"Siyempre, hindi. Kaya nga tayo naririto para mabawasan ang aking dinadala," wika ni Aurora habang bigat na bigat sa kanyang dalang bag.

"Paano natin gagawin iyon?" wika ko.

"Manood ka!" wika ni Aurora.

Habang naglalakad kami ni Aurora, inaabutan ni Aurora ng kung anumang pagkain mula sa kanyang bag ang bawat masalubong niyang tao, at sa dami ng kanyang nabigyan; nabawasan nang husto ang laman ng bag niya.

"Okey yung ginawa mo, dinaig mo pa si Santa Clause sa dami ng nabigyan at napasaya mo," wika ko.

"Alam ko kasi kasing katakawan ang pagiging maramot sa kapwa. Tinanggap natin ang mga ito nang LIBRE, magbibigay din tayo sa kanila nang LIBRE," wika ni Aurora.

"Tama ka roon! Sapat na iyang natira sa loob ng bag mo para maging pagkain natin sa loob ng sinehan mamaya," wika ko habang papalapit na kami sa sinehan na sa pareho ding palapag.

Nang nasa sinehan na kami, agad kaming pumila para bumili ng mga ticket para sa aming panonoorin; nag-uusap kami kung ano ang maaari naming panoorin.

"Jolly Hotdog, anong panonoorin natin?" wika ni Aurora habang nakayakap sa akin at habang naghihintay kaming maasikaso sa pila.

"Dahil sa kabaitang iyong ipinamalas, dalawang magkasunod na pelikula ang ating panonoorin. Magsabi ka kung anong gusto mo," wika ko habang papalapit na kami sa bilihan ng ticket.

"Gusto ko yung MAGIC KOMBAT, ikaw ano naman ang gusto mo?," wika ni Aurora.

"Gusto ko naman yung FATHER EN SON, sige ito na ang mga panonoorin natin," wika ko.

Nang kami na ni Aurora ang inaasikaso ng kahera, agad kaming namili at nagbayad, at magkasunod naming pinanood ang mga napili naming pelikula; pagkatapos naming manood, agad kaming lumabas upang muling maglakad-lakad.

"Nagustuhan mo ba yung mga napanood natin, Chicken Joy," wika ko habang palakad-lakad kami ni Aurora sa palapag ding iyon.

"Oo naman! Saan naman tayo ngayon?" wika ni Aurora.

"Maghanap tayo ng isang 'photo studio' upang magkaroon tayo ng patunay na naging magkasintahan tayo ngayong araw na ito (Enero 1, 1996). Halika, doon na lang tayo sa pinakababang palapag maghanap-hanap," wika ko at saka kami nagtungo sa palapag na iyon sa pamamagitan ng pagsakay sa "elevator", at pagbaba namin; agad kaming lumabas at nag-usa habang naglalakad patungo sa sinasabi kong "photo studio".

"Mabuti't naisipan mong magpakuha ng ating larawan, salamat nang marami," wika ni Aurora.

"Nararapat lang na magkaroon tayo ng larawan para may patunay ng ating wagas na pagmamahalan," wika ko at nang makarating ako sa sinasabi kong "photo studio"; agad kaming inasikaso pagkapasok namin.

Sir, Ano pong maipaglilingkod ko?" wika ng "receptionist".

"Magpapakuha kami ng aming 'memorable photo' at gusto ko may dedikasyon kami sa isa't-isa," wika ko sa " receptionist"

"Sir, ano pong ilalagay natin?" wika ng "receptionist".

ENJACK AMMO LOVES AURORA BOULEVARD, yun po ang inyong ilalagay," wika ko.

"AURORA BOULEVARD, parang pangalan ng kalsada?" tugon ng "Receptionist".

"Oo, nga. Paano yun nangyari?" wika ko kay Aurora.

"Pagkatapos natin, ikukuwento ko," wika ni Aurora sa akin.

"Mam, basta ganoon na ganoon po ang inyong ilalagay sa 'dedications' sa bandang harap at mayroon din sa likuran," wika ko sa "receptinonist".

Matapos akong asikasuhin ng "receptionist", agad kaming naupo ni Aurora na nasa loob din ng "photo studio" na ito; nagsimula siyang maglahad patungkol sa kanyang pangalan.

"Anak ako ni RALVE SHAWN BOULEVARD, isang 'foreign national' at ni Calla Quezon na isang dalaga na tubong Quezon. Nagkakilala sila sa isang nagaganap na illegal na karera sa mismong Aurora Boulevard," wika ni Aurora.

"Nanggaling ang pangalan mo sa mismong pangalan ng kalsada (Aurora Boulevard), di ba?" wika ko.

"Hindi rin, muli kong ipagpapatuloy ang aking paglalahad. Noong hindi pa sila magkasintahan, laging ikinukuwento ng aking ama sa aking ina ang tungkol sa kanyang 'signus'. Ayon sa aking ama, mamamatay daw siya sa kamay ng isang nagngangalang 'Aurora' bago siya maikasal kaninuman. Nang maging magkasintahan na sila, wala namang naikukuwento ang aking ama na may pangalan na 'Aurora' sa aking ina kahit nalalaman naman na napakaloko nito sa mga babae. Noong ipinagbubuntis na ako ng aking ina, nangailangan ito ng malalaking halaga para sa aming ikabubuti. Dahil sa hindi naman sapat ang kinikita ng aking ama bilang isang tipikal na trabahador, nagsimula itong matutong magdrive at kalauna'y naging tanyag na karerista rito sa kamaynilaan. Dahil sa kanyang pangangarera, nag-akyat siya ng hindi kapani-paniwalang halaga ng salapi sa noo'y nagdadalang-tao kong ina. Tatlong buwan bago ang nakatakdang pagpapabinyag sa akin, nakatanggap ng masamang balita ang aking ina, nakitang nakahandusay ang bangkay ng tatay ko sa Aurora Boulevard. Nang malaman ito ng aking ina, agad na niya itong ipinalibing. Dahil sa kawalan ng mga patunay at mga saksi, lumapit sila sa isang manghuhula ang aking ina at ang umampon sa akin na noo'y katrabaho niya sa isang hindi malamang 'institusyon'. Ayon sa nilapitan nilang manghuhula, isang nangngangalang 'Aurora' na hindi naman nahulaan ang apelyedo ang nakapatay nang hindi sinasadya sa mismong lugar kung saan ito namatay. Matapos nito'y agad silang lumapit sa mga biyenan niya upang magtanong tungkol sa nagngangalang 'Aurora' ngunit wala silang masabi. Mahigit isang linggo ang lumipas, nakatanggap ng liham ang aking ina mula sa malayong pinsan ng kanyang asawa na noo'y nagtratrabaho bilang isang 'factory worker' malapit sa pinangyarihan ng kamatayan nito. Nagkita sila't nag-usap. Ayon sa malayong pinsan ng kanyang asawa, noong ang kanyang asawa'y labing-isang taong gulang pa lamang, dahil sa sobrang kaguwapuhan at kakisigan nito, nagkanobya siya na may pangalang 'Aurora'. Ngunit si Aurora' ay may sakit sa dugo kaya wala pa silang isang taon ay namatay na ito, naiwan si Ralve Shawn na palihim na umiiyak sa sarili nitong kalabaw pagkaraang mamatay ng kanyang minamahal na si 'Aurora'," wika ni Aurora sa akin.

"Anong kinalaman ng kalabaw sa kanila ni 'Aurora'?" wika ko.

"Ang sabi ng malayong pinsan ng aking ama, doon sa kalabaw na iyon sumasakay ang magkasintahang Ralve Shawn at 'Aurora' sa tuwing sila'y magkikita nang palihim at ang kalabaw na iyon ang tanging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan. Sa panahong nagluluksa ang aking ama sa pagkamatay ni 'Aurora', sa harapan ng kanyang kalabaw, na wala walang anumang mga aksidente, mga karamdaman, kalamidad, mga krimen, at mga kaaway ang maaaring makapatay si 'Aurora' lang daw. Ayon pa sa malayong pinsan ng aking ama, kahit napakaguwapo' makisig ng aking ama, hindi na nga nitong nagawang maghanap pa ng bagong kasintahan, at nag-asta itong suplado sa buong buhay nito. Nahilig siya sa mga iba't-ibang sugal, doon niya ibinuhos ang panahon upang piliting kalimutan si 'Aurora'. Minsan nagsugal siya nang kasama yung kalabaw niya, nagsunod-sunod ang pagkapanalo nito sa anumang sugal na mapustahan. Dahil sa nakitang iyon ng aking ama, sa tuwing siya'y magsusugal, lagi na niyang dinadala yung kalabaw, at sa ganoong paraan ito nagkapera. Nang maglaon nahilig sa kotse ang aking ama, nang makabili'y pinangalanan niya itong KALABAW NAMIN NI AURORA. Ang lahat ng sinalihan niyang karera'y puro panalo ang nakakamtan nito, at sa ganoon niya natutulungan ang kanyang mga magulang. Kahit sa kanyang pag-edad pa'y lalo pa siyang kumisig, hindi pa rin siya nagkahilig sa mga babae hanggang sa makilala niya si Calla Quezon, ang aking ina," wika ni Aurora.

"Sige na, ituloy mo pa sapagkat matatagalan pang gawin ang ating ipinagagawa," wika ko.

"Ayon sa umampon sa akin na noo'y matalik na kaibigan at dating 'classmate' ng nanay ko sa 'College', minsa'y papunta sila sa paborito nilang 'canteen' na kanilang kinakainan tuwing sila'y may pasok. Bago sila pumasok, napansin ng aking ina yung kotseng may pangalan na KALABAW NAMIN NI AURORA, agad silang pumasok ng umampon sa akin at agad siyang nagsalita sa maraming tao nang 'Nasaan yung may-ari ng KALABAW NAMIN NI AURORA, pakiusap ilabas ninyo siya," at ilang sadali pa'y may tumayong lalaki at lumapit sa kanya at nagwika nang 'ako po yung may-ari ng kotseng tinutukoy ninyo, ano pong aking maipaglilingkod,' habang nakaharap at nakatingin pa sa kanyang mga mata. Pagkatapos, nagsalita ang aking ina nang 'hindi mo ako natatandan, ako yung tinangka mong sagasaan, ano nakalimuan mo na ako? Ngayong nandito na tayo, sisiguraduhin kong pananagutin kita,' at agad lumuhod ang aking ama,'t nagwika nang 'magandang binibini, hindi ko ginawa iyan, sa katunayan, patungo ako sa isang pakikipagtagpo sa isang kaibigan nang magtagpo ang ating landas, sa sobrang pagmamadali ko'y hindi ko alam kung napinsala kita. Matapos ko ang aking lakarin, hinanap kita upang humingi ng paumanhin ngunit wala man lang makapagsabi kung saan ka naroroon, at ngayong nagtagpo na tayo'y hihingi na ako ng kapatawaran kasabay ng mga ibibigay mong kaparusahan sa aking kabastusan,' at pagkatapos nito'y humalik siya sa mabahong paa at sapatos ng aking ina habang lumuhupa pa. Nang marinig at maramdaman ng aking ina ang sinabing iyon ng aking ama, agad niya itong itinayo at nagwika nang 'pasensiya ka na kung nagawa ko ito sa iyo, na dumihan kasi yung aking palda dahil sa ginawa mong iyon kaya ko ninais kong makausap ka at maparusahan. Dahil sa hindi mo naman intensiyon na sagasaan ako, pinawawalang-sala na kita,' at ang lahat ng ms kumakain sa 'canteen' na iyon ay nagalak sa kanilang mga nakita. Ibang klase yung nanay ko, may pagalit-galit pa pagkatapos ay bibigay din pala," wika ni Aurora.

"Uy, ano pang mga sumunod na pangyayari. Sige na, magkuwento ka pa," wika ko.

"Ayon sa umampon sa akin, doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan," wika ni Aurora.

"Ibig sabihin, hindi nanligaw yung tatay mo sa nanay mo?" wika ko.

"Oo nga ang kulet mo! Sige ipagpapatuloy ko ang katuloy ng aking kuwento. Ayon sa umampon sa akin, naging malapit silang tatlo hanggang kalauna'y ang nanay at tatay ko na lang ang madalas magkasama ngunit nagkukuwento naman sila sa umampon sa akin ng mga 'not so private' nilang mga pagkakataon. Hanggang sa magkatapos na ng kolehiyo at makapagtrabaho nang magkasama sa isang 'facility' ang aking ina at ang umampon sa akin, patuloy pa rin ang pag-iibigan ng aking mga magulang hanggang malaman nilang naroroon na ako sa sinapupunan ng aking ina. Dahil sa medyo komplikado ang pagdadalang-tao ng aking ina, nagsumikap ang aking ama na makalikom ng maraming pera at ginamit nito ang kanyang sasakyan sa pangangarera upang makapagbigay ng maraming pera sa aking ina. Dahil sa dami ng naiakyat na pera ng aking ama, nakapagpakasal pa sila habang nasa sinapupunan pa lang ako. Dahil nalalapit na ang panganganak ng aking ina, mas madalas nang nakikipagkarera ang aking ama. Kung tutuusin, sapat na ang mga nalikom na pera ng aking ama para sa panganganak ng aking ina, ngunit nagpatuloy pa rin ito at sumali pa sa mas mapapanganib na karera para mas marami pa itong maiakyat na pera sa manganganak kong ina. Dahil sa nakitang pagiging mabuting asawa nito sa aking ina, hindi na nagawang mapigilian ito. Isang araw habang nasa bahay at nagpapahinga ang aking ina, nakatanggap na lang siya ng balita na nakitang nakahandusay sa 'Aurora Boulevard' ang walang buhay ng katawan ng aking ama. Bago siya nagtungo roon, isinama niya ang umanpon sa akin at magkasabay silang nagtungo sa lugar kung saan natagpuan ang aking ama, at naabutan na nila itong patay sa isang malapit na ospital malapit sa pinagtagpuan sa katawan nito. Dahil sa maselang pagbubuntis ng aking ina, hindi na siya hinayaang makita pa ang eksaktong kalagayan ng aking ama habang ito'y nasa ospital pa, bagkus, tanging ang umampon na lang sa akin ang nag-asikaso sa bangkay ng aking ama at sa pahintulot ng aking ina'y ipinaayos na agad ang magiging burol nito sa aming bahay. Agad din itong ipinaalam sa mga kaanak ng aking ama. Bago ako maipanganak, nagpahula ang nanay ko at ang umampon sa akin sa isang manghuhulang matatagpuan malapit din sa pinagtagpuan sa katawan ng tatay ko. Ayon sa manghuhula, isang nagngangalang 'Aurora' ang nakapatay sa tatay ko. Dahil sa wala namang nalalaman nagkaroon ng ibang kasintahan ang tatay ko bago niya makilala ang aking ina, lumapit sila sa mga magulang ng aking ama, at wala silang nalalaman may nakarelasyon ang kanilang anak na may pangalang 'Aurora' hanggang sa nakaharap nila at nakausap ang malayong pinsan ng aking ama na siyang naglahad ng mga patungkol kay 'Aurora'. Nang ako ay pabibinyagan na, nagpasya ang aking ina na pangalanan akong 'Aurora' bilang pag-alaala sa pagiging mabuting tao at mabuting asawa ng aking ama. Minabuti niya itong gawin upang huwag magtuloy sa akin ang 'sumpa' na siyang pinaniniwalaan ng aking ina na siyang pumatay sa aking ama. Sa ganoon nagtatapos ang aking kuwento kung bakit naging AURORA BOULEVARD ang aking pangalan," wika ni Aurora na sinundan pa ng mga palakpakan ng mga nakarinig sa kanyang pagkukuwento.

Matapos naming makuha ni Aurora ang aming ipinagawa sa "photo studio" na iyon, agad kaming lumabas sa SM Megamall upang maghintay ng "taxi cab" at nang makauwi na; nagbayad ng pamasahe bago tuluyang bumaba sa aming nasakyan. Nag-uusap muna kami habang pinagmamasdan ang bahay nila Aurora.

Brgy. East Rembo, Makati City (Enero 1, 1996)

"Talagang hindi pa rin umuuwi ang Mama mo, may mga damit ka pa bang magagamit?" wika ko habang binubuksan ko ang pinto ng aking inuupahang bahay.

"Marami pa naman, bukas na lang ako kukuha sapagkat natatakot akong pumasok diyan," wika ni Aurora.

Nang mabuksan ko na ang pinto, agad kaming pumasok bitbit ang ipinagawang litrato naming dalawa; agad kaming nagtungo sa aking kuwarto upang doon ipagpatuloy ang aming pag-uusap.

"Saan natin ito ilalagay?" wika ni Aurora.

"Diyan sa mesang malapit na katabi ng kama para paggising natin mukha pa rin natin ang ating makikita," wika ko.

"Okey, maganda iyang naisip mo," wika ni Aurora at saka inilapag nang nakatayo ang larawan nila na naka-frame.

"Bakit kailangang nakatayo ito kapag ilalagay sa mesa", wika pa ni Aurora matapos niyang mailapag ang aming larawan sa mesa.

"Sapagkat nakatayo naman tayo nang kuhanan tayo ng larawan," tugon ko.

Matapos naming mailagay ang aming larawan, naligo muna siya; nagtungo ako sa bintana upang pagmasdan ang buwan.

"Malapit na tayong magkita, Enjack," wika ng isang boses na aking narinig.

"Sino ka, anong kailangan mo?" wika ko.

"Ilang sandali na lang ay magkikita na tayo, Enjack," wika ng isang boses na aking naririnig.

Matapos maligo ni Aurora, nilapitan niya ako; napapansin niya ang kakaibang nangyayari sa akin.

"Anong sinasabi mo, may kinakausap ka ba?" wika ni Aurora at saka ako tinapik sa aking likuran.

"Wala, wala naman," wika ko at saka ako sumunod na naligo; naiwan ko si Aurora na nagpapatuyo ng kanyang buhok.

Pagkatapos kong maligo, agad akong lumabas at nagbihis; tulog na si Aurora nang tumabi ako sa kanya upang matulog na rin.


Load failed, please RETRY

Un nouveau chapitre arrive bientôt Écrire un avis

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous