Télécharger l’application
75% Loving The Billionaire |Tagalog / Chapter 3: Chapter 3

Chapitre 3: Chapter 3

Halos mamula na ang balat ko sa pagkuskos ko ng salt spa. Sabi sa mga vlogs ay mabisa daw itong pampakinis. Kaya naman iba't-ibang klase ng pampaputi, pampakinis at pampaganda ang ginamit ko.

Achieve naman ang goal na pumuti dahil tingin ko pantay na ang kulay ng braso ko sa loob ng dalawang linggo lang dahil sa matiyagang pagpahid at pagkuskos ko ng iba't-ibang produktong pampaganda. Hindi na sunog dahil sa labis na init na dulot ng napaka-init na temperatura sa Cagayan.

Para makakuha ng trabaho, specific sa pagiging push girl ay kinakailangan kong alagaan ang aking sarili. Kailangan kong magpaganda at maging fit. Sabi nga nila asset daw ang balat, mukha at height para sa pagpasok sa trabaho.

Kaya naman laking tuwa ko kahapon ng matanggap ako at sinabihan akong um-attend agad ng go-see. May pinabasa silang spiel na kailangang i-deliver ng maganda. Iyong tipong pang-commercial sa tv ang dating.

Kailangan naming sabihin iyon sa harap ng mga clients. Sobrang saya ko ng matanggap ako. Agad na na-process ang application ko, binigyan ako ng company Id at ng uniform para sa event.

Sabi nina Cherry at Aileen na kapitbahay ko. Ang swerte ko daw dahil ang gosee na iyon ay para sa mga class A girls. Laking pasalamat ko talaga at tinulungan nila akong makapasok. Kahit paano, umangat ng kaunti ang tingin ko sa sa sarili ko.

This job, somehow boosts my self confidence and self esteem. Ang lakas makaganda.

From now on, I will love myself more. I'll focus on work, dahil ang first project na ito ang simula ng magandang career para sa akin. Sana. Thank you Lord.

Pagkatapos kong magbabad sa banyo ay alas-siete na ng umaga. Twelve pm pa ang start ng event, pero ten am dapat nasa venue na kami.

Ang event ay isang product activation ng isang sikat na brand ng lotion. Product launch ng bagong variant na Sakura.

Sabi nina Aileen kailangan kong galingan, kailangan ko magpa-impress para maka-attract ng client. 

May mga photographers daw na dadalo sa event sabi nina Aileen. Advantage daw ang mga pictures at exposure dahil dagdag daw ito sa aking set card para sa portfolio ko.

Nakarating ako sa global city bandang ten am. Lima kaming lahat na push girl at pang-anim ay ang aming team leader.

Kabado ako ng mag-start na ang event. Hindi puwedeng bobita ako sa unang araw ng trabaho ko. Tinignan ko ang ibang mga kasamahan ko para may idea at guide ako sa gagawin ko.

Maganda ang tindig nila, nakangiti at confident habang ginagawa ang spiel nila sa mga customer na lumapit. Huminga ako ng malalim saka ako ngumiti. Kaya ko 'to.

May mga lumapit ng mga customers, hindi ko nagawa ang spiel dahil ang mga customers ay matanong. Mabuti at nag-review ako kagabi at nasaulo ko ang mga sinabi sa product orientation kahapon.

Habang nag-se-sales talk ay may mga photographers na lumapit. Kinukuhanan nila ako ng pictures kaya naman nakangiti akong nagsasalita.

Nang umalis na ang mga customers ay nilapitan ako ng mga photographer. This is it. Matamis akong ngumiti ng itutok nila ang camera sa akin.

Mayroong hawak ko ang item na pinu-push ko at iba naman ay nakasimpleng post.

"Hi, I'm Mar," pakilala ng isang photographer sa akin. Nakipagkamay siya sa akin.

"Cecilia," pakilala ko. Gusto ko man siyang i-entertain at magpa-impress pero may mga customers na lumalapit at nandito ako para magtrabaho.

Nag-abot siya ng calling card sa akin at masaya ko iyong tinanggap. Naging busy ako sa buong event. May mga iba pang photographers na lumapit, kumuha ng picture at nagbigay ng calling card. Madami ding ibang lumapit na nakipagkilala at nag-abot din ng calling cards. Hindi naman sila photographer dahil wala naman silang hawak na mga camera.

Masaya at ganado ako buong event. Kahit ngalay na ngalay na ang binti ko dahil sa ilang oras na pagtayo ay motivated pa din ako.

Ang saya at ang lakas makaganda.

Naalala ko na sinabi ng ibang models na kasama ko kanina. Ang mga ganitong big events daw ay gateway para sa mas malaki pang mga opportunity.

Maari akong magkaroon ng offers para sa mga incoming big events from big clients at magkakaroon ng connection.

Bandang alas-sinco ng hapon ay kaunti na lang ang mga tao.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Almira na nakatayo sa gilid ko. Kinuhanan niya ako ng letrato saka lumapit sa akin. "Ganda naman this girl," anita ng makalapit sa akin. Ngiting-ngiti siya at sinipat ang itsura ko.

Kumuha siya ng ilang piraso ng lotion kaya naman napangiti ako.

"Thank you, ma'am," wika ko at nginitian siya. Umirap siya at tumawa.

"Nakita kita kanina, daming lumapit sa'yo na mukhang mga bigtime ah," aniya.

"Kilala mo ba sila?"

"Not really. Pero ang isa ay parang nakita ko na sa isang party dati," saglit niya habang nililibot ang tingin sa paligid. 

"Nandito pala sina kuya Adrian. At hulaan mo kung sino ang kasama niya." Tinaas baba niya ang kilay niya at tinignan akong may ngisi sa labi.

Hindi ako nakaimik dahil biglang tumalon ang puso ko dahil sa narinig ko. Ayan ka na naman self. Wala pang pangalan na nabanggit affected ka na agad.

Sakto ding nakita ko na palapit sina Kuya Adrian.  Kumuha din siya ng lotion na pinu-push ko.

Hindi mahahalata na nakikipag-tsismisan lang ako dahil tiyak na bibilhin naman nila ang mga hawak nila.

"Kasama ko nga pala si Jetro," wika ni Kuya Adrian na tila tinutudyo ako. Tipid akong ngumiti at tinapunan ng tingin si Jetro ng ilang segundo lang.

"Kanina pa kami dito. Hindi na muna kami lumapit kasi may mga lumalapit sa'yo at nagbibigay ng calling cards."

Tinignan niya ako sabay baling kay Jetro. Sa lahat yata ng unang nakilala ko dito sa Manila, si Kuya Adrian at ang barkada niya ang unang nakapansin ng pagkagusto ko kay Jetro. Hindi ko napansin na ang obvious na pala ng kinikilos ko.

"Mukhang magkakaroon ka pa ng offer para maging model," saad ni Almira.

"Hindi naman." Tinusok niya ang tagiliran ko.

"Halata naman na iyong ibang lumapit sa'yo kanina ay may ibang balak. Inaya ka ba sa date?" Kinunotan ko ng noo si Almira. Nilakihan niya ako ng mata na tila sinasabing um-oo ako sa sinasabi niya.

"H-huh. Tinatanong kung kailan ako pwede," sagot ko. Sinakyan ko ang trip niya. Napatawa si Kuya Adrian kaya naman binalingan ko siya ng tingin.

Nakita ko na seryoso ang mukha ni Jetro habang nakatingin sa akin. Hindi niya ako nginitian na gaya ng ginagawa niya lagi.

Well, he hates me.

Tinignan niya ang kabuuan ko. Hindi man komportable sa paninitig niya ay pinilit kong hindi mailang.

Nagiging insecure talaga ako sa sarili kung nasa malapit siya sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto na ang gaya niya ay hindi nababagay sa akin. Bukod sa malayong agwat namin sa buhay, hindi din siya nakakabuti sa akin. Whenever he's around me, I feel so small and so low.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous