Télécharger l’application
30.43% DEREF / Chapter 14: DEREF CHAPTER TWELVE

Chapitre 14: DEREF CHAPTER TWELVE

Jairus POV

"Aalis kana magagawa mo kaya?" Naputol ang pagbabalik nakaraan ko dahil sa tanong ni tanda sa'kin kaagad ko syang nilingon ng walang ka emo-emosyon man lang.

"Tanda dalawang taon na magmula ng umalis ako sa pilipinas para sumama sayo at ngayon din ang araw para magbalik ako para labanan sila gagawin ko ang lahat para makuha ko ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya ko." Paliwanag ko.

"Hahayaan kita pagdating dyan. Pero isang babae ang sunod nilang biktima kaya kailangan mong protektahan kung sino man iyon." Sagot ni tanda.

"At sya din ang susi ko para mag kaharap kami ng mga taong may gawa sa pamilya ko nun." Sabi ko. Magmula ng turuan ako ni tanda isa sa mga tinuro nya ang paghaba ng pasensya at wag pagpapakita ng galit. �"Salamat sa lahat tanda sa pag tulong nyo sa'kin." Seryoso kong sabi.

"Gawin mo ang lahat yan lang ang bilin ko." Sabi ni tanda.

"Master, we have to leave because the pick-up is already there." Sabi ng kung sino kaagad kong nilingon kung sino yung tekwa nayun yung mag susunod lang pala sa'kin.

"Is that so, I'll follow." Naboboring kong sagot kaagad naman syang lumabas at sinarado ang pinto. Tumayo ako at tinignan si tanda.

"Tanda aalis na ako maglalaban pa tayo pagbalik ko." Seryoso kong sabi.

"Natalo mona ko ano pang gusto mo?" Natatawang sabi nya.

"Syempre Ikaw ang nagturo sa'kin kaya dapat naglalaban ang trainer at coach." Sabi ko sabay talikod at itinaas ang kanang kamay ko bilang pagpapaalam.

Ganyan talaga kami magusap nyan akala ko seryoso at strikto pero sobrang bait nyan at maloko din.

Kaagad akong sumakay ng eroplano ni tanda pauwing pilipinas.

Kaagad akong umupo at inayos ng tauhan ni tanda ang mga gamit ko.

Tumingin ako sa bintana at naramdaman kong umandar na ang eroplano kaagad kong sinukbit sa tenga ko ang headphone at tumingin sa bintana at sinandal ko ang aking ulo at nag isip.

Dalawang taon na magmula ng mangyari iyon sa pamilya ko pero sariwang sariwa pa ang lahat ng iyon na parang kahapon lamang nangyari.

Dalawang taon ko naring hindi nabibisita ang pamilya ko sa sementeryo pero sinabi sa'kin ni tanda na pinaganda nya daw iyon at nasa maayos na ang lahat.

Dalawang taon narin magmula ng iwan ko ang mga kaibigan ko para harapin ang madaling kong kapalaran.

Dalawang taon din akong sinanay ng kung ano-ano ni tanda at dahil sa kanya naging ganito ako.

...

Naramdaman kong may tumatapik sa'kin na kung sino at unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko.

Nang dahil sa pag-iisip ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Master, we are already here and they have also unloaded your belongings. And there is the motor you got." Sabi ng isang babae sa'kin.

"All right, let me go down, please tell Tanda, thank you very much." Seryoso kong sagot at bumaba na.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa hangin na sumalubong sa'kin.

Dalawang taon narin ng huli ko itong maramdaman.

Nakita ko kaagad yung motor.

May kalumaan na sya pero malinis sya kaagad kong naalala ng ibigay sa'kin ni kyle to kung naaalala nyo pa.

Bumalik kaagad lahat ng ala-ala dahil dito sa motor na to.

Bago pako maiyak sinakbit kona sa likod ko ang bag ko

Oo bag hindi maleta

Ano namang ilalagay ko sa maleta e wala naman akong masyadong gamit.

Kaagad kong binuksan ang engine ng motor at pinaandar ko iyon.

...

Tinatahak ko ang daan na diko alam kung saan pupunta.

Kailangan kong maghanap ng trabaho.

Oo trabaho dahil wala pa akong matitirhan hindi pa ako pu-pwedeng bumalik sa dati naming bahay na binili ni tanda para sa'kin dahil wala pa akong balak magpakita sa mga d kengkoy's.

Kaagad akong huminto sa isang lugawan dito sa?

Qc

Kaagad kong pinarada ang motor ko at bumaba.

Pinag titinginan ako ng mga tao na hindi ko malaman kung bakit.

Yung iba natatawa pa e kung tadyakan ko kaya tong mga to.

Diko alam kung anong mali sa'kin at nagtatawanan sila.

"Tingnan mo nga naman trip ng mga jologs." Natatawang sabi nung lalaki sa kasama nya sa kabilang table.

"Oo nga pare ang init-init naka coat na hanggang tuhod at naka salamin na itim" sabi nung kaharap nya.

Totoo naman sila naka coat ako ng kulay itim at naka salamin din ng itim para kong si robin padilla pero mas maangas nga lang ang dating ko dun.

May lumapit sa'kin na server at nag tanong sinabi ko namang kanin at isang buong manok.

Gutom ako kanina pa bago ko pa makain tong mga barubal na to mas mabuti pang magpigil.

Nang maibaba ang pagkain ko kaagad ko itong hinipan dahil mainit pa masyado.

Nang alam kong matatalo kona sya kaagad ko syang nilantakan wala akong pakielam kung pag tinginan ako ng mga demonyo sa palagid ko dahil gutom ako.

Antayin nila kong matapos dito at pag babatuhin ko sila ng mga upuan.

Nang matapos ako kaagad kong ininom ang tubig na nasa baso.

Kaagad akong tumayo at nahirapan ako dahil sa kabusugan pero nakaya ko parin kaagad akong naghugas ng kamay at lumapit sa cashier.

"Ere ang bayad masarap ang manok nyo nabusog ako." Sabi ko dun sa babaeng cashier.

"Ganun talaga ang man-

"Hindi ko tinatanong." Pagputol ko ng sasabihin nya yung manok ang pinuri ko hindi sya. Kaagad akong umalis at sasakyan kona sana ang motor ko ng may makita akong kahina-hinala ang kilos at umupo muna ako saglit para panuorin sa kung anong gagawin nya.

Ilang saglit may magandang kotse ang pumarada malapit sa kanya nakita ko kung pa'no maalarma yung kahina-hinalang lalaki ng dumating ang kotseng iyon.

Hindi ako yung klaseng sasali sa problema ng iba pero alam kong dehado kung sino man ang nasa loob ng kotse.

Tumayo ako at handa na sanang tumawid papunta sa kanila pero kaagad bumukas yung kotse at iniluwal nun ang may edad pero magandang babae.

Shit.

Tama ako sya ang target.

Mabilis pa sa alas kwatro kaagad kong tinalunan yung umaandar na mga kotse para makatawid narinig ko ang mga sigawan ng mga iyon pero wala kong nilingon isa man sa kanila ng itinutok ng lalaki ang baril nya sa kalalabas lang na babae kaagad kong hinawakan ang baril nya at kinasa iyon para matanggal ang magazine at nagtagumpay naman ako kaagad kong kinuha ang magazine at ipinakita sa kanya iyon.

Halatang gulat na gulat sya dahil sa pakikielam ko.

"Si-sino k-ka pa-pano m-mo na-nagawa yun?" Nauutal at kinakabahan nyang sabi.

Ngumisi ako ng mala demonyo sa kanya na ikinaputla nya.

"Call me "MASTER."sabi ko at kaagad akong umikot at sinipa sya ng tumama yung paa ko sa kanya parang nag slowmo yung pag bagsak nya sa sahig ayun kinuyog na sya ng mga tao dun.

"Ayos na po ang lahat wag na kayong matakot." Seryoso kong sabi dun sa babae na balak patayin.

Nabigla ako ng yakapin nya ako nararamdaman kong natatakot at nanginginig parin sya dahil na rin sa mga nangyari.

Kaagad kong syang niyakap na ikinabigla ko din.

Pero hindi ako bumibitiw.

Miss na miss kona ang gantong pakiramdam yung pag yakap sa'kin ni mama yung pangungulila ko ngayong wala na sya, sila.

"Salamat iho sa pag ligtas mo sa'kin sumama ka sa'kin ng makapag pasalamat ako sayo." Sabi nya.

Dahil wala akong matitirhan at matutuluyan baka swerte na talaga to.

Kaagad akong tumango-tango at ngumiti naman sya.

"Halika na iho." Sabi nya at hinila ako. Nagtaka sya ng hindi ako humakabang.

"Ah may motor po ako susunod po ako sainyo." Sabi ko at tumango naman sya.

Kaagad syang sumakay sa kotse nya at pinaandar iyon.

Nang tingnan ko yung gumawa nun ayun nakatakbo na.

Hahayaan kitang makatakas para ipaalam sa boss mo na gustong magpapatay sa babae nayun na tinulungan ni master.

Bumalik ako sa ulirat ng makarinig ako ng palakpakan ng mga tao sa paligid ko.

Hindi nako nag aksaya ng oras at kaagad tumawid para sumakay sa motor ko.

Nang makasakay ako kaagad ko iyong pinaandar at sinundan yung kotse nung babae.

...

Huminto yung kotse nung babaeng tinulungan ko sa guardhouse at kinausap ang gwardya itinuro naman ako nung babae na tinulungan ko habang kausap yung gwardya ilang saglit nakita kong nag tanguan sila sa isa't isa at kaagad pinaandar yung kotse nung babaeng tinulungan ko at ganun din ako habang naka sunod sakanya nakikita kong tumitingin tingin sya sa side mirror nya wag kang mag alala nakasunod ako.

Base narin sa mga nakikita ko isa tong malaking subdivision at halatang mga mayayaman ang nakatira dito dahil narin sa lake ng mga bahay.

Napapreno kaagad ako ng huminto ang kotse nung babaeng sinagip ko at bumusina ng ilang beses may nag bukas naman sa kanya na babae na maid ata nila.

Kinausap nya yun at tumango-tango yung maid.

Kaagad umandar papasok yung babae at sumunod ako napahinto uli ako ng harangan ako ng maid.

"Ser check ko lang po yung laman nung bag n'yo." Tumango naman ako at inabot sa kanya ang bag ko.

"Eto napo sir. Dyan nyo nalang po yung motor nyo." Abot nya sa'kin nung bag ko at sabay turo ng pagpaparadahan ko.

Pumasok na sya at pinarada kona ang motor ko.

Kaagad kong nilibot yung paningin ko at mmm malaki ang bahay.

"Iho tuloy ka." Napapitlag ako ng biglang magsalita yung babaeng tinulungan ko.

Kaagad naman akong sumunod sa kanya at huminto sya sa kusina at may inutusan syang katulong para magluto ng pagkain.

"Iho anong pangalan mo?" Tanong nung babae sa'kin.

"Jai ho." Sabi ko at ngumiti naman sya.

"Tawagin mo nalang akong miss keilla." Nakangiti nyang sabi tumango naman ako.

"Naghahanap po akong trabaho kung pwede po ipasok nyo po ako dito." Seryoso kong sabi nagisip naman sya.

"Pwede, ang kaso okay ba sayo ang body guard?" Tanong nya master to body guard wtf bahala na.

"Body guard nyo po sige po." Sabi ko umiling naman sya.

"Hindi ako kundi ang anak ko." Nagulat ako sa sinabi nya bat nya pababantayan ang anak nya?

"Kayo po ang muntik na mapahamak pero bakit ang anak nyo po ang babantayan ko?" Nagtataka kong tanong.

"Jai ina ako at mas gugustuhin ko ang kaligtasan ng anak ko." Paliwanag nya.

"Nauunawaan kopo." Sagot ko.

"Maam eto na po ang pagkain." Sabi nung maid at ibinaba sa harap ko ang pagkain aba mukang masarap to ah.

"Sige jai maiwan muna kita at may gagawin lang ako sa itaas." Sabi ni miss keilla.

"Sige po." Sabi ko. At naglakad na sya paalis ng maiwan akong mag-isa dito kaagad kong nilamon ang pagkain.

Burger na malaki.

Shit sarap nito.

Kaagad kong kinagatan yun at ninanamnam.

Tagal kong di nakakain ng ganto.

Paubos na sana yung kinakain ko....

"WHO ARE YOU? WHAT ARE YOU DOING HERE? YOU"RE A THIEF MAYBE THAT'S WHY YOU'RE HERE!!!" Sigaw nung kaharap kong babae na ka edad ko lang ata.

Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kanya maya maya nakarinig ako ng mga yabag na pababa ng handanan.

"Anong nangyayari dito? Oh anak bat ka sumisigaw?" Sabi ni miss keilla.

"MA MAY NAKA PASOK NA MAGNANAKAW TUMAWAG KANA NG PULIS BAKA ANO PANG GAWIN NYA SATIN!!!" Sigaw nung anak ni miss keilla.

Nagtaka naman yung anak nya ng tumawa si miss keilla.

"Anak bisita ko sya. Atyaka ang gwapo gwapo nyan bakit akala mo MAGNANAKAW?"

"BIG YUCK MOM TATANGGAPIN KONG BISITA MO SYA PERO HINDI KO MATATANGGAP NA GWAPO SYA. MUKA SYANG HOODLUM!!!" Sigaw nung anak nya sa'kin abat hoodlum daw e kung barilin ko kaya to?

"Jai meet my daughter joree, joree meet jai body guard mo simula ngayon."

"WHAT!? BODY GUARD MOM HINDI KO KAILANGAN NYAN ARTISTA KO MANAGER ANG KASAMA KO BAKIT NGAYON MAY PA BODY GUARD PA!!!?" Sigaw nya. Artista pala sya.

"Anak kailangan mo sya kaya ako kumuha ng body guard mo." Paliwanag ni miss keilla.

"AYOKONG KASAMA YAN ANO NALANG SASABIHIN NG MGA KAIBIGAN KO, NG MGA FANS KO, NG MGA SUPORTERS? IBABALITA SA TV NA ISANG SIKAT NA ARTISTA MAY BODY GUARD NA HOODLUM!!!" Pagpoprotesta nung joree.

"ANAK! PAG SINABI KO WALA KA NG MAGAGAWA PAG SINABI KONG KAILANGAN MO KAILANGAN MO UNDERSTAND!!!" Sigaw ni miss keilla. Tumingin naman sa'kin yung joree yung tingin nya masama.

"UNDERSTAND?" Pag uulit ni miss keilla.

"Ano pa bang magagawa ko." Sagot nung joree at nag martya paalis.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C14
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous