Télécharger l’application
7.5% Protector's Love / Chapter 3: Chapter 3

Chapitre 3: Chapter 3

Habang nasa daan papuntang ospital ay pinag-uusapan na nila Valerie at Andre ang mga nangyari ng ma-hijacked ang eroplano na sinakyan ng dalaga.

"Val, alam mo na kailangan mo pa ding pumunta sa base para i-sign ang official report." Sabi ni Andre. "Dating gawi na lang, Dre." Sagot naman ng dalaga. Bumuntong hininga si Andre dahil sa sinabi ng kaibigan. "Val..." Hindi na pinatapos ng dalaga ang sasabihin ng binata. "Dre, you know my reasons. Hanggat maiiwasan ko na pumasok sa opisina n'yo ay gagawin ko. Hindi ko lang talaga matanggihan si Abi tungkol sa seminar n'yo. Saka sinabi niya na hindi naman mismo sa loob ng base gagawin kungdi sa isang team building park, tama?" Tumango si Andre. "Pero Val, nasa service na din si Iggy at Captain pa ng Phoenix sa Mindanao. Maganda ang performance nila. Mukhang okay naman na siya." Sabi ni Andre na alam niya na no use din sa huli. "Andre,alam mo din ang pinagdaanan niya bago niya nalagpasan ang trauma." Sagot naman ng dalaga. "Val..." Mag-uumpisa pa lang sa pagsasalita si Andre ay natigil na siya ng makita niyang nakataas na ang isang kilay ng dalaga. "Okay, okay. Paano na lang kaya kung wala kang gwapong backer?" Nakangising tanong ni Andre. "At paano kaya kayo magkakakilala ni Abi kung hindi dahil sa akin?" Balik tanong naman ng dalaga. "Yeah, pang-ilan hostage taking mo na ba 'to ha?" Nadinig ni Andre ang buntong hininga ng dalaga. "Ewan ko ba, hindi ko na mabilang." Sagot ng dalaga. "Masyado kang lapitin ng hostage takings pero ito ang pinakamatindi 'di ba?" Tumango ang dalaga.

Madalas siyang nasasangkot sa mga hostage takings, minsan sa mall, minsan sa ibang bansa kapag uma-attend siya ng convention, o kaya naman kahit sa ospital. Hindi din niya alam ang dahilan kung bakit. Pero ngayon lang nangyari na siya mismo ang nakaharap sa mga hostage takers at may mga casualties pa. Ang mga nauna kasi ay nadadaan sa magandang usapan dahil ginagamitan niya ng pagigiging BS Psychology niya pero yung kanina, alam niyang hindi dahil sa umpisa pa lang ay may baril ng kasama.

"Mag boyfriend ka kaya ng gwapong pulis gaya ni Abi." Nakangising sabi ni Andre. "Gusto mo bang matuloy ang kasal n'yo ni Abi?" Mataray na sabi ni Valerie. "Sabi ko nga eh tatahimik na ko." Natawa si Valerie ng mapasuko na naman niya si Andre. "Pero baka 'pag si Cap maging boyfriend mo, layuan ka na ng mga hostage takers noh?" Nanayo ang balahibo ni Andre na makita ang mala-anghel na ngiti ni Valerie. "Titigil na po, titigil na po." Sabi ni Andre at nanahimik na talaga.

Dahil bestfriend ni Abi ang katabi ay naging kaibigan na din ni Andre si Valerie at kabisado na din niya ang mga kalokohan nito lalo kapag ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Paniguradong lagot siya kay Abi 'pag nagkataon. Ng minsan ginawa ni Valerie ang mala-anghel na ngiti nito sa kanya ay nagulat siya dahil kinabukasan ay nakiki-pagbreak na sa kanya ang girlfriend.

Pagpasok ng sasakyan ni Andre sa gate ng ospital ay kailangan niyang ibaba ang bintana para sa security purposes.

"Ay, Sir, Dra. Val, kayo po pala." Sabi ng nakangiting guard. "Musta manong?" Tanong ni Andre. "Okay naman po, Sir." Magalang na sagot ng guard. Napansin ng guard ang duguan damit ni Valerie. "Doktora, okay lang po kayo?" Nag-aalalang tanong ng guard. "Okay lang po ako. Dumating na ba ang TOP?" Balik tanong ni Valerie. "Opo, kayo na lang po ang wala." Sagot ng guard. "Okay, manong, pasok na po kami." Nag-salute muna ang guard saka binuksan ang gate para makapasok sila.

Ang TOP ang team na binuo niya para makasama niya kapag may OR siya. And dalawang doktor ay classmate niya sa med school at ang dalawang nurse ay staff naman sa ospital na pinagkakatiwalaan niya, kabilang na dito si Abi.

Dahil ayaw na ng dalaga na makita pa ng ibang staff ng ospital ang itsura niya ay pinaderetso na niya ang sasakyan ni Andre sa likod ng ospital.

"Abi, nandito na ko sa labas. Yung scrubs ko." Pagkahinto nila ay tinawagan niya agad ang kaibigang. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Abi na nakakunot ang noo at ng makita ang sasakyan ng boyfriend ay lalong kumunot ang noo nito. Bumaba si Valerie sa sasakyan at nagmamadaling kinuha ang hawak ni Abi. Magsasalita sana si Abi pero naunahan na siya ni Valerie. "Si Dre na magkwento sa'yo." Sabi ni Valerie sabay takbo sa doctor's quarters para maligo at magbihis.

......

"Mamaya na tayo mag-usap." Sabi ni Valerie kay Abi ng makita niya ito na halatang nag-aalala sa kanya.

.......

"Val, ang braso mo." Lahat ng nasa loob ng OR ay tumingin sa kanya. "Shit!" Napamura siya ng makita na may dugo na ang scrubs niya. "Ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong ni Dr. Archer Wenceslao, ang anesthesiologist ng TOP. "Wala 'to." Maikling sagot ng dalaga. "Ano'ng wala, eh dugo 'yan, Val." Sabi ni Dr. Genesis Brillantes na Assistant Cardiologist naman ng TOP. "Focus!" May diing sabi ni Valerie. "Ako muna dyan, maupo ka muna at patingnan mo muna kay Abi ang sugat mo." Sabi ni Genesis saka lumapit sa dalaga. "Malapit na tayong matapos kaya mamaya na. Please, gusto ko na din matapos 'to para makapahinga muna ako kahit sandali lang." Sa nadinig mula sa dalaga ay hindi na nagpilit pa ang mga kasama niya. Alam nila na kapag nagsimula na si Valerie sa trabaho nito ay hindi ito titigil kahit pa ano'ng mangyari.

.......

"Report to me directly kapag nagkaroon ng problema ang patient." Bilin ni Valerie sa mga nurses sa Recovery Room kung saan nag-stay ang mga pasyente niya after ng OR. "Yes, Doktora." Sagot ng mga nurses.

Paglabas niya ng RR ay natawa siya ng makita niyang nasa labas na ang TOP at talagang inaabangan siya. Si Archer na may hawak na suturing kit. Si Genesis na may hawak naman coffee cups ng Mc Donalds, si Mia Juarez na scrub nurse ng TOP ay hawak naman ang plastic na alam niyang puno ng burgers at fries, at si Abi na may hawak na bagong scrub suit. Naiiling siya na lumapit sa mga ito. "Hindi ba sabi ko magpapahinga muna ako." Kunyaring inis na sabi niya. "Tingnan ko muna ang sugat mo." Sabi ni Archer. "Syempre, habang tinitingnan niya ang sugat mo eh magkakape tayo." Sabi naman ni Genesis. "At masarap na partner ng kape ang mga ito." Sabi ni Mia sabay taas ng plastic na dala. "Pero syempre, magpalit ka muna. Papahirapan mo na naman yung laundry dyan sa scrubs mo." Sabi ni Abi sabay hila kay Valerie para pumasok sa Changing Area.


Chapitre 4: Chapter 4

"Cap!" Tawag ni Andre sa kaibigan pagkapasok niya sa kanilang opisina. Tumango naman si Luke sabay tingin sa likod ng bagong dating. "Di ko kasama si Val, Cap." Nakangising sabi ni Andre. "Eh pano yung report na i-sign niya? Siya na lang ang wala ah." Tanong ni Luke. "Eh, dadalin ko na lang sa condo niya mamaya o kaya bukas sa seminar." Sagot ni Andre. "Lakas ah." Nakamot ni Andre ang batok. "Allergic kasi sa mga kagaya natin." Sabi ni Andre bago umupo sa kanyang lamesa para isulat na ang report para kay Valerie. "Halata ko nga. Bakit sa'yo parang hindi naman?" Natingin si Andre dahil nahalata niya ang pag-iiba ng tono ng boses ng kaibigan.

"Iggy ng Phoenix, remember?" Tanong ni Andre. Tumango naman si Luke. Hindi man sila magkakilala personally ay matunog ang pangalan nito dahil sa pareho nilang track records bilang magagaling na Captain ng kani-kanilang SWAT Team.

"What about him?" Tanong ni Luke. "Hindi ko alam ang buong storya pero ayon sa kwento ni Abi, magpinsan ang dalawa and si Iggy, nakaranas siya ng police brutality." Panimula ni Andre. "High school pa lang sila noon ng mapagbintangan si Iggy na minolestiya daw ang classmate pero sa bandang huli ay napatunayan na gawa-gawa lang ang kwento nung mismong biktima kuno." Patuloy ni Andre. "Ano'ng kinalaman ni Dra. Mataray doon?" Natingin ng may ngiti sa labi si Andre sa kaibigan. "Nag-iisang anak lang si Val, kagaya mo, close sila ni Iggy na parang tunay na magkapatid. Nandoon si Val ng kunin ng mga pulis si Iggy. After 1 week binalik si Iggy ng mapatunayan na wala itong kasalanan pero ibang tao na ang bumalik sa kanila. Nagkaroon ng psychological problem si Iggy at nakita lahat ni Val ang hirap na pinagdaan ng pinsan." Patuloy ni Andre. "Eh pano siya nakapasok sa service at ngayon eh Captain pa ng Phoenix"? Tanong ni Luke. "It's because of Val, nag-aral siya ng BS Psychology for Iggy. Tinulungan niya ang pinsan to overcome his trauma and wah-lah, the Captain of Phoenix was born." Pagtatapos ni Andre. "So, magaling pala ang speaker natin bukas?" Tanong ni Luke. "Yeah, pero may isa siyang request eh." Kumunot naman ang noo ni Luke. "Demanding pala si Dra. Mataray." Sabi ni Luke. "Ano naman?" Dugtong niya. "Kung pwede daw sana eh hindi tayo naka uniform bukas." Sagot ni Andre. "Madali lang pala. Wala na bang ibang demand ang Taray Queen?" Tumingin si Andre sa kausap. "Cap, alam mo pansin ko lang ha, ngayon ka lang nagbigay ng name tag na negative sa tao. Madalas sexy, ganda, bait ang binibigay mo." Kumunot naman ang noo ni Luke. "Eh sa mataray siya eh. Wala akong ibang maisip na pangalan." Sagot ni Luke. "Hindi kaya dahil sa hindi mo nagamit ang magic tricks mo sa kanya, Cap?" Nakangising tanong ni Andre. "Mabait si Val, Cap. Kapag nakilala mo siya baka ang ipangalan mo na sa kanya eh Mother Therese." Patuloy ni Andre. "I don't think so. First impression lasts." Sagot naman ni Luke. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, Cap." Sabi ni Andre sabay kindat sa kaibigan.

.......

Pinakawalan lang si Val ng Top ng maikwento niya ang buong detalye ng nangyaring hi-jack. Matapos silang magkwentuhan ay muli siyang bumalik sa RR para kamustahin ang kanyang mga pasyente. Nag-rounds din siya sa mga pasyente na naka-admit sa 2nd and 3rd floors ng ospital. Nang matapos ang kanyang rounds ay nadinig naman niya ang pangalan niya sa paging system ng ospital na pinagtaka niya.

"Dra. Villaflores, Dra. Villaflores, please proceed to the Director's Office. Dra. Villaflores, Dra. Villaflores, please proceed to the Director's Office." Kumunot ang noo ng dalaga ng madinig ito. "Bakit kaya?" Pero natapik niya ang sariling noo. "Kuya guard!" Sigaw sa isip ng dalaga saka nagmamadaling pumunta sa Director's Office.

Nang marating ng dalaga ang opisina ng may-ari ng ospital ay kumatok siya at nang madinig ang "come in" mula sa loob ay binuksan na niya ang pinto saka pumasok.

"Valeriana!" Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Valerie. "Huwag mo'ng gamitin sa akin 'yang taktika mo na 'yan at alam mo'ng hindi uubra sa akin yan. Gusto mo bang ora mismo eh ihatid kita sa Baguio?" Galit na sabi ng kaharap ng dalaga. "Ninong naman." Tanging nasabi ng dalaga.

Dr. Hendrix Ricafort, may-ari ng Latido del Corazon Hospital kung saan nagtatrabaho si Valerie. Hindi kalakihan ang ospital na ito gaya ng ibang kilalang ospital sa Maynila pero dahil sa galing ng TOP ay nakilala sila ng halos buong Pilipinas.

"Kung hindi pa dahil kay Manong Guard ay hindi ko malalaman na may nangyari na sa'yo. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga magulang mo?" Halata pa din ang galit sa boses ng Director. "Ninong, hindi naman grabe ang nangyari." Sabi ni Valerie. "Ah, hindi ba? Kaya pala habang nasa Operating Room ka eh dumudugo ang braso mo." Bumuntong hininga si Valerie dahil alam niyang nakapag-report na din ang kaibigang si Mia sa kaharap. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil laging panakot sa kanila ng kanyang ninong ay mawawalan sila ng trabaho na hindi naman totoo dahil hindi siya papayag. Magmula kasi ng madalas na madamay siya sa mga hostage takings ay mahigpit na ibinilin ng kanyang ninong sa mga staffs ng ospital na kung may mangyayari kay Valerie ay i-report agad sa kanya.

"Ninong, okay lang talaga ako. Daplis lang naman 'to." Sabi ni Valerie. "Ngayon daplis lang, ano na sa susunod? Di ko naman malaman sa'yo bata ka, bakit ba lagi ka na lang nasasangkot sa mga ganoon sitwasyon." Nagtaas lang ng balikat si Valerie dahil hindi din niya alam ang sagot.

"Magpahinga ka na muna. Si Dr. Brillantes muna ang titingin sa mga pasyente mo." Tatanggi sana si Valerie pero nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang Ninong Hendrix. "Lagi na lang kitang pinagbibigyan, Valeriana." Napangiwi si Valerie sa tawag sa kanya ng kaharap. "Lagi na lang akong nagsisinungaling sa mga magulang mo pero sa pagkakataon ito kapag hindi ka sumunod sa pinagagawa ka sa'yo ay sasabihin ko na talaga sa kanila ang mga nangyari." Banta ni Hendrix sa inaanak. "Isang Linggo lang, Ninong, ha?" Tumango naman si Hendrix. "Paano kapag may emergency OR?" Tanong ni Valerie. "Wala ka bang tiwala kay Dr. Brillantes?" Balik tanong ni Hendrix. "Eh paano kapag..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil muling nagsalita ang kanyang ninong. "Eh paano kung tawagan ko na kaya ngayon ang Daddy at Mommy mo?" Buntong-hininga lang ang naging sagot ni Valerie. "Uwi na!" Sigaw ni Hendrix. "Opo..." Lumabas na si Valerie sa opisina ng kanyang ninong. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang muling naka-abang sa kanya ang TOP.

"Sorry, Val." Bungad agad ni Mia. Ngumiti siya at inakabayan ang kaibigan. "Oi, Genesis, ayusin mo ang trabaho mo ha? Kukutusan kita kapag may nangyari sa mga pasyente ko." Baling ni Valerie sa binata. "Sus! Ako pa ba? Kailan ba ko sumablay ha?" Tiwala naman siya sa Assistant Cardiologist niya pero syempre, iba pa din kapag siya ang nagmomonitor sa mga pasyente niya. "Wag kang mag-alala at kami muna ang bahala dito. Sundin mo na lang si Director ng makabalik ka kaagad." Sabi ni Archer. "Oo nga, baka mabakasyon ka ng wala sa oras sa Baguio." Dugtong ni Abi. Tango lang ang isinagot niya sa mga kasama. Inihatid siya ng mga ito sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang 2021 BMW 2-Series. Matapos magbilin ay umalis na din siya sa ospital pauwi sa kanyang condo.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank 200+ Classement de puissance
Stone 0 Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous

tip Commentaire de paragraphe

La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.

De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.

OK