Télécharger l’application
75% Ikaw ang GHOST-2 Ko / Chapter 42: Chapter 41: Warning

Chapitre 42: Chapter 41: Warning

VIEL FABREGOSA'S POV

[ AN: Sino pa nakakaalala kay Viel Fabregosa? Kaway-kaway🙋‍♂️😂 Baka nakalimutan niyo na siya pero he's back mga friend hehe☺️😂 Hulaan niyo kung saang chapter siya lumabas🤔 EXIT NA ME! ]

"Pre, bumalik na 'yong ex mo." Si Luna ang tinutukoy ni Banjo, barkada ko. May nag-upload kasi sa page ng video niya no'ng pumasok siya kanina. Nandito kami sa tambayan namin dito sa may mini.

"Tigilan niyo na ang kakaasar sa akin do'n mga pre."

"Ay sus! Alam naman namin na patay na patay ka pa rin kay Luna." Totoo naman ang sinabi ni Herald, isa ko pang tropa, dahil gustong-gusto ko naman talaga si Luna hanggang ngayon.

"Ewan nga kung bakit hindi ako type no'n eh ang gwapo ko naman."

"Mahina ka kasing manligaw eh." Pang-aasar ni Banjo.

"Ikaw na kaya ang takutin ng mga multong kaibigan no'n hindi ka kaya aatras?" Bulyaw ko pa sa kaniya. Natahimik din sila. Maya-maya bigla akong natigilan nang makaramdam ako ng parang malamig.

"Viel." Isang mahabang pagtawag ang narinig ko. Parang nakakakilabot ang tinig kaya biglang tumayo ang mga balahibo ko.

"Narinig niyo ba 'yon?" Napatingin sa akin 'yong dalawa.

"Ang alin?" Pareho silang nakangunot-noo.

"Viel!" tawag muli nito sa akin. Narinig ko pa itong humalakhak. Sobrang takot ko na talaga.

"May multo!" Nagtatakbo na ako agad. May napatingin pa sa amin na natawa lang.

"Ano'ng nangyari do'n?" Tanong ni Banjo.

"Aba malay ko bigla na lang tumakbo, naiwan pa talaga 'tong bag oh."

"Multo daw? Ha-ha! Talaw talaga no'n kaaga-aga eh." Sumunod na lang din sila sa kaibigan.

LUNA'S POV

"K-Kaluluwa?" Diretso akong nakatingin sa kaniya.

"I mean baka lang kasi di ba may third eye ka so naisip ko baka kaluluwa ang tinutulungan mo may mga gano'ng case kasi eh. Hindi ba kaluluwa?"

"Uhm..." Laking pasalamat ko nang dumating sina Paulo at Jedda dahil hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya.

Matapos naming kumain nag-suggest si Arif na samahan ako sa gymnasium dahil kailangan kong magpakita kay sir Andrew at ngayon nga ay naglalakad na kami papunta doon. Sina Je at Paulo naman ay naghanap na muna ng matatambayan kasi wala pa naman kaming klase.

"Ang balita ko wala pa rin dito si Max." Maya-maya'y basag niya sa katahimikan namin.

"Oo nga eh," sagot ko na nakatingin sa daan.

"Nagkasama ba kayo ni Max sa Manila?" Napatingin ako sa kaniya na nakatingin din pala sa akin. Ibinaling ko sa unahan ang aking atensyon.

"Nag...Nagkita lang kami accidentally ni Max do'n."

"I see."

Bakit parang curious na curious si Arif?

"Hindi ba sabi mo may sasabihin ka sa akin kapag nakauwi na ako, ano pala 'yon?" Sinubukan kong ibahin ang topic namin. Napansin kong biglang namula si Arif at parang bigla siyang nailang. Bigla akong natawa sa reaksyon niya.

"Don't laugh." kunyari'y seryosong turan nito.

"Okay, sige na nga seryoso na. Ano ba'ng sasabihin mo sa akin?" Napahinto siya kaya napahinto din ako at hinarap si Arif.

"Hmm... About lang sa... nevermind." Ano daw?

"Saka ko na lang sasabihin sa'yo." Halatang nahiya siya.

"S-Sige." Naglakad na kami ulit pero maya-maya nahinto ulit nang may lumapit sa aming isang babae. Hindi ito naka-uniform kaya hindi namin alam kung ano'ng course nang babae.

"H-Hi, Arif." Nakatungong bati nito kay Arif. Tiningnan ko lang siya.

"Hi! Nag-angat ng mukha 'yong babae at tiningnan si Arif.

"U-Uhm... Na-Nabalitaan ko na sa-sasali ka raw sa Art competition. G-Gusto lang kitang i-goodluck... a-at saka kasi super fan mo a-ako, Arif. B-Bye!" Saka ito agad-agad na umalis matapos sabihin 'yon. Sasali si Arif sa Art Competition? Napatingin ako kay Arif.

"May competition ka palang sinalihan?" curious na tanong ko. Napabuntong-hininga si Arif at naglakad na ulit.

"Hindi pa." Nangunot ang noo ko.

"Hindi pa? Ano'ng ibig sabihin no'n?"

"Hindi pa ako nagsa-sign up for that competition." Parang nag-iba na ang mood niya.

"Bakit naman? Balita ko magaling ka raw sa pag-paint pero bakit ayaw mong mag-sign up?" Napabuntong-hininga ulit si Arif.

"K-Kasi... wala... wala akong inspiration."

"Inspiration?"

"Yeah." Napahinto siya at doon tumayo sa may harapan ko. Diretso siyang nakatingin sa akin at medyo seryoso ang dating. "Luna, pwede ba kitang maging inspiration?" Hindi ako nakasagot sa halip napanganga lang ako sa sinabi ni Arif.

Mga ilang sigundo akong natigilan nang may tumawag sa pangalan ni Arif. Napatingin kami sa tumawag na si Michaela pala at papalapit na rin ito sa amin. Napaalis na si Arif sa may harapan ko at si Michaela ang binalingan na tuluyan ng nakalapit sa amin. Malapit na rin pala kami sa may gymnasium.

"Hi!" bati ni Arif dito.

"What are you two doing here?" tanong niya.

"Uhm... Sinamahan ko lang si Luna." Napatango-tango lang si Michaela. Ako naman ang binalingan niya.

"Akala ko si Max ang ipinunta ni Arif dito inihatid ka lang pala, Luna." Bahagya itong napataw. "Anyway, hinihintay ka na ni sir Andrew sa loob." Tiningnan ko si Arif.

"Dito na ako." Tinanguan lang ako nito samantalang ako naman ay iniwan na silang dalawa doon.

Pagpasok ko sa loob lumapit kaagad ako sa pwesto nina sir Andrew. Kasalukuyang naglalaro ang mga players.

"Good morning, sir Andree."

"Good morning. Kumusta na, Luna?"

"Ayos naman po ako, sir."

"Mabuti naman. Ano, kaya mo na bang maglaro? Mag-practice?" Nginitian ko si sir.

"Opo naman, sir. Pasensya na nga po pala kasi ilang practice ang hindi ko na-attend-an. Salamat na rin po kasi hindi niyo ako tinanggal."

"Bakit naman kita tatanggalin? Nauunawaan ko naman ang nangyari sa'yo kaya hindi ka nakaka-attend. Don't worry marami mo pang time para makabawi sa practice kasi medyo malayo-layo pa naman ang intrams."

"Salamat po ulit sir."

"Sige. Sa susunod na practice ka na lang magsimula."

"Okay po, sir."

VIEL FABREGOSA'S POV

"Ano'ng nangyari sa'yo kanina, pre?" tanong ni Banjo pagkahagis ng bag ko sa akin na naiwan ko pala kanina sa takot. Narito kami sa boarding house ngayon dahil lunch break na. Nakaupo lang ako dito sa may sofa.

"Ikaw kasi eh binanggit mo pa kasi si Luna." Nangunot ang noo niya. Naupo din ito sa sofa'ng kinauupuan ko.

"Inabot ka na naman ng katalawan mo eh." Tinawanan pa niya ako. Saka naman lumabas si Herald mula sa kwarto namin.

"Labas lang ako bibili ng makakain natin." Naiwan kaming dalawa ni Banjo. Napatingin ako sa kaniya na nagsi-cellphone lang at patawa-tawa pa ang loko. Babaero kasi 'to eh hindi naman gwapong kagaya ko. Tsk!

Ano kaya 'yong narinig ko kanina? Sino 'yong tumatawag sa akin?

Bigla na naman akong kinilabutan. Alam kong multo 'yon. Napapitlag ako nang mag-ring ang cellphone ni Banjo.

"Uy! Ayos ka lang, pre?" Tinawanan pa niya ako. Nasipa ko na lang siya.

"Umalis ka nga dito, bwisit!"

"Oo na. Sagutin ko lang 'tong chikababe ko, huh." Tumayo na siya at pumasok sa kwarto namin. Naiwan akong mag-isa dito sa salas. Hindi ko alam kung bakit nagkawala na 'yong iba pa naming ka-boardmate.

Kanina pa ako naiihi pero natatakot naman akong mag-banyo kaya lang talagang kailangan ko ng tumayo para magbawas. Kahit nakakaramdam ako ng takot napatayo pa rin ako at nagtuloy sa banyo. Minadali ko na ang pagbabawas pero maya-maya parang may naramdaman ako'ng kakaiba. Agad-agad kong tinapos ang pagbabawas. Pagbukas ko ng pinto  natigilan ako ng maramdaman ko na parang may kung anong pumasok sa katawan ko. Nanghina ang aking katawan at saka ako bumagsak sa sahig.

LUNA'S POV

Magkasama na kaming tatlo ni Paulo at Je ngayon. Naglalakad kami papunta sa Library kasi may iri-research lang daw saglit si Paulo saka kami lalabas para kumain ng tanghalian. Nahinto sa paglalakad di Je kaya napahinto na rin ako at si Paulo. Napatingin ako sa kanila.

"Bakit?" Ngumuso lang si Jedda kaya napatingin ako sa inginuso niya. Nakita ko si Viel na nakatayo 'di kalayuan sa may kinatatayuan namin.

"Iba ang awra niya ngayon, gurl." si Je  Pinagmasdan ko si Viel at iba nga ang dating niya ngayon. Tuwid na tuwid ang tindig niya hindi gaya dati na madalas nakatungo kapag nakikita ako. Diritso din siyang nakatingin sa akin at walang kurap-kurap. Seryoso ang awra at hindi pa niya kasama ang mga mga alipores niya ngayon, ah.

"Ano kayang nakain nitong si Viel, bakla?" sabat ni Paulo na nakangunot din ang ulo. Dahan-dahan itong lumapit sa amin at huminti sa tapat ko. Mula sa pagkaseryoso ay bigla niya akong nginitian ng parang nakakaloko. Hindi ko alam kung ngiti ba ito o ngisi. Nagkatinginan kaming tatlo.

"Hi, Luna!" Napabalik ako ng tingin sa kaniya.

"Ayos ka lang? May nakain ka bang kakaiba ngayon, Viel?" nakakalokong tanong ko. Ibang-iba kasi talaga siya ngayon eh. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Napatawa siya ng malakas na siyang ikinagulat naming tatlo.

"Huwag mong kalimutang magdasal mamayang gabi, Luna. Ipagdasal mo na rin 'yong mga kaibigan mong kaluluwa. Bye!" Iniwanan niya ako ng isang nakakainis na ngisi. Ako naman ay hindi na maalis ang pagkangunot ng noo. Nahabol namin si Viel ng tingin at nang nakalayo na ito ay saka kami muling nagkatinginang tatlo. Pare-pareho kaming hindi mawalan ng pagkangunot ng noo.

"Gurl, parang kinilabutan ako sa manliligaw mong 'yon," basag ni Paulo sa katahimikan namin.

"Bakit naging gano'n 'yon, Luna?"

"Sa akin mo pa talaga tinanong eh pare-pareho nga tayo'ng napanganga dito."

"Ehh! Tara na nga parang bigla akong kinabahan," aya ni Paulo.

"Baka nabaliw na kakapantasya sa'yo, gurl." Natawa na lang ako sa sinabi ni Je. Nagtuloy na rin kami sa Library.

Nasa dorm na kami ngayon kasi dito na lang kami nagkaayaan na kumain. Dahil mag-i-eleven pa lang naman kaya magluluto pa lang si Paulo. Nagpunta muna ako sa kwarto ko samantalang si Jedda naman ay kausap sina Aliya sa salas. Pagpasok ko sa kwarto nilibot ko muna ito ng tingin. Napatingin ako sa may harap ng salamin at nakita ko doon si Azine na nakatingin sa akin. Napangiti ako ng maluwang.

"Bakit ang tagal mo kanina pa kaya ako naghihintay dito."

"A-Azine." Papalapit na ako sa kaniya pero bigla siyang naglaho. Nawala ang ngiti sa labi ko. Imahinasyon ko lang pala siya. Napatingin ako sa kama at nakita ko ulit siya do'n na nakahiga habang maluwang na nakangiti sa akin. Agad din siyang naglaho. Napatingin ako sa may side table kung saan ko pinapatong ang bulaklak na bigay niya. Naiwan ko kasi 'yon sa bahay ngayon. Napalapit ako dito at saka napaupo sa harap ng table at hinipo ang pinagpapatungan ko ng bulaklak. Simula ng bumalik ako dito hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Hindi ko alam kung busy lang ba siya o ayaw niya lang talaga akong makita dahil ngayon kasama na niya ang girlfriend niya. Kaya nga siguro hindi pa umuuwi si Maxine kasi nag-i-enjoy pa sila do'n. Gano'n pa man masaya ako para sa kaniya.

"Sana tuluyan ka ng hindi magpakita at magparamdam sa akin, Azine. Hayaan mong kalimutan na lang kita kasi hindi naman talaga tayo pwede para sa isa't isa. Maging masaya ka sana sa girlfriend mo at alam kong masayang-masaya ka ngayon dahil nakita at nakasama mo na ang pamilya mo.  Sana mahanap mo na ang paraan para makabalik ka sa katawan mo." Nalulungkot ako pero alam kong tama lang na kalimutan ko na si Azine. Hayaan ko na lang siya na maging masaya sa piling ng mga taong totoong nagmamahal sa kaniya.

"Luna." Napatingin ako sa likod ko. Napatayo ako at hinarap siya.

"Princess! Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sa akin? Hanggang ngayon ba nagtatago ka pa rin?"

"Oo, Luna."

"Ginugulo ka pa rin niya." Hindi niya agad ako sinagot.

"Luna, hindi niya ako titigilan hanggang hindi niya napapatay ang kaluluwa ko. Hindi siya nagparamdam sa akin ng ilang araw pero alam kong gumagawa si Shaina ng paraan para mahanap at mapaghigantihan ako."

"Ano'ng kailangan nating gawin?"

"Gusto ko sanang makausap si Shaina kaya lang mukhang hindi na mangyayari 'yon. Kapag nakita niya ako siguradong hindi na niya ako bibigyan ng pagkakataon na makatakas pa." Napabuntong-hininga ako.

"Susubukan kong humingi ng tulong sa mga Grim Reaper, Princess. Baka lang matulungan nila tayo."

"Sana tulungan ka nila, Luna."

"Kailangan ko na ulit umalis. Luna, mag-iingat ka kasi baka ikaw din ang pagbalingan ni Shaina." Napatango na lang ako at pinagmasdan siyang maglaho. Napasalampak ako ng upo sa kama.

"Ano'ng gagawin ko? Paano ko nga pala mahahanap ang mga Grim Reaper?" Sunod-sunod na katok ang nagpahinto sa aking pag-iisip.

"Bakla, let's eat." si Paulo.

"Okay." Lumabas na ano ng kwarto.

After classes nagpaalam ako kay Je na may pupuntahan ako saglit pero ang totoo niyan maglalakad-lakad ako kasi baka sakaling makita ko ang mga Grim Reaper. Sina Sky ang tinutukoy ko kasi hindi na ako umaasa na makita pa si Azine. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap ng mata ko ang mga Grim Reaper pero mukhang wala sila dito. Naisipan ko na lang na lumabas ng campus. Palabas pa lang ako ng gate nang mapahinto ako nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Arif. Nakangiti kaagad siya sa akin.

"Pauwi ka na ba hatid na kita?" tanong niya ng tuluyang makalapit sa akin.

"Hindi pa eh may pupuntahan lang ako."

"Saan, samahan na kita?"

"Hindi na kaya ko na 'to mag-isa, Arif, salamat. Sige, huh." Naglakad na ako.

"Wait!" Napahinto ako ulit at binalingan siya.

"Uhm... 'yong sinabi ko sa'yo kanina napag-isipan mo na ba?" Nangunot ang noo ko at inalala kung alin ang tinutukoy niya.

"A-Ang alin?"

"'Yong sinabi ko na kung pwede kitang maging..."

"Hey!" Napatingin ako sa narinig kong nagsalita. Nakita ko si Sky na nakatayo 'di kalayuan sa akin kasama si Cloud. Napangiti ako. Nandito sila. Hinarap ko sandali si Arif na hindi ko na narinig kung ano ang sinabi kanina.

"Sandali lang, huh." Nilapitan ko sina Sky at Cloud na nag-uusap.

"Hi!" Napatingin silang dalawa sa akin.

"Hi, Luna!" hyper na bati sa akin ni Sky.

"Hi, Luna!" nakangiting bati din ni Cloud. Nangunot ang noo ko sa reaksyon ng mga itsura nila. Parang kakaiba din sila ngayon at pakiramdam ko na para bang may itinatago silang dalawa sa akin.

"Pasensya na nga pala kasi hindi maganda 'yong huling pag-uusap natin."

"Naiintindihan ko naman kaya wala na 'yon sa akin."

"Sino 'yong kausap mo, Luna?" tanong ni Sky. Napatingin ako kay Arif na matamang nakatingin sa akin. Natampal ko ang bibig ko at napabaling sa dalawa.

"Huwag tayo dito mag-usap baka isipin ni Arif baliw na ako." Nauna na akong umalis at naramdaman ko naman na nakasunod lang sila sa akin. Nagtuloy kami sa isang pwesto na walang tao. Hinarap ko silang dalawa. Ayaw nga yata talaga akong makita ni Azine.

"Luna, nililigawan ka ba ng lalaking 'yon?" tanong ni Sky. Naalala ko tuloy si Azine sa patanong ni Sky sa akin. Naipilig ko na lang ang isiping 'yon.

"Hindi, ah. Siya nga pala kanina ko pa kasi talaga kayo hinahanap eh."

"Bakit mo kami hinahanap?" tanong ni Cloud. Okay din naman pala 'to eh medyo strict nga lang pagdating sa trabaho nila bilang Grim Reaper.

"Kailangan ko kasi ang tulong niyo eh."

"Ano'ng tulong?" Medyo napalapit ako sa kanila.

"Kasi may kaibigan akong kaluluwa at hina-hunting siya ng isa pang kaluluwa. Gusto nitong paghigantihan ang kaibigan ko kaya ngayon ay nagtatago siya para lang hindi mahanap ng kaluluwang gustong manakit sa kaniya. Pwede niyo bang sabihin sa akin kung ano ang pwede kong gawin?" Hindi kaagad sila nakasagot at nagkatinginan lang.

"Hindi niyo ba ako kayang tulungan?" Bigla akong nalungkot. Akala ko pa naman sila ang makakatulong sa amin ni Princess.

"Luna, hindi kami maaring mangialam sa kapalaran ng isang kaluluwa. Ang trabaho lamang namin ay ang maghatid at magsundo  ng mga kaluluwang nais ng tumawid sa kabilang buhay," paliwanag ni Cloud.

"Ang mabuti pa huwag ka na lang mangialam sa kanila, Luna. Nabalitaan ko na hindi raw pangkaraniwang kaluluwa ang huma-hunting sa kaibigan mo. Maari kang mapahamak, Luna." si Sky

"Kailangan ko siyang tulungan dahil kung hindi ako ang tutulong sa kaniya sino pa ang ibang gagawa no'n?"

"Luna, makinig ka sa amin dahil ikakapahamak mo kapag pinilit mo pa rin na mangialam sa kanila. Malakas ang bad spirit na 'yon at hindi mo siya kaya. Mabuti pa itigil mo na ang pangingialam sa kanila kahit ngayon lang kasi hindi lang ikaw ang posibleng mapahamak baka pati si...

"Cloud," putol ni Sky sa sasabihin pa ni Cloud. Nangunot ang noo ko.

"Baka pati sino?"

"Luna, kailangan na naming umalis. Mag-iingat ka palagi at pag-isipan mo ang sinabi namin." Magsasalita pa lang sana ako nang maglaho na silang dalawa. Naiwan akong nag-iisip.

Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Sino ang mapapahamak? Baka si Princess.

__________________________________________________

Okays! Enough for this chappy☺️ Enjoy reading and spread the story 💙💙💙


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C42
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous