Télécharger l’application
66.66% Ka-ibigan [BL] / Chapter 18: Ka-ibigan - Chapter 18

Chapitre 18: Ka-ibigan - Chapter 18

Nanginginig ako at nanlalambot ang aking mga tuhod. Parang wala nang dugong dumadaloy sa aking mga kamay at nanunuyo ang aking lalaumnan.

"R-raff-y!!! H-huw-ag!!!! Ahhhhmmmmmphhhh!!!" ang aking nauutal na nasabi sa tindi ng kiliti na parang kumuryente sa aking buong katawan.

Hinugot niya ang kanyang daliri bago pa maipasok ang kabuuhan sa loob. Umangat ang ulo ni Raffy sa aking tenga at idinikit ang kanyang labi.

"Baby bro... mainit din pala at mukhang mas masikip... alam mo naman si Jeremy... ang nakwento na niya sa atin dati... na... gumagawa sila ng baby... naisip ko lang kung saan pinapasok iyon ni Dexter... tama nga ako sa aking hinala... Thank you!" ang bulong niyang natatawa.

"Raffy!!!! Sa lahat ba naman yan pa?!!! Gawin mo ba naman akong guinea pig?!!!" ang napipikon kong sinabi sa kanya habang itinataas muli ang aking brief.

"Sorry po... wag ka na po magalit... gusto ko lang malaman... balak ko kasi diyan tirahin girlfriend ko muna eh...." ang sabi niya sa akin.

"Eh sa kanya mo na lang sana ginawa hindi sa akin!!! Wala pang nakakapasok diyan kundi yang daliri mo!!!" ang naiinis kong singagot sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkadismaya hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nabitin ako.

"Sorry na... can't you forgive your big bro? Ha? baby bro?" ang tanong niyang bakas ang pagmamakaawa sa mukha ngunit may halong lambing.

"Oo na... kahit ano naman eh... para lang sa iyo... kaya lang... mula nang malaman mo na ganito ako iniisip ko tuloy..." ang sagot ko sa kanya na may pagtatampo pa rin at hindi na natapos sa sasabihin.

"Na ano?... Pasensiya na Seph... curiosity lang talaga..." ang seryoso niyang sinabi sa akin sabay bangon sa kama at tumungo sa baba upang mag-hugas ng kamay.

Nang matapos marahil at nagmamadaling bumalik paakyat sa aking silid. Dinig ko ang mabibilis na yabag ng kanyang mga paa sa pag-akyat.

Natigil ang mga yabag ng mga umaakyat na niyang mga paa. Nilingon ko siya at sabay niyang binusan ang ilaw upang ipakita sa akin ang isang cage na hawak niya na may kulng na pares ng hedgehogs. Nang titigan ko ang kanyang mukha ay isang matamis na ngiti ang nakapinta.

Hindi ko na nagawang magtampo pa sa kanya. Hindi ko na napigilang ngumiti.

"Amp!!! Kala ko pa naman kung anong iiwan mo sa akin para alagaan ko!!!" ang pikon ngunit natutuwa kong sabi sa kanya sabay bangon sa kama upang lapitan siya at tignan ang mga hedgehogs na mukhang masaya sa kanilang kulungan na punong-puno ng kusot.

"Thank you Raffy!!!" ang masayang nasabi ko na lang sa kanya.

"Alam ko namang mahilig ka sa pets kaya lang tamad ka sa maintainance. Eto... alagaan mo sila ha? Sila ang makakasama mo pag-alis ko." ang sinabi niya sa akin na humila nanaman sa akin pabalik sa kalungkutan ngunit pilit kong nanatiling nakangiti para sa kanya.

Kinuha ko ang kulungan at ipinatong sa ibabaw ng tukador. Inakbayan ako ni Raffy as sabay kaming nahiga sa kama.

Tulad ng dati, natulog kaming nakaipit ang kanya.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising. Pareho kaming malungkot. Hinatid siya ni Dexter sa NAIA 1 at sumama kami ni Jeremy.

Sa kotse ni Dexter.

Parehong naka shorts at sando lang ang magnobyo. Tulad ng kanilang nakasanayan nilang lagay sa loob ng kotse, si Jeremy ay nakahawak sa kanang kamay ni Dexter at nakapatong ito sa kanang hita ni Dexter.

Ako rin ay nakapambahay, sa aming apat ay si Raffy lang ang nakabihis. Nakaakbay sa akin si Raffy habang nakasandal ang akin ulo sa kanyang kanang balikat.

"Nga pala... ah... kasi napansin namin ni Jemykoy ko ang..." ang natigil na sinabi sa amin ni Dexter habang tinitignan kami ni Raffy mula sa rear mirror.

"Ah.. wala pare.. pareho lang kaming nagnanasang magkaroon ng kapatid ni Seph. Raffy and tawag niya sa akin bilang kanyang kuya." ang ibinahagi ni Raffy sa kanya.

"Ang sweet din pala ni Seph tulad ni Jeremy. Swerte ni Harold sa iyo Seph." ang sabi sa amin ni Dexter. Hindi kami parehong sumagot ni Raffy sa halip at humigpit ang akbay niya sa akin.

Dahil sa maaga aming bumyahe ay mabilis kaming nakarating ng airport ngunit dahil sa tinanhali kami ng gising ay higit pa sa isang oras na lang bago ang flight ni Raffy.

Nang maabot ang airport sa bandang departure.

"Dito na tayo Rafael... kung di ka na namin maabutan, good luck ha? Galingan mo at ingat ka palagi. E-mail na lang tayo lagi ha?" ang sabi ni Dexter.

"Jeremy puntahan ka na lang namin ni Jeremy sa departure hanap lang kami ng parking." ang sabi niya na sinagot ko lang ng pagtango.

"I'll miss you Rafael! Kamustahin ka namin doon palagi ha?" ang paalam naman ni Jeremy kay Raffy.

"Salamat mga pare ha? Utang ko sa inyo lahat ng ito." ang pamamaalam ni Raffy sa dalawa.

Bumaba ako at si Raffy at kinuha ang kanyang gamit mula sa trunk ng Vios ni Dexter. Tinulungan ko si Raffy na buhatin ang iba niyang mga gamit at nagtungo kami sa entrance.

Sabay kaming tumigil sa paglalakad at ibinaba ang kanyang mga gamit. Hinarap niya ako at niyakap ng mahigpit. Hindi ko napigilang umiyak sa matinding lungkot na aalis na siya ngayon at hindi na kami muling magkikita pa.

"Tol... alagaan mo yung mga iniwan ko sa iyo ha?" ang sabi niya sa akin habang pinipisil niya ng kanyang mga nakayakap na kamay ang aking mga balikat.

"Opo... lagi mo akong ee-mail ha? Bakit pa kasi... naman Rafael eh... pero.. buhay mo to... pangarap mo to... maligaya ako para sa iyo mahal kong kapatid." ang sabi ko sa kanya habang halos hirap naman akong magsalita gawa ng nakapatong ang aking bibig sa kanyang dibdib.

"Tahan na baby bro... nasa malayo lang si big bro mo... kasama kita lagi dito sa puso ko... mahal kong kapatid." ang sabi niya sa akin na nanginginig ang boses.

Napahagulgol na ako. Hindi ko inakalang ganito ang aking mararamdaman na aalis ang aking tinuturing na kapatid.

Bumitiw na si Raffy sa pagkakayaka sa akin at hinawakan ang aking magkabilang balikat. Pinunasan ko ang aking mga luha.

"Sige na tol, magchecheck-in pa ako. Hindi ko na mahihintay pa sila Dexter at Jeremy. Regards na lang sa kanila." ang wika niya. Tumango na lang ako sa kanya.

Namumugto ang kanyang mga mata at namumuo ang mga luha. Binuhat na niya ang lahat ng kanyang gamit at naglakad na papasok sa loob ng entrance. Likod na lang niyang papalayo ang huli kong nakita.

Wala pa rin si Dexter at Jeremy kaya habang hinihintay sila ay lumapit ako sa basurahan upang manigarilyo. Nanginginig ang aking mga kamay sa hindi ko malamang kadahilanan. Malalim ang aking iniisip. Napansin ko sa aking sarili na hindi dapat ganito ang aking kalungkutan sa pag-alis ni Raffy.

Naka tatlong stick na ako ng sigarilyo bago at habang kalahati na ang hinihithit kong ika-apat ay tinawag ako ng papalapit na magjowa.

"Hindi na natin naabutan si Raffy kuya." ang malungkot na sabi ni Jeremy kay Dexter habang nakatingala ito sa kanya. Si Dexter naman ay malungkot na nakatitig sa akin.

Hindi ko napigilang itapon ang aking hawak na sigarilyo at niyakap ng mahigpit at umiiyak si Jeremy.

"Insan... hindi ko alam.. pero sobrang sakit ng dibdib ko... may mga gusto akong sabihin pero kahit nasa dulo na ng aking dila ang mga ito ay hindi ko pa rin sa kanya masabi." ang tinanong ko sa nabigla kong pinsan sa aking ginawa.

"Seph... wala ako sa katayuan upang sabihin ito sa iyo pero... tingin ko... hindi mo mahal si Rafael bilang kapatid... Tingin ko... higit pa ang nararamdaman mo para sa kanya." ang sabi sa akin ni Dexter habang hinahaplos ang aking likuran.

Kumalas ako sa yakap ko kay Jeremy. Naguguluhan ako. Pilit kong itinatanggi sa aking sarili na iba pala ang pagmamahal ko kay Raffy.

"Hindi Dexter... mahal ko si Harold... minahal ko si Raffy dahil sa pangungulila ko sa isang kapatid." ang depensa ko sa mga sinabi niya.

"Basta insan... mahal mo si Raffy... mahalaga siya sa iyo... yun lang ang alam natin ngayon." ang sabi ni Jeremy.

Hindi na kami nagtagal pa at pinutahan na namin kung saan nakapark ang kotse ni Dexter at umuwi na sa amin.

Pumasok ako ng bahay na ang pakiramdam ko ay may nawawala. May kulang. Si Rafael.

Dali dali kong isinara ang pinto ng bahay at tinungo ang aking silid upang dumapa sa aking kama at umiyak.

Naguguluhan ako. Basta ang alam ko lang nangungulila na ako. Hindi ko na namalayan sa pagod ng kakaiyak at nakatulog ako.

Ala-una na ng tanghali nang ako's magising. Tumutunog ang aking telepono. Tumatawag si Harold. Sinagot ko itong nanatiling nakahiga sa kama at pumikit muli matapos tanggapin ang kanyang tawag.

"Hello?" ang aking bati sa kanyang tulog pa ang aking diwa.

"Cookies ko... miss na miss na kita..." ang malambing na sinabi niya sa akin.

"Gusto mo... punta ka dito sa bahay bago ka pumasok sa office mamaya?" ang imbita ko sa kanya.

"Opo... gusto ko lagi tayong magkasama mahal ko..." ang sagot niya.

"Sige... magdala ka na lang ng gamit mo pamasok sa opisina kahit magpambahay ka na lang pumunta dito... dito ka na lang maligo mamaya tapos hatid kita sa sakayan." ang sabi ko sa kanya.

"Okay po... pupunta na ako jan agad. Bye bye po! I love you!!" ang masaya niyang pamamaalam.

"I love you too Harold..." ang huli kong sinagot sa kanya at ibinaba na ang kanyang tawag.

Ayaw ko pang bumangon. Ibinaba ko ang aking telepo no sa aking tabi at inabot ang aking earphones.

Kinuha kong muli ang aking telepono at ikinabit ang metal dulo ng earphones sa aking telepono at akmang ikakabit ko na sana ang isang banda ng earphones sa isa kong tenga ay may tumatawag ng tao sa labas ng bahay.

Ibina ba ko ang aking mga hawak at tamad na bumangon at naglakad na tila kinakaladkad ang paang bumaba ng bahay upang sagutin ang taong tumatawag.

Hinila kong binuksan ang pintuan ng bahay at ulo ko lang ang aking idinungaw.

Isang delivery boy ng LBC and aking nakita. Nakapulang polo at bullcap na medyo may katangkaran at mukhang madalas naglalaro ito ng basketball sa kanyang tikas at laki ng kanyang mga kamay. Tama lang ang kulay ng kanyang kutis. Hindi mestiso o kayumanggi.

Ngumiti lang siya nang ako'y kanyang makita.

May dala siyang pulang envelope na nakabalot din sa plastik na fit lang sa envelope.

"Ano po iyon?" ang aking tinanong. Sabay ngiti pabalik sa kanya.

"Package po para kay Joseph Castro." ang masayang bati niya sa akin sabay ng kanyang bitbit.

Bahagyang lumabas na ako ng bahay.

"Ako si Joseph Castro." ang sabi ko sa kanya. Inabot ko ang envelop ngunit hindi muna ito binuksan

Inipit ko muna ito sa aking kilikili dahil ay inabot din sa akin ng delivery boy ang clipboard na kanyang dala upang pumirma.

Tinignan ko maigi ang delaye ng delivery. "Sybil" lang ang nakalagay sa sender. Hindi ko na ito inusisang maigi at pinirmahan na lang. Matapos ay agad ko itong ibinalik sa delivery boy at nagpaalam habang isinasara ang pintuan.

Tumalikod akong papalayo sa nakasarado nang pintuan at naglakad tungo sa sofa upang umupo. Habang naglalakad at kinuha ko ng kaliwang kamay ang envelope na inipit ko sa aking kilikili at ito'y binuksan.

Sumalampak akong nakaupo sa sofa at binasa ang liham na nakapaloob dito na dalawang beses itinupi. Printed mula sa isang injket ulit ang nakasulat dito:

-----------------------------------------------

Kaibigan ko,

Ako'y gulong gulo hanggang sa mga oras na ginagawa ko ang sulat na ito para sa iyo. Ang alam ko lang ay may nararamdaman ako para sa iyo.

Mahal kita.

Sana'y patawarin mo ako sana ako sa pagtatago ko ng aking katauhan. Ang mahalaga lang ay naipapakita ko sa iyo ang pagmamahal ko para sa iyo sa mga ganitong paraan.

Sincerely,

Sybil

-----------------------------------------------

Nangunot ang aking noo sa pagtataka't na pailing matapos itong basahin.

"Sino tong si Sybil? Nagsinungaling sa akin si Harold sa mga pulang tulips? Bahala na. Hanggang hindi siya nagpapakilala sa akin hindi ko siya seseryosohin. Bahala siya sa buhay niya." ang wika ko sa aking sarili upang kalimutan na lang ang taong nagpapadala sa akin.

Itinupi kong muli ang liham at isinilid ito sa kanyang sobre. Pahagis kong ipinatong ito sa center table at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagkalakad akong paakyat ng hagdan tungo sa aking silid. Mabigat pa rin ang aking mga paa dala ng katamarang gumalaw masyado. Hindi ko isinasara ang pintuan ng aking silid kaya tulou-tuloy lang akong pumasok dito. Kinuha ko ang mga alaga kong hedgehogs sa ibabaw ng tukador at lumapit sa aking kama upang kunin din ang aking teleponong nakakabit pa ang earphones.

Nang mabitbit ko na lahat ng aking kukunin mula sa aking silid ay tinumbok ko ang pintuan at naglakad nanaman pababa ng hagdan upang bumalik sa sala.

Ipinatong ko ang kulungan ng hedgehogs ko sa ibabaw ng center table at umupo sa sofa. Nanatili lang akong nakasalampak sa sofa at tinititigan ang aking mga alaga. Nakakatuwa silang pagmasdan. Hindi ko napigilang mapangiti habang pinapanood sila ngunit hindi ko rin mawaglit ang kirot na sila na ang iniwan sa akin ni Rafael.

Habang nanatili ako sa ganoong lagay ay tinignan ko ang aking telepono gamit ang aking kaliwang kamay at ang kanan ko naman ay inilagay ang aking mga earphones sa magkabilang tenga.

Ilang hipo at pindot lang ay nasa listahan na ako ng aking mga tugtugin at namili lang na walang pakay kung alin ang patutugtugin.

Tila na kuha ng mga unang kataga ng awitin ang akin atensyon. Parang kinakausap ako ng awiting "Akap" ng Imago. Iniisip ko ang aking kalagayan ngayon. Lahat ng mga nangyari sa akin nitong huli ay parang hindi ko maintindihan.

Tila nakuha naman ng awitin ngayon ang ibig kong hindi masabi kay Rafael. Hindi ko na napigilang maluha.

Napaisip ako sa mga sumunod na linya. Tama nga naman. Dapat ay simple lang ang buhay koat hindi ganito ang gumugulo sa akin isipan. May minamahal na ako, may savings pa ako habang ako'y nagpapahinga bago muling bumalik sa pagtatrabaho. Sanay naman akong namumuhay din ng mag-isa.

Ang mga sumunod na linya ay tila iniaahon ako sa pangungulila. Tila ba binigyan ako ng lakas ng loob upang magpatuloy at sabihin kay Rafael ang aking gustong sabihin sa kanya ngunit sa mga sandaling iyon ay tila binubuo ko pa lang sa aking isipan kung ano ba at paano ko sasabihin ang mga iyon.

"Tama na nga ang senti na to.... hmph!!" ang nasabi ko sa aking sarili at tinignan ko muli ang aking telepono upang palitan ang tugtugin. Sa pagkakataong ito ay pinili ko ang "If We Ever Meet Again" ni Katy Perry at Timbaland.

Habang tumutugtog ang nakakaindak na awitin ay binunot ko ang aking kaha ng Malboro Menthol Black sa kanang kong bulsa sa aking walking shorts. Kumuha ako ng isang stick. Nang mailagay ko sa aking mga labi ang stick ay agad kong ibinalik ang kaha sa dating bulsa kung saan ko ito palaging inilalagay. Sa parehong bulsa ay kinuha ko naman ang aking lighter at sinindihan ang yosi na kagat-kagat ko na. Matapos din ay ibinalik ko sa dating bulsa ang aking lighter.

Napapaindayog na ako sa tugtugin. Bumangon ako sa aking pagkakaupo habang ibinubulsa sa kaliwa ng aking walking shorts ang aking telepono.

Tila natutuwa akong nag-iisa lang ako muli at walang nakakakita sa akin. Hinayaan ko na ang aking sariling madala ng tugtugin at nagsasayaw na para lang akong nasa bar. Indayog na ganito at kaunting kembot na tulad ng itinuro sa akin ng aking pinsan. Maindayog man ay medyo macho pa rin ang datin ngunit hindi mahalay tignan.

"Hoy!!! Baliw mode ka nanaman!!!" ang sigaw na tumawag sa aking pansin na mas malakas pa sa tutugin na naririnig ko mula sa aking earphones.

Agad kong nilingon kung saan nanggagaling ang boses. Sa may ibintana ay nakadungaw si Jeremy at natatawang nakatingin sa akin. Napahiya ako ng kaunti dahil nakita niya ako sa sarili kong mundo kung saan walang pakialam ako sa aking mga pinaggagawa.

Natigil lang ako sa pagsasayaw.

"Ikaw pala yan Jeremy!! Pasok ka na!!" ang sabi ko sa kanya habang inaalis ang isang earphone sa aking tenga habang paharap sa kanya.

"Eh papano ako papasok?!! Naka-lock!!!" ang reklamo niya. Kunot ang noo ni Jeremy at nakatulis ang mga nguso.

"Sorry naman... " ang sagot ko sa kanya at nalakad tungo sa pintuan upang siya'y pagbuksan.

Umalis na si Jeremy sa harap ng bintana at tumungo sa pintuan at siya na ang nagbukas ng pinto nang marining na inalis ko na ito sa pagkakalock.

"Party mode much insan?" ang tanong niya sa akin na nang-aasar.

"Eh ano gusto mong gawin ko? Yung PSP, PS3, Wii, at kahit DS mo man lang ayaw mo pahiram. Parang lahat noon nilalaro mo ng sabay-sabay." ang sabi ko sa kanya. Mahilig si Jeremy sa computer games kaya halos lahat ng pinaka bagong console na may magandang larong role-playing game at pinapatos niya.

"Oo... wala rin ako magawa kasi eh... alam mo naman si Dexter nitong huli lang din nadadalas ang pag-uwi baka bukas makalawa busy nanaman siya sa kumpanya nila." ang nalulungkot niyang sinabi sa akin.

"Eh ano gagawin ko kung ayaw mo ko pahiramin ng mga yon? Nakakatamad na nga maglaro ng mga games sa facebook papalit-palit lang ng theme same genre lang lahat." ang sabi ko sa kanya.

"Baka akala mo hindi ko alam na pareho tayo ng mga hilig insan. Kelan ka ba huling bumisita sa mga websites na yon?" ang tanong sa akin ni Jeremy habang pilyong ngiti ang ibinato niya sa akin.

"Ah... eh.. kuwan..." ang sagot ko.

"Tinatamad ka na ba?... Gusto mo magtulungan tayo" ang sabi niya sa akin na patuloy na pilyo pa rin ang kanyang ngiti.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C18
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous