Unti-unti kong binuksan ang nakalamukos na papel na mistulang napunit na bahagi ng journal ni Rafael.
Wala akong idea kung ano ang aking makikita dito. Akin na lang itong isinilid sa loob ng aking tukador at nagtungo na pababa kasama nilang tatlo sa sala. Iginagalang ko ang privacy ng aking kaibigan.
Kinuha ko ang aking tuwalya at nagshower muna. Sa aking pagdaan sa kanilang tatlo sa sala ay hindi ko tinitignan si Rafael.
Nang ako'y makapagbihis na. Agad kong inilagay sa labahan ang aking brief na may tuyong gatas ko. Tumungo na ako sa sala upang makinood na rin sa movie marathon.
Muli akong tumabing umupo kay Rafael. Hindi kami nag-iimikan.
Si Jeremy ay hindi masyadong natatakot sa palabas habang nilalaro ang balahibo sa hita ng nobyo niyang nakapatong sa kanyang mga hita. Tila napanood na niya ang Child's Play. Si Dexter naman at kunot noong nakatutok sa palabas na nakaakbay pa rin kay Jeremy.
"Kamusta ang date mo?" Ang tanong sa akin ni Jeremy. Nang ako'y makaupo na gitna nila ni Rafael.
"Okay lang insan. Masaya. Sinamahan ko muna siyang kumain sa Mcdo tapos nanood kami ng sine." ang kwento ko sa kanya.
"Ano na? Sang level na kayo ngayon ni Heather mo?" ang tanong ni Jeremy na parang nanay lang.
"Ah... mahal na daw niya ako. Mukhang seryoso naman siya. Ako rin gusto ko na siya pero manang type ako eh. Sabi ko magpapaligaw muna ako sa kanya." ang kwento ko kay Jeremy.
Nakikinig na pala si Rafael at si Dexter sa amin. Napansin ko na lang na sa akin na nakatingin si Dexter at ganun din si Rafael ngunit si Rafael ay tila blanko ang mga tingin at malungkot pa rin.
"Dapat! Dapat lang! Itaas mo ang dangal ng ating mag-anak!" Ang nagmamalaking sagot ni Jeremy. Natawa kaming dalawa ni Dexter sa kanya habang si Rafael ay nakaharap na ulit sa TV ngunit nakikinig pa rin sa aming usapan.
"Nako patay kang Heather ka!..." ang wika ni Dexter na pawang di natapos nang bigla siyang titigan ni Jeremy na magkasalubong ang kilay at nakatulis ang noo. Marahil ay alam ni Jeremy ang sasabihin ni Dexter sa aming dalawa.
Nagpatuloy na lang kami sa aming panonood.
Maya-maya ay tumayo si Rafael sa kanyang upuan at nag-unat ng kaunti. Matapos noon ay pumunta siya sa palikuran.
Nang magsara ang pintuan ng palikuran ay agad nagsalita si Dexter.
"Nako patay kang Harold ka. Parang hindi ko naman alam ang dinanas k sa iyo non Jeremy. Hirap mo kayang ligawan. Kung saan-saan pa kita hinanap." ang napeperwisyong pamamahagi sa akin ni Dexter.
"Kuya ha... muntik ka na madulas... may babae bang nanliligaw sa lalake?" ang natatawang sagot ni Jeremy sa kanya.
Naramdaman kong tama si Dexter, pinipigilan ko lang ang aking lumalago nang damdamin para kay Harold. Agad kong kinuha ang aking telepono.
"Sige na sasagutin ko na siya!" Ang aking sabi sa dalawa habang nakangiti at exited ipinapakita sa kanila ang aking telepono upang mabasa nila ang aking sasabihin kay Harold.
"Harold.I luv u.Tayo na.Sori kng ngppkipot p q knina.mwah" Ang aking pinadalang mensahe kay Harold. Lubos na saya ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Para akong nakalaya.
Bumukas ang pinto ng palikuran at pabalik na si Rafael. Nag-ring agad din ang aking telepono at aking itong sinagot.
"Tayo na? Talaga?! Salamat Joseph! Mahal na mahal kita!!!!" ang sigaw niya sa kabilang linya habang ako naman ay nakangiti at ang dalawang magjowa ay seryosong nakadikit ang mga ulo sa aking ulo kung saan nakatpat ang aking telepono upang makinig sa aming usapan.
"I Love you too mahal ko!! See you soon po!! Miss na kita… Bye bye!!" ang masigla at malambing kong paalam sa kanya habang si Rafael nama'y paupo na sa aking tabi.
Agad namang umayos ng upo ang dalawa nang makita si Rafael.
Nanahimik kaming apat na walang imikan haban. Marahil narinig niya ang aking sinabi kay Harold.
Hindi niya pansin ngunit habang seryoso siya sa panonood ay tinititigan ko siya sa gilid ng aking paningin.
Marahil ay nararamdaman niyang tinititigan ko siya at nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Agad ko na lang iniiwas ang aking mga tingin sa kanya.
Di nagtagal ay natapos ang aming pinanonood na Child's Play.
"Guys, uwi muna kami ni Jeremy to prepare for diner. Gusto niyong sumalo sa amin ngayon?" ang sabi ni Dexter nang sila ni Jeremy ay nakatayo sa upuan at nag-uunat-unat.
"Sige hugasan lang namin ang ating pinagkainan kanina tapos sunod na kami sa inyo." ang nakangiting sagot n Rafael na tumayo na rin at naglalakad na tungo sa hapagkainan.
Tumayo na rin ako at pinatay ang DVD player at TV at tumulong na kay Rafael sa pagliligpit.
Lumabas na ang dalawa ng bahay hanggang sa kami na lang dalawa ni Rafael ang magkasama.
"Tol... pasensiya na sa reaction ko kanina ha?" ang sabi ko sa kanya upang simulan ang aming usapan.
Hindi siya umimik habang nakayukong nagiipon ng mga pispis ng aming mga kinain sa isang plato habang ako naman ay kinukuha ang mga baso.
Tumungo na siya sa kusina upang ilagay sa kanin-baboy ang mga pispis. Sumunod ako sa kanyang bitbit ang mga baso.
Nang maipatong ko na ang mga baso sa lababo ay hinahawan ko ang braso niya.
"Tol okay ka lang? Bakit di ka sumasagot?" ang nalulungkot kong tanong sa kanya.
Inakbayan ko siya at dahan-dahan siyang humarap sa akin habang nakatitig sa sahig.
"Anong problema tol?" ang nagtataka kong tanong sa kanya kunwari ay wala akong alam.
"B-bakit mo ko.. t-tinawag na Raffy kanina?" ang nahihiya niyang tanong sa akin.
"Wala lang. Hindi ko rin alam eh. Sobrang gulat ko siguro. Nahawa lang siguro ako sa pinsan ko kaka "feeee feeee" niya sa mga taong malalapit sa kanya. Tulad ko, Sephy tawag niya sa akin di ba? Bakit? Masama ba?..." ang natatawa kong sagot sa kanya.
Ngumiti si Rafael na abot tenga sa aking mga sinabi.
"...Pero pare ha... di ako bakla ha. Hindi mo ko sing libog pero hindi ako bakla." ang dagdag ko pa sa mababa kong boses. Baka kasi maisip niyang hitad din ako tulad ni insan.
Natawa naman si Rafael sa aking ginawa. Nakita kong nakakatingin na siyang muli sa akin at nagniningning ang saya sa kanyang mga titig.
Bumalik kami sa mesa upang ipagpatuloy ang paglilinis.
Nang kami ay natapos ay tumungo na kami kila Jeremy upang tumulong sa pagluluto at kumain na rin.
Matapos kumain ay nagpahangin muna kami sa labas ng bahay at naninigarilyo. Gabi na ng mga oras na iyon.
Nagkukulitan kaming apat habang pinapalipas ang oras nang biglang tumunog ang telepono ni Rafael. Lumayo sa amin si Rafael habang kinakausap ang tumatawag sa kanya.
Matapos ang isang sandali ay bumalik siyang nakangiti sa aming tatlo.
"Guys, batugan na kung batungan pero habang wala pa raw akong trabaho ay bibigyan na lang muna ako ng ina ko ng pera sa aking ATM." ang naluluha niyang ibinahagi sa amin.
"Hay nako Rafael hindi ka naman parasite at hindi ka naman dapat mag-alala agad sa bagay na iyan." ang sabi ni Jeremy.
"Para na tayong magkakapamilya nila Joseph sa office. Kung pagkain lang ang kailangan meron kami at kung sa tubig at kuryente naman ay electric fan at TV lang naman ang gamit niyo wala pa ngang 200 pesos bill niyo diba? Sa tubig naman wala pang 100 palagi. Magdamayan tayo." ang dagdag pa ni Jeremy.
Lumapit si Rafael sa kanya at yumakap. Lumapit din si Rafael kay Dexter at yumakap ng mahigpit habang lumuluha na. Ako ang huli niyang nilapitan upang yakapin ngunit tila mas mahigpit ang yakap niya sa akin. Halos hindi ako makahinga.
"Aray!! Rafael tama na ang higpit masyado." ang daing ko sa kanyang ginagawa.
Marahang kumalas si Rafael sa pagyakap sa akin at nakangiting tumitig sa akin at lumuluha pa rin.
"Hindi ko nga iniisip yan eh. Masyado ka naman mag-alala Rafael." ang sabi ko sa kanyang natatawa habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.
Nagpatuloy kami sa aming kulitan hanggang abutin kami ng madaling araw. Para kaming mga batang naglalaro sa harap ng bahay nila Jeremy. Hindi ako masyadong nakipagkulitan dahil mas gusto kong nonood lang sa kanila habang kinakausap sa text si Harold.
Maya-maya ay umupo na si Jeremy sa pagod.
"Tulog na tayo!" ang yaya niya sa aming lahat. Lumapit sa kanya si Dexter at hinaplos ang mamawis-mawis na noo ni Jeremy.
"Shower muna tayo bunso tapos meme na tayo." ang lambing sa kanya ni Dexter.
"Sige una na rin kami ni Seph." ang paalam ni Rafael sa dalawa at naglakad na kami pantungo sa bahay.
Nauna akong umakyat sa silid dahil si Rafael ay umihi muna at naghilamos.
Sa aking silid ay nag-alis na ako ng aking damit pambahay at iniwan na lang ang aking brief. Naalala kong inilagay ko ang papel mula sa journal ni Rafael sa aking tukador. Kinuha ko ito at binalak na ibalik kay Rafael ngunit sa mga oras na iyon ay napuno ako ng intrigang tignan ang loob nito.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tinignan ito. Drawing ng imahe ni Gokou ng Dragonball Z ang nakalagay dito. Ngunit napansin ko ring napatungan lang nito ang dating nakasulat dito na:
"Patawarin niya sana ako."
Hindi ko alam ngunit parang may kumurot sa aking dibdib sa aking nabasa. Naagting ako sa mga salitang pawang nangungusap sa akin na sana'y patawarin ko siya kung ano man ang pagkakamaling nagawa niya kahit wala siyang dapat ihingi ng patawad sa akin.
Narinig ko ang maalalakas na yabag ng mga paa ni Rafael na paakyat ng hagdan.
Agad kong nilamukos ang papel na aking hawak at inilaglag sa sahid at nagpanggap na kunwari ay naglilinis lamang ng tukador.
Nagring ang aking telepono. Tumatawag si Harold.
"Harold!" Ang masaya kong bati sa kanya.
Naririnig ko lang ang pagsinghot niya sa kabilang linya. Umiiyak si Harold sa kabilang linya.
"Joseph… sorry… hindi na tayo pwede magkikita… basta… hindi na talaga pwede…" Ang sinabi niya sa akin at ibinaba agad ang tawag.
Nakita ako ni Rafael na gulat ang aking mukha sa aking narinig. Naabutan niya ako sa pagsagot ko sa tawag ni Harold. Mabilis na namuo ang mga luha sa aking mga mata.
"Seph… Ang sarap magshower!" Ang wika ni Rafael na tila nagpapainosente. Ngunit batid ko sa kanyang mukha na concerned siya sa nangyari sa usapan namin ng tumawag sa akin.
"Rafael… bigla akong iniwan ni… Hindi na daw kami magkikita… Walang paliwanag… basta… wag na daw kami magkita… " gusto kong magalit pero sabay ang lungkot na aking nararamdaman. Hindi ko rin sa kanya pwedeng masabi ang lahat.
Biglang nagulo ang aking isipan. Pilit kong inaayos ang aking sarili. Nanginginig ako. Nabitiwan ko ang hawak kong telepono.
Mabilis na umapaw ang inis sa aking dibdib at nasuntok ko ang pader. Hindi ko maramdaman ang sakit sa aking kamao kahit dumudugo na ito.
Agad kumuha ng hand towel si Rafael sa aking cabinet at ibinalot ito sa aking kamao.
"Tol… okay lang iyan… masakit ba?" ang nag-aalalang tanong sa akin ni Rafael habang ako'y kanyang kinakalma.
Nagkatitigan kami ni Rafael. Isang maamo at nag-aalalang mga titig ang nakita ko sa kanyang mga mata habang ako naman ay salubong ang mga kilay at kunot ang noo sa galit.
"Bukas pag-usapan natin yan ha?" ang wika niya. Tila kumakalma na ako habang nanatili akong nakatitig sa kanyang maamong mukha.
Tumagal kami ng ilang sandali sa ganoong lagay at inayos ko ang aking sarili at pilit na itinago kay Rafael ang kagustuhan kong lumuha sa sakit na aking nararamdaman. Ayaw kong makita niya pa ako na ganoon ang aking lagay.
Kung gugustuhin ko lang na marinig niya ang aking pinagdaraanan ay mas gugustuhin ko muna na wala akong nililihim sa kanya sa likod ng aking ibabahagi.
"Tol… shower ka muna… para lumamig ang ulo mo…" ang nakangiti nang sabi sa akin ni Rafael. Marahil dahil hindi na halata sa aking mukha ang aking lungkot at galit sa sakit dala ng bigla akong iwan ni Harold.
"Nako sobrang inaantok na ako para magshower pa. Nga pala, pakitapon naman yang nasa sahig. Sa iyo ba yan? Wala kasi akong notebook na may ganyang papel." Ang painosente kong turo sa kanya sa nilamukos kong bahagi ng kanyang journal nang maalala kong ihinulog ko lang ito sa sahig.
"Ah… eto ba… wala akong magawa e. Nagdrawing na lang ako." Ang sabi niya habang pinupulot ang papel at tumatawa.
"Nood muna ako ng TV sa baba pampaantok lang." Ang paalam niya sa akin. Marahil ay gusto niya akong mapag-isa muna dahil sa aking nararamdaman. Batid niya ang aking pananamlay.
"Sige lang. Matutulog na ako ha? Mauna na ako sa iyo." Ang sabi ko sa kanya habang ako'y akmang uupo na upang humiga sa aking kama. Si Rafael naman ay isinasampay na ang mamasa-masang tuwalya sa nakakawit na sampayan sa likod ng pinto ng aking silid habang brief lang nag naiwan niyang saplot sa katawan.
"Itulog mo lang yan ha? Okay tol? Bukas pag-uusapan natin yan." Ang parang utos niyang sinabi sa akin nang matapos niyang ayusin ang pagkakasampay ng tuwalya sa sampayan. Sinagot ko lang siya ng pagtango.
"Paki patay na lang yung ilaw." Ang huli kong sinabi habang si Rafael naman ay patungo na sa labas at akmang mapabalik na nakalitaw ang dibdib pataas niyang katawan.
"Good night! Sleep tight!" ang wika niyang malambing at nakangiti sabay patay ng ilaw sa aking silid at isinara ang pinto.
Nang mawala na si Rafael ay itinakip ko ang kanyang unan sa aking mukha at humagulgol na umiyak nang nakatagilid. Ang inaasahan kong pag-asa ay biglang nawala.
"Anong dahilan? Dahil ba sa ako'y gustong magpaligaw pa muna sa kanya? Anong meron? Dahil ba sa ayaw kong gawin ang mga gusto niya na gagawin ko lang kung sasagutin ko na siya?" ang mga umiikot na katanugan sa aking sarili habang patuloy na umiiyak. Humahagulgol na pigil na makalikha ng masyadong maingay.
Sa sobrang pagod ko ay agad akong nakatulog ng di namamalayan.
"Seph… Seph… Seph… Gising ka pa ba Seph?" Ang pabulong na marahang gumising sa akin. Tila nakikiramdam si Rafael kung tulog na ako. Tulad ng isang gabi ay nagpanggap akong natutulog pa rin at nakikiramdam.
"Seph?... Baby bro ko? Meme ka na ba? May patutugtugin lang si Big bro ha? Para sa iyo yan baby bro ko." Ang dagdag pa ni Rafael na ibinulong sa akin.
Pinatugtog niya ng medyo mahina ang awiting "Kaibigan" ng Up Dharma Down.
Naramdaman ko naman agad na dahan-dahan siyang umakyat sa kama upang humiga sa aking tabi. Naramdaman ko na lang na nakatagilid siyang humiga dahil nararamdaman ko sa aking likod ang malalalim niyang paghinga.
Tama ang mga linya ng awitin na pinatutugtog ni Rafael.
"Baby bro… kahit hindi mo pa sa akin sinasabi ang problema mo… alam ko sobrang sakit ngayon niyang damdamin mo…" ang bulong niya.
Hindi ko mapigilan ang aking luha sa kanyang sinabi. Tila nanumbalik ang damdamin kong aking nakatulugan sa pag-iyak kanina lang.
Tinamaan ako ng bawat linya ng kanta. Parang kinakausap lang ako ni Rafael.
"Baby bro… love ka ni Big bro… at marami pa diyan…" ang dagdag pa niyang ibinulong sa akin na parang pilit na ipinapaintindi sa akin ang ibig niyang sabihin. Patuloy siyang nakikiramdam kung tulog pa ako at patuloy naman akong nagpapanggap na antutulog at nakikiramdam sa kanya.
Naramdaman kong iniangat niya ang ulo ko at ipinaunan ang akin ulo sa inunat niyang braso. Nagdikit ang aking likod at kanyang dibdib, ang aking balikat at kanyang kilikili na nakakakiliti ang mga balahibo.
Naglapat ang aking likod at kanyang tiyan. Nakaramdam ako na hindi na ako nag-iisa sa mundong ito sa kabila ng pag-iwan sa akin ni Harold.
Niyakap na ako ng kabila niyang braso at para na akong unan.
Tumulo sa kanyang braso ang aking luha at marahil naramdaman niyang basa ang aking unan.
"Baby bro… umiyak ka pala… kawawa ka naman… kahit alam kong natutulog ka alam ko namang nakikinig ang puso mo sa akin." ang bulong niya.
Nanatili kaming ganon ang pusisyon ng ilang sandali. Tila balewala lang kay Rafael ang tumutulo ko paring mga luha. Marahil ay dahil sa basa na ang kanyang braso sa aking mga luha at hindi nararamdaman ang pagdampi ng mga ito.
Ngunit sa kabila ng nakakatuwa niyang panlalambing ay agad naman akong kinilabutan sa kanyang ginawa.
Naramdaman kong nagalit ang kanya muli.
"Baby bro… pasensiya na ha? Hindi ako makakatulog ng hindi ko ito iniipit. Ipit lang po ha?" ang bulong niya at inipit ang kanya muli sa pagitan ng aking hita tulad ng dati. Hindi na ako gumalaw upang umiwas.
Alam ko naman na iyon lang ang kahilingan niya at wala naman sigurong masamang gagawin pa si Rafael sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Mas matimbang pa rin kasi ang kalungkutang nararamdaman ko at parang nawala na rin ang aking pakialam para sa sarili.
Nang mailagay na niya ang mainit at namimintog na kanya ay hinahaplos ng kamay niya ang aking balikat.
Nakatulog na kami sa ganoong lagay.