Télécharger l’application
92.68% "You're Only Mine" / Chapter 38: KABANATA 38

Chapitre 38: KABANATA 38

Zeiya Point of View

Apat na taon kaming may relasyon noon ni Clifford. Apat na taon na kasama sya sa saya at sakit. Apat na taon na sobrang dama na dama ko kong gano niya ako kamahal. Hindi ako nag sisisi ng minahal ako ni Clifford, hindi ako nag sisi sa mga panahon iyon dahil natutunan kong mahalin ang aking sarili dahil sa kanya.

He was different from all the men I had met, he was the first and last one I loved. But that has changed since my parents pressured me.

Umalis ako ng hindi alam ni Clifford, sabi ng mga kaibigan namin ay halos mabaliw si Clifford sa kakahanap sakin. Hindi niya alam kong saan ako hahanapin, araw-araw umiiyak si Clifford dahil hindi niya matanggap na bigla akong nawala. Nabalitaan ko nalang na sinubukan akong hanapin ni Clifford sa Canada pero bigo sya dahil hindi ko magawang tumakas. Lahat nag bago simula nong malaman nilang si Clifford Edelbario ang boyfriend ko. Ayaw na ayaw ni mommy at daddy ang mga Edebario dahil kumpetensya nila ito sa negosyo. Nagalit sakin ang pamilya ko maliban kay ate na tanggap at supportado samin ni Clifford. Since highschool hanggang college ay itinago namin ang relasyon namin ni Clifford, ang hirap ngunit nagawa namin sa apat na taon.

Simula nong malaman ng pamilya ko na patago kaming nagkikita ni Clifford ay dinala agad nila ako sa Canada. They beat me, scolded me and sometimes did not feed me. Tiniis ko iyon dahil ayaw kong sundin ang kanilang gusto, tiniis ko ang paghihirap na iyon dahil gusto kong makasama si Clifford. Pero hindi ko nagawa at hindi ko nagawang ipaglaban si Clifford ng malaman kong ipapakasal nila ako sa isang lalaking mayamam, which is ka sosyo nila sa negosyo. Nagwala ako, minsan ay nag attemp akong magpakamatay ngunit hindi natuloy dahil nang ipinakita nila sakin kong sinong lalaki ang papakasalan ko ay nagulat ako.

Nalito ako bigla dahil sya ang first love at first everything ko. He saved me, he helped me get away from my family and he will help me get away if he is the one I choose. I haven't heard from Clifford for a few months so at that time I chose him to get away from my family. Pinili ko sya upang makalaya at makatakas saking pamilya. Sobrang saya ng mga magulang ko dahil pumayag akio sa gusto nila, pumayag ako na magpakasal sa first love ko.

Simula nong magsama kami ni Nelchie ay hindi ko nalang namalayan na unti-unti kong nakalimutan si Clifford. Pinaghandaan ang kasal naming dalawa, invited lahat ng may malalaking kompanya sa Canada. Naalala ko lang noon kong pano nalaman ni Clifford na ikakasal ako ay pinilit niya si ate, walang nagawa si ate dahil nangako ito na pag makita ako ay kakalimutan na niya ako. Nagulat ako dahil bigla syang sumulpot sa engagement party namin ni Nelchie.

Nasasaktan ako para sa kanya dahil nakatago lang sya sa isang sulok habang pinapanuod ako sa mini stage na kasama si Nelchie at ang both family namin. Kitang-kita mula sa malayo ang mga luha ni Clifford, napapikit ako dahil sobrang nasaktan ako sa reaskyon niya ngayon. Napalingon ako kay Nelchie sa tabi ko, kumakalbog ang puso ko ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

This time ay nalilito parin ako, dahil masaya ako pagkasama si Nelchie, masaya ako simula nong dumating sya sa buhay ko. Nagtaka ako kong bakit bigla akong nakalimot agad kay Clifford.

Naalala ko pa kong ano ang huli niyang sinabi sakin. Pagktapos ng party na iyon ay agad ko syang hinahanap sa labas, nakita ko syang nakaupo mula sa isang sulok. Lumapit ako sa kanya at tumabi, hindi niya ako magawang tignan.

"Bakit mo pa naisipang pumunta dito? Sabi ko naman sayo tama na diba? Masaya na ako ngayon, sana ay maging masaya ka sakin." wika ko, dahan-dahan syang napalingon sakin na may luha. I averted my eyes. I was hurt by Clifford tears.

"Ang dali mong nakalimot," sagot niya bago nag iwas ng tingin. Napapikit ako, inabot ko ang kamay niya ngunit hinawi niya lang iyon.

"Hindi kita nakalimutan, Clifford. Nagising lang ako sa katotohanang hanggang doon nalang tayo, na hindi tayo para sa isat-isa." napaluha ako sa sinabi ko. He laugh softly even with tears.

"Ang hina mo naman, Zeiya." dahan-dahan syang tumayo, sinundan ko sya. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang dibdib. "Dont worry from now on, I will accept. Hindi na ako muling mag paparamdam sayo." nagsimula syang maglakad palayo sakin. Hindi ko sya magawang pigilan dahil pag ginawa ko iyon baka malito ako ulit at masaktan ko ang aking pamilya. Baka pa sya makalayo ay may huli syang sinabi sakin. "Kaya pala hindi ka nag papahanap, kaya pala nanahimik ka. May iba ka na pala, sana hindi ka magsisisi sa pinili mo. Paalam Zeiya!" huli niyang sabi at tuloyan akong iniwang luhaan.

Sobrang nasaktan ko si Clifford sa mga panahong iyon, wala na akong balita sa kanya. Dalawang araw nalang para sa nalalapit naming kasal, sobrang excited ng lahat pati na ang pamilya ko. Hanggang sa hindi namin inaasahan ang nangyari, habang pauwi si mommy at daddy kasama si Nelchie ay nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan.

Sa sobrang depressed ko sa mga panahong iyon ay nag attempt ulit ako magpakamatay, sobrang sakit dahil hindi ko lubos maisip na mangyayari iyon sa buhay ko. Ang pinili kong tao ay mawawala din pala sakin.

Sa mga panahong iyon ay naisip ko si Clifford, sinubukan ko syang kontakin ngunit hindi ko magawa-gawa dahil sa kahihiyan. Palagi akong umiiyak saking kwarto, minsan hindi na ako kumakain. Sobrang nag-aalala sakin si Ate Zana dahil malaki ang pinagbago sakin, biglq niya lang napaghalata na kakaiba ang balat ko. Ang aking mga mata ay bagsak, palagi akong pagod at bigla-bigla nalang sumasakit ang aking dibdib.

Malaki ang epekto sakin ng pagkawala ng pamilya ko lalo na ang fiancee ko, kaya ako nagkaroon ng breast cancer. Dahil sa pagpapabaya saking sarili, dahil sa palaging pag iyak at hinahayaang sumasakit ang dibdib ay mas lalong grumabe ang sakit ko at dinala ako sa hospital. Hindi ko alam na kinontak pala ni Ate si Clifford at laking gulat ko ng makita ko sya saking kwarto. Sobrang saya ko sa mga panahong iyon, halos hindi ko sya bitawa sa pagkakayakap. Naging stage 4 ang cancer ko, pero dahil sa paulit-ulit bumabalik si Clifford sa Canada ay bumabalik ako sa sigla. Kinaya ko ang sakit, kinaya ko lahat inumin ang mga gamot para lang gumaling. Sa puntong iyon ay si Clifford at Ate ang motivation ko para mabuhay.

Simula nong maghiwalay kami ni Clifford ay hindi ako nakatanggap ng masakit na salita galing sa kanya. Bagkus ay mas inalagaan at palagi niya akong binibisita. Isang taon akong naghirap at nag tiis saking cancer, hinarap ko lahat ng treatment at laking gulat ko na may magandang good news sakin ang Doctor, para akong binunotan ng tinik ng sinabi niyang gumagaling ako. Mula sa stage 4 ay naging stage 1, hindi ko sinabi kay ate at mas pinili kong ilihim nalang, dahil hindi ko alam kong pano sasabihin sa kanya, gusto ko sana syang esurpresa sa birthday niya.

Palagi akong binibisita ni Clifford dito sa Canada. One time habang pinapakain niya ako ay biglang tumunog ang kanyang phone, basang-basa ko iyon at hindi ako nagkakamali. Kitang-kita sa screen ang "Wife" Nanghina ako at hindi ko magawang mangtanon sa kanya. Natatakot ako na baka iwan niya ako kaya kinimkim ko nalang ang sakit. Iniisip ko palang kong bakit ako magrereklamo kong nag tiis si Clifford na alagaan ako.

Iniwan niya ako ulit at bumalik sya sa Pinas. Sinigurado ko ang aking nakita at ginawan iyon ng paraan ng aking private investigator, hindi nga ako nagkakamali at may asawa na si Clifford. Bakit itinago niya sakin? Bakit hindi niya sinabi sakin habang inaalagan niya ako. Bakit niya nagagawang pumunta dito sa Canada kong may asawa na sya? I have so many question on my own and I can't answer them.

Palagi ko syang tinititigan at palagi syang busy sa kanyang phone. Nawala na sakin lahat at ayaw kong mawala si Clifford sakin, ayaw kong maulit muli ang mawalan ng minamahal. Nang dahil sa selos at galit ay itinago kong gumaling ako. Sinundan ko si Clifford sa Pinas, at ang sabi sakin ng aking private investigator ay nasa Lovi'n Resort ang dalawa, sinama ko ang aming katulong at buti nalang pumayag si ate na umuwi ako sa Pinas. Sobrang sakit makita na masaya si Clifford sa piling ng iba, ang kanyang mga ngiti at saya ay walang katumbas habang patago ko silang pinagmamasdan sa malayo. Kuyom ang kamao ko, ganito pala ang pakiramdam na makita mo syang may mahal ng iba. Ganito din kaya ang naramdaman ni Clifford nong malaman niyang ikakasal na ako? I have so many questions on my own and I can't answer.

Napaiyak ako, dahil alam ko sa mga oras na ito ay masaya silang nagsasalohan sa kama. At sakit isipin, hindi ko kaya. Dalawang araw sila sa resort at minsan ko ng nakausap si Marilou, hindi ipagkakaila na maganda sya kaya siguro nabihag niya si Clifford. Hindi ko kayang magpakita sa kanyang pamilya dahil alam kong may galit pa iyon sakin. Pero may isang taong never akong sinaktan at nagalit sakin. Si Jana ang pinsan ni Clifford, pagdating ko sa kanila ay ang paglabas nila mula sa gate. Nagulat si Jana at niyakap ako ng mahigpit, maging ang mommy niya ay hindi makapaniwala na nandito ako. Hindi ko inaasahan na ang unang pagkita at pagtungtong ko sa bahay ni Jana ay kaarawan pala ni Marilou. Pinilit ko silang isama ako, at nagsinungaling rin ako sa kanila na okay na kami ni Clifford at nanatiling magkaibigan kami.

Ramdam na ramdam kong galit si Clifford dahil sinundan ko sya, mula sa titig at ngiti niya sakin ay alam kong galit sya. Patago niya akong kinausap ng umalis si Marilou para mag banyo, galit sya sakin dahil nag-aalala sya sa sitwasyon ko. Nag-aalala sya na baka himatayin ako ulit dahil sa pagod at dahil sa malayo kong byahe. Alam kong mahal pa ako ni Clifford at alam kong nalilito lang sya sa sitwasyon niya ngayon, dahil sa pagkakaalam ko ay arrange marriage lang silang dalawa.

Hindi ko kayang panuorin sila na naghahalikan mula sa lobby umiwas ako at bumalik sa party. Napaupo ako sa isang sulok, lagi kong iniisip na baka karma ito sakin. Minsan ko nang minahal si Clifford pero sinayang ko lang, pero hindi eh nasaktan lang din naman ako, nagkakaganito lang din naman ako dahil sa pamilya ko.

Mas lalo akong nasaktan habang pinapanuod silang sumasayaw. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang galit saking katawan, nang iinit ako at hindi ko maipaliwanag.

Sinubukan kong kausapin si Marilou. Nilapitan ko sya para kausapin, sumama sya sakin palabas ng building. Umupo ako sa isang bench at sumunod sya.

"Kong hindi ako nagkamali, ikaw rin yong nakilala ko sa resort?" napalingon ako sa kanya, maganda nga talaga si Marilou.

"Tama ka, masaya ako dahil nagkita tayo ulit." nabigla sya ng hinawakan ko ang kamay niya. "Sya nga pala, happy Birthday, sobrang swerte mo kay Clifford." natahimik kaming dalawa at parehong niyayakap ang mgabsarili. "Sa totoo lang ay hindi ko alam na ikaw pala ang asawa ni Clifford, kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo dahil minsan na pala tayong nagkita at sa paboritong lugar pa namin ni Clifford." ngiti ko. Kitang-kita sa mata niya kong pano sya naasar. Natawa ako saking isipan, maybe hindi sya aware na ako ang unang babae na dinala ni Clifford sa resort noon. "Sorry," paumanhin ko. "Hindi ko dapat sinabi yon, sorry Marilou." isa-isang tumulo ang luha ko at alam ko sa sarili ko na drama lang ito.

"H-hindi okay lang, huwag munang isipin yon. Please huwag kang umiyak." isa-isa niyang pinunasan ang mga luha ko. Natawa ako dahil alam kong ka plastikan lang lahat ng mga ito.

"Ingatan mo sya huh, kinalimutan niya ako dahil sayo." napaatras sya sa sinabi ko. Gusto kong galitin si Marilou.

"Hindi kita maintindihan," sagot niya naman. "Anong ibig mong sabihin Zei?" dahan-dahan kong hinubad ang aking wig na buong akala niya ay totoo, buong akala nilang lahat na totoo ang pagkalagas ng aking buhok. Dahil ang totoo ay cosmetic lang ito lahat at dito ako marunong. "Alam mo, Marilou nasaktan ako ng makita ko kayo kanina na naghahalikan. Kasi dapat sakin yon eh, dapat ako ang kasama niya at hindi ikaw." sinabi ko iyon na may luha kahit pilit. Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala.

"Zei, anong pinagsasabi mo? Arrange marriage ang nangyari samin at hindi ko naman aakalain na mahuhulog ako sa kanya, wala akong inagaw dahil kusa syang pumayag sa plano ng pamilya namin. Bakit feeling ko ay inagawan kita," halos paos ang boses niya.

"Hindi ko alam, Marilou. Hindi ko alam." humagulgol pa ako ng iyak. "Simula nong dumating ka sa buhay ni Clifford, he no longer visits me in canada." sa pagkakataong ito ay mas lalo syang naiyak. Gusto ko syang pagselosin at gusto kong mawasak ang relasyon nila.

"Canada?" uit niya.

"I was healed everytime na nakikita ko si Clifford sa canada, and there I endure some of my treatments, at palagi syang nasa tabi ko para kalabanin ang sakit na ito. "Ang sakit Marilou, gusto ko pang mabuhay at makasama sya, pero mukhang malabo na ang lahat." humagulgol parin ako, dahil sa ginawa kong pag panggap ay tila nagkatotoo ang sakit. Mahal na mahal ko si Clifford.

"Hindi ko maintindihan, nalilito parin ako. Sorry Zie, sorry hindi ko alam ang pinagdaanan nyong dalawa." inabot niya ang kamay ko. Tama ako at nagsisisi na sya ngayon.

"Sya ang rason kong bakit gusto ko pang mabuhay, sya ang rason kong bakit nadadag-dagan ang buhay ko, Marilou. I love him so much until now." sagot ko at patagong nakangiti sa gilid ng aking labi. "Please Marilou, ibalik mo sakin si Clifford mas kailangan ko sya ngayon. Please!" napatayo sya sa wika ko. Napailing sya ng ilang ulit.

"Zei, hindi ko kaya at hindi ko alam kong pano. Ang sakit, sobrang sakit, hindi ko na alam ang gagawin ko Zei, dahil yong taong gusto mong bawiin ay 'yong taong mahal na mahal ko." naiiyak niyang sagot. Napakuyom ang aking kamao, ayaw niya talagang bitawan si Clifford. Dahan-dahan akong napatayo at tinalikuran sya, kong hindi ka madaan sa pakiusap, pwes mag dramahan tayo Marilou.  "Zei?" tawag niya at sinundan ako. Naisip kong pa giwang-giwang na maglakad para mapaniwala ko sya.

Naaninag ko si Clifford na palabas ng building. Sinadya kong matumba ang bumulagta sa sahig para masaksihan niya akong matumba. Sumigaw si Marilou at Clifford.

Sa mga oras na iyon ay planado ang lahat, napagkitaan ng doctor ng Nicolas hospital na may cancer ako ngunit inilihim nila ito na pagaling na ako, dahil binayaran ko sila ng malaki. Sobrang saya ko dahil araw-araw akong inaalagaan ni Clifford. Sobrang saya ko dahil iniiwan niya si Marilou para bantayan ako. Nag tagal ng dalawang linggo ang pag stay ko sa hospital, nag tagal akong nag panggap.

Nag dadramahan ako na nawawalan ng hininga at scripted lang lahat pati sa tatlong Doctor na binabayaran ko. I know money is the root of evil kaya nga napapasunod ko sila sa gusto nila.

Tungkol sa halik, hindi ko aakalain na dadating si Marilou sa hospital at sobrang timing na mahuli niya kaming hinalikan ko si Clifford, sobrang saya ko sa mga oras na iyon dahil alam kong mag-aaway sila.

Umorder ako ng bulaklak at inutosan ko si ate na kunin ang bulaklak sa labas dahil hindi makita ng delivery boy ang room namin. Sobrang timing dahil dumating si Clifford, nag tulog-tulogan ako sa mga oras na iyon at sinet-up ang camera sa gilid ng aking kama. Sa sobrang obessesed ko sa pagmamahal ko kay Clifford ay gusto ko na syang kunin kay Marilou at gusto kong maghiwalay sila. Nagtagumpay ako at nakuha ko ang numbero ni Marilou ng minsan ay naiwan ni Clifford ang phone niya sa mesa. I forwarded the picture I got at tama nga ako at alam na alam kong naging tagumpay ang aking plano.

Pero sa ginawa kong pag panggap at sa ilang buwan kong pagsisinungaling ay nahuli ako ni Clifford. Buong akala ko ay maitatago ko ang lahat, buong akala ko ay magiging masaya ako sa ginawa ko. Pero hindi pala, dahil mas lalo akong nasaktan ng iniwan ako ni Clifford. Mas lalo akong nasaktan ng magalit sakin si Ate pareho nila akong iniwan sa ere na umiiyak.

Galit na galit ako sa mundo, galit na galit ako sa mga taong nakapaligid sakin. Hindi ako papayag, sobrang wasak ko nang tao. Halos nawala sakin lahat. Wasak na ang mundo ko at damay damay na ito.

Mas naunahan ko pang umuwi si Clifford at mas nauna akong nakakuha ng ticket sa kanya. Tinawagan ko agad ang aking investigator at itinuro niya sakin kong nasan si Marilou.

Tumungo ako sa isang tagong resort, sobrabg timing dahil nasa malayo palang ako ay naaninag ko na si Marilou mula sa labas ng resort. Napangiti ako, uminit ang buong katawa ko. Ang paningin ko ay nagdilim.

Hindi ako papayag na magkatuloyan kayo ni Clifford. Hindi ako papayag na maging masaya kayong dalawa. Kong ayaw niya sakin, pwes mas mabuti ng mawala ka Marilou upang bumalik sya sakin.

Napahigpit ang hawak ko sa manobela at mabilis na pinaharurot ang kotse patungo sa kanya.

Goodbye Marilou, ipaparamdam ko rin sayo Clifford kong pano mawalan ng minamahal.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C38
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous