Télécharger l’application
90.24% "You're Only Mine" / Chapter 37: KABANATA 37

Chapitre 37: KABANATA 37

Clifford Point of View

Pabalik-balik ako sa mansion nila Marilou pero hindi niya ako magawang kausapin, ayaw manlang niya magpakita sakin. Sobrang sakit, ang gago ko dahil hindi ko kayang panindigan ang mga taong kailangan ako. The pain hurts for me, I'm already confused what to do. I can't afford to leave the two because I know who will lose and I know who will stay. Alam na alam kong matapang si Marilou kaya naging komportable ako na okay sa kanya ang lahat, hindi tulad ni Zeiya sa sobrang hina, pahina rin sya ng pahina. Hindi ko alam kong hanggang kailan mabubuhay Zeiya dahil nagdadalawang isip na ako ngayon, dahil tanggap ko na kong ano ang mangyayari sa kanya.

Nong araw na iyon, ay kailangan kong samahan si Marilou sa kaibigan kong Doctor, ngunit hindi nangyari dahil habang nagbabyahe ako patungong University ay biglang tumawag si Zana. Umiiyak at hingal na hingal sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan nong mga araw na iyon, nalilito ako na halos mabangga ako sa daan.

Dali-dali kong tinawagan si Cholo para sunduin si Marilou at sinabi aa kanya ang lahat. Pagdating ko sa hospital ay may tatlong Doctor ang nag assist kay Zei, pinagtulongan sya dahil hindi na lumalakbay ang monitor nya sa gilid ng kanyang kama. Sa puntong ito ay napaupo ako sa mahabang sofa at napahilamos. Rinig na rinig ko ang sigaw at iyak ni Zana na tila gustong gisingin si Zeiya.

"Doc, his heart is beating back." napatayo ako sa sinabi ng isang Doctor. Napapikit ako na may kaba. Inayos nila si Zeiya at may iilang kinabit sa kanyang katawan. Lumabas silang lahat kasama si Zana at hindi narin ako nakinig kong ano ang pinag-usapan nila.

Napalapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Patawarin mo sana ako Zeiya, kailangan ako ng asawa ko at kailangan ko rin sya, hindi ko na sya naaalagan dahil nag-aaalala ako sa sitwasyon mo.

"Zei sana ay gumaling kana," bulong ko at dahan-dahan binitawan ang kanyang kamay. Aakmang tatalikuran ko sya ng biglang hinila niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko dahil gising sya. Napaupo ako sa upoan at humarap sa kanya. "Zei kumusta kana?" ngiti ko.

Ang kanyang ngiti ay kakaiba kahit namumutla at hinang-hina ay nagagawa niya paring ngumisi.

"Aalis ka? Dito ka lang please babe. Kasi kong sakaling mawala ako, nasa tabi kita." isa-isang tumulo ang luha niya. Napaiwas ako ng tingin bago sulyapan ang aking relo. Siguro sa mga oras na ito ay nakauwi na si Marilou. "Bakit mo ako iiwan? Malapit na akong mawala babe, sulitin na natin hanggat nandito pa ako. Please hayaan mo akong makasama ka hanggang sa huli kong hininga." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Zeiya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, kahit anong mangyari ay mananatiling kaibigan ko lang sya.

"Im just here please dont cry. Mas lalo kang hihina niyan." sagot ko. Kumunot ang noo ko dahil dahan-dahan syang bumangon, pinigilan ko sya ngunit madali syang nakaupo sa kama. Napaisip ako sa mga oras na iyon dahil bakit yata bigla syang lumakas. Hindi ko nalang iyon pinansin.

"Clifford may pabor sana ako sayo, kahit sa huling pagkakataon. Kasi feeling ko malapit na akong mamatay." napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot dahil iniisip ko si Marilou ngayon. "Clifford can I kiss you?" nanlaki ang mata ko sa suhestyon niya. Nanatili syang umiiyak, ang kanyang mukha ay pagod na pagod na para bang huli na ang pag-uusap namin nito.

"Zeiya no, huwag mong gawin ito. I respect you because you are sick and you may have forgotten that I am married." maigting panga kong sagot. Kuyom ang dalawa kong kamao. Mas lalo syang napaiyak. Napahilamos sya sa kanyang mukha habang humagulgol.

Tumayo ako at umupo sa gilid ng kanyang kama. Hinawi ko ang kamay niya sa kanyang mukha. Naglaban kami ng titig.

"Someday someone will truly love you, so get well soon Zeiya. Tulongan mo ang sarili mo na gumaling. Nandito lang ako." hinimas ko ang pisnge niya at isa-isa kong pinunasan ang kanyang mga luha. Sobrang bilis ng pangyayari dahil bigla niyang hinila ang aking batok at hinalikan ako sa labi. I was shocked at what she did, I could feel the anger in my body.

"Clifford?" narinig ko ang boses ni Marilou mula saking likuran. Nagulat ako, umiiyak sya ngayon.

"Marilou?" mabilis akong napatayo, naikuyom ko ang aking kamao, ang gago ko pinaiyak ko na naman ang taong mahal ko. Tumakbo sya ng walang paalam, sinundan ko agad sya. Narinig ko pa ang pag sigaw ni Zei at hindi ko na iyon pinansin.

Sobrang sakit!

"Marilou?" naabotan ko sya sa may parking area. Hinila ko ang kamay niya rason kong bakit niya ako nasampal.

"Gago ka!!!!!! nag-antay ako sayo kanina buong akala ko ay susunduin mo ako. Putang'ina mo Clifford, napakasinungaling mong tao. Lagpas kana sa limitasyon, initindi kita. Hinayaan kita dahil sa putang'inang pagbabantay na yan." sigaw niya, napaatras ako. "Napakagago nyong dalawa, mga manluluko...." sinampal niya ako ulit sa pangalawang pagkakataon. Kulang pa ito sakin Marilou, hinuli ko ang magkabila niyang kamay.

"Bitawan mo ako!!! Bitawan mo ako!" tinutulak-tulak ko sya.

"Please, let me explain. Mali ang pagkakaintindi mo." sagot ko ngunit natawa lang sya, itinulak niya ako.

"I dont care about your fucking explain of yours, nakakapagod narin Clifford. Ni kahit eksplenasyon ay hindi ko hiningi sayo yon, ilang ulit na kitang makita at mahuli sa kwarta na iyon. Ayaw ko na!" napahilamos si Marilou, I feel sorry for my wife. Awang-awa na ako sa kanya.

"Marilou, makinig ka." inabot ko ang kamay niya ngunit hinawi niya lang ito. "She forced me to kiss her and I didn't mean it." hinawi niya ako ng paulit-ulit "Hayaan mo akong magpaliwanag, dahil hindi ko ginusto yon. Please believe me, please understand me. Fuck!" napamura ako dahil nasasaktan ko na ang asawa ko.

"Pagod na akong maniwala sayo, pagod na akong umitindi sa sitwasyon mo. Habang hindi ka pa umaalis sa hospital na yan, hinding-hindi tayo mag kakaintindihan." naging mahina amg boses ni Marilou. "Hindi natin alam kong kailan gagaling si Zei, hindi natin alam kong hanggang kailan mo sya aalagan at hanggang kailan ako mag tititiis. Tumatakbo ang oras at panahon Clifford, hindi mo manlang namamalayan na habang nag-aalaga ka ng iba, pawala ako ng pawala." sobrang sakit miss na miss ko na sya, dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Marilou please aayosin ko ito, malapit na Marilou. Malapit na!

"Tama ka ang gago ko, mas matanda ako sayo pero mas magaling kang mag-isip kesa sakin. " hinigpitan ko ang yakap sa kanya. At this poiny i burst into tears. "Sorry kong ako ang napangasawa mo, sorry kong napunta ka sa gagong ito. Wala na akong maisasagot dahil nasaktan kita at hindi ko alam kong pano aayosin ito." napaluha ako ng marami, ganito pala kasakit makita syang nasasaktan, patawad Marilou.

Dahan-dahan niya akong itinulak. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagod.

"Pakawalan muna ako, ipapaubaya na kita." sa sinabi niya ay nanigas ako, hindi ako makagalaw hindi ako makapagsalita para pigilan sya sa kayang pag alis.

Nong mga oras na iyon ay para akong baliw. Umiinom akong mag-isa sa loob ng aking kotse. Hindi na ako pumasok ulit sa hospital dahil mas gusto ko pang mag-isa. Habang lumalagok ng alak ay tumutulo ang aking luha. Inaalala ko ang mga pagtitiis at sakit na nararamdaman ni Marilou. Umuwi ako saglit sa bahay at nagbihis, kinausap ko si Cholo tungkol sa pagpunta nila sa hospital ngunit wala daw sagot si Marilou, pakiramdam niya ay hindi buntis si Marilou.

Kinaumagahan ay dumirekta agad ako sa mansion nila, ayaw lumabas ni Marilou. Kahit anong gawin kong pagwawala at pagpapansin upang lumabas sya ngunit hindi niya ginawa. Sobrang sakit lang sa part ko na hindi niya ako magawang intindihin, ang dali niyang bumitaw.

Bumalik ako sa hospital dahil nagwawala ulit si Zeiya, nong mga oras na iyon ay naabotan ko si mommy at daddy. Sabay silang napalingon sakin na may galit. Napayuko ako habang nakapamulsa. Unang lumapit sakin si daddy.

"Son ano bang ginawa mo? Bakit umabot sa ganito?" ramdam ko ang galit ni daddy. Napabuntong hininga ako!

"Aayosin ko ito dad," iyon lang ang tangi kong naisagot. Lumapit samin si mommy matapos niyang kausapin si Zana. Niyakap niya ako agad, hinawaka niya ang magkabila kong pisnge.

"Anak naman eh, anong gagawin mo ngayon? Anak kong pwede lang sana pumili ka pero ang hirap dahil nabibilang nalang ang buwan ni Zei." si mommy, sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako na may nakakaintindi sakin. Napayuko ako, tinapik ni daddy ang braso ko at ngumiti sya sakin. Buong akala ko ay magagalit sila sakin.

"Anak ka parin namin, at ayaw ka naming pabayaan sa sitwasyon mo ngayon. Susubukan naming kausapin ang mga Charleston, kakausapin namin si Marilou." gusto kong maiyak sa sinabi ni daddy. Napaiyak si mommynat sinabi ko sa kanila lahat-lahat. Sinabi ko sa kanila na ayaw na sakin ni Marilou, sinabi ko sa kanila na ayaw  makipag-usap sakin si Marilou.

Umuwi sila pagkatapos naming mag-usap. Nakaupo ako sa gilid ng kama at napatitig kay Zeiya. Ang dami niyang napagdaanan sa buhay, awang-awa ako sa kanya dahil minsan ko rin syang minahal. Napahawak ako saking dibdib, kahit kalabog nito ay wala na akong nararamdaman sa kanya, bilang kaibigan nalang talaga. Napabuntong hininga ako ulit at naiisip si Marilou.

"Clifford?" napalingon ako saking likuran bumungad sakin si Zana ng may dalang bulaklak. Lumapit sya sakin na nakangiti. "Buti nalang at naparito ka ulit, kanina pa kasi sya naghahanap sayo." sambit niya. Napalingon ako kay Zeiya sobrang putla na niya. Ang kanyang mga labi ay may iilang biyak narin.

"May pinuntahan lang ako," tangi kong sagot. Napalingon ako kay Zana nang may biglang tumawag sa kanya.

"T-tika lang tumatawag asawa ko, pakihawak muna sandali Clifford."  dali-daling ibinigay sakin ni Zana ang boquet. Tumakbo sya patungong pintoan at sinagot ang kanyang asawa.

"Para sakin yan?" napalingon ako bigla kay Zei. Nakangiti syang gulat na gulat na tila nasiyahan sa bitbit kong bulaklak, may mga luha sa kanyang mga mata. "Na miss ko ang bigyan mo ako ng bulaklak. Thank you, babe." marahan niya akong niyakap. Hindi ko na magawang magsalita at pinandigan nalang angkinin ang bulaklak.

Hinayaan kong makatulog si Zeiya pabalik bago ko napagdesyonang umalit at tumungo sa University, sinubukan kong kausapin ang dalawa niyang kaibigan pero palagi itong nagmamadali. Bumalik ako sa mansion ng mga Charleston, kalmado akong humarap sa kanila pero bigo parin ako at ayaw humarap sakin ni Marilou.

Laking pasasalamat ko dahil tumawag sakin si Marilou, buong akala ko ay magiging okay na ang lahat. Pero sa sinabi niya ay parang gumuho ang aking mundo. Hindi ako makasagot sa kanya dahil nanigas ako, miss na miss ko na sya.

"Ito na ang huli nating pag-uusap,"

Sa sinabi niyang iyon ay agad rin akong pinalabas ng gwardya nila. Nagalit ako, hindi manlang niya ako ipinaglaban tulad ng ginawa ni Zeiya. Sabi ko saking sarili sa mga oras na iyon, pareho lang pala silang dalawa.

Hindi ako kayang intindihin at ipaglaban.

Bigo akong bumalik sa Hospital, wala na ako sa sarili kong pag-iisip. Hindi naman ako ganito noon, sinubukan akong tawagin ng mga kaibigan ko dahil hindi ko na naalagaan ang aking bar. Ganito pala pag nagmahal  ka, lahat nalang ng bagay na meron ka ay napapabayaan mo.

"Clifford?" bumalik ang diwa ko ng sumulpot sa harap ko si Zana. Kanina pa pala ako nakatayo sa gitna ng hallway. "Kailangan nating mag-usap," sumunod ako sa kanya, nagtungo kami sa isang lobby na may maraming bulaklak. Humarap sya sakin na nag-aalala. "Sabi ng mga Doctor kailangan na niyang ilipat sa canada." isa-isang tumulo ang mga luha ni Zana, napaiwas ako ng tingin at napahilot saking sentidu. "Hindi ko na alam kong hanggang kailan natin makakasama si Zeiya, hinang-hina na sya Clifford. Mamayang gabi ay kailangan na naming umalis, nasa sayo kong gusto mong sumama samin. Hindi kita pipilitin Clifford dahil sobrang laki na nang abala namin sayo. Alam kong hindi kayo maayos ni Marilou, patawarin mo kami." humagulgol ng iyak si Zana. Napatingala ako sa langit.

Lord bakit ganito kahirap? Sa gagawin ko ay para akong nakagawa ng mali, pag ginawa ko naman ang tama ay bakit mali parin para sa kanila? Hindi ako masamang tao pero bakit ganito.

"Kailangan ko ng ayosin ang mga gamit ni Zeiya, sana pag-isipan mo nang mabuti." tinapik ni Zana ang braso ko. Bago pa sya nakalayo ay may sinabi pa sya ulit. "Hinding-hindi mawawala sayo si Marilou, dahil may babalikan ka pa. Pero si Zeiya? wala ka nang babalikan." sumikip ang dibdib ko sa huling sinabi ni Zana.

Ilang oras ko iyong pinag-isipan at sa huli ay sumama ako sa kanila. Iniwan ko ang bar kay Robi at buti nalang ay pumayag sya. Hindi na ako nagpaalam sa mga magulang ko dahil alam kong hindi sila papayag sa gagawin ko. Habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali, panay lingon ko kay Zei at tulog ito kahit may iilang nakakabit sa kanyang braso.

Zei kong sakaling gumaling ka, please hayaan mo akong bumalik kay Marilou.

Umabot ng isang buwan ako sa Canada hindi ko magawang umuwi dahil nagwawala si Zeiya, habang tumatagal ay pahina sya ng pahina. Nabalitaan ko wala nadaw sa mansion si Marilou, mas lalo akong hindi mapakali. Sinubukan kong kausapin si Cholo at Che at maging sila ay walang alam, nagagalit narin ang pamilya ko dahil buong akala nila ay busy ako sa bar.

I was so mad at myself, I let myself be like this. I was so obssesed with Marilou, I hired some of my guard para hanapin kong saan lupalop si Marilou. Nawawalan na ako ng ganito dito, feeling ko ay kinukulong ko ang aking sarili dito. Napatitig ako kay Zeiya na ngayon ay nakaupo sa kanyang kama dahil kakatapos lang kumain, nasa kabilang side ay ang wheelchair niya. Ilang araw ko narin itong napaghahalata na medyo naging klaro ang kanyang balat, hindi na ito namumutla.

Napalingon sya sakin na may ngiti. Walang ekspresyon akong napatitig sa kanya, siguro naman pwede na syang iwan dahil marami namang mag-aalaga sa kanya dito. Kailangan ko ng bumalik sa Pinas. Susubukan ko syang kausapin mamaya.

"Clifford naiihi ako," marahan akong lumapit sa kanya at binuhat sya, dinala ko sya sa banyo at pinaupo sa bowl. Ang sabi ng mga doctor hindi pa niya kayang tumayo dahil pinapahina parin ng sistema ang kanyang katawan.

"Tawagin mo lang ako pag tapos kana," lumabas ako para kunin ang kanyang wheelchair. Natigilan ako ng may iilang envelop ang nagkalat sa ilalim ng kanyang kama. I took the envelop at the same time as the fall of a few of her X-ray. Kumunot ang noo ko at nagtaka. Pinagtabi ko ang dalawang X-ray at kitang-kita ang iilang bukol sa kanyang dibdib kasing laki ito ng kamao, pero mas lalo akong nagtaka dahil sa kabilang scan ay maliliit nalang na bukol at nabibilang nalang ito.

Dahan-dahan akong napatayo, naikuyom ko ang aking kamao. Dahil ang dalawang Xray ay magkaibang month, date at oras. I feel so angry now, nag-iinit ang katawa ko.

She lied to me, she made me look stupid for a months.

"Babe tapos na ako," narinig ko ang pagtawag niya mula sa banyo. Sa puntong ito ay walang pag alinlangan akong tumungo roon. Nagulat sya sa bitbit kong mga envelop. Ramdam na ramdam ko ang kanyang takot.

"What is this?" naging mahinahon ang boses ko. Gusto kong mahuli ang reaksyon niya. "Fuck Zeiya, what is this?" sa pagkakataong ito ay napasigaw ako. Tama nga ako at hindi ako nagkamali, dahil isa-isang tumulo ang kanyang mga luha.

"Clifford let me explain," sa sinabi niya ang hinampas ko ang iilang envelop sa kanyang paa. Napasigaw sya at napahagulgol ng iyak. "Please magpapaliwanag ako, please." pagmamakaawa niya, this time ay hindi ko naramdaman ang awa.

"Tumayo ka," sigaw ko. Umiiling sya ng ilang ulit, napahilot ako saking sentidu at kinuha ang basong lalagyan ng mga toothbrush nila at itinapon ko iyon sa sahig. "Sabing tumayo ka!!!" sigaw ko rason kong bakit sya nanginginig na tumayo. Napamura ako ng ilang ulit at lumabas sa banyo. Sinuntok-suntok ko ang pader rason kong bakit biglang dumating si Zana.

"Clifford anong nangyari?" sigaw niya sa pag-aalang tono. Galit akong napatingin sa kanya, inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid.

"Alam mo?" wika ko, kumunot ang noo niya. "Alam mo ang lahat ng ito Zana?" itinuro ko ang iilang envelop sa sahig. Nanlaki ang mata niya sa gulat.

"Oh my gosh....Hindi ko maintindihan, ano ba talaga ang nangyayari?" nalilito parin sya. Napahilamos ako saking mukha.

"Ate!!!" lumabas si Zeiya mula sa banyo at yumakap agad kay Zana. Kuyom ang dalawa kong kamao habang pinapanuod sila. Ginawa nila akong tanga!

"Zei anong nangyari sayo bakit ka umiiyak?" si Zana. Lumapit ako ng kaunti sa kanilang dalawa.

"You made me look like a fool, pinaniwala mo ako sa sakit mo. I took care of you, iniwan ko ang lahat sa pinas para alagaan ka. Pero ito lang pala ang totoo?" sigaw ko habang tinuturo ang iilang envelop. "Napakasinungaling mo Zeiya, nawala sakin si Marilou ng dahil sa putang'enang sakit na iyan na matagal na palang wala!!!!" sa pagkakataong ito ay bumuhos ang luha ko sa galit. Napahilamos ako at napamura ng ilang mura.

"Zei totoo ba?" si Zana na ngayon ay umiiyak na. Napaatras si Zeiya at napasandal sa pader, yakap-yakap niya ang kanyang sarili. "Zeiya naman eh, bakit hindi mo sinabi sakin na gumaling kana. Pati ba naman ako ang ate mo, paglalaruan mo? Zei, hinayaan kita dahil mahal kita. Hinayaan kitang magmukhang lumpo kahit nakakalakad ka naman.  Pero yung gumaling ka, hindi mo manlang sinabi sakin? Zeiya naman!!!" napasigaw si Zana ngayon, napasabunot sya sa kanyang buhok.

Napapikit ako, alam niya palang nakakalakad na ang kapatid niya hindi niya sinabi sakin.

"Pareho lang kayong dalawa, ginawa nyo akong tanga. Hindi nyo alam kong gano ako nag tiis para lang masamahan ko si Zeiya." giit ko at napabuntong hininga. Lumapit sakin si Zana.

"Clifford, oo alam ko na may mali ako. Ginawa ko lang naman iyon dahil gusto ng kapatid ko na binubuhat mo sya. Patawarin mo kami." si Zana na uniiyak. Natawa ako ng mahina!

"Ayaw ko ng makinig sa sasabihin nyong dalawa. Sana ay naging masaya kayo ngayon, dahil wala na sakin ang asawa ko. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. I don't want to be here with the people who are liars." palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

Sinulyapan ko si Zei at umiiyak parin ito.

"I dont expect such a person like you," tinalikuran ko agad silang dalawa. Hindi pa ako nakakaabot sa pintoan ay niyakap ako ni Zeiya mula sa likuran. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya saking tyan.

"I'm sorry, please im sorry. Mahal na mahal kita Clifford. Sorry please huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya, please ako nalang. Ako nalang ulit Clifford. Magbabago na ako, mamahalin kita ng sobra-sobra. Gagawin ko ang lahat para sayo. Please Clifford!" humagolgol sya saking likuran. Malakas ko syang hinawinat itinulak nga mahina. Naisalo sya ni Zana, igting panga akong tumitig sa kanya.

"Iniwan mo rin naman ako noon, pero hindi mo ako ipinaglaban. Ngayon, kaya ka iniiwan ng lahat dahil hindi ka marunong magpahalaga ng isang tao. You deserve this," huli kong sabi at dali-daling bumaba ng hagdanan. Naririnig ko pa ang sigaw niya at hindi ko na iyon pinansin.

Nag check in ako sa isang hotel dahil hindi ako nakakuha ng ticket agad pauwi. Bukas pa ang flight ko kaya tiniis ko ang galit at pangangamba. Tinawagan ko si mommy at daddy at sinabi ko sa kanila ang lahat, umiiyak si mommy na hindi makapaniwala. Bukas na bukas ay pupuntahan agad ni mommy at daddy ang mga Charleston.

Hindi ko alam ko magiging masaya ba ako o malulungkot dahil wala na sakin si Marilou. Maging sa byahe ay hindi ako mapakali, hindi ko magawang matulog, ilang oras akong nagtiis sa himpapawid ilang oras akong niiyak. Palapag na ang eroplano na sinasakyan ko. Handa na akong lumabas kahit hindi pa nakakalapag.

Nauna akong bumaba at dali-daling naglakad na hila ang isang maleta. Panay tawag ko kay Cholo at kanina pa sya nakaabang sa labas ng airport. Halos wala na akong pakialam sa mga dinadaanan ko at dali-daling lumabas ng airport. Kumaway si Cholo mula sa unahan.

"Clifford?" mabilis akong humarap saking likuran, nagulat ako ng tumambad sakin si Dr. Canoy ang kaibigan ko.

"Loyd?" agaran syang yumakap sakin. Masaya sya ng makita ako. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" usisa ko ngunit natawa sya. Kumunot ang noo ko!

"Anong saan pupunta? Kakarating ko lang galing ako sa Japan kaya nga nilapitan kita kasi may appointment kami ni Marilou bukas, hindi ka ba sinabihan ni Marilou?" wika niya, bigla akong kinabahan umiling ako. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng kalbog ng aking puso. "Oh God, mukhang mauunahan ko yata Mrs mo. Pre buntis si Marilou at nag-iisang buwan na iyon." bigla akong nanghuna sa sinabi niya.

Nahilo ako bigla, halos matumaba ako.

"Okay ka lang pre?" tinapik niya ang braso ko.

"Shit, thank you so much Loyd. Hindi mo alam kong gano ako ka saya ngayon, aalis na ako. Maraming salamat!" mabilis akong tumalikod at tumakbo hindi ko na sya narinig dahil sobrang lakas ng kalbog ng aking puso.

Halos lumipad ang kotse ng minamaneho ko. Kanina pa umaawat si Cholo at nag-aalala sakin. Fuck Marilou, hindi ka pwedeng mawala sakin, ang sabi ko sayo noon pa akin ka lang.

Kumalma ako ng tumawag si mommy. Dali-dali ko iyong dinampot at sinagot.

"Anak nandito kami ngayon sa mansion, hindi raw makita si Marilou, ang sabi ng dalawang katulong na kasama niya may kumidnap kay Marilou." nanlaki ang mata ko, napahigpit ang hawak ko sa manebela.

Marilou hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may nangyari masama sayo. Makakapatay ako ng tao.

Marilou sinong kumuha sayo?


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C37
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous