Umuwi sila sa bahay ni Eli sa Australia, ipinasok lang nila ang mga gamit ni Rey at nag deretso na sila sa shooting scene,
"O Eli late ka na ,"
"Sorry direc sinundo ko kasi itong girlfriend ko di ba kilala na ninyo siya o sige magsimula na tayo, "
Nang matapos ang shooting ay umuwi na sila sa bahay,
" Maligo muna tayo tapos ay lalabas tayo para kumain, "
"Eli inaantok na ako hindi na lang ako kakain ,"
"Rey hindi puwede, kakain ka, kung gusto mo bibili na lang ako at dito na natin kainin, "
"Sige dito na lang tayo kakain, wala ka bang stocks diyan para magluto na lang tayo?, Eh sige na nga sa labas na lang tayo kumain at mag grocery tayo pagkatapos, "
"Alam mo Rey babae ka nga pabago bago ka ng desisyon ,"
"Ano ayaw mo?"
"Rey anuba siyempre gusto ko."
"Halika na nga,"
Kumain sila sa Urban Cafe & Takeaway in Sydney Olympic Park, kumakain na sila ng pumasok si Andrea at ang kaibigan nitong Athlete
nakita sila nito.
"Ang sweet naman ninyo parang bago kayong kasal, "
"Andrea puwede ba? tigilan mo na kami, tungkol sa kasal? matagal na kaming kasal ni Rey, kaya tumigil ka na, mahal ko si Rey wala ng magbabago doon ,"
"Ay,, ewan ko sayo bahala ka na nga diyan Eli magpaka tanga ka sa babaeng yan," padaskol na sabi ni Andrea kay Eli,
"Naku, Eli nakaka irita na ang babaeng yan, hanggang kelan tayo magtitiis sa mga kababawan niyan pag hindi ako makapag timpi papatulan ko na yan,"
"Tingnan ko nga kung paano magalit ang mahal ko?,"
"Huwag kang mang aasar Eli sasamain ka sa akin,"
Naka uwi na sila, pero bad mood pa din si Rey. Pinabayaan na lang ito Eli.
Kinabukasan sa shooting, nasa paligid lang si Rey naglilibot libot lang siya sa vicinity na ginaganapan ng shooting , ng biglang may lumapit sa kanya , ang artistang nakilala niya sa sinehan, nakita ito ni Eli kaya kahit nasa set ay bigla itong umalis tinawag pa ito ng director pero hindi ito nakinig dito lumapit ito sa kanila.
"Arthur anong ginagawa mo dito?,"
"Eli, pare sobra ba ang pagka miss mo sa akin at kahit nasa set ka ay sinalubong mo talaga ako?," kasama ako sa last scene ng pelikula mo, kaya narito ako mabuti na lang at may makikita pala akong maganda dito, Rey mag dinner tayo mamaya."
"Magkakilala ba kayo Rey?,"
"Nakilala ko siya sa premier night ng pelikula nila,"
"Kailan ka nanood ng premier night di ba sabi ko sayo huwag kang manonood ng kahit na anong show, napakatigas talaga ng ulo mo Rey ,"
"Hindi alam ni Junas kung premier night ang nabili niyang tickets noon kasama namin ang mga kaibigan namin nakaalis ka na ng manood kami kaya hindi ako naka pagpa alam sayo, "
"Teka, teka naguguluhan ako I smell something fishy here, magkakilala din ba kayo ni Eli, Rey?,"
"Girlfriend ko si Rey Art kaya tigilan mo na siya,"
"Girlfriend mo pa lang siya, hindi pa asawa kaya may pag asa pa ako sa kanya,"
"Pare humanap ka na lang ng iba dahil kahit na anong mangyari hindi ko I gigive up si Rey ,"
"Sige pare pero alagaan mo siyang mabuti dahil kung hindi ay kukunin ko siya sayo,"
"Okey pare promise,"
"Sige na bumalik ka na sa set babantayan ko na lang dito si Rey ,"
"Huwag kang bantay salakay Art ingatan mo siya tulad ng pag iingat ko sa kanya ,"
Natapos ang shooting ay halos umaga na.
Magpahinga muna kayo ngayong araw may pupuntahan kasi ako mamaya sige na pack up na muna tayo.
"Sige po direc uuwi na muna kami,"
"Ikaw Eli sobrang pag aalaga mo diyan sa girlfriend mo, mamaya niyan magka asawa ka ng wala sa oras, wala pa akong permiso na mag asawa ka Eli, marami pa ang nakaabang na mga projects mo, baka magalit ang mga fans mo pag malamang may asawa ka na, mawawalan ka ng career Eli,"
"Okey dirèc you're the boss ,"
Nasa kotse na sila ni Eli ng pagsabihan niya si Eli
"Stop the car bababa ako baka magalit ang mga fans mo" umiiyak na si Rey habang sinasabi iyon,
"Bakit ka umiiyak?"
"Wala kang pakialam kaya ibaba mo na ako babalik na lang ako sa hotel ,"
"Rey bakit ka ba nagpapa apekto isipin mo lang na ikaw ang mahal ko at wala silang magagawa para paghiwalayin tayo, "
"Araw araw ay kasama niya si Rey sa shooting , pero nagtaka si Rey dahil hindi na siya laging napapansin ni deric, hanggang matapos na ang shooting nila , hindi sumama si Eli sa team nila pauwi dahil hinintay nila ang awarding ni Rey dalawang araw pa yon , kaya ipinasyal na lang niya si Rey sa dalawang araw na yon ay masayang masaya sila habang kasama ang isa't-isa, araw na ng awarding kaya magkasama sila ni Rey sa pagdarausan ng ceremony nandoon din si Andrea kaya nakita sila nito,.
"Magkasama ba kayo sa bahay Eli?"
" Andrea puwede ba huwag ka ng makialam sa amin, dahil hindi ka naman namin pinakikialaman, kung maaari iwasan mo na lang muna si Rey punong puno na siya sayo baka patulan ka na nun ,at baka magpang abot pa kayo, "
Hindi na pinasabay ni Eli si Rey sa mga Athlete dahil mag e stay pa sila ng isang araw sa Australia at para maiiwas na niya si Rey kay Andrea, Maaga si Eli na gumising dahil iniluto niya ng almusal si Rey para pag gising nito ay makakain na sila dahil uubusin na nila ang mga lugar na hindi pa nila nararating na pasyalan ngayong araw dahil bukas ay uuwi na sila ng Pilipinas, "
"Rey dalian mo na para maka alis na tayo, "
Masayang masaya si Rey ng araw na iyon dahil naubos nila ang lahat na pasyalan sa Australia.
Nasa plane na sila pauwi ng Pilipinas, naka tulog si Rey at nakahadig na ang ulo niya sa balikat ni Eli, si Eli ay nakatulog na rin. Sa airport ay hinihintay na si Rey ng kanyang nanay Lagring, kaya naghiwalay na sila ni Eli sa airport dahil may sasakyan na palang naghihintay na sa kanila, Si Eli ay pumara na din ng taxi kaya naka uwi na din siya,
"Eli premier night na natin bukas nasaan ka ba?,"
" Nasa bahay na po ako deric , okey deric I'll be there tomorrow night, "
Kina Rey ay nasa gym na naman ito ng biglang dumating si Junas at niyaya siya nito na manood ng sine, si Eli daw kasi ang bida sa pelikula,
"Nas si Marisse na lang ang isama mo pagod na kasi ako,"
"Rey sige na inakbayan pa siya nito,"
"Nas ayoko nga,"
"Rey please hinarap siya nito habang naka upo siya sa sofa at hinawakan ang dalawa niyang kamay hinalikan pa nito iyon ,"
"Sa gesture na iyon ni Junas ay may biglang bumalik sa kanyang ala ala,"
"Rey dalian mo na anak maaga daw na aalis ang mommy at daddy ni Junas hihintayin daw nila tayo dahil may ipagbibilin yata at ibibigay na daw sa akin ang sahod ko ngayong buwan, magtatagal yata sila sa States,"
"Paano po si Junas sino po ang kasama niya sa bahay? , ang ate Ara niya ay nasa America din , di ba po doon iyon mag aaral?, siya yata ang pupuntahan ng mag asawa ,"
Pagdating nila sa bahay ay hinihintay na nga sila ng mga magulang ni Junas.
"Manang Lagring kung puwede po pakibantayan si Junas siguro aabutin po kami sa America ng isang Linggo, kahit hindi po muna kayo maglaba basta bantayan nyo lang si Junas at kung puwede po dito na rin kayo matulog doon po kayo sa itaas sa guest room katabi ng kuwarto ni Junas tutal wala pa namang klase ang mga bata dahil sem break ngayon, kayo na po ang bahala, "
"Sige po mam ako na po ang bahala dito ,"
"Junas anak huwag mong aasarin si Rey ha!, at bantayan mo din siya para may magawa naman si manang ,"
" Opo mommy ako na po ang bahala, "
"Rey anuba bakit ka naka tulala diyan halika na baka maubusan tayo ng tickets, "
"Oo na Oo na basta hindi tayo sa unahan maupo ha,"
"Okey you're the boss,
Nasa pangalawang row sila ng upuan kaya naisip niyang hindi na sila mapapansin ng mga magtatanghal sa unahan, pero sa hindi niya inaasahan nakita pa rin siya ni Eli, pero hindi lang siya nito pinansin , pero si Arthur ang bumaba at ito ang bumati sa kanya, kaya ang camera ay napunta ulit sa kanila,
"Hello pretty girl I miss you, where are you hiding , I'm not seeing you around,"
"Art nakakahiya umakyat ka na sa stage tingnan mo sa atin na nakatutok ang camera ,"
"Okey as you wish cutie,"
Galit na galit si Eli sa nangyayari, kaya hindi ito nagpapakita kay Rey. Pasukan na kaya busy na naman sina Rey , pareho sila ng course ni Roxy civil engineering sila , pero si Matisse ay sa accounting. Pero magkakasama pa rin sila sa canteen pag kumakain.
"Rey akala ko sa Harvard ka papasok?"
"Ayaw kasi ni nanay, malayo daw kasi doon baka kung magka problema ako ay mahirapan ako , mabuti daw dito ay marami kayong tutulong sa akin ,"
Nasa canteen sila habang nag uusap, biglang pumasok si Eli , si Rey ay nasa gitna ni Junas at Marisse naka akbay pa si Junas kay Rey. Pero biglang bumalik si Eli, pagkakita sa kanila.
"O, anong nangyari dun?, parang nakakita ng multo biglang bumalik, Rey wala na ba kayo," tanong sa kanya ni Roxy.
"Wala pa kami kaya wala din akong pakialam sa kanya."
Pero kinagabihan ay bigla itong dumalaw sa bahay nila.
"Anong ginagawa mo dito? Naligaw ka yata?,
"Rey wag kang magsimula ng away , ako ang dapat na magalit sayo, ikaw ang maraming kasalanan sa akin, hindi lang kita matiis kaya narito ako, na miss lang talaga kita,"
"Eli wala tayong commitment kaya puwede kong gawin ang anumang gustuhin ko, at wala kang pakialam dun,"