Kinausap nga nila si Eli.
"Eli muntik na kaming mawalan ng baby sister ng dumating ka kaya kung puwede lang iwasan mo na kami dahil kami ay tatlong taon na kaming magkakasama, itong si Rey ay since childhood kasama ko na yan 5 years old pa lang siya ay inaalagaan ko na ang baby naming iyan, halos sa amin na nga yan lumaki , kapag umiiyak siya noon kahit sino ay hindi siya mapatahan pero ako madali ko lang napapatahan yan si Rey isinasama ko lang yan sa tindahan pag uwi namin ay tumatawa na naman yan , kahit anong hilingin sa akin ni Rey ibinibigay ko yan sa kanya sa abot ng aking makakaya , kaya ano Eli kaya mo bang ibigay sa kanya ang katahimikan, patahimikin mo na siya, kung puwede lang sabihan mo ang fiancé mo na tigilan na ninyo si Rey dahil kung hindi ako kaya ang harapin ninyo, pakasalan mo na kasi ang fiancé' mo para pare pareho na tayong manahimik,"
"Hindi ko maintindihan ano bang ginawa na naman ni Andrea,?"
"Ginulo niya si Rey alam mo ba ang ginawa niya pinahiya niya si Rey sa maraming tao at alam mo ba kung anong pakiramdam ni Rey ng oras na yon?,"
"Pagsabihan mo yang fiancée mo puwede?,"
"Layuan mo na kami Eli puwede?,"
Inakbayan na nito si Rey at sabay sabay na silang umalis tinanaw na lang ni Eli ang papa alis na mga magkakaibigan. Hindi niya malaman ang gagawin, nag desisyon siyang kausapin si Andrea, kaya pinuntahan niya ito sa bahay,
"Andrea sigaw niya pagdating niya sa bahay ng mga ito."
"Bakit Eli tanong ng mama nito."
"Yang anak nyo tita hanggang sa paaralan binubuntotan ako niyan pati mga kaibigan ko ay ginugulo niya, ayaw ko nang maging fiancé siya tigilan na po ninyo ako kahit kaylan hindi ko pakakasalan ang anak ninyo,
"Eli alam mo ba ang pinag sasabi mo?"
"Alam ko po, inuulit ko walang kasalan na magaganap ,"
Iniwasan na rin ni Eli sina Rey, pero hindi niya mapigilan ang sarili na tingnan ang kanyang minamahal, tinatanaw na lang niya ito mula sa malayo,
Hangang isang araw ay nakita niya si Rey na kausap ang kanyang pinsan sa mother side, masayang masaya si Rey habang nakikipag usap dito , nanibugho siya kaya nilapitan na niya ito.
"Raymund puwede bang tantanan mo si Rey an dami mong babae spare her from your list ,"
"At sino ka ba? para pagsabihan ako, ano mo ba si Rey?"
"Ah alam ko na gusto mo siyang gawing kabit, totoo di ba dahil ikakasal ka na tapos papasukan mo siya anong itatawag ng tao sa kanya eh di kabit at least ako binata ako at kaya ko siyang pakasalan anumang oras got it bro?,"
"Huwag kang bastos puwede ba?, hindi ordinaryong babae yang si Rey kung baga sa damit mamahalin yan or signatured,"
"Raymund sa iba ka na lang maki paglaro si Rey kasi ay girlfriend ko na she's my girl ,"
"Engage ka na kaya wala ka ng karapatang magka girlfriend,"
"Sinong nagsabi sayo? para sa iyong kaalaman tinapos ko na ang engagement namin ni Andrea, kaya ngayon may karapatan na akong mag ka girlfriend ,"
Dumaan na sina Junas kaya sumabay na si Rey dito .
"Rey si Ferdie muna ang maghahatid sayo ,"
"Bakit saan ka pupunta?"
"Sa Manila Shangrila mag di dinner daw kami nina Daddy at Mommy,"
"Ferdie isabay niyo na rin si Marisse hindi daw kasi masusundo ng driver nila may sakit daw kasi yung driver ,
"Sige na halina kayo para maka uwi na tayo ,"
"Nauna ng inihatid ni Ferdie si Rey ,"
Pagbaba ni Rey sa kotse ay nakita niya si Eli sa may gate ng bahay nila.
"Anong ginagawa mo dito?,"
"Na miss kita, at gusto kitang makausap ,"
"At ano naman ba ang pag uusapan natin?"
"Sumama ka sa akin sa Australia,"
"Hindi nga ako sasama sayo , Anuba," sigaw ni Rey dito.
"Rey sayang din ang kikitain ko doon isang buwan lang tayo ,"
"Eli nakaka intindi ka ba o hindi? Bakit hindi si Andrea ang isama mo fiancé mo siya di ba?
"Ayoko sa kanya,"
"Bakit?"
"Hindi naman siya ang mahal ko ikaw ang mahal ko Rey ,"
"Puwede ba Eli tantanan mo nga ako, ayaw ko ng maki sawsaw sa relasyon ninyo at ayokong guluhin ang pag papakasal ninyo ,"
"Rey hindi na kami engage ni Andrea tinapos ko na yon pag uwi natin galing California kinausap ko na ang mga magulang ko tungkol doon at nung puntahan ka ni Andrea sa school ay kinausap ko na rin ang mama niya na tapusin na namin ang engagement namin na sila lang naman ni mama ang nag plano ng engagement na yon wala silang magagawa dahil ikaw ang mahal ko,"
"Eli hindi nga ako papayagan ng nanay ko ,"
"Ayaw ko kasing iwan ka dito Rey lalo pa ngayon aali aligid sayo si Raymund markadong playboy yun,"
"Eli hindi niya ako mapipilit dahil ayaw ko naman sa kanya,"
"Ako ang magpapa alam sa nanay mo o kung hindi sa nanay Lagring mo na lang ,"
"Sige na Eli umuwi ka na marami akong assignment ngayon at may exam pa kami bukas, kailangan kong mag review,"
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin? at puwede bang maki inom ng tubig?,"
"Hay naku Eli pasok ka na nga nakaka inis ka na o maupo ka muna at ikukuha kita ng tubig,"
"Tubig lang?,"
"Di ba sabi mo tubig,"
"Papasok sa sala si Nanay Lagring,"
"Magandang gabi po ,"
Ay nay si Eli nga po pala ,"Pakilala nito kay Eli,
"Nakapunta ka na ba dito dati iho?,"
"Opo naihatid ko na po dati dito si Rey nung isang araw po,"
"Ah ikaw pala yung kasama ni Rey sa California ,"
"Opo ako po yon gusto ko po sanang ipag paalam ko siya ulit sa darating na bakasyon sa Australia naman kami pupunta gusto ko po siyang isama kung puwede po,"
"Hayaan mo at pag tumawag ang nanay niya ay ipa aalam ko sa kanya Ito ,"
"Mommy gusto ko ng magpakasal kay Eli mag papakamatay ako pag hindi niya ako pina kasalan mommy please, naka upo na ito sa ibaba ng kanyang kama at patuloy itong umiiyak,"
Awang-awa si Mrs. Stella Dela Lara sa anak na si Andrea .
"Anak taga saan ba ang Aubrey na sinasabi mo?,"
"Siguradong alam yan sa paaralan na pinapasukan niya mommy sa paaralan nina Eli pumapasok yan ipa tanong mo po my sa mommy ni Eli kung saan ang address nina Aubrey , sa Admin ng paaralan nila hanapin siguradong accurate ang mga files nila doon."
Tinawagan nga nito si Mrs. Rebecca Ponce ang mommy ni Elijah.
"Hello kumare sa paaralan pala ninyo pumapasok ang babaeng hadlang sa kasal ng mga anak natin, pakitanong naman sa Admin ang address nila at ng mapuntahan ko bukas ,"
"Maya maya lang ay tumawag sa bahay ng mga De Lara si Mrs. Ponce, naka enroll nga sa paaralan namin si Aubrey Crisologo , napaka talinong bata mula first year High School hangang ngayong graduating na ay palagi siyang nangunguna sa klase hindi ko na siya puwedeng paalisin sa paaralan dahil isang senador ang nag fi finance sa pag aaral niya, isang buwan na lang ay tapos na ang klase , siya dahil graduating na ay natapos ng lahat ang grades niya at naipasa na iyon sa DEP ED hindi na iyon puwedeng baguhin , kaya Valedictorian siyang magtatapos ngayong taon , hindi siya puwedeng ipalit sa Salutatorian dahil napakalayo ang agwat ng kanilang grades 98.4 si Aubrey samantalang ang salutatorian ay 92.6 lang , yung mga sumunod sa honorolls ay sa puntos na lang nag lalabaan laban , at iaangat niya ang antas ng paaralan namin dahil mula ng itayo ang paaralang iyan, ngayon lang nagka roon ng estuyanteng nakapasa sa entrance exam sa Harvard University sa Boston, kaya malamang na sa Harvard mag aaral yan ngayong pasukan."
Alam ko na ang address nila susunduin ko kayo ni Andrea diyan sa inyo bukas, at sasamahan ko kayo papunta doon, pero pupunta tayo mga 5:00 na ng hapon dahil siguradong uwian na iyon,
"Kinaumagahan ay pinuntahan nga nila sa bahay si Aubrey pero wala pa ito doon, may practice daw kasi ng Lawn Tennis si Aubrey ilalaban daw ito sa Olympics sa darating na April after graduation na iyon ,"
"Kaya sa school na lang nila pinuntahan si Rey ipinatawag nila sa principals office ito. Kaya hindi na natapos ni Aubrey ang practice dahil pumunta nga siya sa principals office,
"Magaling ka nga pala , sobrang pagka ambisyosa mo, akalain mong mapa ibig mo ang anak ko sayo ? Nag-iisang tagapag mana ang anak kong si Eli ng lahat na pinag hirapang ipundar naming mag-asawa, tapos sayo lang mapupunta?, gumising ka nga sa panaginip mo dahil foul na yon , hindi ko papayagan iyan ,"
Walang ka imik imik si Rey hindi niya kayang makipag sabayan sa tatlong babae lalo pa at matanda na ang dalawa dito , mabuti na lang ay dumating si Eli , naawa siya sa inabutang kalagayan ni Rey nakatungo ang ulo nito at nakita niya ang mala kristal na luhang tumutulo sa magkabilang mata ni Rey, dahil sa awa dito ay kaagad niya itong nayakap ng mahigpit at hinaplos haplos niya ang ulo nito na naka baon na sa dibddib niya,
"Ano ang ginagawa ninyo mommy nakakahiya kayo, kahit na ano ang gawin ninyo, hindi na magbabago ang desisyon ko na si Rey ang mahalaga sa akin ngayon at magpakaylan man, wala na kayong magagagawa, kaya tigilan na ninyo si Rey , dahil wala naman siyang ginagawang masama sa Inyo, ako ang harapin ninyo, at kaya kong lumaban sa inyo ng sabayan . Anong laban ang gusto ninyo mommy? Pera sa pera?," okey lang sa akin ubusin nyo man ang pera ko basta kasama ko lang si Rey sa buhay ko masaya na ako,"