Télécharger l’application
79.16% My Brave Pilot Beauty / Chapter 19: Chapter 18

Chapitre 19: Chapter 18

"Jack ano na ang balak mo ngayon?"

"Pag alis ko dito  bukas hindi na ako babalik pa,"

"Mag papakalayo na ako sagot ni Jack kay Joseph,"

"Jack matulog ka na, aalis na ako, may budget ka pa ba diyan?" Heto o, tutal bago naman akong sahod ngayon malaki na ang sahod ko Jack kunin mo na ito makaka tulong ito sayo ,"

"Joseph huwag ka nang mag abala may konti pa akong pera  sapat na ito sa  akin hindi naman ako maluhong tao. !Kaya salamat na lang pasensiya na din sa abala,"

"Anong oras ka aalis bukas Jack?" tanong nito sa kanya. "May biyahe ako bukas 10:00 Am,  gusto mo sumabay ka na lang sa akin bukas,"

"Sige sabi ni Jack,"

"Okey then!, huwag ka nang umalis dito susunduin na lang kita bukas sabi nito kay Jack",

"Pahingi ng number mo Jack tatawagan kita bukas,"

ibinigay niya ang number dito at hiningi din niya ang numer nito.

"Jack kung sakaling hindi ako ang dumaan talaga bang ibibigay mo ang sarili mo sa kanya tanong sa kanya ni Joseph,"

"Hindi ko magagawa yon, kung sakali ay kaya kong lumaban alam mo yon di ba?" Sa iisa lang na tao hindi ako mahihirapang masyado doon ,kayang kaya ko yon,"

"Oo nga naman tumawa pa ito,"

Na alala kasi niya noon na sa rambulan ay hindi nila kinaya ang mga kalaban pero si Jack ay hindi nahirapag patumbahin ang mga kalaban sa awayang iyon  napaka galing ni Jack , si Kristuff ay hindi umaalis sa tapat ng hotel nakita niya umalis na ang kasama ni Jack kanina, pero si Jack ay hindi pa lumalabas sinubukan niyang puntahan ito sa kuwarto nito pero hindi siya pinayagan ng nagbabantay sa hotel bawal daw kung gusto daw nito ay tawagan niya ang nasa loob at sunduin siya dito sa labas, hindi ito umalis hangang umaga, nakapark lang siya sa hindi halata hihintayin niya  si Jack hangang sa lumabas ito Kinabukasan ay sinundo na ni Joseph si Jack sa hotel,

Nakita ni Kristuff na sumakay si Jack sa taxi, sinundan niya ito, Ang taxi ay huminto sa labas ng airport, nag park lang siya ng kanyang kotse pag pasok niya sa loob ng airport ay hindi na niya nakita si Jack. Bigla na lang itong nawala. Si Jack ay umuwi muna ng Pasig iniwan niya kay Ate Dory yong ATM ni Kristuff

" Ate Dory kung sakali po na pumunta dito si Kristuff pakibigay na lang po ito sa kanya yong ATM ang tinutukoy ni Jack".

" Bakit Jack saan ka pupunta?" " Bahala na po kung saan ako makarating,"

"Jack pagdating mo sa pupuntahan mo ay e txt mo naman ako para hindi naman ako mag alala ng masyado sayo."

"Sige po Ate Dory, Aalis na po ako" sabi ni Jack dito kinabukasan.

Pumunta si Jack sa Hispicio de Sta. Isabel nakiusap siya kay Sister Teresa na maka pasok siya sa kumbento. Ipinakiusap siya nito sa mother superior pero sinabihan nito si Jack na hindi na siya puwedeng pumasok dito dahil 22 years old na siya. Dapat daw ay 18 years old ang babae para maka pasok sa kumbento. Isa pa dapat daw ay galing siya sa isang Catholic School. Pero dahil nga sa kagustuhan niyang maka pasok dito ay tinangap siya bilang volunteer, may pag asa pa rin siyang maging madre kung tumagal siya ng walo hangang sampung taon at dapat magpatuloy siya sa pag aaral sa two years course sa paaralan ng pagiging isang madre sa New Jersey, o kung dito sa Pilipinas ay sa Sisters of Mary Immaculate College. Nagkaroon siya ng peace of mind sa loob ng Monasteryo at nagka roon siya ng pagkakataon na makilala ng husto ang Diyos na siyang lumikha,

Naging busy na siya sa loob ng kumbento nakalimutan na niya ang Outer World. Masaya na siya dito, Pero isang araw ay kinausap siya ng mother superior.

"Jack naka tatlong buwan ka na dito, isa ito sa patakaran na kailangan palabasin ka para mapag aralan mo ng mabuti ang iyong sarili". "After one month kung talagang nakapag desisyon ka ng maging ganap na madre. Ay dapat na bumalik ka na dito pero kung hindi, huwag kang malungkot dahil baka sa ibang paraan ka na lang puwedeng magsilbi sa ating panginoon, kung hindi ka na bumalik ay considered na namin  yan na sa ibang paraan ka na lang mag sisilbi sa ating May Likha. God may bless you always Jack.

Paglabas ni Jack sa kumbento ay umuwi siya ng Pasig. Pero hindi muna siya lumalabas ng bahay. Dinadalhan na lang siya ni Ate Dory ng pagkain pati sa kung ano ang mga kailangan niya. Nagtatago kasi siya kay Kristuff . Pumunta daw kasi ito doon, pero sinabi na rin daw ni Ate Dory na pumasok nga siya sa kumbento. Pero halos Linggo Linggo ay pumupunta ito doon. Ang tungkol naman sa Prinsipe ay wala na silang balita . Nababagot siya dahil wala siyang magawa kaya nag apply siya sa US Airforce. Matalino si Jack kaya naka pasok agad siya. Nag training siya sa Lackland Airforce Base training program sa Sabine Pass San Nicholas Texas USA. Pinag butihan ni Jack ang training.

Nag focus siyang masyado sa training. Nag training din siya sa jet flying mas mahirap ito kaysa magpa lipad ng isang commercial flight dito ay labanan ang haharapin mo. Sa loob lang ng dalawang taon niya sa Base ay na promote siya bilang Second Airforce Command Chief Master Sergeant. Sa labas na sila ng base. Habang nasa loob siya ng base ay nakilala niya si Stanley Scott a married man with two children. Madalas siya sa bahay ng mga ito. Dahil natutuwa siya sa dalawang anak nito ang cu cute kasi ng magkapatid. Close na din siya sa mag asawa isang araw ay naisip ni Stanley na mag put up sila ng isang bussiness. Magpapatayo sila ng Hotel malaki daw kasi ang lupa na minana ni Stanley sa kanyang mga magulang sa Hawaii. May mailalabas siyang pera at si Stanley ay meron din kaso kukulangin talaga sila kaya mag hahanap sila ng mga investors gumawa sila ng maraming proposal para ipa mudmud sa mga prospective investors.

Dahil sa sipag ni Jack at ma empluwensyang si Stanley ay dalawang buwan lang nagka roon sila ng halos 45 na investors. Sapat na ang mga stocks nito sa itatayo nilang 5 star Hotel sa Hawaii. Sila ni Stanley ang nag asikaso sa lahat ng detalye. Nag tungo sila sa isang egineering firm mag sisimula na kasi ang construction. Galing Hawaii ay umuwi muna sila ni Stanley sa San Nicholas Texas. Kailangan kasi nilang mag report pa sa Base sa Sabine Pass. Pagkatapos nilang mag report ay umuwi na sila sa bahay nina Stanley. May sarili nang kuwarto si Jack sa bahay ni Stanley. Sinalubong kaagad si Jack ng asawa ni Stanley.

"Jack there are three men looking for you they are from Brunei I told them that you were in Hawaii", "maybe for now they are heading to Hawaii", "Jack for your safety please look for a place that you can avoid them. I heard from one of them that thier Prince is very angry and very much eager to look for you at any cost."

"Jack how about of going back to the Philippines?,maybe it will work. I'll just call you if we have something to discuss about our business here " sabi sa kanya ni Stanley.

Kaya nagpa book kaagad siya ng flight first thing in the morning.

Bago siya umiwi ng Pilipinas ay nag stop over sila ng Korea, may sumakay na galing ng Korea pitong lalaki, 15 minutes after take off ay nag declair ang pitong lalaki ng

"This is a Highjack."

Pumunta si Jack sa control room ng patago pag pasok niya ay nakita niya si Captain Arellano, siya ang in-charge. Kinausap ito ni Jack.

"Captain sino po ang nasa control?" tanong niya dito.

"Yong isa bagong makapasa at yong isa naman ay 3 years ng pilot." Sagot nito sa kanya.

"Captain kilala niyo po ba ako?"

"Aba oo naman ikaw ang pinakamagaling kong estudyante."

"Captain second airforce command cheif master sergeant na po ako from US Airforce, ako na po ang bahala dito kayo po ang magtake over sa control, after 5 minutes po iabot ninyo po hanggang 6,000 feet ang lipad ninyo, may naka assign po ba kayong Airforce Marshall dito ngayon?"

"Wala Jack." Sabi nito sa kanya.

"Sige po Captain, itaas niyo ng itaas ang lipad ninyo hanggang 8,000 feet pag pumasok na po ako dito sa contorl ibig sabihin tapos na ang problema, pero hangang hindi ako pumapasok ay huwag nyo pong ilalapag ang eroplano iikot-ikot lang po ninyo." inisa isa ni Jack ang mga highjacker sa ikaapat na highjacker ay nabaril nito si Jack sa kanang balikat siya tinamaan, pero lumaban pa rin siya hanggang sa magapi niya ang pitong Highjacker . Nang pumasok siya sa control ay unti unti na ibinaba ni Captain Arellano ang lipad ng eroplano, hanggang sa hindi na namalayan ni Jack na natumba siyang bigla sa tabi ni Captain Arellano.

Mapayapang nakalapag ang eroplano, naka tawag na rin ng tulong si Captain Arellano kaya maraming militar ang sumalubong sa kanila . Si Jack ay isinakay na sa ambulansya, kinausap ni captain Arellano ang mga police at ambulansya na wag na wag maglalabas ng balita hanggang hindi nag patawag ng Presscon ang may ari ng Delano Airlines, pero siya ay nagpunta na sa CEO ng Airlines, si Kristuff na ang CEO ng airlines. Sinabi lang niya na ang tumulong sa kanila ay isang US Airforce. Isang 2nd Airforce Command Chief Master Sergeant ang akala ni Kristuff ay isa itong Amerikano. Hindi nito alam na si Jack pala ito.

Kinagabihan pagkagaling ni Kristuff ng opisina ay naisipan niyang dalawin ang hero ng kanilang eroplano. Bigla siyang kinabahan si Jack ang nakahiga sa hospital bed ng room na isinabi sa kanya ng nurse. A lady lying in the hospital bed has a pale face, pero bakas pa rin ang kagandahan sa mukha nito. tumawag si Kristuff sa mommy niya. Ibinilin niya dito na mag declare ng " news blackout" natatakot siya para sa kaligtasan ni Jack, akala niya ay pasahero lang ito ng plane. At may banta pa rin ang buhay nito, kasi ang Prinsipe ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanap sa dalaga, tinawagan niya si Captain Arellano tinanong niya kung nasaan ang Americano na nagligtas sa mga taong sakay ng airplane, tinawanan siya ni Captain Arellano ,

"Kris hindi Amerikano ang tagapagligtas namin si Jack ang taong yon siya ang US Airforce na nagbuwis ng buhay para lang sa kaligtasan ng mga pasahero".

Napag alaman na  terorista ang mga hijacker na sumakay sa plane, gagawin ng mga ito ang operasyon dito sa Cebu, Hindi umuwi si Kristuff hindi pa kasi nagigising si Jack kinabukasan kumatok ang nurse sa hospital room ni Jack. Pagbukas ni Kristuff ay bumungad ang nurse .

"Sir marami pong reporters sa labas, gusto daw po nilang makausap ang nagligtas sa Delano Airlines,"

"Hindi mo ba nakikita tulog pa nga ang pasyente ."

" Sir kung puwede po kayo na lang ang kuma usap sa kanila", sabi sa kanya ng nurs ,

"Mabuti pa nga". sabi ni Kristuff .

Pag kaalis ni Kristuff  siya namang pag gising ni Jack, naalala niyang nabaril, nga pala siya . Dali dali siyang bumangon at agad na inalis ang karayom na naka tusok sa kanyang kanang kamay at saka lumabas na ng hospital room. Pumunta siya sa billing section at nagbayad ng kanyang hospital bill, sa likod ng hospital siya dumaan, kasi nagtatago nga siya sa mga taong makaka kilala sa kanya, at ang mga tao pang inutusan ng Prinsipe na hanapin siya , may arm brace ang kaliwang kamay niya, dahil sa tama ng bala sa kanyang kaliwang balikat. Pumara siya ng dumaan na taxi at nagpahatid sa isang hotel sa bayan. Doon muna siya magpapahinga hangang sa maka recover siya. Nanghihina pa siya kaya umorder na lang siya ng pagkain. Magpapahinga muna siya dito ng mga ilang araw. Galit na galit si Kristuff ng maabutan ang hospital room ni Jack dahil wala na doon si Jack. Tinanong niya ang nurse na naka assign sa room ni Jack,

"Nasaan na ang pasyente dito? Tanong niya sa nurse, "nakita ko  po siya papuntang billing section. sabi kay Kristuff ng nurse.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C19
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous