Tumawag sa kanya si Kristuff,
"Jack okay na pwede na kayong umuwi medyo nagsawa na ang mga repoerter sa kakaabang sayo."
Pagkatapos ng tawag na yun ay nag-empake na sila ni Annie ng kani-kanilang mga gamit. Kinabukasan ay nakuha nila ang pinaka maagang flight 6:00 am from Brunie to Manila connecting flight ang nakuha nilang schedule, kinailangan pang lumipat sila sa domestic airport papuntang Cebu.
Bandang 9:00 am ay naghihintay na si Prince Randolf kay Jack, hanggang sa nainip na ito kaya inutusan na nito ang mga bodyguard niya na puntahan na sa hotel room sina Jack, subalit wala na nga ito doon. Galit na galit ang Prinsepe ng malamang umalis na si Jack. nagdesisyon itong pumunta ng Pilipinas para hanapin si Jack.
May bagong headline na naman tungkol kay Jack, Miss Universe 1st Runner-up Jaquelyn Imperial escape from the prince of Brunie he is longing to find her as soon as possible, headlines yun sa lahat ng newspaper.
Nabasa ito ni Kristuff, "Ano ito Jack?" Tanong nito kay Jack.
"Hindi pa pala nababalita dito sa Pilipinas ang tungkol sa panliligaw sa akin ng Prinsipeng ito Kristuff, akala ko alam mo na ito kasi bawat pag-uusap namin ng Prinsipe ay alam kong maraming reporters ang nakapailigid sa amin. Samantalang karamihan sa reporters ay mga Pilipino paanong nangyari yun na ni isang balita ay walang naka abot dito. Hinihintay ko nga na magtanong ka tungkol dito nung nasa Brunie pa kami ni Annie. Ngayon anong gusto mong palabasin Kristuff?", magsalita ka. Sabi dito ni Jack.
"Bakit nag-eentirtein ka pa nang manliligaw samantalang engage kana?"
"Kristuff hindi ko siya inentertain, kumakain lang kami ng agahan sa restaurant , at saka lagi ko namang kasama si Annie. Pinapakisamahan ko lang yun kasi baka kung ano ang mangyari sa amin ni Annie habang nasa teritoryo niya kami."
"Bakit di kapa umuwi kung yan ang iniisip mo?
"Hinihintay ko nga ang tawag mo."
"Hindi kaya ipagpapalit mo na ako sa prinsepeng iyon Jack ?
" Kristuff anu ba for heavens sake, i don't have any intentions of cheating you, I'm too tired of this argument , if you'll excuse me please leave me alone ." Nasa loob sila noon ng kuwarto ni Kristuff, tiningnan siya nito ng masama" "or" should I say I must go, i know this is your room , now throw it in my face, that you want me out of this house ,"
"Bakit ko naman gagawin yon eh ayaw ko nga na mawala ka sa paningin ko," paalisin ka dito sa bahay? iyon ang pinakahuling bagay na gagawin ko habang ako ay nabubuhay,"
Tinalikuran na ito ni Jack at nagmamadali siyang nag empake ng kanyang mga gamit,
"Ano yan?" tanong nito kay Jack,
"Are you blind?" nag eempake ako aalis na ako dito, dahil may mga tao dito na ayaw maniwala sa mga sinasabi ko,"
"Pumasok si Mrs. Gonzales "anong ingay ito Kristuff?" tanong nito sa anak,
"Si Jack kasi gusto akong iwanan",
"Jack pag usapan ninyo lang ito ng maayos para magka intindihan kayo sige bahala na kayo diyan", "wala ng away ha!"
"Walang aalis dito Jack", sigaw ni Kristuff,
"Kris di ba sabi ko tama na yan,"
nakabalik si Mrs. Gonzales dahil sa sigaw ni Kristuff
"Okey lang po mommy ako ng bahala dito," sabi nito sa mommy niya ,
"Anong gagawin ko dito makikinig sa mga sermon mo na walang kabuluhan?" sabi ni Jack kay Kristuff , Akinang maleta ko,"
Inagaw na niya ito dito at nagsimula na naman siyang mag empake,
"Wala ngang aalis dito sigaw ni Kristuff ,"
Natigagal siya sa nakitang galit sa mukha ni Kristuff, medyo kinabahan siya sa inasal nito, lumapit ito sa kanya pero itinulak lang niya ito, at tumakbo siya palabas pero nahabol siya nito at niyakap siya ng mahigpit .
"Jack please huwag mo akong iiwan naniniwala na ako sayo basta dito ka lang,"
"Hindi nga ako puwede dito baka masundan ako ng Prinsipe dito, kailangan kong umalis, Sa Bicol na lang ako pupunta hindi na ako maaabot doon ng mga tao ng Prinsipe," sabi ni Jack kay Kristuff ,
kaya kinabukasan ay nagpa alam si Jack sa mommy ni Kristuff na aalis muna si Kristuff ay nagpaalam din na sasamahan nito si Jack .
"Ihahatid kita, sabi sa kanya ni Kristuff ,"
inihatid nga siya nito sa Bicol,
Sinalubong sila sa terminal ng bus ng tatay ni ate Dory, nangapa siya sa bagong environment na ginagalawan niya ngayon lumalabas siya sa gabi lang umiiwas kasi siya sa mga makakakita sa kanya kasi baka may maka kilala sa kanya, tinawagan na rin ni ate Dory ang mga kamag anak niya doon pinababantayan niya ng mabuti si Jack sa mga ito. Gusto sanang magtrabaho ni Jack pero hindi siya pinayagan ng mga magulang ni Ate Dory, Alam kasi ng mga ito ang situation ni Jack. Si Kristuff ay nag aalala na din sa kanya kasi na off na ni Jack ang CP niya , baka kasi ma trace siya ng Prinsipe dahil lang sa number ng phone niya nag iingat lang talaga siya, Si Ate Dory na lang ang tumatawag kay Kristuff tungkol sa mga nangyayari kay Jack galing din sa mga magulang ni Ate Dory ang mga balita nito.
Araw araw ay laman pa rin ng balita si Jack, limang buwan na kasi ay hindi pa rin tumitigil ang Prinsipe sa paghahanap sa kanya. Nabo bored na si Jack sa bahay kaya nagpaalam siya sa mga magulang ni Ate Dory na mag aapply siya sa Philipine Airlines. wala ng nagawa ang mga ito kaya pinayagan na lang siya sa kanyang gusto ibinalita na lang nila ito sa kanyang Ate Dory Natangap agad si Jack dahil sa magaganda ang mga Credentials niya. Pero sa domestic fights lang siya nag pa assign para hindi siya masumpungan ng mga naghahanap sa kanya. Ang supervisor lang ang nakakilala sa kanya na siya si Jaquelyn Imperial na Binibining Pilipinas tittle holder at first runner up sa Miss Universe beauty pageant pero naki usap siya dito na huwag ipagsasabi kahit kanino kasi may pinagtataguan nga siya. Isang gabi kadarating niya lang kaya may mga papeles pa siyang ginagawa sa loob ng opisina ng biglang may pumasok, si Kristuff.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya,
"I came to take you home, your day is over, gabi na Jack It's time to rest, It's time to slow the hell down, Do you understand me?"
"Kristuff ano ba? may ginagawa pa nga ako",
"Kaka sabi ko lang di ba, That the day is over Jack bat nagpapakahirap ka sa pagtatrabaho, kulang na ba ang laman ng ATM ko, para sa mga pangangailan mo?" alam mo Jack ng malaman ni mommy na nagtatrabaho ka ay dinagdagan niya agad ang laman ng ATM kasi baka daw kinukulang na ang laman ng ATM ko, para sa mga pangangailangan mo kaya ka daw nag tatrabaho"
"Ni hindi ko nga nagalaw yang ATM mo, walang masyadong pag gagastusan dito kaya wala pang bawas yan, sabi ni Jack",
"Siya nga ang nag utos sa akin na puntahan ka labis siyang nag aalala sayo. Jack hangang ngayon hindi pa rin tumitigil ang Prinsipe sa paghahanap sayo, isa pa yan sa mga pinag aalala ni mommy", kaya mag resign ka na muna diyan sa trabaho mo, baka daw kasi masumpungan ka ng mga bodyguards ng prinsipe," Kaya hindi ka pa makakauwi ngayon Jack kasi sa bahay sila laging nakabantay,
"Paano na yan matagal akong matitingga dito sa Bicol Kris",
"Ikaw ba Kris ay hindi ka nag aalala sa akin mabuti pa si mommy inutusan kang puntahan ako dito. Kung hindi ka ba inutusan ni mommy hindi ka pupunta dito Kris?" tanong niya dito "
"Jack nagpaalam ako kay mommy na pupunta nga dito, kaya nag bilin siya ng mga iyan, ideya ko talaga na puntahan ka, kasi na mi miss na kita"
Kinabukasan ay inayos ni Kristuff ang pag resign niya sa trabaho piro sinabihan niya si Kristuff na indifinite leave lang ang i process nito. Tatlong araw pang nag stay sa Bicol si Kristuff. Naka uwi siya ng Cebu na hindi kasama si Jack, kasi aali aligid pa rin ang mga bodyguard ng prinsipe sa bahay nina Kristuff sa Cebu, Isang araw ay nabagot si Jack sa Bicol, nag desisyon siya na pumunta ng Cebu sumakay siya sa Cebu Pacific plane papuntang Cebu from Legazpi airport to Cebu airport gabi siya nagbiyahe para walang maka pansin sa kanya, pababa na siya ng plane ay may nakita siyang dalawang tao isang babae at isang lalaki palapit sa kanya ang dereksyon na tinatahak ng mga ito.
May hilang tig isang maleta out of curiosity ay pinag masdan niya ng mabuti ang dalawa pero malayo pa ang mga ito kaya hindi niya makilala. Tinawagan niya si Kristuff pero hindi ito sumasagot kaya tinawagan na niya sa bahay ng mga Gonzales si Mrs. Gonzales ang sumagot,
"Hello, mommy si Jack po ito nandiyan po ba si Kris?" mag papasundo po kasi ako sa kanya nandito po ako sa airport ngayon",
"Wala pa dito si Kristuff Jack nasa biyahe pa siya, huwag kang aalis diyan ipasusundo na lang kita sa driver, umupo siya sa isang bench doon padaan na sa kanya ang dalawang taong nakita niya kanina pag tingin niya sa mga ito ay nabigla siya, si Kristuff naka akbay sa babaeng kasama nito kanina, Nagulat si Kristuff pagka kita kay Jack,"
"Jack anong ginagawa mo dito?"
"Bakit pag aari mo na ba ang Cebu para ipagpaalam ko pa sayo ang pagpunta ko dito?"Kristuff hinihintay ka na ng babae mo,
nilingon nito ang kasama,
"Ellise umuwi ka na, uuwi na din kami sabi nito sa babae,"
"Walang uuwi," hoy babae halika kinaladkad ito ni Jack ", (hilam na sa luha ang mga mata ni Jack ) umiyak siya ng umiyak "magsama na kayo ng lalaking ito", (sinasabi niya iyon ay sisigok sigok pa rin siya) pero bago yan Kristuff maghihintay tayo ng dadaang lalaki na sasamahan ko rin, ibibigay ko sa kanya ang sarili ko ngayong gabi," Ang unang lalaki na dadaan dito ngayon siya ang sasamahan ko ngayong gabi. "Ibibigay ko ang sarili ko sa kanya Umalis kayo pag alis ko din na may kasamang lalaki,"
"Jack anuba, halika na umuwi na tayo,"
"Huwag mo akong hahawakan Kristuff, sasamain ka sa akin",
Walang nagawa si Kristuff kundi maghintay lang kay Jack sa gagawin nito, may dumaan ngang lalaki may dalang maleta hila hila din nito iyon. Bigla itong nilapitan ni Jack at sumama dito, "
"Iyo ako ngayong gabi, ano gusto mo ba?" tanong ni Jack dito,"
"Dinig na dinig ito ni Kristuff, parang kinukurot ang puso niya ng oras na iyon, mahal na mahal niya si Jack, Ang kasama niyang babae ay pang past time lang niya."
"Bye Kris sabi pa ni Jack sa kanya, sige na uwi na rin kayo sabi uli niya sa dalawa."
Tinatanaw ni Kris si Jack ay lumuluha na ang kayang magkabilang mata, inalo na lang ito ng kasama niyang babae ngunit pina alis lang ito ni Kristuff
" Umalis ka na" sigaw nito sa babae,"
kinuha ni Kristuff ang kanyang kotse at sinundan si Jack at ang kasama nito, nakita niya pumasok ang dalawa sa isang hotel, pumatak na lang ang mga luha niya bigla, Sa loob ng hotel ay nag uusap si Jack at ang lalaki, "Jack buti na lang ay ako ang nakita mo", sabi ng lalaki, "Ba't mo ako kilala?" tanong niya dito
"Jack kaibigan ako ni Darwin, ako si Joseph nalimutan mo na ba?" sa Delano Air din ako nag aaral, ay Oo nga pala, saan ka na ngayon? tanong dito ni Jack, "
"Pilot na ako sa Cebu Pacific", sabi nito,
"Si Darwin nga pala Joseph kumusta siya?" tanong dito ni Jack, "
"Nasa America na yata?" "Pagka tapos ng Graduation namin ay sinabi niya na pupunta na siya ng America, Nandoon na kasi ang kapatid niya sa isang Airlines yata nagta trabaho. Siguro ipinasok na din siya ng kapatid niya sa pinag ta trabahuhan nito." Sabi ni Joseph sa kanya.