Matiwasay na nakarating sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Masyadong nakakapanibago dahil bago lamang pasok ang batang si Li Xiaolong sa nasabing paaralan. Malalaking tarangkahan papasok ng mismong paaralan, nagtataasang mga estraktura at marami pang ibang tila ba nakaw-atensyon para sa kaniya.
Hindi naman maipagkakailang naninibago talaga si Li Xiaolong sa maaaring bagong buhay at bagong simula sa loob ng Cosmic Dragon Institute bilang isang ganap na estudyante. Makikitang tila siya lamang ang parang ignoranteng nilalang ang nakamasid sa paligid habang busy ang magkapatid na Pollux at Adhara sa pagkukulitan ng dalawang ito.
Magkagayon man ay alam niyang binibigyan lamang siya ng dalawang ito ng espasyo upang magtingin-tingin o di kaya ay mag-obserba sa bagong kapaligirang magiging tahanan nito.
Tunay ngang nakakagalak ang ganitong tagpo lalo na at nakaramdam ng excitement si Li Xiaolong dahil sa mukhang hindi magiging boring ang mga bagay na mangyayari sa kaniya sa hinaharap.
Hindi mapigilang makaramdam ng kuryusidad ang batang si Li Xiaolong nang dumako ang tingin niya sa mga walang katao-taong mga silid ng mga bawat palapag. Tunay nga ang sabi ng magkambal na wala pang pasok sa mga oras na ito ngunit asahan niyang sa susunod na mga araw ay marami ng mga estudyante ang makikita niya sa bawat bahagi ng prestirhiyosong paaralang ito.
Isa sa nakaagaw ng atensyon niya ay ang malaking pabilog na hugis ng simbolo ng Cosmic Dragon Institute lalo na at kung gaanong parang buhay ang nakaukit rito.
Isang dambuhalang dragon na kulay ginto habang makikita ang nagtutulisang mga kuko nito na animo'y gustong lumabas o umalpas sa pabilog na bagay na iyon.
Nakakapangilabot ang itsura ng nasabing dambuhalang halimaw na ito na isang uri ng dragon. Ito daw kasi ang itsura ng dragon pero kung siya ang tatanungin ay parang paniniwalaan niya rin pero hindi pa naman siya nakakita ng totoong dragon eh.
...
Lumipas na ang mga araw at makikitang naging maayos naman ang pamamalagi niya hanggang ngayon. Meron siyang isang manor na pagkalaki-laki na siyang pagmamay-ari niya daw na siyang isang privilege sa mga katuald niyang nanalo sa Trial at nasa ranking.
Tunay ngang malaking pagbabago ito sa kaniya lalo na at wala na siyang maiisip na poproblemahin sa pang-araw-araw dahil mayroon siyang suplay ng mga kakailanganin niya lahat-lahat dahil sagot mismo ng Cosmic Dragon Institute ang mga ito.
Masasabi niyang walang tigil siya sa pagcucultivate at pag-eensayo nitong nakaraang mga araw at ayos na rin ang lagay niya lalo na ang pag-iisip niya.
Gusto niyang bumisita sa isang lugar na siya lamang ang nakakapasok. Ito ay ang lugar na nasa loob mismo ng golden page.
Ipinikit ng batang si Li Xiaolong ang mata niya at sa isang iglap ay nakarating siya sa isang misteryosong lugar na siyang ilang buwan niya na ring hindi nabibisita.
POOF!
Parang isang panaginip lamang ang nangyaring ito ngunit masasabi ng batang si Li Xiaolong na totoo ang lugar na ito na ilang buwan niya ring hindi nabibisita magmula ng mawalan siya ng malay at sa isang buwan mula ng pagkagising niya.
Ngayon na maayos na siya ay tila ganon na lamang ang pagkaramdam niya ng guilt nang makita niya ang isang pamilyar na pigura ng isang babaeng naka-lotus position sa ere. Halatang may ginagawa ito ngunit muntik na siyang mapalundag sa gulat nang nagmulat ito ng mata at tiningnan siya nito ng maigi.
Ang mas lalong ikinapagtataka ng batang si Li Xiaolong ay hindi ito kagaya noong una niya itong nakatagpo at mas lalong hindi siya makapaniwalang tutulungan siya nito noong huling nagtagpo ang landas nila noong lumitaw ang kalaban ng Green Martial Valley Union na isang Beast Tamer ng Blood Skull Alliance kasama ang dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat na alam niyang pinaslang na ng tuluyan ng mga awtoridad ng Dou City.
Tunay na nakapangingilabot ang lakas ng Dou City laban sa mga kaaway ng mga ito ngunit alam niyang may limitasyon ito.
Ngunit ang magandang dalagang nasa ere ay tila ba walang imik itong nakatingin lamang sa kaniya.
"Mabuti naman at ayos na ang lagay mo bata." Nakangiting saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang mabilis na tumungo ito sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong.
"Oo naman. Bakit hindi magiging mabuti ang lagay ko?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa matigas na tono ng pananalita nito. Halatang hindi pa rin niya ibinababa ang depensa niya sa kaharap niyang magandang dilag.
Nabura naman ang ngiti sa labi ng magandang dalaga habang nakatingin ito sa gawi ng batang si Li Xiaolong.
Alam niyang delikado ang ganitong klaseng nilalang at hindi siya basta-bastang nagtitiwala lamang lalo na sa mga estrangherong mula sa labas ng Dou City.
"Kahit di mo sabihin bata ay alam kong namang nangungulila ka sa iyong mga magulang." Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin sa batang si Li Xiaolong.
Nabigla naman si Li Xiaolong sa naging tugon ng magandang dalaga lalo ba ang huling salitang binanggit nito.
Namuo naman ang inis sa mukha ng batang si Li Xiaolong nang banggitin ang isang bagay na meron siya ngunit mukhang wala na siya ngayon matapos ang nangyaring digmaan at kaguluhan sa iba't-ibang parte ng Sky Flame Kingdom noon.
"Paano mong nalaman ang patungkol sa pamilya ko? Nasaan sila? Siguro ay isa ka sa dahilan kung bakit nawalay sila sa akin!" Inis na inis na wika ng batang si Li Xiaolong habang sinasabi ang mga katagang ito. Okay siya ngunit ang pakiramdam na nag-iisa ay talaga nga namang masakit pa rin isipin noh. Parang nawalan siya ng ganang mabuhay dahil sa pagkawala ng mga magulang niya.
"Wag kang mag-alala Li Xiaolong, buhay ang mga magulang mo at ang mga kapatid mo. Sadyang hindi lamang sang-ayon ang oras sa iyo upang makapiling sila." Seryosong sambit naman ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong.
"At bakit mo naman nasabi ang mga bagay na iyan sa akin ha? Isa ka ba sa tumulong upang malayo ang pamilya ko sa akin?!" Agresibong pagkakasabi ni Li Xiaolong habang nakatingin sa gawi ng magandang dalagang si Mèng Shuchun. Hindi man niya gugustuhing mainis rito ng sobra ngunit pakiramdam niya ay may karapatan naman siyang makaramdam nito lalo pa't pamilya niya ang kinuha sa kaniya kaya ibang usapan na iyon para sa kaniya.