Creakk! Creakk! Creakk!
Maya-maya pa ay narinig nila ang tila paglangitngit ng tuyong lupang nasa malapit sa batuhan kung saan naroroon ang nasabing malakas na magical beast base na rin sa arake nito. Tila nagkaroon ng malaki at maliliit na crackd na gumuhit sa lupang kinaroroonan ng mga naunang mga Martial artists na ngayon ay tanging mga bangkay lamang ng mga hindi naakiwas o nakaligtas sa mga atake ng mga ito ang naroroon.
BANG! BANG! BANG!
Tumilapon naman ang mga bangkay ng mga martial artists matapos magkaroon ng pagsabog dito. Talaga namang hindi maitatangging nakakaawa ang kalagayan ng mga napaslang na nilalang. Nabalot ng makapal na usok ang lugar na ito.
Maya-maya pa ay mabilis na nasilayan nila ang kabuuang anyo ng isang dambuhalang nilalang na siyang mabilis na natuon ang atensyon ng mga ito sa paglitaw nito ng totoong anyo nito.
"Naloko na, hindi ko aakalaing mayroong White Octopus Thousand Tentacles rito!"
"Iyan ang White Octopus Thousand Tentacles?! Kung minamalas ka nga naman."
"Kaya pala hindi natin malaman kung saan nagmumula ang atake ng pesteng halimaw na ito ay dahil pala nakakubli ang kabuuang katawan nito sa ilalim ng lupang ito hmmp!"
"Nayari na tayo. I'm not confident to fight that kind of Magical Beast!'
"Me too, pero hindi ko maipagkakailang gusto ko pa ring makuha ang premium herbs na iyan!"
"Kailangan kong makuha ang premium herbs no matter what happens. To think na pinoprotektahan o binabantayan ito ng halimaw na ito ay masasabi kong pambihira ang herbs na ito!"
Mataman lamang na nakikinig ang batang lalaking si Li Xiaolong. Indeed, this kind of Magical Beasts can be compared to a Peak Purple Blood Realm Expert. This is way too powerful dahil mukhang immune pa ito sa miasma dahil naadapt rin nito ang corrosive property ng mga miasma at ginawa o nagawa nitong i-inject sa mismong katawan nito ang nasabing miasma. It's like cultivating and adapting itself sa environment na meron ito.
WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!
Mabilis na naging mabagsik ang anyo ng nasabing halimaw kung saan ay mabilis nitong pinaulanan ng mga sariling galamay nito ang lugar na kinaroroonan nina Li Xiaolong maging ng iba pang mga martial artists.
BANG! BANG! BANG!
Mabilis na iniwasan ng batang lalaking si Li Xiaolong ang atake ng halimaw na White Octopus Thousand Tentacles. Maninipis man ang mga tentacles nito ay napakaflexible naman nito at kaya nitong patigasin ang mga galamay nito upang ma-execute nito ang effectiveness ng mga pamatay na atake nito. This is really not a joke lalo na at kahit random man ang pag-atake nito sa kanila ay masasabing lahat sila ay maaaring tamaan nito kung magiging kampante lamang sila.
Mabilis na nagback flip ng sunod-sunod ang batang lalaking si Li Xiaolong paatras matapos na nakita nitong tatlong magkakasunod na apat na nagtutulisang tentacles ang papunta sa kaniya.
PUAKKKK! PUAKKKK! PUAAKKK!
Nakaligtas man ang batang lalaking si Li Xiaolong sa mga sunod-sunod na atake ng halimaw na White Octopus Thousand Tentacles ay siya namang ikinasawi ng mga iilan na malapit sa kaniyang sariling pwesto lalo na at mukhang kinulang ang mga ito ng timing sa pag-iwas ng mga nagtutulisang tentacles ng nasabing halimaw na nagresulta ng pagkatusok ng bungo ng mga ito na lumabas pa ang utak ng mga martial artists at ang iba ay malala din ang natamo dahil nabutas ang tiyan nito maging ang bandang puso ng mga ito.
Meron ding natamaan halos sa mga bente nila at nakakahabg pagmasdan ang mga ito lalo na at karamihan sa gawing kinaroroonan ng binatang lalaking si Li Xiaolong ay puro mga Pulse Condensation Realm Expert at mga Houtian Realm Expert. Ang mga Xiantian Realm Expert ay mabibilis ang kilos ng mga ito kaya madali lamang silang nakakaiwas rito.
Ang mga Purple Blood Realm Expert ay wala na sa lugar na ito lalo na at mukhang wala silang balak na mag-aksaya ng kanilang oras sa paglaban sa nilalang na White Octopus Thousand Tentacles dahil halos kapantay lamang nila ito yet they are not interested in it.
Maging ang ibang mga iilang mga martial artists na nasa hanay ng mga Xiantian Realm Experts, Pulse Condensation Realm Experts maging mga Houtian Realm Experts na piniling umatras na lamang at pumunta sa ibang mga direksyon lalo na at sa hinuha nila ay malabong manalo sila sa nilalang na ito. Ang rason ng mga ito ay ni hindi nga ito pinag-iisipang labanan ng Purple Blood Realm Expert ay masasabi nilang hindi worth it kung susubukan pa nila. Malakas ang Magical Beasts na ito at kung paano ito magregenerate ng mga naputol nitong mga galamay ay masasabi nilang mahirap talunin ang nilalang na ito lalo na at mas malakas ng hindi hamak ang halimaw na White Octopus Thousand Tentacles sa kanila.
Paunti-unti ay mukhang imposible na talagang matalo nila ang halimaw na White Octopus Thousand Tentacles dahil marami na ang umalis sa lugar na ito dahil halos marami din ang napaslang sa lugar na ito dahil na rin sa mga nakakalat na mga bangkay sa paligid ng lugar na ito na siyang kalunos-lunos na sinapit ng mga hindi nagawang makaligtas sa bagsik ng halimaw na White Octopus Thousand Tentacles.
Marami man ang nanatili upang patuloy na lumalaban pa sa halimaw na White Octopus Thousand Tentacles ay masasabi niyang mapapagod rin ang ilan sa mga ito maya-maya lamang at baka mabawasan pa ito. It's either they will back off or be killed by the sharp tentacles of White Octopus Thousand Tentacles.
Nag-isip naman ng malalim ang batang lalaking si Li Xiaolong at masasabi niyang tila nasa kritikal na ang tsansang makuha niya ang Flaming Rose Herb dahil sa bumababa at patuloy na nababawasan na bilang ng mga martial artists.
"Kung magpapatuloy pa ang ganitong klaseng senaryo ay malamang sa malamang ay wala akong mapapala sa ganitong klaseng lugar. Makakatulong ang pagigjng alchemist ko sa susunod kung sakaling makuha ko ang Flaming Rose Herb na ito at makagagawa ako ng mga cultivation pellets at iba pa." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Gumana naman ang pagiging praktikal niya lalo na at mahina ang tsansang makapasok siya sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Without any support from anyone kahit sa mismong Li Clan ay siguradong wala siyang aasahan kundi ang sariling tiyaga at pagsisikap niya.