Télécharger l’application
66.66% One Night Stand - Season 1 / Chapter 30: (Tampuhan pa)

Chapitre 30: (Tampuhan pa)

Inuwi na lamang niya ang magiging asawa nito sa bahay at pinagpahinga.

Hindi na niya hahayaan pang may umapi sa mahal niyang babae.

" Sir, pwede bang magtanong? " ani Jen habang nakahiga sa kama at nasa tabi niya ang binatang si Carllex na nakaakbay sa kaniya na tila malalim ang isip nito.

" ano ba iyon, my pangit? " saad niyang inis rito na tila nasanay na siyang tawaging pangit ang mahal niyang magiging asawa.

Babangon na lamang si Jen sa bisig niya na tila gulong gulo pa rin sa isip niya ang nangyare kanina. " paano nga pala nangyare yong kanina? Ang bilis na dumating ng mga pulis kanina? " usisa niya kay Carllex na nabaling ang titig sa kaniya.

Mapapakamot na lamang si Jen sa ulo niya na tila may nasabi siyang mali sa binatang tinanggap na niya bilang asawa. Titigan siya nito sa mga mata na tila gusto niyang mahulaan ni Jen ang nais niyang sabihin. " alam mo kasi Jen kahit tulog ako ay alam ko ang nangyayare dito. Well, kung di pa ako nagising ay depress kana dahil sa mga tsismosa na yon. " ani Carllex na nagpapaliwanag sa asawa niya.

Kakamot na lamang si Jen, " eh bat may pulis? " usisa nito. Magsisitaasan na lamang ang mga kilay ni Carllex sa sandaling iyon.

" ang slow mo pangit kanina ko pa pinaliwanag sayo. " kurot niya sa pisngi nito. Maiinis naman si Jen at magtatampo.

" slow na kung slow, " palo niya rito saka bumangon at umalis. Tatawa na lamang si Carrlex sa asawa niyang nainis na ng tuluyan.

" balik ka rito pangit mag uusap pa tayo. " habol niya sa asawa dahil baka saan na naman ito pumunta.

" wag mo akong susundan, " ani Jen na papasok ng comfort room at mukhang may gagawin.

Papasukin na lamang siya ni Carllex rito, " ahhhhh manyakkkk! " sigaw niya kay Carllex sabay tulak papalabas.

Ngingisi na lamang si Carrlex, " ay sayang! " loko niyang sabi na tila tawang tawa sa ginawa niyang kalokohan. Aabangan na lamang niya ang asawa sa gilid ng pintuan nito.

Mukhang may gagawin na naman siyang kalokohan sa paglabas ng asawa niyang nasa loob ng CR. " Jen, bat ang tagal mo? " tawag niyang usisa sa asawa na nasa loob pa rin.

" tigilan mo nga ako baka mag iba pa ang isip ko at hindi ko ituloy ang pagpapakasal sayo. " tugon ni Jen sa kaniya.

" subukan mo lang kikidnapin talaga kita. " banta niya kay Jen.

Tatahimik na lamang ang dalawa at makalipas ang ilang sandali.

Nasa sofa na si Jen habang abala sa pagsusklay ng buhok niya.

Hindi naman niya pinapansin ang sir Carllex niya na katabi niya lang sa sofa.

His Pov's

Ayan siya, mukhang galit sa akin.

Kanina pa ako andito pero di niya ako pinapansin.

Paano ang slow niya kanina saka di niya talaga na gets na matagal kong pinamanmanan sa mga tauhan ko yong mga tsismosa.

Naghihintay lang ako ng tamang timing at ebidensya.

Kaya nangyare na ang nangyare at nagulat siya dahil doon sa marriage paper na tinapon ko sa pagmumukha nila.

Ayoko talagang magalit pero ginalit nila ako.

" Jen, galit ka ba sa akin? " usisa ko habang siya ayan snob lang ako.

Kapag ako napikun ila - lock down ko talaga ito sa kwarto.

" hey pangit, " tawag ko uli sa kaniya pero ayan dedma parin ako.

Hmm? Ano kaya ang magandang gawin. Malaki na ang tiyan nito eh.

Hindi ko siya pwedeng pwersahan. Teka, alam ko na humanda ka talaga Jen dahil makakatikim ka sa akin. Pasimple kong hinawakan ang kamay niya.

" bitawan mo nga ako, " masungit niyang sabi.

Aba, galit nga! " tara sa kwarto, mag uusap tayo! " sabi ko sa kaniya sabay patayo rito at inalalayan. Humanda ka talagang pangit ka. May pa snob at patampo tampo ka pang nalalaman ha!

Pagdating namin sa kwarto ay agad kong ni lock ang pintuan. Nagtaka na lamang siya sa ginawa ko. " anong gagawin mo? " pagtataka niya. Nilapitan ko na lamang siya habang hinuhubad ang sinturon ko. Kitang kita ko kung paano nanlaki sa gulat ang mga mata niya.

Lagot ka ngayon pangit, " si - sir! " pigil niya sa akin na ikina akyat niya sa kama at nagtago sa kumot. " sus, chossy ka pa! " sabi ko habang ngumingisi. Ayan na, nagtago siya sa kumot. Nagpipigil akong tumawa sa sandaling iyon dahil ang cute niya kapag natatakot.

" Jen, yo ho! Wag ka nang magtago diyan. " dahan kong hawi ng kumot na ikinatago niya unan.

" di talaga kita papakasalan, " sabi niya ng ganun habang ang mukha niya ay parang naiinis na kinakabahan.

Bigla ko siyang hinagkan sa noo, " wag ka nang magtago di naman kita gagalawin. Kakagatin lang naman kita sa leeg. " sabay sunggab ko sa leeg niya na ikinahikbi niya ng madahan.

" si - sir, " hikbi niyang sabi sa akin na biglang pagtulo ng mga luha niya sa mga mata niya.

" shhhhh, tahan na you're pregnant remember! " paalala ko sa kaniya sabay hawi ng luha niya. Dahan dahan ko siyang nilapitan sa mga mata at binigyan ng madiing halik sa labi. Napatahimik siya sa ginawa ko na tila napalitan ang hapdi na dulot ng ginawa ko kanina nang matamis na halik.

" sorry Jen, ganito talaga ang behavior ko kaya asahan mong mamumula yang leeg mo. " sabi ko sa kaniya ng ganuna ikinatitig niya sa akin. Bumababa na lamang ako sa tiyan niya at hinalikan ito.

Bumalik ako sa harap niya, " sorry again, Jen. " higa ko sa tabi niya at pinaunan ang bisig ko sa kaniya. Tahimik lang siya na tila mahapdi pa rin ang leeg niya. Paano ba naman kasi hindi ko napigilan ang scent ng leeg niya. Parang may kung anong bango nag mumula sa leeg niya.

Argghh, oh my Carllex ikaw nga nagmana kay lolo Carlos. Damned, kawawa talaga ang pangit ko kung totoo nga iyon.

@YhunaSibuyana.


Load failed, please RETRY

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C30
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous