"Hoy" tawag ko kay Brynthx.
"Hmm?" sagot naman nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang computer.
"Pansinin mo naman ako" parang batang sabi ko
Walang wala na 'ko. Walang wala na akong malang gawin sa buhay. Kanina pa 'ko nakatunganga dito at pinapanood na maglaro si Brynthx sa computer niya kaso....kanina pa siya naglalaro don!
Hindi matapos tapos yung ginagawa niya. Ako naman 'tong si gaga, panay ang higa at nood sa cellphone ang inaatupag.
"Hoy...." tawag ko ulit sa kanya saka siya nilapitan. "Wala na nga akong malang gawin dito tapos ayaw mo pa akong pansinin" sabi ko sa kanya at hindi na napigilang mapanguso.
"What do you want?" tanong ni Brynthx, sa wakas ay tinignan na ako nito
"Let's play a game" nakangiting sagot ko
"I'm already playing"
"Syempre kasama dapat ako! Alangan ikaw lang masaya" nakabusangot sa sagot ko.
"Alright then, let's play this" tukoy niya sa kanyang nilalaro sa computer
Mabilis na umiling ako sa kanya. "Hindi ako sanay niyan".
"Edi tuturuan kita"
"Ayaw ko parin"
Nagtitigan kami ng ilang minuto habang sa siya na ang uanang nag iwas ng tingin. Malakas na napabuntong hininga na lamang siya at pinatay ang kanyang computer. Halos mapatalon naman ako sa tuwa. Hindi ka mananalo sakin at alam kong hindi mo rin ako matitiis. Nasa akin ang huling halakhak.
"What do you want to play?" tanong ni Brynthx at tuluyang iniharap ang sarili sakin.
Napaisip naman ako ng magandang laruin. Syempre dapat yung alam at madadalian akong talunin siya.
"Rock- paper- scissors.....?" nag aalangang sabi ko
"Pffftt---" sa pagkakataong ito, siya naman ang nagpigil ng tawa. "Rock- paper- scissrs talaga? wala ka na bang ibang maisip?" sabi niya habang hindi mapigilan ang kanyang tawa.
"Paano gagawin 'e yun lang ang keri ng powers ko"
Lalo lang siyang natawa dahil sa sagot ko. Nakangusong tinignan ko siya.
"Grabe ka talaga sakin" sabi ko sat mahinang pinalo ang kanyang braso
"Okay, fine." sagot nito saka umayos ng upo. "What if I win?" tanong ni Brynthx
"Susundin ko lahat ng gusto mo?" medyo nag alangan pa ako dahil baka kung ano pa ang ipagawa niya sakin.
"Pero kapag ikaw ang nanalo?" tanong ulit ni Brynthx
"Ganon din, susundin mo lahat ng gusto ko"
"Okay. Let's start" sabi ni Brynthx
Humarap kami nang maayos sa isa't isa saka nagsimula ng maglaro.
"Rock- paper- scissors shoot!" sabay naming sabi ni Brynthx.
Tinignan ko agad ang kamay niya. Nakasara ang palad niya habang nakabukas naman ang akin. Ibig sabihin ay talo ako. Ngumisi siya sakin.
Kinabahan naman agad ako dahil alam kong may ibig sabihin yung ngisi niya.
"Paano ba 'yan panalo ako" sabi ni Brynthx habang hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi.
Inaasan ko siya ng kilay. "Sabihin mo na yung utos mo"
Nahapawak siysa sa kanyang baba at nag isip. Sana lang ay hwag mahirap yung ipagawa niya. Wala akong tiwala sa bata na 'to pagdating mga ganitong bagay.
"Baka naman mahirap yan!" reklamo ko agad kahit wala pa siyang sinasabi.
"Kuha mo na lang ako ng ice cream sa baba" utos niya
"Yun lang?" nakangiting tanong ko
"Ayaw mo ba? sabihin mo lang madali naman akong kausap"
Mabilis na umiling ako bilang sagot saka dali daling lumabas ng kwarto niya at pumunta sa kusina. Baka magbago pa isip niya. Mahirap na. Tulad ng utos niya ay kinuha ko siya ng ice cream. Ipinaglagay ko siya sa tasa at saka bumalik.
Binigay ko agad kay Brynthx ang kanyang ice cream. May ngiti sa labi na inabonaman niya ito. Bumalik ako sa pagkakaupo. Sumubo muna siya ng ilang beses bago naminipagpatuloy ang naudlot na laro.
"Rock- paper- scissors shoot!"
Nakabukas ang palad ko samantalang nakalabas ang dalawang daliri ni Brynthx. Ibig sabihin ay talo na naman ako.
"Pffftt--HAHAHAHAHA" hindi na napigilan pa ni Brynthx ang kanyang tawa.
Napatitig naman ako sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang humalakhak.
"Ang lakas ng loob mong mag aya pero talo naman" sabi ni Brynthx habang tumatawa
Ayos na sana 'e pero bakit dinugtungan pa niya. Lalo naman akong napabusangot. Kaunti na lang babatukan na kita.
"Pakiligpit yung higaan ko" utos ulit ni Brynthx dahil talo na naman ako sa laro.
Ipinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain habang nililigpit ko naman ang higaan niya. Pati ba naman 'to ako pa ang gagawa. Hindi naman mahirap mag ayos ng higaan.
"Rock- paper- scissors shoot!"
Napangiwi ako dahil natalo na naman ako sa laro.
"Pakitapon sa baba yung basura"
Padabog na dinampot ko ang plastik sa kanyang basurahan.
"Roch- paper- scissors shoot!"
Arrgghh!
"Paki walisan yung kwarto ko hanggang don sa hagdan"
Naiinis na ako! bakit ba hindi ako manalo nalo kay brynthx. Kahit isang beses lang masaya na ako. Mukhang hindi magandang ideya na inaya ko siyang maglaro.
Walang imik na nagwawalis ako sa kwarto niya habang siya naman ay tatawa tawa lang.
"Nakakatuwa 'yon?!" gigil na sabi ko sa kanya habang nagwawalis
"Bakit nagagalit ka samantalang ikaw ang nagsimula nyan" sagot naman nito
"Ginawa mo na akong utusan eh"
"Ikaw ang may gusto nyan kaya panindigan mo"
Hindi ko na siya pinansin pa at mabilis na tinapos ko na lanag ang aking ginagawa. Hindi na 'ko natutuwa sa nangyayari.
Bumalik ako sa kwarto niya pagkatapos kong gawin ang utos niya.
"Rock- paper- scissors shoot!"
"Finally!"
Sa unang pagkakataon ay nanalo din ako! Nagtatalon ako sa tuwa.
Ako naman ang ngumisi sa kanya. Kanina ko pa napag isipan ang gagawin ko kay Brynthx at naghihintay na lang ng pagkapanalo para magawa 'yon.
"Wait, may kukunin lang ako" sabi ko sa anya habang hindi mawala ang mapaglarong ngiti sa labi.
Nagmamadaling lumabas ako ng bahay nila at bumalik samin. Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang pouch sa drawing na katabi lang ng aking kama saka bumalik kila Brynthx. Halos mapatid pa ako paakyat ng handag nila dahil sa pagmamadali.
Napakunot naman ang noo ni Brynthx nang makita ang hawak kong pouch. Pinaupo ko siya sa shivel chair habang tumayo naman ako sa harap niya at bimuksan ang hawak kong pouch.
Unti unting nanlaki ang mata niya nang masilayan ang laman ng hawak ko. Puno 'yon ng iba't ibang klase ng hair pins, clips at pamusod. Iba iba ang kulay at laki nito.
Ang hair pins ay kumikinang dahil sa glitters, ang clips naman ay may hugis butterfly, heart at cherry samantalang ang mga pamusod naman ay iba iba ang kulay.
Mabilis na hinila ko ang damit niya at ibinalik siya sa pagkakaupo nang subukan niya tumayo. "Walang tatayo. Dito ka lang at hindi ka pwedeng umalis" sabi ko kay Brynthx
Napabuntong hininga na lang siya at hinayaan na lang ako na gawin ang aking gusto dahil kung hindi ay aawayin ko na talaga siya. HAHAHAHA
Sinimulan ko sa pagpupusod sa buhok niya. Natawa ako nang makitang parang may maliit na puno sa ulo niya. Pagkatapos, sinunod ko naman ang mga hair clips na may glitters at ang panghuli ay ang mga clips na butterfly at cherry ang design. Hindi pa ako nakuntento at nilagyan ko pa ng ribbon ang buhok niya. Lumayo ako para makita ang itsura niya. Namumula ang kanyang mukha dahil sa hiya.
Natawa na naman ako dahil sa itsura niya. Grabe ko ang saya ko naman masyado.
Para siyang christmas tree, ang dami niyang palamuti kaso nasa ulo niya nga lang lahat.
Nilabas ko ang aking phone at walang pasabing kinuhanan siya ng litrato. Susulitin ko na at baka hindi na 'ton maulit.
"Stop!" nahihiyangsabi nito at panay ang takip niya sa mukha
Ako naman ay ipinagpatuloy na lang ang pagkuha sa kanya ng litrato habang tumatawa. Parehas kaming napatigil sa aming ginagawa nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at bumungad don si Tita.
Napatingin agad si Tita Kristine sa anak at biglang--
"Pfftt--" pati ang kanyang Ina ay hindi na napigilan ang tawa
Pati si Tita ay naglabas din ng phone at nagsimulang kunan ng litrato ang anak
"This is so embarrassing...." sabi ni Brynthx habang nakatakip sa kanyang mukha at iniiwas ang sarili sa camera.
This is so fun! HAHAHAHAHA!