Télécharger l’application
40% Every First, Hurts. / Chapter 8: Chap. 6

Chapitre 8: Chap. 6

3rd Person's POV

Kasalukuyang nakikipag meeting si Francesco kasama ang mga stock holders ng Lemint' Group.

Seryoso lamang siya sa pakikinig sa nag rereport sa harapan tungkol sa kasalukuyang status ng kumpanya nila.

Gaya ng mga nakaraang taon, nangunguna parin ang Lemint' sa pinakamalaking sales sa lahat ng malalaking kumpanya sa buong Korea. Dahilan ito sa pagiging competitive mismo ng kanilang mga shopping malls at resort-hotels maging sa iba't ibang bansa.

Natapos ang meeting nila sa isang masigabong palakpakan dahil isa na namang successful year ang dumating para sa kanila at sa bumubuo ng Lemint' Group of Companies.

Paglabas ni Francesco kasama ang kanyang secretary sa conference room, diretso silang bumalik sa office.

"Get me a coffee." Utos niya sa secretary.

"Yes, Chairman."

Pagpasok ni France sa office, dumiretso siya sa desk nya at naupo sa rotating chair nya doon. Sinandal nya ang likod niya at saglit na pumikit. Doon nya naramdaman ang pagod buhat ng sunud-sunod na schedule nya maghapon. Pasado alasingko na ng hapon nang makabalik sya sa office nya. Halos tatlong oras din pala silang nag-uusap sa conference room.

Maya-maya pa ay dumating na ang secretary nya dala ang kape.

"Here's your coffee, Chairman."

"Thanks! You may go." Utos niya dito. Nag bow ito sa kanya at lumabas na.

He took a sip on his coffee and opened some folders na nakapatong sa ibabaw ng desk niya.

Pag angat nya sa isang folder, dumulas dito ang isang brown envelope.

"Oh here it is." Ika niya nang makita ang envelope na nakalimutan na niyang buksan dahil sa sobrang kaabalahan.

Agad niyang binuksan ito at kinuha ang dalawang document papers na nakapaloob dito.

Sa isang papel ay ang address ni Selene at sa isang papel naman ay ang biodata nito.

Binasa niya ang biodata at nakatawag sa pansin niya ang workplace nito.

"Star Bean Cafe? Wait. Is this Byul's cafe?"

Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ito.

Ngunit isang ngiti ang maya-maya'y gumuhit sa labi nya.

"What a really small world, Selene. Akalain mo nga naman nasa tabi-tabi ka lang pala."

He immediately dialed Byul's contact number nang biglang pumasok sa office niya ang Chairwoman kasama ang assistant nito. Hindi na sya nakatawag pa sa kaibigan at agad na napatayo sa kinauupuan niya.

"Oh eomma! Neo yeogiiss-eo. (Oh Mom! You're here.) "

Pagpasok nito, dumiretso ito sa couch at doon naupo. Naiwan namang nakatayo sa tabi nito ang assistant.

Agad namang lumapit si France sa kanya para yakapin ito.

"What brings you here?" Pag uusisa niya sa ina pagkaupo sa kaharap na couch nito.

"Nothing. I went outside with some close friends and did a quick shopping after. Kaya naman I decided na daanan ka dito sa office mo since nandito narin naman ako."

"Oh I see." Maikling tugon ni France sa ina.

"By the way, do you want coffee, juice or tea?"

"No thanks anak. Kaya naman din ako nagpunta dito is also to remind you of our family dinner later. I heard that the company's sale reached another milestone that's why I think it calls for a celebration, isn't it?" nakangiting sabi nito sa anak.

"Hmm. Ofcourse! I'll go." pag sang ayon naman ni France dito.

"And one more thing. I also heard of your cousin's another successful tour in Japan. That's why I tried to invite him to join us kahit na alam kong itu-turn down nya lang ang invitation ko. Sayang nga lang at wala sila Edward and Rachel dito. I'm sure kahit na napipilitan lang, he'll join us. You know what anak? Hanggang ngayon kasi.. hindi parin ako makapaniwala na umalis sa mansion si Euwan knowing that we are only his family."

Natahimik naman si France. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntung-hininga bago muling magsalita.

"Atleast we know that he's just doin' fine. It was his choice to leave and we have to respect that. Nasa legal age naman na sya to decide for his own life and besides, he's not alone at all. Cleeone noona (older sister [of boys] ) is taking good care of him."

"Haay.. sabagay tama ka. Though I only see him on TV and on social media news but I guess he's fine and healthy. He's all grown up and looking handsome just like his father. I wonder if he already has a girlfriend." Bakas ang lungkot sa mga mata nito kahit na nakangiti.

"Don't worry. I'll just invite the Kim siblings. Atleast, makakamusta nyo si Euwan sa manager nya."

"Yeah please do so. Okay I gotta go. See you later iho."

"Ne eomma. (Yes mom.) See you later."

Niyakap niyang muli ang anak bago tumayo. Matapos ay naglakad na sya palabas ng office nito.

Paglabas ng ina, bumalik si France sa desk niya at tinuloy ang pag dial sa number ni Byul.

Nang mag-ring ito, agad naman nitong sinagot ang tawag nya.

.

"Oh bro? Sup?" bungad ni Byul pagkasagot sa tawag ni France habang kasalukuyang nagda-drive papunta sa bagong bukas na shop ng kapatid.

"Eodiya? (Where are you?) Still at work?" tanong sa kanya ng nasa kabilang linya.

"Ani. (No.) Kalalabas ko lang. Nagpapasundo si Cleeone sa shop niya eh. Nasa BlackLabel daw kasi car niya. Wae? (Why?) "

"Oh right timing! Iinvite ko sana kayo ni Cleeone sa family dinner later. Just like old times."

"Ahh oo sige pupunta kami. Mukhang may celebration na naman yata ah? I'm sure it's about Lemint', am I right?" Pagkukumpirma nya dito.

"Ofcourse! Para saan pa ba? You know that Lemint' is like a part of our family substituting dad."

"Yeah I know. Sige sige. We'll go. Magbibihis lang kami then tuloy na kami sa mansion. Nandyan ka na ba?"

"Nope. Pauwi palang ako. Nasa office pa ko."

"Oh okay. Ingat nalang. May ibibilin ka ba? Baka may gusto ka ipabili. Pwede kaming dumaan saglit sa grocery. Puwera lang si Euwan ah. You know we can't bring him there." natatawang sabi ni Byul sa kanya.

"I know. And I won't dare." ika naman ni France dito.

"Hahaha! Sabi ko nga eh! Sige bro. See you later nalang."

"Okay, 7 pm later. See you."

"Oookay." tugon ni Byul.

Huminto na sya sa tapat ng shop ng kapatid. Ibababa na sana nya ang tawag nang magsalita ulit si France.

"Hey bro! I almost forgot! I found Selene Jang already."

"Selene? Nugu? (Who?) " pagtataka niya sa sinabi nito pero narealized naman niya agad kung sino ang tinutukoy nito. "Ahh! Yeah! The girl you pranked! Jinja? (Really?) "

"Yeah. We'll talk about it later after the dinner. See you bro!" Pagpapaalam na nya dito.

"Okay. See yah!"

In-end na ni Byul ang tawag sabay baba sa kotse papasok sa shop ng kapatid.

Pagpasok niya, naabutan niyang nag aayos ng gamit ang kapatid niya.

"Oh you're here!" Bungad nito sa kanya habang abala sa pag aayos ng mga damit na nakasampay sa clothes rack doon.

"Still not finished arranging stuffs here?"

"Almost. Inuna ko kasi yung paglipat ng villa ni Euwan."

"Lumipat ulit siya? Kelan pa?"

"Just earlier when he arrived from Japan."

"Oohh dumating na nga pala sya noh? I saw it earlier on the news."

"Yeah. Nahirapan nga akong sunduin sya sa airport eh. Halos lamunin na sya ng fans. Parang hindi papalabasin ng buhay si Euwan."

Nagkatawanan naman silang magkapatid.

"Nga pala. Francesco is inviting us to their family dinner later at 7pm in their mansion. We need to go. Nakakahiya naman kay auntie Felice kung hindi tayo pupunta. Eh tayo lang naman laging dalawa ang bisita nila bukod sa lagalag mong alaga."

"What do you expect from Euwan? He never appeared in any of the invitations from auntie Felice."

"I know.

Napabuntong-hininga nalang si Byul dito.

"Nga pala, how's the preparation for Euwan's homecoming party?" pag uusisa ni Cleeone sa kapatid.

"I told them to decorate the cafe today so there's nothing to worry about. My Cafe is the best, you know? Hahaha!" pagmamalaki nya.

"Dapat lang noh! And I'm sure magugulat talaga si Euwan kapag nagkita sila ni Genesis doon. You know those two are best buddies since highschool. And that's why I chose your Cafe is because of him."

"Thanks to him then." Nagkatawanan sila. "Buti nalang talaga sa akin napili ni Genesis mag-work. His barista skills is exceptional!" pagpuri nya dito.

"Good for him! I expected he'll join Euwan sa pagiging trainee sa BlackLabel. But still, he managed to get a good career of his own."

"Yeah yeah." Pag sang ayon ni Byul dito.

"I'm done. Shall we go?" Pag aaya ni Cleeone.

"Let's go then!"

Sabay silang lumabas ng shop. Nauna nang sumakay si Byul sa kotse at sumunod naman sa kanya si Cleeone matapos i-lock ang pinto at gate ng shop nya.

Star Bean Cafe...

"We're done!!! Whaah sa wakas!" Nagbubunying sigaw ni Kat matapos nilang ayusin ang second floor ng Cafe.

Isa sya sa mga barista ng Star Bean na matagal nang nagtatrabaho dito.

Halos magtatakip-silim narin nang mayari sila sa pagdedecorate.

Nag inat inat si Charm matapos maikabit ang mga banderitas sa paligid ng silid. Halos maghapon din silang nagdedecorate kaya naman lahat sila ay hapong-hapo na sa pagod.

Matapos nilang maglinis ng mga pinaggamitan at pinaggupitang mga papel, bumaba na silang lahat at naupo sa pinaka mahabang table doon upang magpahinga.

"Job well done my co-baritas! Here's your Frappe made special for y'all!!" Sabay lapag ni Genesis ng mga Frappe sa harapan nila.

Si Genesis ang head barista ng Star Bean. At siya rin ang tumatayong area manager nito.

"Wow naman! Ang bait talaga ni chief oh!" paghanga ni Kat sa kanya.

Si Kat ang kanang kamay ni Genesis. Siya ang namamahala sa counter ng Cafe.

"Thank you sa masarap na Frappe, chief! " pasasalamat din ni Charm dito.

Masaya pa silang nagkwentuhan hanggang sa isa-isa na silang nagpaalam na umuwi.

"Uwi narin ako ate Kat, chief!" Paalam ni Charm sa kanila.

"Salamat sa ideas Charm! Maaasahan ka talaga sa decors!" pagpuri ni Kat sa kanya.

"Oo nga eh. Kung wala itong si Charm, malamang baka maging halloween party ang theme ng party ni Euwan Lee." dagdag pa ni Genesis dito.

"Hahaha! Responsibility ko naman talaga yon bilang barista ate Kat... chief. Sige po ah! Mauna na ako sa inyo!" paalam niya sa mga ito.

"Ingat ka sa pag uwi!" naunang paalam ni Kat sa kanya.

"Ingat Charm!" paalam ni Genesis sa kanya habang kumakaway dito.

Nag-abang na ng taxi sa tapat ng Cafe si Charm. Sakto namang may dadaan kaya pinara na nya agad ito at sumakay na dito.

.

.

Past 7 pm nang dumating ang magkapatid sa mansion ng mga Lee. Agad silang pinagbuksan ng gate ng guard doon at diretso nang pumarada sa loob.

Sa sobrang lawak ng mansion ng mga Lee, halos isang minuto rin bago nila marating ang mismong mansion na nasa bandang dulo ng mala isang-subdivision na lawak ng paligid nito.

Pagbaba nila, pinarada na ng driver ang kotse ni Byul sa parking lot sa bandang likuran ng mansiyon.

Pagpasok ng magkapatid sa main entrance, agad na sumalubong naman sa kanila ang butler ng pamilya at hinatid sila papunta sa living room.

Pagdating nila doon, naabutan nila ang mag-ina na kanina pa naghihintay sa kanila.

"Oh here they are!" bungad ng Chairwoman pagkakita sa kanilang dalawa.

"Bro! Cley! Sup?! " tumayo si France upang salubungin sila. Kapwa niya niyakap ang magkapatid.

"Hey bro! Good evening auntie Felice!" bati sa kanila ni Byul.

"Wow! You look so handsome Byul, iho. I missed that feminine face!" ika ng Chairwoman sa kanya na ikinatawa nilang lahat.

"Hi auntie Felice! Namiss ko po kayo! " sabay yakap naman ni Cleeone sa Chairwoman.

"Aww I miss you too, gorgeous! Grabe ah! Lalo ka yatang sume-sexy habang nagkaka edad. What's your secret? Share mo naman sa auntie!" paglalambing niya sa dalaga.

"Hay nako auntie Felice! Same lang tayong sexy and gorgeous noh! We're just born with it. "

Pareho naman silang natawa.

"Let's seat first! Pamaya-maya magdidinner na tayo." paanyaya ng Chairwoman sa kanila. Sumenyas ito sa butler para maihanda na ang hapunan nila.

Pagkaupo nila, masaya pa silang nagkamustahan bago kumain ng hapunan.

Pagkayari nilang maghapunan, nagkakwentuhan pa sila.

Magkasamang nag tsaa ang Chairwoman at si Cleeone sa living room habang ang mag bestfriend naman ay sa gilid ng pool nagkwentuhan habang umiinom ng wine.

"Here. Take a look. "

Inabot ni France kay Byul ang isang brown envelope.

Binuksan naman ito ni Byul at binasa ng malakas ang dalawang document papers na nakapaloob dito.

"Selene Jang. Female. 23 years old.... Ohhh matanda lang pala ng 1 year si Marcellane sa kanya eh." Binasa niya ang biodata nito at tinitigan mabuti ang 1x1 picture na nandoon. "She's familiar.." Napaisip sya bigla. Binasa niya pa ang ibang information at natigilan siya nang may madaanan ang mata nya na nakasulat dito. Pagkabasa nya dito, nanlalaki ang mga mata nya na bumaling kay France.

"I told you, bro. What a coincidence, right?! " Natatawang sabi ni France sa kanya.

"Seriously, Francesco?! Sa Cafe ko siya nagtatrabaho?!" gulat na tanong nito sa kanya.

"As stated there, yes. Kahit nga ako hindi rin makapaniwala eh. Bakit? Don't tell me hindi mo sya kilala? Siguro naman atleast na-meet mo na sya ng once or twice, diba? Since sa Cafe mo pala sya nagwowork."

"Yeah, she looks familiar pero madalang lang ako pumunta sa branch ko na yun sa Hannam-dong noh! Gosh! Your fate both is scaring the hell out of me! Of all the Cafes dito sa Korea, why mine?!" pagkamangha nito sa mga nangyayari.

"Hahaha yun na nga eh. But you know Byul, now that I have all the information that I need, all I have to do is meet Selene personally."

"So what do you want me to do? I will arrange a date for the both of you to meet?"

"Nope. Ako nang bahala don. Alam ko namang busy ka rin eh. For now, ako muna ang kikilos to meet her. Ang importante lang, alam ko kung saan sya makikita aside from her address."

"Okay. As you say so." sabay inom ni Byul sa glass wine nya. Then suddenly, may bigla nalang siyang naalala. "Oh wait! Bro I think I can help you with that!" excited niyang sabi dito.

"Huh?" nagtatakang tanong nito.

"May naisip akong date kung kailan mo sya pwedeng ma-meet."

"Huh? When?" - Francesco

"Cleeone will be hosting a celebration party on Saturday for Euwan's successful Japan concert tour at doon mismo sa Cafe ko sa Hannam-dong ang venue where Selene is working. If I will invite you there, you will meet Selene at sakto pupunta rin si Euwan doon kaya magkikita din kayo ni Euwan. Oh diba?! " mungkahi nito.

"You mean, I will go to Euwan's party to meet Selene and also him?" paglilinaw ni France.

"That's it! Oh diba? It's like hitting two birds in one stone!" masayang sabi nito.

"Thanks bro but I think I'll just ruin his night. Alam mo namang iniiwasan ako ni Euwan diba?"

"Malay mo naman! Matagal na panahon narin naman yon eh. And besides, Euwan became more matured after those years. Siguro naman kahit papaano namimiss nya din kayo ni auntie Felice. Nagkakataon lang din siguro na busy ang schedules nya kaya hindi sya nakakabisita sa mansion."

Nagkibit-balikat nalang si France sabay inom sa hawak nyang wine glass. Tinapik naman sya sa balikat ni Byul at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga.

~~~


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C8
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous