Agaser pov.
"a-anong ibigsabihin nito rey" tanong ko ng pagkakita ko sakanya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa ngayon ay nag halo halo na lahat ito.
"Sorry angelica, wala na akong choice. Sinabi ko naman sayo na ako lang ang maaasahan nila mama at papa diba. Pasensya na" paliwanag nito saakin habang hindi inaalis ang tingin nya sa mga mata ko, kitang kita ko doon ang lungkot.
"Hindi mo ako mahal rey?" Sabi ko na halos mapiyok na ang boses ko dahil sa pinipigilan kong iyak.
"Hindi mo ako mahal angelica?" Balik na tanong nito saakin habang nakatingin saakin hanggang sa mahinto ito sa baril na nakatutok mismo sa puso nya.
At ng tignan ko kung saang parte ng katawan ko nakatutok ang baril nya ay agad akong nanlumo.
Dahil ito ay derestyo sa ulo ko.
Na ano mang oras na kapag kinalabit nya ang baril nya ay sasabog ang utak ko.
"Hindi ko rin maiiwanan ang kapatid ko rey" maiiyak iyak na sabi ko sakanya.
Habang nakatingin ako sakanya ay unti unting nag flashback sa utak ko ang mga nangyari saamin.
Kung paano nya ako niligawan, pinasaya, sinaktan, pinakilig at kung ano ano pa.
Napangiti nalang ako sa sarili kong iniisip.
Hanggang sa itinutok kona derestyo sa puso nya ang ulo ng baril habang hindi inaalis ang tingin sakanya.
Ganoon din ang ginawa nya saakin, tinatansya nya ang ulo ng baril patungo sa ulo ko.
"Mahal na mahal kita rey"
"Mahal na mahal kita angelica" sabay naming bigkas.
"Alagaan mo ang kapitid ko rey"
Hanggang sa ipinikit nya ang mata nya at ipinikit ko nalang din ang mga mata ko at sabay ipinutok iyon.
Hanggang sa nang hina nalang ang katawan ko at nandilim na ang paligid ko, at ang huli kong nakita ay ang kapatid kong tumatakbo papunta saamin.